Pinatuyo ko ng mabuti ang aking buhok matapos akong maligo. Nanood din ako ng tutorial kung paano maglagay ng maayos na wig sa aking ulo. Pinaghandaan talaga ni Lolo ang date namin ngayon. I do like to be seen with him as a couple at hindi ko magagawa ‘yon kung mukha ko siyang sugar daddy. I think I can make myself older with just the power of makeup ay sapat na. Pero ayoko naman na mag-iba talaga ang itsura ng aking mukha. Just a more mature version of myself. Kaya naman ang uan kong ginawa ay nag-pick ng look sa internet na babagay sa akin. Alam ko na rin namang mag-makeup dahil sa pagtuturo sa akin ni Katleya noong close pa kaming magkaibigan. May mga contact lenses din akong binili at pumili ako ng isa which has the reddish brown eye color. Nilagay ko ito at sinimulan ko ng i-prep an

