LSA30: 016

2796 Words
“Bakit namumula ka kung usap lang ‘yon, Miss Katheliya?” tanong na naman nito na may mapanuring tingin.   Siniko ko lang si Lery para manahimik na siya na ikinatawa nito. Natutuwa talaga siya sa mga nangyayari na siyang halatang-halata ko sa mga oras na ‘to. Ang lakas din ng kutob ng babaeng ‘to kaya nakakakaba rin kasama sa totoo lang.   “I got it,” rinig kong sabi niya.   “Shut up! Nothing happened.” Depensa ko pa kahit wala naman siyang sinabi.   Masyado akong napaghahalataan pero gusto kong linawin na wala naman talaga—kamuntikan, oo.   “Wala naman akong sinabi na meron,” ani niya habang natatawa nang mahina. “Kalamahan mo lang, Miss Katheliya, ano ka ba?”   “Tae! Huwag ka ngang eng-eng, Katheliya! Papahiyain mo lang muli ang ‘yong sarili kung magsasalita ka pa. Hinuhuli ka lang ni Lery,” sermon kong sabi sa aking sarili.   Pero wala naman kasi talaga. Hindi ko rin maiwasang kabahan o mataranta pagtinatanong ko na involve si Lali. Parang kunting salita ko o galaw parang magkakasala ako ng hindi oras eh.   “Katheliya!” sigaw ng aking isip.   “Bakit ang tagal niyo?” tanong agad ni Sulli nang makita kami.   Hindi ko tuloy maiwasan na mapatikhim dahil mukhang maha-hot seat pa ata kami.   “Usap,” sabi agad ni Lali.   “Nagkaininan,” singit na sabi naman ni Lery kaya hindi ko maiwasan na batukan siya.   Bastos kasi na babae eh! Nagmana ata kay Ping. Nakakainis!   “Tigilan mo na si Miss Katheliya, Ate Lery.” Saway ni Italy. “Namumula na ang pisngi. Kung ano-ano na naman pinagsasabi mo. Ilugar mo rin minsan ‘yang sarili mo.”   Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng init lalo sa pisngi. Mukhang namumula lalo ang aking pisngi na hindi ko maipagkakaila sa kanilang lahat. Maputi pa naman ako kaya halatang-halata talaga.   “Stop,” ani ani agad ni Lali. “Let’s eat.”   Wala ng nagsalita pa na siyang pinagpapasalamat ko talaga. Mabilis agad akong umupo sa pwesto ko. Mukha kasing kung saan dapat nakaupo ay roon ka na talaga. Ang nakakainis lang ay katabi ko pa si Lali. Ramdam ko ang tingin niya sa akin at tingin ng iba ngunit, pinagsawalang bahala ko na ‘yon.   Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa dessert na ang kakainin namin. Doon na nag-ingay sina Morocco at Lery na halatang nagpipigil na huwag magsalita kanina pa.   “So, alin dito ang unang hihiwain natin?” tanong agad ng dalawa nang ilagay na sa hapag ang dalawang cake.   Hindi ko alam bakit kailangan pang itanong ang bagay na ‘yon. Parehas naman na balak nilang kainin ‘yon ngayong gabi. Besides, binili ‘yon para kainin naming lahat kaya kahit saan na lang, siguro.   “’Yong cake na dala ni Isla o kay President Lur?” tanong naman nina Savannah at Sulli.   Hindi ko alam pero agad nag-fake cough sina Lery at Morocco. Si Poland at Belarus ay naiiling na lang dahil mukhang iba ang nasa isip na naman ng dalawang babaeng kasama namin. I am not dumb naman na hindi ma-gets ang pinaggagawa ng dalawa maloko sa grupo. Naghihintay na nga rin ako na umeksena si Sweden dahil I am sure na kasama rin siya ng dalawa.   “Dapat si Miss Katheliya ang tatanungin natin kasi sa kaniya ang mga cake,” ani naman ni Italy.   Napatingin tuloy ako agad kay Cole na nakangiti lang na nakatingin pala sa akin. She mouthed na mag-choose na ako sa kung saan na cake ang uunahin na kainin namin ngayon.   “Kay Cole,” sagot ko.   Agad napa-oh sina Lery habang napapatingin sa katabi kong si Lali. Hindi ko na talaga siya tinatapunan ng tingin after ng nangyari kanina sa sala. Ang awkward na rin kasi talaga. Hindi ko alam paano siya pakitunguhan lalo na noong nangyaring usapan kanina.   “Paano ba ‘yan, kay Cole raw,” sabi ni Lery na may pinapahiwatig.   Napapailing na lang ako dahil nagbibigay talaga si Lery ng kahulugan sa bawat nangyayari ngayon. Mabilis namang hinati nina Sweden at Belarus ang cake na dala ni Cole. Kukunin na rin sana nina Lery at Savannah ang cake na dala ni Lali para hiwain din nang pigilan ko sila. Huli na rin na pigilan ang aking sarili na huwag silang pigilan na kunin ang dala ni Lali na cake. Lahat ng atensyon nila ay nasa akin na at sa cake na hihiwain na sana nila.   “Pwede bang akin na lang ‘yan?” tanong ko pagkatapos kahit nag-alangan ako na itanong ‘yon.   Nagtaka tuloy silang lahat. Baka isipin nila na pinagdadamutan ko sila, pero gusto ko talaga na akin lang ang cake.   “I mean, ako lang pwedeng kumain?” alanganing tanong ko. “Favorite cake ko kasi, but if ayaw niyo, okay lang din,” sabi ko agad.   Agad ko ring nilagay sa lap ko ang dalawang kamay kong pinagsiklop ko talaga. Masyadong nakakahiya na ang pinaggagawa ko. Mukhang kailangan kong kausapin ng masinsinan ang aking sarili mamaya.   “Kay Isla ang unang pinili, pero ang kay President Lur ang gustong ipagdamot,” sabi na lang bigla ni Lery na may mapanuksong tingin.   Pinagtakpan ko na lang sa irap ang pagkailang na nararamdaman ko. Awkward naman din kasi na bigla-bigla kong sasabihin ‘yon sa kanila. Iba talaga ang dating sa kanila for sure. Hindi ko rin naman kasi sila masisisi if ever na ganoon man ang mararamdaman nila. Pero gusto ko talaga na akin lang ‘yong cake. Minsan na lang din akong makakain kaya sulitin na rin.   “Tigilan mo ako, Lery,” sabi ko agad. “That special mango cake with almond ay super special sa akin dahil ‘yan lagi dala ni Tito Ichi sa akin pag-birthday ko. Nasanay kasi ako na ako lang kumakain.”   Tumango-tango naman sila agad sa aking sinabi kahit iilan sa kanila ay binibigyan talaga ng malisya ang aking ginawa kahit nalaman na nila anong rason kung bakit.   “Tigilan niyo na si Miss Katheliya. I can feel na awkward na sa kaniya lahat ng mga pinaggagawa niyo. Huwag niyong lagyan ng malisya ang mga bagay na wala naman talaga. Kayo lang nagpapahirap sa sarili niyo,” sabi agad ni Cole na kumakain na ng cake na isa-isang binigay nina Italy sa amin.   “Pati ang biglaang yakap? Okay, Isla,” sabi naman ni Lery kaya hindi ko na talagang mapigilan na ibato sa kaniya ang tissue na nahawakan ko.   “Bwisit ka talaga!” sigaw ko pero tumawa lang ang loka.   Mapang-asar talaga kahit kailan.   “Bwisit talaga ‘yan, Miss Katheliya.” Segunda naman ni Savannah kaya umirap na lang si Lery. “Kung hindi lang din malaking tulong siya sa Student Council baka pinatapon na namin ‘yan.”   “Number one basher ka talaga,” komento naman ni Lery rito.   Hanggang sa natapos kaming kumain ay nagbabangay pa rin sina Lery at Savannah. Nilagay naman agad ni Sulli sa ref. ang mango cake almond ko with my name on it. Baka raw kasi makalimot ang iba na siyang ikinaangal naman nila.   Naisipan ko na ring magpaalam sa kanila dahil kailangan ko na ring pumasok sa aking kwarto. Kailangan ko na ring magpahinga. Ayoko ring makasama ng matagal si Lali tapos kasama pa namin ang co-officers niya. Baka may magawa na naman akong magiging dahilan para mapahiya kong muli ang aking sarili.   “Miss,” tawag sa akin ni Sulli nang bubuksan ko sana ang pinto ng aking kwarto.   Hindi ko alam na susundan niya ako.   “Bakit?” Sabay lingon sa kaniya.   Mabagal siyang humakbang palapit sa akin. Nagtaka pa ako dahil ibang-iba talaga ‘yong pakiramdam ko sa kaniya ngayon unlike sa pakiramdam ko sa kaniya pagkasama namin ang ibang co-officers niya. Para kasing may mali.   “Do you like Lie?” agad na tanong nito habang nakatingin sa aking mga mata.   Kumunot pa ang noo ko dahil ‘di ko kilala ang tinutukoy niyang Lie.   “Lurlie,” sabi nito kaya napa-ah na lang ako.   Pero agad din akong napatingin sa kaniya nang mariin.   “Ano kaya dahilan bakit niya natanong ‘yon sa akin? Kasi hindi naman,” hindi ko maiwasang sabihin sa aking sarili.   “No,” mabilis na sagot ko kasi totoo naman na hindi.   Pero nagtataka ako bakit Lurlie ang tawag niya kay Lali.   “Hindi ganoon ang nakikita ko,” ani pa niya na naging dahilan para matawa ako nang mahina.   “Sorry, but no,” sabi ko pa.   “Good, because I don’t share what is mine,” diretsang sabi niya na naging dahilan para makaramdam ako ng inis sa hindi malamang dahilan.   Nginitian ko lang siya bago tumango. Ayokong magsalita pa, baka ano pa ang masabi ko sa harap niya. Hindi ko naman siya ayaw, pero I hate her guts. Mukhang I need to distance myself more kay Lali dahil alam kong laging susunod na ang tingin nitong isa sa akin o sa amin.   “Ganito ba talaga siya sa kahit sino?” I asked myself.   “’Yon lang ang pakay ko, at least klaro.” At tuluyan na niya akong nilampasan.   Sinundan ko lang siya nang tingin at nalaman ko na lang iisang kwarto lang ang pagitan ng kwarto naming dalawa. Napabuntong hininga na lang ako nang sumagi sa isip ko ang sinabi niya.   “Anong sinabi ni Sulli sa ‘yo, Miss Katheliya?” tanong bigla ng taong nasa likuran ko.   Agad akong napatalikod para harapin kung sino. Si Cole lang pala na nagtatakang nakatingin sa kuwarto ni Sulli bago binaling ang tingin sa akin.   “Wala naman. Bakit?” sagot ko sa kaniya.   Nakita ko pa kung paano siya napatingin sa pinto ulit ng kwarto ni Sulli bago binaling sa akin.   “Wala lang. Miss. Nakita ko kasi na kinausap ka niya. Akala ko kasi may problema lalo na’t umiba ang mood mo po,” sabi nito.   Gusto ko sana sabihin sa kaniya ang napag-usapan namin ni Sulli, kaso minabuti ko na lang na huwag na. Baka magkaroon ng issue dahil lang sa akin. Paniguradong kakausapin ni Cole si Sulli patungkol doon kung sasabihin ko. Better na huwag na lang. Habang walang malalang nangyayari o gagawin si Sulli ay kayang-kaya kong i-handle. Huwag lang uambot sa point na magbangayan na kaming dalawa sa harap ng iba. Wala naman akong pakialam kung sino papanigan nila if ever umabot sa point na ‘yon. Ang akin lang, baka masira ko pa kung anong meron sa kanila na siyang gusto kong iwasan.   “So, kamusta ang birthday mo, Miss Katheliya?” tanong niya na halatang binago na agad ang topic na siyang pinagpapasalamat ko talaga.   I don’t want to cause another trouble lalo na at bago pa ang issue about us ni Vico. Nag-iingat lang din ako.   “Okay naman. I am happy even though hindi ko kasama ang family ko. At least na-celebrate ko kahit papaano kasama kayo. Though kahit salo-salo lang at hindi ‘yong nakasanayan na pag-celebrate ng birthday ko,” mahabang sagot ko na ikinatango niya agad.   “How old are you then?” tanong niya bigla na ikinalaki ng aking mga mata.   Kumawala tuloy ang tawa sa kaniya kaya napasimangot ako. Kahit siya lalo na pagtumatawa ay hindi ko maiwasang mapasimangot pa rin sa biglaan niyang tanong. Kasunod na lang ng birthday ang edad.   “Nagtanong ka pa. Halata namang alam mo,” sabi ko habang nakasimangot pa rin.   Hindi ko alam na may pagkamaloko rin pala siya.   “Malay ko ba na totoo pala ‘yon. I thought kasi na nasa twenty-four o nasa twenty-five ka pa like Ate Cyll,” sabi nito habang tumatawa pa rin.   Hindi ko tuloy maiwasan na umikot ang aking mga mata.   “Binobola mo pa ako. Siraulo ka! Huwag mo akong madala-dala sa ganiyan, Cole.” Sabay palo nang mahina sa braso niya.   “I am curious sa kung anong wish mo ngayong sa birthday mo, ‘yon dapat ang itatanong ko. Kaso, ‘yon na lang bigla lumabas sa aking bibig,” ani niya.   “Nagdahilan ka pa.” Sabay pabirong inarapan siya na ikinatawa na naman nito.   Bumuntong hininga na lang ako nang maalala ko ang wish ko kay Father God. I don’t know if maga-grant ba niya ‘yon or not. Pero kung ano man ‘yon ay thankful pa rin ako dahil buhay ako at healthy rin. Plus na talaga sa akin pag binigay niya sa akin ang matagal ko ng hinihiling sa kaniya noon pa. Totoong pagmamahal na kayang i-fill ang empty love tank na meron ako na kahit kailan ay hindi napunan kahit kunti ng five exes ko. I am also thankful dahil hindi rin niya ako pinabayaan at patuloy pa rin na pinoprotektahan sa kapahamakan.   Bigla tuloy akong nakaisip ng kalokohan kaya agad kong nilapit ang bibig ko sa taenga ni Cole nang mabaling muli ang aking tingin sa kaniya.   “Hiniling ko na magkaroon ako ng lover na ang pangalan ay Isla Coleman.”   Lumayo agad ako sa kaniya at mabilis na napangiti ng malapad nang makita ko ang pamumula ng dalawang taenga niya dahil sa naging bulong ko sa kaniya.   “Uy! Ano ‘yon?” biglang tanong ni Lery na saktong nakita pala ang aking ginawa.   Napansin ko rin na kasama niya ang ibang Student Council Officers na gulat na gulat na nakatingin sa aming dalawa ni Cole. Mukhang sa ibang anggulo nila nakita ang aking ginawa kaya nagmumukhang may something na hindi naman dapat.   “What the hell is happening?” hindi makapaniwalang tanong ni Sweden na bago lang naka-recover sa kaniyang nasaksihan.   “Nag-kiss kayo?!” gulat na tanong naman ni Savannah.   Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiwi dahil iba nga talaga ang nakita nila sa ginawa ko kay Cole. Nagsisi tuloy ako bakit naisipan ko pa siyang pag-trip-an.   “We didn’t,” sabi ko agad. “May binulong lang ako kay Cole.”   “Hindi nga, Miss Katheliya?” hindi naniniwalang tanong nila sa akin.   Visible sa mukha nila na ayaw nilang maniwala dahil ibang-iba sa kung anong nadatnan nila kani-kanina. Base na rin siguro sa naging reaksyon ni Cole kaya siguro ganoon.   “Oo nga,” sabi ko.   Napatingin pa ako kay Cole na nakatingin na pala sa mga kasama namin. Pero bakas talaga ang pamumula ng mga taenga niya dahil sa aking ginawa. Hindi ko rin tuloy maiwasan na mailang lalo na nang mapatingin ako kay Lali na seryoso lang nakatingin sa amin ni Cole.   “Go to your room. Maaga pa tayo bukas,” turan agad ni Lali kaya mabilis na tumango ang mga ‘to at pumunta na sa kani-kanilang kwarto.   Nag-good night pa ang mga ‘tong muli sa akin na siyang sinuklian ko ng ngiti.   “I need to sleep na rin,” agad kong sabi makalipas ang ilang minutong pagtitigan nina Cole at Lali.   Agad nabaling ang tingin ng dalawa sa akin. Mabilis na lumapit sa akin si Cole at hinalikan ako sa pisngi bago tumalikod para pumunta sa kwarto nitong katabi lang pala ng kwarto ni Sulli—dalawang pagitan sa kwarto ko.   Papasok na sana ako sa aking kuwarto nang bigla akong pigilan ni Lali.   “Is there something between you two?” diretsang tanong niya.   “Who?” tanong na sagot ko even though alam ko kung sino ang tinutukoy niya.   I just want to hear it from her kung sino.   “Isla Coleman.”   “Nothing.”   Tinitigan pa niya ako nang mariin habang nag-iisip ‘to kung papaniwalaan ba niya ang aking sinabi.   “Stop giving some malice,” sabi ko agad.   “I am not.”   “Talaga lang?” hindi naniniwalang tanong ko sa kaniya.   “Yes, kasi hindi kayo bagay.”   Umawang tuloy ang bibig ko sa narinig ko sa kaniya, pero agad din akong sumeryoso. I don’t know kung anong problema ng isang ‘to. Kanina ang landi masyado pero ngayon iba. Parang babalatan na niya ako dahil sa kakaibang closeness namin ni Cole.   Hindi naman din kasi mahirap pakisamahan si Cole. Magaan siyang kausap at kasama, parang kaibigan ng masa ang peg niya for me. Para rin kasi siyang si Gold kung tutuusin.   “Mine,” bulong nito nang bigla siyang lumapit sa akin.   Agad ko siyang naitulak agad nang makaramdam ako ng kaba sa sinabi niya.   “Good night, Ruby,” sabi nito bago tuluyang umalis sa harap ko.   Mabilis ko siyang sinundan nang tingin. Napakagat labi na lang ako nang sa kaniya pala ang kwartong pinagitnaan namin ni Sulli.   “Father God, huwag naman po sana,” nasabi ko na lang bago tuluyang pumasok sa aking kuwarto.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD