LSA30: 017

2910 Words
Agad akong napasalampak ng upo sa couch after I have done na permahan lahat ng dapat na permahan before first semester break. I am so stress talaga kasi first time kong gawin ang ganitong bagay plus sobrang dami pa. I am not into this kind of works at sobrang nabigla ako sa daming binigay sa akin ni Cindy at sobrang dami kong nakitang papel sa lamesa. Ultimo nga pagsali rati as Student Council Officer or any club aside from acting and dancing ay hindi ko ginagawa, kasi from the start alam ko anong gusto ko sa buhay. I didn’t see myself doing what I have done a while ago noong nag-aaral pa ako. Unang tingin ko pa nga lang sa mga papel na naiwan ni Ping para sa akin ay parang masusuka na ako sa dami. Nakaramdam pa ako ng pagkahilo habang iniisip na babasahin ko lahat ng mga binigay sa akin ng secretary niyang si Cindy. But I'm glad I'm still alive, akala ko ay mauubusan na ako ng dugo dahil sa mga trabahong kay dami na hindi maubos-ubos.   It’s been one week since I started working my ass out para mapermahan lahat ng dapat permahan bilang isang OIC-Chancellor ng Hatoria University. Kailangan kasing malaman ng every department and especially Student Council Officers if lahat ng proposals nila ay approved ba or not. Kailangan talaga maingat at intindihin lahat, kasi nakasalalay sa akin ang magiging future ng Hatoria University sa susunod na semester which is malapit na nga rin. Ayokong magkamali sa bawat desisyon ko dahil sa isang pagkakamali, marami ang magbabago at maaapektuhan. And I wouldn’t what that.   Napaisip tuloy ako na sobrang swerte ng mga taong masaya sa kung anong ginagawa nila sa buhay lalo na sa work na pinasukan nila. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot nang sumagi sa aking isip kung ano na lang kung hindi? That would be hard for them to survive sa career na pinapatahak sa kanila. Kaya siguro hindi maiwasan ng iba na gumawa ng masama lalo na at kabilang sila sa less fortunate na pamilya.   “Miss Katheliya,” tawag sa akin ni Cindy right after nitong kumatok ng tatlong beses sa pinto.   Nagbalik ang diwa ko dahil sa biglaang ginawa ni Cindy. Kung ano-ano na lang din kasi ang naiisip ko lately lalo na ngayon parang may something din sa akin na hindi ko matukoy kung ano. Kung hindi pa ako nalagay sa ganitong sitwasyon ay hindi ko maiisip ang mga ganoong bagay. Nagpapaka-busy siguro ako ngayon sa kaliwa’t kanan na photo shoot ko sa kung saan. Ang nasa isip ko siguro sa mga oras na ‘yon ay kung magiging maganda ba ang kalalabasan ng lahat at kailangan ko pa bang galingan.    Agad kong pinilig ang aking ulo nang may biglaang sumagi sa aking isipan. Nanayo pa ang aking mga buhok sa batok dahil doon kaya mabilis akong napaayos ng upo at binalik ang aking atensyon sa taong nasa labas ng opisina. Hindi ko na dapat isipin ang bagay na ‘yon dahil tapos na at hindi na mauulit pa.    “Pasok,” sabi ko agad habang minamasahe ang aking sintido para mawala kahit papaano ang kunting kirot na nararamdaman ko roon.   Ang sakit na rin kasi ng aking ulo sa pinaggagawa ko. Ang sakit na rin ng aking mga mata kababasa sa mga papeles na hindi ko na alam anong aking gagawin. Daig ko pa ang nagkaroon ng three days straight na shoot na walang tulugang ganap. Though papalapit pa lang ang lunch pero mukhang malapit na matapos ang office hours ang nararamdaman ko ngayon. Pagod na pagod na ako kahit isang linggo pa lang ang nakalilipas. Bumibigat na rin ang aking nararamdaman which is sobrang tagal na rin noong huling naramdaman ko ‘to. Parang papunta na nga sa lagnat na sana hindi umabot sa puntong ‘yon, kasi nakakapagod magkasakit. Hindi na ako maaalagaan nina Gold, Mommy at Baby Kae.   “You are worn out,” sabi ng isang pamilyar na boses na naging dahilan para mas lumala ang aking nararamdaman ngayon.   “Can you just leave me alone?” Pakiusap ko. “I need some rest,” sabi ko pa.   Hindi ko na siya tinapunan ng tingin dahil ayoko lang. After ng birthday ko ay hindi ko na siya pinapansin pa unless na lang kung work related or school related ang pag-uusapan. Gusto ko lang din umiwas baka kausapin na naman ako ni Sulli at baka hindi ko na talaga mapigilan ang aking sarili at pagsabihan siya na baka maka-create ng gulo.   “Almost lunch na, Miss,” sabi pa niya.   Mukhang balak ata niya akong yayain na mag-lunch o ako lang ‘tong assuming? Pero kahit saan sa dalawa, wala akong pakialam. Ayoko siyang makasama at umiiwas ako na baka mapahiya na naman sa harap na naman niya. I don’t want na magmukhang ganoon baka ano pa ang kaniyang sabihin sa akin.   “I will skip my meal muna. Iidlip muna ako.” Tanggi ko agad sabay sandal ng maayos sa couch at tinakpan ang aking mga mata gamit ang aking kanang braso.    Hindi ko kayang kumain ng lunch ngayon kung ganito ang nararamdaman ko. Iidlip na lang muna ako before ako kumain para mawala kahit papaano ang pagod ko ngayon.   “You need to eat, Miss Katheliya,” sabi naman ng isang babae na alam kong si Cindy.   Naamoy ko pa ang pagkain na dala niya ngayon. Mukhang nilapag niya sa table na nasa aking harapan. Hindi ko tuloy maiwasan na umayos na lang ng upo at tumingin sa kaniya.   “I will eat later. Tulog muna ako.” Pamimilit ko pa habang natigil si Cindy sa pag-aayos ng kakainin ko sana para sa lunch ko.   “But Miss Cyll always reminding us na dapat kumain ka on time at huwag mag-skip ng meals,” sabi pa niya sabay pinagtuloy ang pag-aayos ng kakainin ko.   Hindi ko tuloy maiwasan na mapabuntong hininga. Gusto kong magsungit, kaso, pinigilan ko lang ang aking sarili. Dahil ginagawa lang naman nito ang kaniyang trabaho lalo na’t galing ang utos sa totoong boss nito, my cousin Ping. Si Ping na walang malay na nasa Paris ngayon by now. I don’t have any update yet outside sa Hatoria, kasi hindi rin ako nag-demand sa mga kasama ko sa Hator na bigyan ako ng update. O bigyan man lang ako ng phone na mukhang nararamdaman din ng mga ‘to. I just don’t feel na alamin kung anong nangyayari talaga. Though sinasabi naman nila sa aking kung ano ba ang gustong sabihin sa akin ng parents ko or ng family ko especially Ping na sobrang napa-paranoid pa minsan. But beyond doon ay hindi na.   Narinig ko pa nga minsan noong mga panahon na nakipag-zoom si Ping sa Student Council Officers sa Hator para mapag-usapan ang pansamantalang paghalili ko sa pwesto niya. Kasama pa ang ibang board members ni Ping at mga taong matataas ang katungkulan sa Hatoria University. After ay sila na ang nag-uusap ng Student Council Officers at pinagsabihan agad ni Ping na huwag akong asarin ni Lery o pag-trip-an kung ayaw nitong makatikim ng pagmamaldita ko. Malalagot din daw sila kay Ping if may marinig siyang hindi maganda about sa akin o may manakit sa akin and such. Napapairap na nga lang ako sa mga naririnig ko sa kaniya that time. Kulang na lang ay pagbantaan na ang lahat. Hindi rin ako nagpakita kay Ping sa mga oras na ‘yon. Though nakikipag-usap naman ako through phone calls pero face time or zoom ay hindi talaga. I don’t feel showing my face muna. Parang ayaw ko lang. Nahihiya ako na hindi ko alam na siyang nararamdaman ko lately which is weird for me. Hindi naman dapat ako makaramdam ng ganoon pero hindi ko maiwasan. Alam kong may rason pero hindi ko matumbok kung ano. Hindi pa masyadong malinaw sa akin dahil masyadong magulo pa ang aking isip sa mga nangyayari.   “Leave,” nasabi ko na lang after matapos si Cindy sa kaniyang ginagawa.   Agad naman ‘tong tumango bago umalis sa aking harapan. Narinig ko na lang ang pagbukas at sara ng pinto. Bumuntong hininga na lang ako ulit at mabagal na humiga sa couch. Mamaya ko na lang kakainin ang hinanda ni Cindy for me. I need some sleep lang, kasi lagi akong nakukulangan ng tulog sa gabi dahil kay Vico. I am trying naman na hindi umabot sa point na mapasigaw ako sa kalagitnaan ng gabi ulit like what I did noong first night ko sa Hator. Ayoko ring naka-lights off or dim ang ilaw—napa-paranoid ako. Feel ko parang nasa paligid lang si Vico pag nakapatay ang ilaw. Nakakubli lang sa dilim habang pinapanuod akong natutulog sa kama. Naghihintay lang kung kailan pwede na gawin ang gusto niyang gawin sa akin.   I am very disappointed in myself, too, whenever naalala ko ang nangyari sa condo unit ni Vico. Nag-aral ako ng self-defense pero hindi ko man lang na-apply talaga noong may nangyari ng kapahamakan sa akin. I thought I can handle the situation kasi nga nag-aral ako pero hindi naman pala. Iba kasi talaga ‘yong totoong scenario sa hindi totoo. Parang na-blangko ang isip ko at ni isa sa mga natutunan ko at inaral ko ay wala akong maalala.   Napapikit na lang ako nang mariin at nag-fetal position. Nagbabadya na kasing manginig ang aking buong katawan habang naiisip na naman ang nangyari. Habang masyado akong focus sa pagpapakalma sa sarili ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa couch.   Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na parang may isang taong titig na titig sa akin dahil sa presensya niyang ramdam na ramdam ko. Hindi ko tuloy maiwasan na maidilat agad ang aking mga mata. Unang nakita ko ay mukha ng tao na isang dangkal lang ang layo sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na maitulak ang kaniyang mukha palayo sa akin at mabilis akong napabangon sa aking pagkakahiga at kumaripas nang takbo papalabas ng opisina. Agad akong napasigaw nang malakas nang may mabangga ako at humawak sa magkabilaan kong braso para ako ay hawakan man lang at pigilan.   “No!” sigaw ko. “Bitawan mo ako!” Pagpupumiglas ko pa sa nakahawak sa akin.   “Miss Katheliya, si Isla Coleman ‘to,” sabi nang taong nakahawak sa akin.   Agad kong naidilat ang aking mga mata at laking ginhawa ko nang makitang si Cole nga ang taong humawak sa akin. Pero agad din napawi ‘yon nang makarinig ako ng daing ng taong nasa loob ng opisina na dahilan kung bakit nga pala ako kumaripas nang takbo. Nasa pinto lang kasi ako sa kadahilanang nabangga ko si Cole na papasok sana sa opisina.   “Calm down, Miss Katheliya,” sabi niya nang mapansin ang pangingig ng aking katawan.   “Damn! Ang sakit!” Daing ng taong nasa loob ng opisina.   Agad akong napaharap sa taong ‘yon at laking gulat ko nang makita na si Lery pala habang nakahawak na ‘to sa kaniyang balakang. Mukhang napasobra ang pagtulak ko sa kaniya na dahilan kung bakit nasaktan siya ngayon. Mukhang bumangga siya sa lamesa dahil natapon ang iilang nakalagay sa ibabaw nito. Doon ko lang din napansin na hindi lang si Lery ang nasa loob kundi pati na rin sina Savannah at Lali. Nakaupo ang dalawa sa opposite side ng couch na hinigaan ko habang nakasunod lang nang tingin sa akin bago binaling ang tingin kay Lery na nagrereklamo pa rin dahil sa nangyari sa kaniya. Bakas din sa mga mata ni Savannah ang gulat sa mga nangyari.   “Ano na naman ba ang ginawa mo, Lery?” tanong agad ni Cole. “Bakit ganito ang nangyari kay Miss Katheliya? She is shivering.” Dugtong pa niya.   Hindi ko tuloy maiwasan na sulyapan si Cole na nasa gilid ko na pala, habang kunot noong nakatingin kay Lery na nakangiwi ngayon.   “I just want to wake her up. May urgent meeting kasi na magaganap,” sagot agad nito. “Si President Lur kasi, kung ginising lang sana niya kanina pa si Miss Katheliya eh ‘di sana ako ang gigising. Nakaupo lang kasi ang isang diyan at naghihintay lang na magising si Miss Katheliya.” Sabay upo nito sa hinigaan ko kanina.   Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil sa naging sagot niya. I thought umalis na si Lali kanina kasama ni Cindy nang marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Kaya naman pala bigla na lang siyang nagawi sa opisina ay dahil din pala sa sinabi ni Lery na urgent meeting sana kanina. Ang kaso, nadatnan niya akong ‘worn out’ ikanga niya at nang biglaang pag-ayos ni Cindy ng makakain ko sana sa lunch ko ay hindi na siya umimik pa. Isama pa na ang bastos kong makitungo sa kaniya or unfair. Hindi ko lang talaga feel sa mga oras na ‘yon ang presensya niya dahil nga sa ayaw kong mapahiya na naman. Para kasing anytime na kausapin ko siya aside sa usapang school or work ay magkakaroon ako ng kaaway ng ‘di oras. Pumapasok kasi talaga sa isip ko si Sulli matapos ang naging usapan namin noong minsan. Though hindi naman siya bitchy talaga noong gabing ‘yon—straight forward lang talaga siya. Gusto lang din niyang klaruhin ang lahat at i-inform ako about them or about her feelings towards Lali that time. She is possessive person I must say, dahil sa nangyaring usapan namin. But the way she act, parang one sided love or like ang ganap.   “Trauma,” sabi na lang bigla ni Lali makalipas ang ilang minutong katahimikan sa amin.   Agad tuloy napatingin si Cole sa akin nang sabihin ‘yon ni Lali. Mukhang alam agad ng mga ‘to bakit ganoon na lang bigla ang aking naging reaksyon. Ngayon ko lang din napagtanto ang mga nangyayari sa akin at sa ayaw kong magpakita kay Ping kahit sa face time man lang. Hindi rin naman ako nagulat na ‘yon ang sasabihin niya.   Nang mabungaran ko si Lery kanina ay hindi siya ang aking nakita. Ang nakita ko ay si Vico with his evil smile na huling nakita ko right after balakin niyang may mangyari sa amin. Kaya agad kong naitulak palayo ang mukha nito dahil doon. Halos nakalimutan ko na nga rin huminga para lang makalayo sa kaniya. To find out ay si Lery pala at hindi siya. Buti na lang din ay nabangga ko si Cole. For sure, mukha akong tangang lalabas sa Chancellor’s Office dahil sa nangyari. Buti na lang din ay wala si Cindy sa mga oras na ‘to. Lumabas siya pansamantala siguro para gawin kung anong dapat niyang gawin o bilhin man lang dahil hindi ko siya nakita sa pwesto niya. Paniguradong tatawag agad siya kina Ping kung isa rin siya sa makasaksi sa aking ginawa.   “You need a psychologist for that,” suhestyo naman ni Savannah sa akin.   Nabaling tuloy atensyon ko sa kaniya.    “I agree kay Sav, Miss Katheliya.” Sang-ayon naman ni Lery na nakatingin na sa amin ni Cole.   “Me too. Baka lumala pa ang kondisyon mo. It is better na magpatingin ka na, Miss. Para malaman natin kung ano ba dapat ang gagawin sa ‘yo before it is too late,” ani naman ni Cole.   Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan sa naging takbo ng usapan namin.    “Psychologist?” tanong ko sa aking isip. “Pero hindi gaano kalala ang kondisyon ko para magpatingin sa isang psychologist.” Naisip ko pa.   “Before it’s too late. Mukha kasing darating ang araw na kapag hawakan ka bigla ay matakot ka na o manginig. O makakita ka ng isang tao ay iba na ang mukhang makikita mo,” sabi pa nito.   Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko sa mga sinasabi nila. Hindi nakakatulong sa nararamdaman ko sa mga oras na ‘to. Parang sasabog na ang aking puso dahil doon.   “Seeing a psychologist doesn’t mean that you are getting insane,” ani ni Savannah. “You just need help from a psychologist na mas maintindihan ang sitwasyon mo, Miss Katheliya.” Paglilinaw niya pa.   Pero ang nasa isip ko ay ayokong gawin kung ano man ang gusto nilang mangyari. Ayaw kong magpatingin sa isang psychologist.   “Many survivors of s****l assault will experience symptoms that will fade over time. However, these symptoms may remain and even worsen for some people,” biglaang sinabi ni Lali dahilan para maikuyom ko ang aking mga kamay. “Kaya, makipagkita ka sa isang psychologist para malaman kung paano maiwasan na lumala ‘yan. Besides, some treatments are very effective in reducing the number of adverse symptoms that can develop following a s****l assault experience.”   Tinitigan ko lang siya sa kaniyang mga mata dahil wala naman akong sasabihin o komento sa sinabi niya. The way niya sabihin ang mga ‘yon ay halatang may mga alam siya sa ganoong bagay.   “I know someone who could help you,” ani niya pa.   “What makes you think I should believe you?” Bigla na lang lumabas sa aking bibig.   “She is a psychology student, Miss Katheliya, kaya ganiyan siya magsalita at ganiyan sinasabi niya,” sabi naman ni Savannah nang mapansin ang reaksyon ko. “Trust her.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD