06. encounter

1634 Words
Nakayuko at nakapikit lang ako habang nakikinig sa lecture ni Shaudra. Nakahalukipkip ako habang ang mga paa ko ay nakapatong lang sa mababang mesa. Nasa malaking bulwagan kami. Araw ngayon ng huling pagsusulit. Sampu kami na nasa klase. Kabilang si Rhys na seryoso na nakikinig, alam ko. Matagal nang ganyan iyan kaya wala nang nakakapagtataka doon. "Lilith and Helivia," Tawag sa amin ni Shaundra. Dumilat ako. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. "Kayo ang una." Napabuntong-hininga ako saka tumayo. Maglalaban kami ni Helivia sa pamamagitan ng demonic abilities. Kung natatandaan ninyo ang batang babae na sinikmurahan ako noon, si Helivia iyon. Nag-iisang anak ni Flavius. Tss. Kaya pala ang lakas ng loob niya na maliitin ako. Dahil may katungkulan ang ama niya. Hindi ko rin siya tinuturing na pinsan. The feeling is mutual dahil galit din ako sa kaniya Magkaharap kami ni Helivia. Matalim niya akong tinitingnan na parang gusto na niya akong patayin. Blangkong ekspresyon sa mukha ang iginawad ko sa kaniya. Kita ko ang pagkuyom ng kaniyang palad. Sinugod niya ako. Kumawala siya ng isang suntok na agad ko din iniwas ang mukha ko. Hinawakan ko ang kamay niya. Binuhat ko siya gamit ay ang likod ko at walang sabi na binagsak ko siya sa sahig. Napadaing siya sa sakit. Mas lalo siya nag-ngingitngit sa galit sa ginawa ko sa kaniya. Wala akong pakialam. "Hindi ako magpapatalo sa iyo, Lilith." Mariin niyang sabi. I smirked. "Likewise. I don't have plans to lose, Helivia." Malamig kong sagot. Humiyaw siya na muli ninyo akong sinugod. Uunahan ko na siya. Malakas ko namang tinadyakan ang kaniyang sikmura. Napahiga siya. Sinuntok niya ang sahig dahil sa iritasyon. Agad siyang bumangon. Nilapitan niya ang rack kung nasaan ang mga espada. Kumuha siya ng dalawa. Hinagid niya ang isa sa akin na nasalo ko. Tinanggal niya ang takot ng espada. Hinagis niya kung saan ang takip nito. "I can say I am good enough to be warrior especially in swords." Mariin niyang sambit. Sumilay ang isang gilid ng aking labi. "Let's see..." Sagot ko pa. Inangat niya ang hawak niyang espada at sumugod ulit. Hayys, kahit kailan talaga ang babaeng ito walang magawa. Gagawa ng paraan para mapatay lang ako. Umilag ako. Tumalon ako. Umikot ako sa ere hanggang sa bandang likuran na niya ako. Hinampas ko sa batok niya ang dulo ng hawakan ng espada ko. Napadapa siya, kasabay na nabitawan niya ang espada niya at tumilapon sa medyo malayo. Kikilos pa sana siya nang binigyan ko siya ng sipa sa tagiliran para humarap siya sa akin kahit na nakahiga siya. Tinutok ko sa leeg niya ang pinakadulo ng talim ng hawak kong espada. Nanlaki ang mga mata niya sa aking ginawa. Isang malamig na tingin ang iginawad ko sa kaniya. "I thought you're good enough to hold a sword, hm?" Sarkastiko kong sabi sa kaniya. Hindi siya makasagot. Instead, I saw she gritted her teeth. Tinalikuran ko siya at bumalik na ako sa aking upuan. "Nice." Rinig kong kumento ni Rhys sa tabi ko. "Yeah." Sagot ko. Nagbulungan na ang ibang kasamahan ko. Kumawala ako ng isang maliit na buntong-hininga. Humalukipkip ako at yumuko ulit. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Inaantok na ako... ** Mag-isa akong naglalakad patungo sa tuktok ng burol. Kung saan ako madalas tumambay. May patay na puno akong natatanaw. Agad ko iyon nilapitan at umupo sa lilim. Isinandal ko ang aking likod at pinagmasdan ko ang paligid. Labing apat na taon na pala ang nakalipas. Parang kailan lang noong unang punta namin ni Rhys dito. Mamayang gabi, mag-uumpisa na ang seremonyas para sa mga ganap na assassin ng Host of Heaven. Wala akong planong gawin iyon. Ayaw na ayaw. Dahil hindi ako pinalaki ni tatay Raziel na maging kasing sahol ko ang ugali ni Flavius. Hinding hindi ko kakalabanin ang mga anghel dahil kung tutuusin pa nga ay mas gugustuhin ko pang maging tulad ni tatay pero wala na akong magagawa doon. Pasalamat ko nalang din dahil ipinanganak akong ganito. Ginawa ako ng mga magulang ko dahil sa pagmamahal. Hindi bilang cambion na gagamitin ng mga demonyo upang puksain ang mga angel. * Tulad ng inaasahan. Oras na para sa seremonyas. Nakasuot na ako ng itim na bestida na ipinatong ng itim na balabal. Nakadungaw lang ako sa bintana nang may narinig akong may nagbukas ng pinto ng silid na ito. Inaasahan ko na kung sino ang mga iyon. "Lilith," Rinig kong boses ni Rhys. Nilingon ko siya at sumilay ang ngisi sa aking mga labi. "Inaasahan na nga kita, Rhys." Sagot ko. Lumapit siya sa akin na may pag-aalala sa kaniyang mukha. "Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo? Na tatakas ka? Paniguradong hahabulin ka ng galamay ni Flavius." "Wala akong pakialam. Habulin niya ako hangga't gusto niya. Maglalaro lang kami ng tagu-taguan kahit saglit hanggang sa matagpuan ko si tatay." Sagot ko. Nagbuntong-hininga siya sa harap ko. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Ipangako mo sa akin na mag-iingat ka doon. Ikamusta mo ako kay tatay. Huwag kang mag-alala, walang mahihita sa akin si Flavius sa oras na nalaman niyang umalis ka." Tumango ako. "Ikaw din, mag-iingat ka..." Ngumiti siya at binigyan niya ako ng yakap. "Lilith," Tawag sa akin ni Alixa na nakatayo sa may pintuan. Naghihintay. Ako na ang kusang kumalas mula sa pagkayakap sa akin ni Rhys. "Aalis na ako, Rhys." Seryosong sabi ko. Tumango siya. Tinalikuran ko na siya at nilapitan si Alixa. Sa likod kami dumaan dahil wala masyadong nagbabantay doon. Sa paglabas namin ay may naghihintay na ang itim na kabayo na tingin ko ay inihanda iyon ni Rhys para gamitin sa pagtakas. Unang sumakay si Alixa. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin hanggang sa tagumpay akong nakasakay sa kaniyang likuran. Pinaandar niya ang kabayo sabay kumapit ako sa kaniyang damit. Hindi ko rin naman maaaring gamitin ang mga pakpak ko dahil mahahalata nila ako. "Ihahatid nalang kita hanggang sa portal, Lilith." Sabi niya sa akin. Hindi ko magawnag magsalita. Nag-iisip ako. Kung anong hitsura ngayon ng mundo ng mga mortal. Kung anong pagbabago doon. Kung ano ang una kong gagawin habang hahanapin ko si tatay doon. Hindi ko na rin kabisado kung saan ang bahay namin kung saan kami nakatira ni Rhys noong mga bata palang kami. Huminto ang kabayo sa sinasabing portal. Ako na ang kusang bumaba. Tumingala ako kay Alixa. "Kapag may oras ako, pupuntahan kita, Lilith." Sabi niya sa akin. Tumango ako biglang tugon. May inilabas siyang bagay mula sa kaniyang damit. Inabot niya iyon sa akin na siya naman tinanggap ko. Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Proteksyon iyan. Magliliwanag ang bagay na iyan sa oras na malapit na sa iyo si Flavius." Paliwanag niya. "Salamat dito, Alixa. Salamat din sa pagtuturo mo sa akin. Sa mga bagay sa mga kailangan kong matutunan." Sabi ko. "Kaligtasan mo lang ang inaasam ko, Lilith. Sana ay maging tagumpay ka sa inyong paglalakbay." Ngumiti ako at muling tumango. Tinalikuran ko na siya para puntahan ang portal hanggang sa tuluyan na akong pumasok. ** Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Mga tao na abala sa paglalakad, nakikipag-usap, nagsisigaw... May mga sasakyan... Mga matataas na gusali.... Humakbang ako palabas sa maliit at makipot na eskinita kung saan ako nakalabas mula sa nalusutan kong portal. Napaawang ang bibig ko, kasabay na tinanggal ko ang hood ng aking balabal. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Gabi ngayon dito sa mundo ng mga mortal... "Ang ganda..." Mahina kong bulalas. Ipinagpatuloy ko pa ang aking paglalakad. May iilang taon na tumitingin sa akin. Siguro dahil naiiba ang suot ko sa kanila... Wala naman akong magagawa dahil galing akong Impyerno. At wala silang pakialam kung anuman ang susuotin ko. Tumigil ako sa isang matayog na gusali. Nakikita ko na may mga sasakyang tumigil sa harap n'on. Kumunot ang aking noo. Pamilyar sa akin ang eksena na iyon. Parang... Teka, iyon ang ginawa ni tatay noong pumunta kami sa party noon. Sinubukan kong lumapit doon ngunit may humarang sa aking lalaki. "Ah, miss." Tawag niya sa akin. Taka ko siyang tiningnan. "Bakit?" "Guest po ba kayo o isa sa mga owner ng unit?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ba, hotel ito?" "Ha? Naku, condominium po ito." Condominium? Ano naman pinagkaiba niya sa hotel na napasukan namin noon nina Rhys at tatay? "Kung guest po kayo, sino pong bibisitahin ninyo?" Tumaas ang isang kilay ko."W-wala..." Pag-amin ko. "Naku, bawal po kayo pumasok dito. Maliban nalang kung guest po kayo o mismong may-ari ng unit." Pagtataboy niya sa akin. Wala akong magawa kungdi lumabas sa gusali na iyon. Lihim ko kinagat ang aking labi. Siraulong lalaking iyon. Kung hindi lang makasalanan na makapatay dito sa mundo ng mga mortal, siguro hindi na nasikatan ng araw ang isang ito. Tss. Nagpasya akong pumunta sa likod. Nilabas ko ang mga pakpak ko. Lumipad ako paakyat at naghanap ng bintana na walang kuwarto... I need shelter. Kailangan ko ng matutuluyan habang hinahanap ko si tatay. Binasag ko ang salamin ng malaking bintana. Pagdapo ang mga paa ko sa sahig ay itinago ko ang mga pakpak ko. Pinailaw ko ang mga mata ko. I scan the whole place. Tahimik at may mga kagamitan dito. Mukhang wala ang mag-ari. Humakbang ulit nang bigla akong nanghina. Napaluhod ako. Parang hindi ako makahinga. Napahawak ako sa aking leeg dahil parang sinasakal ako kahit wala namang tao dito... Napatingin ako sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nakaguhit sa sahig. Inilapat ko ang aking tingin sa kisame. Oh s**t! A Devil's trap! Biglang nagbukas ang mga ilaw. May isang lalaking nakatayo sa harap ko. He's wearing a pajamas, I think. Medyo magulo ang kaniyang buhok at nakasuot ng salamin... Nanlalaki ang mga mata niya nang makita niya ako. "D-Demonyo ka?" Tanong niya sa akin, there's an amusement drew all over his face! And, how did he know...? "Tama ba ako?" "Wh-who are you...?" Nanghihina kong tanong. Mas dumidikit ang katawan ko sa sahig. Parang may pandikit na hindi ako makaalis doon! Lumapit siya sa akin na parang tuwang tuwa siya sa kaniyang nakikita. "Harlan Ferretti. An archeologist. At the same time, a demon hunter..." A D-demon hunter?! Hindi ko na talaga kinaya... Kusa nang pumikit ang mga mata ko dahil sa sobrang panghihina... ▶▶
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD