Buong week naging usap-usapan ang nangyari sa hockey game and I am still angry dahil sa ginawang pananakit sa kaibigan ko. Mabuti na lang at hindi siya napuruhan at makakapaglaro pa rin siya. But, he’s taking a break kaya may mami-miss siyang games nila, that’s why medyo iritado siya. Dinalaw ko na rin siya sa ospital and I told him na didistansya muna ako sa kanya. Naguluhan siya ng una but he understands me naman. Natatakot na rin kasi ako na baka mapahamak pa siya ulit pag malapit pa ako sa kanya. Maybe I am destined not to have a friend. Okay lang, sanay na rin naman ako. Pagkauwi ko mula sa aking klase, nakita ko malapit sa pinto ang mga bagahe ng aking mga magulang na kukunin nila sa kanilang cruise. Matagal na nila itong plinano at deserve naman nila. It’s their way of celebrati

