LSA30: 019

2250 Words
It is Saturday today. This is my supposed free day ngayong araw, ang kaso nga lang, hindi ako makakapagpahinga na ako lang like I used to. It is already nine in the morning at tulog pa sana ako sa mga oras na ‘to pag I know na free day ko dahil sinusulit ko talaga ang araw ng aking pahinga. Nagigising lang ako pagtanghali na at ramdam ko na ang gutom. Pero binulabog ni Lery ang tulog ko kanina, inaayaya agad ako na kumain ng late breakfast ko para mahaba-haba raw ang movie day ngayon. Nakakatawa lang, kasi inaya niya ako, pero hindi siya ang kasama ko rito sa kusina para kumain ng aking late breakfast. Also, I didn’t expect naman na kasali pala ako sa mga plano na pinag-uusapan nila kagabi. I thought sila-sila lang tulad ng dati, pero hindi naman pala.   As far as I remember, nag-usap-usap lang sila kagabi sa gagawin nila sa susunod na araw. While me, I am busy reading a book na pinahiram sa akin ni Sweden. It is an action-packed story written by itsmeblackSG na may pamagat ay Blind Eyes. I am not into this kind of genre pero binasa ko pa rin, kasi I am curious about the title itself. Though I am not a fan of reading books, kasi I preferred watching movies, doon ako mas nag-i-enjoy at naa-appreciate ang story. Pero wala namang masama na basahin siya kaya hiniram ko na, kasi wala rin naman akong pwedeng gawin para aliwin ang sarili ko. Maganda naman ang nilalaman ng libro kahit nakakalito minsan ang story pero worth to read naman. I am excited to read the book two entitled Blood and Flesh, kasi sabi ni Sweden na mas nagiging exciting ang story sa pangalawang yugto ng kuwento.   So, while reading, hindi ko maiwasan na marinig ang mga pinag-uusapan nila that time. Hindi naman nila ako tinatanong at kinakausap sa mga oras na ‘yon kaya inaakala ko ay hindi ako kasali sa mga binubuo nilang plano. Hindi rin naman ako ‘yong tipo ng tao na magtatampo, kasi hindi sinama o kung ano man ng mga kasama ko. Hindi rin ako nagtanong kung anong pinag-uusapan nila kahit rinig na rinig ko naman. Tahimik lang talaga ako hanggang sa naisipan ko na ring matulog at mauna na sa kanila. Wala ni isa sa kanila ang nagyaya sa akin para sa plans nila bukas kaya hinayaan ko na rin. That is why I am so shocked to know na ginising ako ni Lery dahil sa napag-usapan nila kagabi na ang araw na ‘to ay para sa movie marathon, which is movie day nga.   But still, she is unbelievable sapagkat inaya rin niya akong bumaba pero agad naman niya akong iniwan. Buti na lang din ay may kasama ako ngayon para kahit papaano ay hindi nakakawalang gana kumain dahil mag-isa ako. Minsan ayaw ko na mag-isa ako, pero minsan gustong-gusto ko. Depende rin sa mood kaya hindi ko rin minsan maintindihan ang aking sarili unlike before.   “Pasensya na sa ginawa ni Lery,” turan ni Poland sa akin makalipas ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa.   Siya kasi kasama ko ngayon sa kusina, nasaktong may kinuha rin siya kaya nag-stay na lang para makasama ako. Sinamahan niya rin ako habang kumakain ako ng late breakfast kaya ay kumakain siya ng snacks. Wala kasi ang iba at siya lang din ang nagkusang nagsabi na samahan daw niya ako para hindi ako magmukhang loner habang kumakain. Bigla rin kasing umalis agad si Lery kaya kami na lang dalawa ang magkasama ngayon.   “Okay lang,” sabi ko agad sabay ngiti sa kaniya. “Though nagulat lang ako at the same time at naninibago. Hindi kasi ako sanay na may gumigising sa akin knowing na rest day ko.” Pag-amin ko pagkatapos.   Hindi kasi talaga ako sanay na may gumigising sa akin, madali akong magising lalo na pag-alam kong may lakad ako. Even though magkakasama kami nina Gold and Gen sa iisang penthouse ay never pa nila akong ginising especially when they know na free day ko o rest day. Because they respect my rest, kasi madalas lang akong makapagpahinga ng maayos. Hinahayaan lang nila ako kung gusto kong matulog buong araw at gabi. Ikanga nila I need a lot of sleeps kasi busy akong tao at sa rest day lang ako nagkakaroon ng masarap na tulog.   Hindi ko rin naman alam na hindi pala uso ‘yong ganoon dito. Though hindi naman din nila alam still dapat hindi pa rin nila ginawa. Maybe I will tell them na huwag ng ulitin kasi hindi ko alam kung kailan ako magiging ganito. Sometimes pa naman nagiging bitchy ako pag naiinis na ako o pag nabibitin ang aking tulog o napuputol. Walang preno kumbaga minsan ang aking bibig kahit nakakasakit na ako ng damdamin ng ibang tao. I don’t want to hurt someone’s feelings pero hindi ko talaga mapigilan talaga minsan. I won’t change myself for being like this—I love being a straightforward person. Ayoko kasi ng pasikot-sikot as much as possible.   “Ganoon kasi talaga si Lery. She doesn’t want na may na-le-left behind lalo na’t nasa iisang bubong lang naman tayo.” Habang kumakain pa rin siya.   Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti sa narinig ko mula sa kaniya. Dahil doon ay ngumiti rin ‘to sa akin bago binalik ang atensyon nito sa kaniyang kinakain at ganoon din ako.   I never felt naman din na outcast sa kanila especially pag si Lery ang kasama. Para nga talaga kaming magtotropa eh. Parang feel ko rin na nag-aaral ako kahit hindi naman. Matanda ako sa kanila ng lima o anim na taon. Though hindi naman nila ‘yon pinaparamdam sa akin at never nilang pinag-usapan o binabanggit. Except nga lang pag lagi silang nagsasabi ng Miss sa akin o minsan pa ay Ma’am especially Lery na mahilig mang-asar. Pero keri lang kaysa naman sabihin ko na Ate Katheliya na lang—baka ma-issue pa kami. Tiyaga-tiyaga na lang. As much as possible ay ayokong magkaroon ng issue rito sa Hatoria University. Ayaw kong dungisan ang pinakaiingatan nina Tito Ichi.   “Ang lalim naman ata iniisip mo,” untag ng kaharap ko kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya.   Hindi ako nagsalita bagkus nginitian ko lang siya sabay iling. Napatingin ako sa plato ko at nagulat pa ako nang makitang wala na pa lang laman ‘yon. Kaya agad kong inangat ang aking tingin sa kaniya at nahuli ko pang nakatingin lang sa akin si Poland.   “Sorry, hindi ko napansin,” sabi ko na lang. “Akala ko ay meron pang laman.”   Kaya naman pala nasabi niya ‘yon. Mukha na siguro akong tanga sa kaniya. Hindi ko kasi talaga napansin na wala na pa lang laman plato ko. Pero sige pa rin ako nang sige sa paggalaw ng aking kutsara. Buti na lang hindi ako sumubo ulit baka mas lalo akong magmukhang tanga sa paningin niya.   “You are already thirty, right?” biglang tanong nito nang makatayo ako mula sa aking pagkakaupo.   Kakaisip ko pa nga lang about sa hindi nila pagbanggit sa edad ay bigla namang nagtanong si Poland sa akin. Hindi ko alam kung anong meron sa edad ko bakit tanong sila nang tanong. Napapansin ko lang din.   “Yeah,” sagot ko agad bago pumunta sa sink para hugasan ang aking pinagkainan.   Hindi naman ako na-offend sa tanong niya o makaramdam ng awkward, kasi totoo naman na thirty years old na ako. I cannot change it naman, and I am not planning to change it para bumata. I’m happy who I become now.   “Hindi pala tayo nagkakalayo ng age,” she said afterwards para mapalingon ako sa kaniya.   Sino ang tinutukoy niya?   “What do you mean?” kunot noong tanong ko agad sa sinabi niya sa akin.   Naninibago rin ako kasi bigla-bigla siyang nakikipag-usap sa akin na kami lang. Tahimik lang kasi lagi si Poland kahit minsan nakikisabay sa trip nina Lery. Though hindi naman siya nakakatakot kasama o nakakailang kasama, pero naroon ‘yong feeling na you know each other pero hanggang doon lang, walang deep connections. ‘Yong parang isang nakakagaan na kausap na stranger ang feeling ko sa kaniya while we are talking right now.   “I am already twenty-eight years old. Nag-second course,” sagot nito na aking ikinagulat.   Hindi kasi halata sa kaniya na twenty-eight years old siya. Parang kasing edad niya lang sina Lali at Cole. But I am wondering, bakit?   “Sipag mo para i-push ang second course.” Sabay ngiti ko.   Ano kaya ang meron bakit niya sinabi sa akin ang tungkol doon?   “My dream course eh, kaya gin-rab ko na,” ani pa niya kaya napatango na lang ako.   “Good to know. Masaya ako for you,” sabi ko na lang kahit gusto kong magtanong bakit hindi niya na lang kinuha noong una pa lang ang kurso niya ngayon. “At least, this time ay pinush mo na rin siya.”   Pero hindi ko na ginawa pa kasi alam kong sensitibong usapan na ‘yon. We are not that close para mag-usisa ako sa buhay niya. I don’t want to ask many questions din, kasi I have no right. Halata rin na ingat na ingat siya sa bawat sinasabi niya. I will wait na lang kung kailan siya magkukuwento sa akin kung darating pa ba ang pagkakataon na ‘yon.   “Ang tagal niyo naman ata.” Biglang dating ni Lery na kakapasok lang ng kusina.   Sakto lang din na tapos na akong hugasan ang pinagkainan ko habang si Poland ay tinapon lang ang sa kaniya. Nakalagay lang kasi sa pack lunch ang snacks niya. Order nila galing sa labas kaya hindi na siya gumamit ng plato at kutsara.   “Kakatapos lang namin. Bakit?” Habang nagpupunas na ako ng aking kamay. “Besides, hindi mo naman sinabi na magmadali after mo akong iwan na lang bigla.”   Nakita ko pa paano napailing si Poland sa narinig niya mula sa akin habang si Lery ay parang wala lang sa kaniya ‘yon. Masyadong focus ‘to sa kung anong gagawin namin ngayong Sabado.   “Ready na kasi ang movie room. Kayo na lang ni Poland ang kulang,” sagot agad ni Lery sabay lapit sa akin para ako ay hilahin sa kung saan ang movie room na sinasabi niya.   Dahil sa gulat ko ay nahila ko rin si Poland na naging dahilan kung bakit bumangga pa siya sa edge ng counter top. I mouthed sorry to her dahil sa nangyari. Ngumiti lang siya sa akin bilang sabi na okay lang ang lahat.   “Teka lang kasi, Lery,” I said pero hindi siya nakinig.   Hinayaan na lang namin si Lery na hilahin ako habang hinihila ko rin si Poland na hindi ko pa rin binibitawan hanggang ngayon. Nang makarating kami sa kwartong tinutukoy niya ay binitawan na rin ako ni Lery. Saktong pagbukas ni Lery ay siyang pagharap ng mga taong makakasama namin sa loob para manuod ng pelikula na gusto nilang panuorin. Nagtaka pa ako nang mapako ang tingin nila sa baba namin kaya napatingin kaming tatlo nina Poland at Lery kung saan sila nakatingin. Mabilis ko tuloy nabitawan ang kamay ni Poland na hawak-hawak ko pa rin pala. Ang malala pa ay kamay niya na mismo ang aking hawak instead sa wrist. Hindi ko alam na bumaba pala roon.   “Ahmm. Hi?” alanganing bati ko.   Hindi ko alam anong sasabihin ko knowing na iba ang unang tingin nila sa aming dalawa ni Poland. Nakakailang to be exact lalo na at hindi kami close dalawa tapos magkahawak kamay pa. Hindi ko tuloy alam anong tumatakbo sa isip nila ngayon.   “Hi,” bati naman agad ni Sulli. “Pasok kayo para makapagsimula na tayo mag-movie marathon,” sabi pa niya.   Napangiti na lang ako nang tipid. Awkward kasi talaga pag siya na ang nagsasalita. Minsan naman ay hindi ko na feel ang vibes niya depende rin sa sinasabi niya o inaakto. Parang anytime by now ay makakaaway ko siya—though I am not afraid of her. Masama naman din kasi ugali ko, kaso hindi rin kasi nakakatulong lalo na at dayo lang ako rito. Marunong naman kasi ako lumugar ng aking sarili pero hindi ako marunong mag-adjust ng ugali pag magiging bitchy siya sa akin. Hindi ko siya uurungan kung alam ko na hindi ko kasalanan at hindi ako ang nanguna.   “Tamang-tama. Mainit-init pa ang papanoorin natin ngayon,” excited na sabi ni Lery habang hinihila na naman ako, but this time, kasama na si Poland. “Matagal ko na ring gustong panuorin eh. Ngayon lang nagkaroon ng oras.”   Papaupuin pa sana niya ako sa gitna nilang lahat ngunit umayaw ako. Umupo ako sa pinakadulo malapit sa dingding na malapit lang din sa kanila. Sa kabilang dulo kasi si Sulli na nakaupo malapit sa pinto. Hindi ko na rin napansin ang ilan sa kanila kung saan na sila pumuwesto kasi nag-dim na rin ang light. Pinatay agad ni Lery nang makaupo na kami nina Poland bago siya umupo sa magiging puwesto niya rito sa movie room. Nabaling na rin ang atensyon naming lahat sa malaking flat screen tv nang i-play na nila ang movie na sinasabi ni Lery.   Sana naman ay I will enjoy kung ano man ang papanuorin namin ngayon.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD