LSA30: 018

2450 Words
"Are you talking about Doctor Satora Aban?" Baling ni Lery kay Savannah at tumango naman ang isa. “Sigurado ka ba na siya talaga?” alanganing tanong pa ng isa.   Sa klase ng tanong ni Lery ay mas lalong ayaw kong magpatingin. Parang may something sa doctor na binanggit niya ngayon lang.   “Bakit?” tanong agad ni Savannah sa naging tanong ni Lery. “She is a big help. Bawal tayong kumuha ng iba dahil baka ma-issue ang Hatoria University. Alam mo naman na monitored lately kung sino ang papasok at lalabas dito eh,” sagot nito pagkatapos.   “Sabagay, pero baka matuluyan si Miss Katheliya. Alam mo naman may pagka-witch ang isang ‘yon,” ani naman ni Lery na parang naninindig ang mga balahibo nito dahil sa pinag-uusapan nila na psychologist na pwedeng makatulong sa akin.   "Witch? May ganoon ba?" tanong ko sa aking isip.   “Stop.” Awat naman ni Lali.   Halatang naiirita na ‘to sa naging takbo ng usapan ng co-officers niya.   “Huwag niyong pangunahan. You are not her," sabi pa nito.   Sabay tuloy na napairap sina Savannah at Lery sa isa't isa.   "We are just helping." Depensa naman ni Lery.   "Yes. Besides, suggestion lang din naman 'yon if ever na gusto niya." Segunda naman ni Savannah.   “I will think about it,” agad kong sabi nang mabaling sa akin ang tingin ng apat.   Ayoko na ring pahabain pa ang usapan dahil simula pa lang alam ko na ayaw kong magpatingin.   "You should not attempt to recover from s****l assault on your own."   Mariing napatitig ako kay Lali sa sinabi niya. The way she said it ay parang urgent na magpatingin ako. Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil parang may napapansin siya sa akin kaya niya nasasabi ‘yon.    "I am not," I said.   "There are trained professionals available to assist and support you as you learn to cope with the physical, mental, and behavioral consequences of s****l assault." Sabay umayos siya sa pagkakaupo. "Ignore what Lery said about the psychologist we're discussing here. It's not going to help you."   “Hoy, President Lur!” Reaksyon naman ni Lery. “Ang sama mo sa akin.”   “Totoo naman din kasi sinasabi ni President Lur, Lery. Wala ka namang mabuting sasabihin eh. You and Dr. Aban don't get along, which is why you keep saying that," turan naman ni Cole.   “Grabe kayo sa akin.” Sabay sumimangot ni Lery.   "As mentioned earlier, kailangan mong magpatingin. As soon as possible." Sabay tayo ni Lali sa kaniyang kinauupuan.   “Akala ko ba huwag pangunahan, pero bakit parang nagmamadali ka pa?” kunot noong tanong naman ni Lery.   “Yes or no,” maikling sagot ni Lali na dahilan para ako ay magtaka sa kaniya.   Anong yes or no?   Agad kaming gumilid ni Cole nang dumaan sa gitna namin si Lali. Sinundan namin siya nang tingin hanggang sa tuluyan na nga ‘tong nakalabas sa opisina.   "Kung papayag ka ba raw o hindi sa suggest nina Savannah, Miss," ani naman ni Cole na nakatingin na pala sa akin.   Mukhang nahalata niya ang kalituhan sa akin kaya niya sinabi ‘yon. Agad naman akong napatango dahil nalinawan na ako kahit papaano.   “Bibili na lang ako ng pagkain,” usal ni Lery at tumayo na sa pagkakaupo. "You need to eat dahil may another batch na nilagay si Cindy sa table mo, Chancellor Katheliya."   Hindi ko tuloy maiwasan na mapairap na lang habang naglalakad na palapit sa table ko dahil halatang nang-aasar talaga si Lery sa akin. Agad ko ring nakita na kumapal lalo ang pinagpatong-patong na papel sa ibabaw ng lamesa na kanina ay one-fourth na lang.   “Walang katapusan ba ‘to?” reklamo ko na sabi nang makaupo na ako sa swivel chair.   “Meron, kung mamadaliin mo lahat,” sagot naman ni Savannah na nilinis ang mga nagkalat na pagkain sa sala ng opisina.   Nakita ko ring tumulong si Cole habang si Lery ay umalis na nga rito sa opisina. Nang matapos sila ay agad silang umupo sa couch na kaharap sa akin. Nakita ko pa kung paano makahulugang tinitigan ako ng dalawa.   “What?” hindi ko maiwasang itanong dahil nako-conscious ako sa klase ng tingin na pinupukol nila sa akin.   Parang may iisang isip silang dalawa kaya ganiyan na lang sila kung tumingin.    "I think she is the one," turan ni Savannah at lumingon kay Cole na tumatango naman agad. "This is interesting." Dugtong pa nito na ikinakunot na talaga lalo ng aking noo.   "However, there is a problem. A certain person would freak out if she found out about this," komento naman ni Cole.   “Who? Ano ba ‘yang pinag-uusapan niyo?” nagtatakang tanong ko sa kanilang dalawa.   Hindi ko talaga makuha kung anong pinag-uusapan nila habang ganoon pa rin sila kung tumingin sa akin. Mas naiilang ako lalo.   “Nothing,” sabay na sagot ng dalawa habang may mga ngiti sa kanilang mga labi.   Naiiling na lang ako at binalik na lang ang aking tingin sa aking trabaho. I can see sa relo ko na almost three o'clock in the afternoon na. Nakaramdam na rin ako ng gutom pero kaya pa naman tiisin. I am sure naman na hindi magtatagal si Lery sa pagbili ng food, kasi malapit lang ang cafeteria sa Chancellor's Office.   “Thanks, God! Tapos na rin!” masayang sigaw kong sabi nang makita kong tapos na lahat ng trabaho ko sa araw na ‘to.   Satisfied akong napatingin sa mga papel na nasa ibabaw ng lamesa. Pinaghiwalay ko ang hindi ko pinermahan, kasi ayaw ko ng proposal nila at ang napermahan ko na. I felt relieved knowing na may na-accomplished din ako ngayong linggo. Mukhang pwede na rin siguro akong magpahinga kahit isang araw man lang or half day man lang.   "Congrats sa 'yo, Chancellor Katheliya," sabi naman ni Lery na ikinairap ko.   Silang tatlo nina Savannah at Cole ay hindi na umalis pa rito sa opisina. Dito na sila tumabay pa kahit nasa kabilang dulo ang opisina ng Student Council Office. Nasa pinakadulo kasi ‘tong Chancellor’s Office habang nasa kabilang dulo naman ang sa kanila.   Hindi naman ako na-distract muli sa kanila lalo na sa mga tingin nila dahil minabuti kong mag-focus sa work ko especially na busog ako. Thanks to Lery, kasi tin-reat niya ako ng late lunch. Hindi naman din sila nag-ingay kasi may kaniya-kaniya ring ginagawa ang tatlo nang magsawa na sila kung tumingin sa akin. Mukhang ginagawa rin nila ang kani-kanilang trabaho as Student Council Officer using their smart phones. Kahit saan naman kasi sa Hatoria Unversity ay may WiFi talaga kaya convenient na gawin ang dapat nilang gawin kahit saan sila magpunta.   "Let's celebrate dahil naka-isang linggo ka na bilang Chancellor sa Hatoria University," dugtong pa niyang sabi.   “Dapat na ba akong kabahan?” tanong ko. “Mukha kasing hinihintay mo na sumuko ako before dumating ang isang buwan,” sabi ko pa.   Agad tuloy humagalpak nang tawa si Cole at Savannah sa aking sinabi kay Lery. Mukhang natumbok ko ata dahil sa klase ng tawa nilang dalawa. Habang si Lery naman ay parang pinagbagsakan ng lupa sa istura nito ngayon.   “Paano ba ‘yan, Lery? Talo ka na,” ani ng dalawa kay Lery na nakabusangot na.   Agad na ngumisi sina Cole at Savannah sabay lahad sa mga kamay nila sa harap ni Lery. Hinihintay na ibigay ni Lery kung ano man ang napag-usapan nilang tatlo.   “Pinagpustahan niyo ako?” hindi makapaniwalang tanong ko when I realized what is happening.   Agad namang tumango ang tatlo pero tinuro naman nina Savannah at Cole si Lery na mukhang pasimuno ng lahat.   “Kami, except kay President Lur. Hindi sana namin papatulan kaso masyadong makulit si Lery. Lahat naman ay versus sa kaniya.” Sabay ngisi ni Savannah.   "Ang dadaya niyo," naiinis na sabi ni Lery na halos sumayad na ang nguso sa sahig.   “Karma lang ‘yon sa ‘yo,” sabi naman ni Savannah. “Dahil diyan, ikaw na bahala sa isang linggong pagkain naming lahat.”   Mas lalo tuloy sumama ang mood ni Lery dahil doon. Hindi ko tuloy maiwasan na mailing na lang. Ang lalakas ng loob na magpustahan at mag-usap regarding about doon sa harap ko pa mismo.   “Ang lalakas ng loob niyo, ha? Nahiya naman ako bilang haliling Chancellor sa Hatoria University." With my sarcastic remarks na siyang ikinatawa ng tatlo.   "You are cool kasi na Chancellor, Miss Katheliya. That is why ganito kami,” pambobolang turan agad ng isa.   Hindi ko tuloy maiwasan na maitanong sa aking sarili kung blessed ba ako na sila ang kasama ko or not? Mukha kasing magiging roller coaster ang buhay ko rito kasama sila lalo na pagkasama si Lery.   Nakakalokang babae!   "Miss Katheliya, out na po." Biglang pasok ni Cindy.   Nagulat pa ‘to nang makita ang tatlo na nakatambay pa rin dito sa opisina. Mukhang hindi niya inaasahan na may makikita pa siyang ibang tao aside sa akin. Hindi rin kasi ‘to pumasok muli sa aking opisina nang dumating siya. Nasa table lang siya nito for sure kaya hindi niya nalaman na may iba pa akong kasama. Nakasara rin kasi ang pinto kaya hindi makikita. Hindi rin naman visible even though glass lang ang divider.    “Sige, tapos na rin naman ako.” Sabay tayo ko at inayos na rin ang aking mga gamit.   “Sige po, Miss,” sabi nito bago tuluyang umalis.   “So, sa Hator na tayo agad o sa cafeteria na tayo kakain?” tanong agad ni Lery nang maisipan na naming lumabas sa opisina.   “Hator, para makatulog na rin ako agad. I need to rest na rin naman kasi,” agad kong sagot na ikinatango naman nito.   Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway habang marami kaming nadadaanan na mga estudyanteng pakalat-kalat lang sa tabi. Ang iilan pa ay napapahinto habang sinusundan kami particularly sa akin.    I am curious talaga sa kung anong pinag-uusapan nila every time matapos nila akong makita na dumaan sa harap nila. At the same time ay ayaw ko, dahil isa lang talaga pumapasok sa aking isip ngayon. Nakakaramdam din ako ng kaba especially masyadong maraming napapatingin sa akin. Tumatatak sa isip ko ang about sa issue namin ni Vico. I know naman din kasi kung ano ang usually na naiisip ng mga tao rito sa Pilipinas. Kahit hindi naman nangyari sa eksena ay dinadagdag para pandagdag lang ng spice sa usapan.    Kinakabahan ako habang iniisip kung kaya ko bang mapanindigan ang iniwan sa akin ni Ping after pumutok ang issue about sa akin. I cancelled nga about sa meeting sana na magaganap noong last na pumanta rito si Ping para formally na i-introduce ako, kaso tumanggi ako. Nirespeto naman ‘yon ng pinsan ko kaya siya na ang nagsabi about kung bakit ako narito at bakit siya mawawala ng isang semester. Umiiwas lang ako sa masasamang tingin ng mga taong makikilala ko sa mga oras na ‘yon. Even though wala naman talagang nangyari talaga sa amin ni Vico but still, parang tuluyan na akong nagahasa sa isip ng mga iilang tao rito. I can’t blame them naman dahil wala akong iniwan na salita bago ako nawala sa industriyang aking ginagalawan.   Baka nga isipin ng iilan dito na pa-issue lang ako o ang pamilya ko dahil nga sa parang wala lang sa akin ang lahat. I acted as if hindi ako nasangkot sa ganoong issue when in fact ay nag-stru-struggle talaga ako. Parang unti-unting nababawasan ang self-esteem ko sa bawat araw na nagdaan. Pinipilit ko lang talaga ang aking sarili na labanan lahat kahit mahirap.   “Hooo! Buti na lang nakauwi na rin tayo!” sigaw ni Lery sabay salampak agad sa sala.   Pinaypayan pa nito agad ang kaniyang sarili gamit ang kamay nito.   “Kahit nakatingin lang ang mga ‘to at biglang tatahimik dahil dumaan tayo ay ramdam ko talaga ang tension,” sabi naman ni Savannah na umupo na rin sa sala.   Sumunod din si Cole habang ako ay naglalakad na papuntang hagdan para pumanhik na sa aking kwarto. Halos mawalan na rin ako ng lakas sa bawat paghakbang namin dahil sa tension na pumapalibot sa amin habang naglalakad na kami papuntang Hator.   “Iba talaga si Chancellor Katheliya. Parang version two ni President Lur,” komento naman ni Lery na siyang ikinatigil ko sa paghakbang.   “They are just wondering if kaya ko bang mapanindigan ang posisyong iniwan pansamantala ni Cyll.” Sabay lingon sa kanila.   Nginitian naman agad ako ng tatlo na siyang ikinangiti ko.   “We are rooting for you,” sabay na sabi nila na ikinapanatag ng aking isip for now.   “I know, because kampante ako na lagi kayong nariyan para gabayin ako.”   Mabilis naman silang tumango sa aking sinabi.   "Always, Chancellor Katheliya," sabay na sabi nila ulit na ikinatawa na naming apat.   I'm so blessed to have them in my life. Sa kunting panahon na nakasama ko sila ay parang katumbas ang limang taon na kilala ko ang mga ‘to. I am hoping na tuloy-tuloy na talaga na maging strong ang relasyon ko sa kanila. As much as possible ay nagbibigay rin ako ng distansya kasi narito talaga ko para maging Chancellor nila hindi para maging katropa nila. Though hindi naman maiwasan, kasi masarap din naman silang maging kaibigan. But I need to set some boundaries talaga kasi minsan nakakalimot ang isa sa kanila, especially Lery.   All in all, mahirap pala ang ganitong work ni Ping that’s why I am wondering bakit masyadong chill lang para rito ang lahat. Ako nga na isang linggo pa ay gusto ko ng pauwiin ‘to para siya na ulit ang mag-handle pero siya parang wala lang. Parang normal routine lang. Hindi pa nababakante ang night life nito.    Mapapa-sana all na lang ako at isa lang talaga realization ko sa nangyari sa akin sa isang linggong pagiging Chancellor ko. Hindi lang talaga paupo-upo lang ang pagiging Chancellor o perma-perma lang. Nakasalalay talaga lahat sa perma ang desisyon sa magiging future ng university. Kaya kailangan talaga na isipin talaga ng maayos kung tama ba or not. Kung ano ba dapat ang tamang gawin sa mga proposal and such.   Kudos talaga kina Tito Ichi at Ping kasi nakaya nilang maging top ang Hatoria University at napanindigan ang magandang reputasyon nito. Pati na rin ang ibang miyembro ng pamilya namin na nasa opisina lagi. Sana all na lang ulit. Pero bigla namang sumagi sa isip ko ang tungkol sa napag-usapan namin about sa pagkuha o pagpapatingin sa psychologist.   “Ayoko,” nasabi ko na lang sa aking sarili dahil natatakot ako sa kung anong kalabasan ng lahat.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD