KABANATA 16

1840 Words
DEAL  Ang kaninang ngiti at saya na nararamdaman ni Aaliyah ay agad ding nawala nang makarating sa sariling condo.  Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga habang malungkot na inililibot ang tingin sa kabuuan ng silid. Namamayani ang katahimikan sa buong silid at tanging tunog lamang na nanggagaling mula sa orasan ang maririnig.  Nagtungo na ang dalaga sa kanyang kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama. Nakatitig lamang ang dalaga sa kisame ng silid habang nakabuka ang mga braso. Hindi na rin ito nag-abalang magtanggal pa ng sapatos at magpalit ng damit.  Ilang minuto pa ang nagdaan ngunit hindi natinag ang dalaga sa pagtitig sa kisame.  " At the end of the day, I am still alone. " mapait na sambit ng dalaga at ipinikit na ang mga mata. Kasabay ng pagpikit ng mga mata nito ay ang pagsisimulang tumulo ng kanyang ng mga luha.  SA KABILANG banda naman ay mataman pa ring nag-iisip si Manang Gresha tungkol sa pag-uusap nila ni Aaliyah.  Inaanalisa ng matanda kung ano ang mga maaaring maging epekto ng kanilang kasunduan kung sakali mang pumayag na siya sa inaalok na tulong ng dalaga.  Kung sakali mang pumayag ako ay hindi na ako mahihirapan pa sa kalagayan ni Gio at malaki ang tyansa na tuluyan nang makalimutan ni Gio ang babaeng iyon.  Ngunit hanggang ngayon ay matindi pa rin ang galit ni Gio kay Aaliyah kaya nasisiguro kong hindi ito papayag kapag nalaman na mayroong kinalaman si Aaliyah sa pagpapagamot sa kanya.  Nabalik lamang sa reyalidad ang matandang babae nang tapikin ni Mang Ramon ang kanang braso nito.  " Gresha, kanina pa kita tinatawag dahil kakausapin daw tayo ng doctor. "  " Ah ganon ba? Ako na lamang ang makikipag-usap sa doctor at manatili ka na lamang dito. Hindi ka naman kailangan don, dito ka na lamang at bantayan mo si Gio. " saad ng matandang babae at tumayo na upang magtungo sa opisina ng doctor.  Habang naglalakad si Manang Gresha sa hallway ay may nakabunggo itong isang babaeng nurse.  " Ano ba naman iyan at hindi ka tumitingin sa iyong dinadaanan paano kung isa ako sa mga pasyente--- "  Hindi na naituloy ng matandang babae pa ang sasabihin ng mag-angat ng tingin ang nurse na nasa kanyang harapan.  Napaawang ang mga labi ng matanda ng makita ang mukha ng babae. Nababalot ang mukha ng dugo at may umaagos na dugo na nagmumula sa noo nito.  " Azalea. " mahinang sambit ni Manang Gresha habang unti-unting naglalakad paatras.  Sa bawat pag-atras ng matanda ay kasabay nito ang unti-unting paglapit ng dalaga.  Nanginginig ang mga kamay ng matanda ngunit patuloy pa rin ito sa pag-atras hanggang sa tumama ang likod ng tuhod nito sa upuan. Patuloy pa rin sa paglapit ang dalaga sa matanda. Nakatitig lamang si Manang Gresha sa dalaga at mababakas ang takot sa mata nito lalo na noong tuluyan nang nakalapit ang dalaga sa kanya.  " Ma'am, are you okay? " pagtawag pansin ng dalaga sa matanda.  Hindi sumagot ang matanda at nanatiling nakatitig lamang sa dalaga. Ikinaway naman ng dalaga ang kamay sa harapan ng matanda ngunit nakatulala pa rin itong nakatitig sa kanya kaya mahina nitong tinapik ang kaliwang braso ng matanda.  " Ma'am? Ma'am? " tawag ng dalaga sa matanda habang dahan-dahan pa ring tinatapik ang braso ng matanda.  Nabalik naman sa reyalidad ang matanda at sandaling ipinikit ang mga mata bago muling nagsalita. Sa muling pagmulat ng matanda ay wala na ang kaninang naaaninag niyang mukha ni Azalea. Wala na rin ang dugong bumabalot sa mukha ng dalagang nasa harapan niya ngayon.  " Naku, ma'am pasensya na po kayo sa nangyari kanina. Nagmamadali po kasi ako kaya hindi ko po kayo napansin. Pasensya na po, talaga. " hinging paumanhin ng dalaga sa matandang babae.  " H-huh? " naguguluhang tanong ni Manang Gresha sa dalagang nasa harapan at hindi pa rin maalis ang titig niya rito.  " Nasaktan po ba kayo? Pasensya na po talaga. " nag-aalalang tanong ng dalaga sa matanda.  " H-hindi okay lamang ako. Pasensya n-na rin at h-hindi kita agad napansin. " wala sa sariling pagsagot ng matanda sa tanong ng dalaga.  " Sigurado po ba kayo? Para po kasing masyado kayong nagulat kanina, gusto niyo pa bang dalahin ko kayo sa--- "  " Naku hindi na hija. Masyado lamang talaga akong maraming iniisip kaya kanina ay napagkamalan kitang isang kakilala. " paliwanag ni Manang Gresha sa dalaga.  " Ganon po ba? Sige po at maiwan ko na kayo rito at may kailangan pa po kasi akong gawin. Pasensya na po talaga. " nakangiting paalam ng dalaga sa matanda.  Hindi naman magawang ngumiti pabalik ni Manang Gresha dahil hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin siya sa nangyari kanina.  Hinabol tingin niya lamang ang dalagang ngayon ay naglalakad na palayo sa kanyang kinaroroonan.  Ano ba itong nangyayari sakin? Masyado na yata talaga akong maraming iniisip.  Ilang minuto pa ang pinalipas ng matanda bago tumayo sa kinauupuan at nagsimulang maglakad patungo sa opisina ng doctor.  NANG makarating sa tapat ng opisina ng doctor ay agad nang kumatok ang matanda.  " Come in. " rinig niyang sagot ng doctor kaya pinihit na ng matanda ang seradura ng pinto at pumasok sa loob ng silid.  Nang makita naman ng doctor ang bisitang pumasok ay tumayo ito at ngumiti.  " Good day, Miss Candelaria. Have a seat please. " nakangiting iginiya ng doctor ang matanda sa upuan.  Sumunod naman ang matandang babae sa sinasabi ng doctor at agad nang umupo sa isang bakanteng upuan sa harap ng lamesa.  Nang makaupo na si Manang Gresha sa upuan ay agad itong humarap sa doctor at nagsalita.  " Kaya niyo ba ako ipinatawag ay para tanungin ang tungkol sa inaalok niyong tulong? " diretsahang tanong ng matanda sa doctor.  " Well, as you can see Mr. Alferez' condition is getting worse. He's having lots of hallucinations that can lead him to be violent just like what happened the last time. He needed to be treated immediately to prevent worst scenarios. " paliwanag ng doctor kay Manang Gresha.  " Pasensya na ngunit hindi ko matatanggap ang tulong na inyong inaalok dahil mas gusto ko na isang mapagkakatiwalaang-tao ang hingan namin ng tulong. "  " It's okay, I just want the best for my patient. I understand if you are having doubts. If you want to transfer him to a better hospital who can attend to his concerns, just tell me so we can arrange that. " nakangiting saad ng doctor sa matanda.  " Maraming salamat. " nakangiting saad ng matanda sa doctor at nagpaalam ng babalik sa silid ng binata.  Nang masiguro ng doctor na nakaalis na ang matandang babae ay agad nawala ang ngiti nito. Naging seryoso ang mukha nito at agad na kinuha ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at may tinawagan.  SA KABILANG banda naman ay nasa isang malaking silid ang isang dalaga at naglalaro ng darts. Napatigil lamang ito sa paglalaro nang tumunog ang kanyang cellphone.  Ibinaba ng dalaga ang hawak at nagtungo sa bar counter ng silid upang kuhanin ang cellphone.  Nang makita kung sino ang tumatawag ay napangisi ito at agad na sinagot ang tawag.  " She declined my offer. " panimula ng nasa kabilang linya.  Tumawa ang dalaga sa narinig na sinabi ng nasa kabilang linya.  " Inaasahan ko na iyan. Patuloy mo lamang bantayan ang mga kilos nila at siguraduhin mong hindi ka nila paghihinalaan. " utos ng dalaga sa kausap sa kabilang linya.  Hindi na hinintay pa ng dalaga ang sagot ng nasa kabilang linya at agad na ring pinatay ang tawag.  Nakangiting ibinaba ng dalaga ang cellphone sa lamesa at nagsalin ng alak sa baso.  " Hindi ka talaga nakakasawang kalaro Manang Gresha dahil masyado kang magaling makipaglaro. " saad ng dalaga bago sumimsim ng alak.  " Kaya lang sa larong ito, sisiguraduhin kong ako ang mananalo. " nakangiti nitong saad pagkatapos ay sinundan ng isang nakakakilabot na tawa.  NANG makapasok si Manang Gresha sa loob ng silid ni Gio ay agad naman siyang nilapitan ni Mang Ramon.  " Ano ang sabi ng doctor Gresha? " tanong ng matandang lalaki ng makalapit kay Manang Gresha.  " Ipinaliwanag niya lamang ang kondisyon ni Gio. " sagot ng matandang babae.  " Iyon lamang ang sinabi ng doctor? Wala ng iba pa? " pag-usisa ng matandsng lalaki sa matandang babae. Napabuntong-hininga si Manang Gresha at nagtungo sa kama ng binata. Hinahaplos-haplos niya ang buhok ng binata bago muling nagsalita.  " Hindi ko tinanggap ang tulong na inaalok ng doctor na iyon dahil hindi ako panatag sa kanya. "  " Ano? Doctor iyon Gresha! Alam niya ang dapat gawin para sa ikabubuti ni Gio. Huwag mong sabihing talagang tatanggapin mo ang tulong ng babaeng iyon, Gresha? " hindi makapaniwalang bulalas ni Mang Ramon sa naging pahayag ni Manang Gresha.  " Napag-usapan na natin ito, Ramon. Huwag mong sabihing makikipagtalo ka na naman sa akin? "  " Dahil gumagawa ka na naman ng maling desisyon! " mariing saad ni Mang Ramon sa matandang babae.  " Mas gugustuhin kong tanggapin ang tulong na inaalok ni Aaliyah sa atin dahil alam kong hindi niya hahayaang mapahamak si Gio dahil alam nating mahal niya si Gio. "  Hindi na sumagot si Mang Ramon sa naging paliwanag ni Manang Gresha dahil aminin man niya o sa hindi ay may punto naman ang sinasabi nito.  Ilang minuto lamang ang lumipas ay napagdesisyonan na ni Manang Gresha na tawagan ang dalaga.  NABALIK sa reyalidad si Aaliyah nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Naiirita itong kinuha ng dalaga ngunit ng makita ang pangalan ng numerong tumatawag ay napangiti ito. Sinagot na ng dalaga ang tawag at nagsalita.  " Yes, Manang Gresha? I hope you have a good news for me. " nakangiti nitong tanong sa nasa kabilang linya.  " Magkita tayo bukas ng alas nueve sa coffee shop sa tapat ng hospital. Ibibigay ko na ang sagot ko tungkol sa inaalok mong tulong. "  Napangiti naman ang dalaga sa sinabi ng matanda dahil nasisiguro niyang pumapayag na ang matanda sa tulong na kanyang inaalok.  " At last, Manang Gresha! So see you tomorrow, I guess? " nakangiti pa ring saad ng dalaga pagkatapos ay pinatay na ang tawag.  " Finally, I can be happy. "  KINABUKASAN ay saktong alas nueve ay naroon na si Aaliyah sa lugar kung saan sila magkikita ni Manang Gresha.  Nakangiting naglalakad ang dalaga at nang makita ang matandang babae na nakaupo sa upuan at umiinom ng kape ay mas lalo siyang napangiti.  Nang makarating sa kinaroroonan ng matanda ay agad siyang naupo sa bakanteng upuan sa tapat ng matanda.  " So, Manang Gresha, tell me what your decision is. I'll gladly listen. " " Alam kong alam mong pumapayag na ako sa tulong na inaalok mo ngunit gusto kong malaman ang tunay mong rason kung bakit mo ito ginagawa. "  Tumawa ang dalaga sa narinig na tanong ng matanda ngunit agad din namang sumagot.  " I am doing this for myself and for Gio. I am tired of being alone, Manang Gresha. I am also doing this for Gio's sake 'cause I cannot bear to see him suffering because of that girl. "  Hindi naman nagsalita si Manang Gresha sa narinig na pahayag ng dalaga sa halip ay matiim niya itong tinitigan at hinintay pa ang iba pang sasabihin.  " You know that I still love Gio, Manang. I am doing this because I love him and I want to help him. " paliwanag ni Aaliyah kay Manang Gresha.  Napabuntong-hininga na lamang ang matanda at diretsong tinignan ang dalaga.  " Pumapayag na ako ngunit siguraduhin mong hindi mapapahamak si Gio sa gagawin mo. " 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD