KABANATA 17

1555 Words
CONSPIRACY  HABANG wala si Manang Gresha sa hospital ay may isang estranghero ang nag-aabang malapit sa silid ni Gio.  Naghihintay lamang ito ng tamang pagkakataon bago pumasok sa silid.  Kalahating oras na itong naghihintay ngunit matiyaga pa rin itong naghahanap ng tamang pagkakataon na lumabas ang matandang lalaki sa silid ng binata.  Makalipas pa ang sampung minuto ay nakita ng estranghero ang matandang lalaki na lumabas sa silid ng binata. Nang makita ito ay agad siyang yumuko at nagkunwaring nagbabasa ng dyaryo.  Nang tuluyan ng makalampas ang matandang lalaki ay agad ng tumayo ang estranghero at inayos ang sarili.  Dahan-dahan itong naglakad papunta sa silid ng binata at nang makarating sa tapat ng pinto ay sinigurado niya munang wala ang dalawang matanda sa paligid.  Nang masiguro iyon ay dahan-dahan itong pumasok sa silid ng binata. Nang makapasok sa silid ng binata ay nagsuot ito ng takip sa mukha at naglakad ng walang ingay.  Sakto namang tulog ang binata kaya madali lamang nitong nagawa ang misyon. Ito ay ang iwanan ang plorerang may lamang pulang rosas sa gilid ng kama ng binata.  Nang magawa ito ay agad na ring umalis ang estranghero at dumiretso sa fire exit ng palapag.  Nang makarating sa fire exit ay agad nitong inilabas ang cellphone at may tinawagan.  " Nagawa ko na ang ipinag-uutos mo at sinigurado kong hindi ako makikita ng dalawang matanda. " saad ng estranghero sa kausap sa kabilang linya.  " Magaling. Ipapadala ko na agad ang kabuoang bayad mo. "  " PUMAPAYAG na ako ngunit siguraduhin mong hindi mapapahamak si Gio sa gagawin mo. " saad ni Manang Gresha habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Aaliyah.  Bahagya namang natawa ang dalaga sa naging pahayag ng matanda.  " Of course Manang Gresha. Hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit kay Gio, so trust me on this Manang. " sumimsim ang dalaga ng kape.  " Katulad ng sinabi ko sayo Manang Gresha, wala akong pakialam kung ano ang totoong rason mo kaya mo ito ginagawa. As long as we have the same goal, wala tayong magiging problema. " ngumisi ang dalaga sa matanda.  " Kung ganoon ay sabihin mo sakin ang lahat ng plano mo para alam ko kung ano ang dapat kong sabihin kay Gio kung sakali mang magtanong siya. " saad ng matanda.  " As of now, naghahanap na ako ng doctor na makakatulong sa kondisyon ni Gio. " panimula ng dalaga.  " Sigurado ka bang hindi tayo ipagkakanulo niyang doctor na kukuhanin mo? " tanong ng matanda.  " Of course, Manang. Pera lang naman ang katapat niyan, kayang-kaya kong gawan ng paraan iyang tungkol sa bagay na yan. " nakataas ang kilay na sagot ng dalaga sa matanda.  " Kung ganon anong maitutulong ko sayo? " tanong ng matanda sa dalaga.  Ngumisi muna ang dalaga bago nagsalita.  " Handle Gio for awhile. He's mad at me kaya mahihirapan akong kumbinsihin siya na magpagamot lalo na kung malalaman niyang ako ang naghanap ng doctor para sa pagpapagamot niya. Kaya ikaw na ang bahala kung paano mo gagawan ng paraan iyan, Manang Gresha. "  Tumango naman ang matanda sa naging pahayag ng dalaga.  " Also, regarding Mang Ramon, make sure that he's on our side. " saad ng dalaga.  " Paano ang mga kaibigan ni Gio? Hindi ba makakasagabal sila sa ating plano? "  " I can handle Jared, but I am not sure with Henric so you also handle him. " sagot ng dalaga sa matanda.  Nagpatuloy lamang sa pag-uusap si Aaliyah at Manang Gresha hanggang sa magkasundo sila.  " Remember Manang Gresha, our main goal is to protect Gio and to get rid of that b***h in his memories. "   Pagkatapos ng pag-uusap nila ay bumalik na si Manang Gresha sa hospital.  NANG makapasok sa silid ni Gio si Manang Gresha ay sakto namang gising na ito at nakaupo sa kama.  Nakaharap lamang ang binata sa balkonahe at nakatitig doon.  " Gio, hijo. " tawag ni Manang Gresha sa binata ngunit hindi man lang ito nagpakita ng reaksyon sa halip ay nanatili pa ring nakatingin sa balkonahe.  Napabuntong-hininga na lamang ang matanda at dahan-dahang lumapit sa binata.  Nang makalapit sa binata ay marahan nitong hinalikan ang ulo ng binata at hinaplos ang buhok nito.  " Makakalimutan mo rin siya Gio. Makakalimutan mo rin siya, malapit na, hijo. " bulong ng matandang babae sa sariling isipan.  Habang patuloy pa rin sa paghaplos ang matanda sa buhok ng binata ay aksidenteng napabaling ang tingin nito sa plorerang nasa kaliwang bahagi ng hinihigaan ng binata.  Itinigil ng matanda ang ginagawang paghaplos sa buhok ng binata at lumapit sa kinaroroonan ng plorera.  Nang makalapit doon ay kumuha ang matandang babae ng isang tangkay ng rosas. Pulang-pula ang kulay nito at halatang bagong pitas lamang.  Napakunot naman ang noo ng matandang babae ng may malaglag na isang maliit na papel mula sa plorera. Dahil dito ay muling ibinalik ng matanda ang rosas sa plorera at yumuko para pulutin ang papel na nahulog.  Pinulot ito ng matanda at binasa ang nakasulat doon.  " See you in hell, Manang Gresha."   Mahinang binasa ng matanda ang nakasulat sa papel at nang mabasa ito ay agad niya itong nilamukos.  " Gresha, narito ka na pala. " saad ni Mang Ramon na ngayon ay kapapasok lang ng silid.  Lumingon naman si Manang Gresha kay Mang Ramon at tinanong ito.  " Kanino nanggaling ang mga rosas na ito? " tanong ni Manang Gresha sabay turo sa mga rosas na nasa plorera.  Napakunot naman ang noo ni Mang Ramon bago nagsalita.  " Wala iyang mga rosas na yan kanina bago ako lumabas para bumili ng makakain. " sagot ng matandang lalaki habang nakakunot pa rin ang noo.  " Sa susunod ay huwag na huwag kang aalis dito ng walang kasama si Gio! Kahit kailan talaga Ramon hindi mo ginagamit iyang utak mo! " naiinis na saad ng matandang babae.  Tumango na lamang si Mang Ramon at hindi na nagsalita.  " Itapon mo ang mga rosas na iyan ngayon din pati na iyang plorera! " utos ni Manang Gresha kay Mang Ramon habang nakakuyom pa rin ang kamao.  " Kung sakali mang buhay ka pa, gagawan ko ng paraan para hindi ka makalapit kay Gio. Hindi mo kilala ang kinakalaban mo. " bulong ni Manang Gresha sa kanyang isipan habang mariing nakatitig sa balkonahe.  SAMANTALA pagkatapos naman ng pag-uusap ni Aaliyah at Manang Gresha ay agad namang pinuntahan ni Aaliyah ang isang malapit na kaibigan.  Nang makarating sa tapat ng pinto ng condo ng kaibigan ay inilabas ng dalaga ang cellphone at tinawagan ito. Ilang segundo lamang ang lumipas ay sinagot na ng nasa kabilang linya ang tawag.  " I am here in front of your door. Let me in. "  Pinatay na ng dalaga ang tawag at hindi na hinintay pa ang sasabihin ng nasa kabilang linya.  Wala pang isang minuto ang nakakalipas magmula ng pinatay ng dalaga ang tawag ay bumukas na ang pinto.  " Anong ginagawa mo rito? "  Hindi pinansin ni Aaliyah ang tanong ng kaibigan sa halip ay itinulak ito ng bahagya at pumasok na sa loob ng silid.  " I told you, I need your help. " saad ng dalaga ng makaupo sa isang couch.  " Kung ano man iyang pinaplano mo ay itigil mo na iyan. Walang mabuting maidudulot iyan sayo. "  Tumawa lamang ang dalaga sa narinig na pahayag ng kaibigan.  " Oh come on. Nangako ka noon sakin na tutulungan mo ako at ngayon ko kailangan ang tulong mo. " saad ni Aaliyah ngunit tinitigan lamang siya ng kaibigan at bumuntong-hininga.  " I really need your help. Ginagawa ko lang ang bagay na ito dahil gusto ko ng maging masaya, so help me please. " pakiusap ng dalaga sa kaibigan.  " Ano ba ang kailangan kong gawin? " Napangiti naman ang dalaga at sa sobrang saya ay lumapit ito sa kaibigan at niyakap ito.  Nang humiwalay si Aaliyah sa kaibigan ay nakangiti siyang nagsalita.  " Ang kailangan ko lang namang gawin mo ay ihanap ako ng isang mapagkakatiwalaang doctor at pagkatapos noon ay ako na ang bahala sa lahat. " pagpapatuloy ng dalaga sa pagsasalita.      " Ano ba ang pinaplano mo? "  " Well, I want to make Gio mine and to get rid of that b***h in his memories. Dahil sa babaeng iyon ay naghihirap si Gio kaya gagawin ko ang lahat mawala lang sa isip niya ang babaeng iyon. " seryosong saad ng dalaga.  " Tigilan mo na si Gio. "  " NO! Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko! Ngayon pa na isa na si Manang Gresha sa mga kakampi ko, mas mapapadali na ang plano kong makuha si Gio. " mariing saad ng dalaga.  Sinundan ni Aaliyah ang kaibigan nang hindi ito sumagot at maglakad lamang papalayo sa kanya.  Patuloy lamang siya sa pagsunod sa kaibigan hanggang sa makarating sila sa kusina.  " Paano ka nakakasiguro na kakampi mo nga si Manang Gresha? "  " 'Cause we have the same reason why we are doing this, to protect Gio and to get rid of that girl. " sagot ni Aaliyah.  " Hindi ba't patay na ang babaeng tinutukoy mo? "  Naikuyom ni Aaliyah ang mga kamao at mariing tumitig sa kaibigan.  " I know, but she is still intact in Gio's memories and I hate it. Kailangan niyang mawala ng tuluyan sa buhay ni Gio. " saad ng dalaga.  Nang hindi agad magsalita ang kaibigan ay muling nagsalita si Aaliyah.  " Just help me on this one, and after this, kung hindi man gumana ang plano ko at hindi ko pa rin makuha si Gio ay titigil na ako. Hindi ko na siya guguluhin, pangako. "  " Fine, I'll help you. Just make sure na walang madadamay at mapapahamak a gusto mong gawin. "  Ngumiti si Aaliyah sa narinig na sagot mula sa kaibigan.  " Thank you, Jared. " 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD