LSA30: 015

2477 Words
Mabilis akong napalayo kay President Lur dahil sa aking nakahihiyang ginawa na naman sa harap niya. Doon lang din ako natauhan sa aking ginawa nang maalala kong niyakap ko nga pala siya without thinking twice.    Nakahihiya!    Mas na overwhelmed pa talaga ako dahil sa cake na dala niya kaysa sa mahiya dahil sa naging encounter namin last time. Instead na mahiya o huwag siyang pansinin na siyang ginagawa ko talaga pag nakikita ko ang isang taong naging dahilan ng kahihiyan ko minsan sa buhay ay iba pa ginawa ko. Pero hindi ko alam anong sumapi sa akin bakit nagawa ko pa siyang yakapin nang mahigpit at umiyak pa sa kaniya.   "Ano bang nangyayari sa 'yo? Bwisit ka talaga, Katheliya!" panenermon ko pa sa aking sarili.   "I apologize for the unexpected hug. Na-overwhelmed lang ako sa dala mong cake. Sorry,” sabi ko agad nang mabaling ang aking atensyon sa kaniya. Para na rin maibsan ang kahihiyang nararamdaman ko at this moment.   Mabilis din akong napatingin kay Cole na nakaawang na ang bibig dahil sa inakto ko sa harap nila lalo na sa President Lur nila na ramdam kong nakatingin lang sa akin. Para hindi ako mapahiya kasi ang awkward talaga ay mabilis ko ring niyakap si Cole. Buti na lang hawak lang ng isang kamay niya ang mango cake rin na dala niya na galing sa Red Ribbon na hawak-hawak niya ngayon. Kahit sa ganoong paraan man lang ay ma-divert ko ang atensyon nila roon. Gusto kong kalimutan nila ang ginawa ko kani-kanina lang, kasi sobrang nakahihiya. Ayaw ko ring pag-usapan pa dahil hindi ko na alam anong sasabihin ko o gagawin. I know, mapapahiya ko na naman sarili ko lalo na at kasama namin ang dahilan ng lahat.   Huwag naman sana laging mapahiya when she is around.   “Thank you so much, Cole,” mahinang sabi ko sa kaniya. "It's the little things that mean a lot to me."   Naramdaman ko lang ang pagyakap niya sa akin pabalik gamit ang isang kamay niya.   "You are always welcome, Miss," sabi nito. “I am happy to see na nagustuhan mo ang ginawa namin for you. At least, kahit sa ganito man lang ay ma-feel mo pa rin ang birthday mo regardless of what happened."   Agad akong kumalas sa yakap naming dalawa at hinalikan siya sa kaniyang pisngi. Ngumiti lang ‘to nang malapad sa akin pero halatang namumula ng kunti ang kaniyang mukha na ikinatawa ko. Hindi ko alam na may ganoong epekto pala ako sa kaniya. I find her cute because of it.    “Cute,” sabi ko na lang na ikinailing na lang niya.   Parang gusto pa niyang i-divert ang atensyon ko sa ibang bagay lalo na’t naging mailapa na rin ang kaniyang tingin.   “Kami?” Singit naman ni Lery. “Walang yakap man lang o kiss? Tulad ng ginawa mo kina President Lur at Isla, Miss Katheliya?” tanong pa nito na halatang nanunukso talaga lalo na sa tingin na pinupukol niya sa akin.   Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Bwisit kasi na Lery ‘to. Hindi ko alam na ganito siyang babae. Wala talaga siyang pakialam if bago ka man o hindi, as long as, kung anong nasa isip niya ay sinasabi niya talaga. Nakakatawa siya minsan, but I think, if matagal ko siyang makakasama baka mapalo ko braso niya dahil sa pag-uugali niya. Nakakainis minsan. Ang awkward tuloy sa feeling.   “Hoy, Lery! Manahimik ka! Fini-flirt mo lang naman si Miss Katheliya eh! Hindi siya papatol sa isang tulad mong malandi!” Singit naman ni Savannah na nasa tabi lang ni Italy habang naka-angkla ang braso nito sa braso ng isa.   Naiiling na lang ako dahil sa bawat sinasabi ni Lery, may Savannah na taga-angal at taga sita. Minsan nagtataka ako if may feelings ba ang isa sa kanila. Ngunit, agad kong winaksi ‘yon sa aking isip dahil hindi naman siguro ganoon ‘yon. Ako lang siguro ang nagbibigay malisya sa mga nakikita ko between them.   “Hindi ah!” Tanggi agad nito. “Isang kang malaking epal!” sigaw agad ni Lery.   Bago pa sila mag-away ay nagsabi na lang ako ng group-hug na siyang nagustuhan ng siyam na babaeng kasama ko. Hindi ko na rin inalam kung nakisali ang president nila. Ayoko ring alamin.    Ayoko!   Baka kasi maalala ko na naman ang una at pangalawang kahihiyang ginawa ko sa harap niya. Ayoko na talaga kahit gustuhin ko mang umaktong wala lang ang lahat ay hindi ko talaga kaya o magawa. ‘Yong tingin niya talaga kahit walang masyadong emosyong mababakas doon ay parang ramdam ko na nanunukso siya sa mga pinaggagawa ko noong minsan at kanina.   I shouldn't think that way pero hindi ko talaga maiwasan. Sobrang laki talaga ng epekto niya sa akin to the point na mabilis akong mag-isip sa mga bagay-bagay ay pinapabagal niya, kaya it is too late for me na bawiin ang mga impulsive acts ko in front of her.   "Group hug!" sigaw nina Poland at Italy.   Hindi ko tuloy maiwasang matawa nang ipitin nila ako sa gitna nilang lahat. Pero masaya ako dahil ramdam ko na welcome na welcome ako sa Hator at welcome na maging isa sa kasama nila for the meantime na rito muna ako titira.   “Ano ba, President Lur? Hali ka na!” sabi naman ni Lery.   Hindi ko tuloy maiwasang na pasimpleng napatingin sa babae. Nakatayo lang pala siya malapit sa amin habang nakatingin lang sa aming pinaggagawa lalo nang mga kasama niya.   Napasigaw pa ako nang bigla siyang hilahin nina Lery at Morocco papunta rito sa gitna ng circle na ginawa nila for me, naging dahilan para magdikit kaming dalawa sa isa’t isa. Napaatras pa ako nang maramdaman na parang may dumaloy na kuryente galing sa siko ko sa siko niya.   Automatic tuloy akong napatingin sa mukha niya na hindi ko masyadong naaninagan noong nasa bar. Nagyon na nasa harapan ko na siya habang maliwanag ang buong paligid namin, mas lalo akong nabighani sa gandang meron siya. Hindi naman din kasi kaming magkakalayo ng height. I am 5’6” tapos siya ay mukhang 5’7” o 5’8’’ ang height. Nakita ko pa ang gulat sa mga mata niya bago bumalik ulit sa pagiging cold ang mga ‘to tulad ng dati.   Napatili na ako nang mag-compress sila lalo, kaya hindi talaga maiwasan na magdikit kaming dalawa ng babaeng kaharap ko. Agad dumapo ang kamay ko sa balikat niya, pilit na binibigyan ng distansya ang sarili ko sa kaniya dahil sobrang lakas na talaga ng kabog ng aking puso na halos gusto na lumabas sa aking rib cage.   “Kainan na!” rinig kong sigaw na sabi nina Sweden at Belarus.   Nagsitakbuhan ang mga ‘to papuntang dining area habang ako ay parang napasong napalayo kay President Lur or Lur. Ang awkward talaga, knowing na first meet namin ay hindi talaga maganda. Tapos, second meet namin para na naman akong tanga at makapal ang mukha dahil aside sa niyakap ko siya ay umiyak pa ako.   "Let's go, Miss Katheliya?" Aya sa akin ni Cole na kasama pa rin pala namin.   Aabutin ko sana ang kamay ni Cole na nakalahad sa akin para sabay na kaming pumunta ng dining area nang biglang hawakan ng isa ang aking braso. Pinigilan niya akong gawin kung ano man ang gusto kong gawin. Agad tuloy kaming napatingin sa kaniya.    "Go ahead, Isla," sabi nito. "I will talk to her first." Dugtong pa niya.   Mabilis akong napalingon kay Cole na nakatingin na sa babaeng nakahawak sa akin. Tumango ‘to pagkalipas ng ilang minuto. Akala ko ay aalis na si Cole ngunit, laking gulat ko nang lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa aking pisngi. Hindi ko tuloy alam anong i-re-react ko sa ginawa niya. ‘Yon ang unang beses na ginawa niya ‘yon at sa harap pa ng presidente nila.   “Happy birthday,” bati nitong muli bago tuluyan kaming iniwan ng babaeng nakahawak pa rin sa aking braso na mukhang walang balak na ako ay bitawan.   Nang hindi na namin siya matanaw ay agad kong hinarap ‘to. Agad na hinila rin ang aking braso palayo sa kaniya. Grabe rin talaga ang kabang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko talaga every time na kaharap ko ang babaeng ‘to o she’s around ay parang lagi na lang akong napapahiya. My heart is beating so fast too na hindi na dapat, kasi never ko pa talaga naramdaman ang ganito sa iba o bagong kakilala man lang.   “Anong meron sa ‘yo?” hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili habang nakatitig na sa kaniyang mga mata.   "I had no idea you two were so close para umabot sa point na halikan ka niya sa pisngi," sabi agad nito matapos makita ang ginawa ni Cole.   Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kaniyang mapupula at manipis na mga labi. Kahit hindi naman dapat tignan ay hindi maiwasan ng aking mga mata na mapadako roon.   "We just clicked," halos pabulong na pagkasabi ko sa kaniya.   Tae! Bakit nanunuyo ang labi ko pati lalamunan habang tinitignan ang nakatutuksong mga labi niya?   “Really?” tanong niya sa akin na halatang hindi kumbinsido sa kung anong sinabi ko.   Agad kong inangat ang aking tingin sa kaniyang mga mata na malamig kung tumingin sa akin. All about her ata ay cold talaga. Cold stares, cold eyes and cold voice, but she makes my heart warm.   "Pakialam mo ba?" Hindi ko maiwasang tarayan siya para mapagtakpan ang nararamdaman ko right now.   Ang awkward talaga! Sh!t lang!   Isama mo pa na nakakaramdam ako ng asiwa o init na hindi ko alam. Feel ko nga na pinagpapawisan na ang aking kili-kili dahil sa kaniya.   "Lurlie Lali Martin, the Student Council President," sabi niya sabay lahad ng kamay niya.   “Katheliya Florenz,” ani ko naman na hindi siya kinamayan.   Ayoko!    Feel ko kasi may iba akong mararamdaman if ever na makikipagkamay ako sa kaniya. Kahit nakakatuksong abutin ang kamay niya na halatang malambot talaga ay hindi ko na ginawa pa.   Nakita ko pa kung gaano siya tumingin sa akin nang mariin dahil sa aking ginawa. Mukhang nainis siya o nagtataka kung bakit hindi ko man lang magawang makipagkamay sa kaniya. Nakakabastos man tignan pero ayoko talaga.   “I think bad shot ako sa ‘yo,” sabi niya bago binawi ang kaniyang kamay.   Hindi na ako nagsalita pa dahil wala rin naman akong sasabihin. Sinesermonan ko rin ang aking sarili bakit ganito na lang akong umakto sa harap niya. Hindi naman kasi ako ganito ever since eh. Kahit kaaway ko pa ang kaharap ko or not ay pinapansin ko pa naman kung kakausapin ako. Pero sa kaniya, everything is change.    “Can you just have moved on sa kung anong nangyari last time?” tanong ko agad sa kaniya nang maalala ko ang first meet naming dalawa at sa bar pa. “Kasi wala na ‘yon. At ayaw ko na ring ungkatin pa ang patungkol doon.”   “Ang tapang mo Katheliya, ah? Pero ang totoo hiyang-hiya ka na talaga sa pinaggagawa mo,” usig ng aking isip na binaliwala ko lang at hindi na pinansin pa.   “How can I?” mahinang tanong niya at humakbang pa siya palapit sa akin. “After what you did? I think, no. Kaya ka ba ganiyan ay dahil ‘yon din ang unang pumasok sa isip mo noong makita mo ako?”   Hahakbang na sana ako paatras nang bigla niya akong hapitin palapit sa kaniya. Agad kong naiangat ang dalawang kamay ko at napahawak sa magkabilaang balikat nito. Halos magtama na rin ang aming ilong dahil parehas na matatangos ‘yon.   “W-What are you d-doing?” nagkandautal na tanong ko sa kaniya.   Kinakabahan talaga ako sa pinaggagawa niya ngayon. Nararamdaman ko rin ang init sa aking pisngi sa pinaggagawa niya. Ang lakas talaga ng epekto ng babaeng ‘to sa akin.   "How can I move on if I keep thinking about you?" bulong nito sa akin. "How can I, if I want to get this close to you?"   Hindi ko tuloy maiwasan na mapaawang ang aking bibig sa mga lumalabas sa kaniyang bibig. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin muli sa kaniyang nakatutuksong labi na gusto-gusto kong matikman sa hindi malamang dahilan. Ang bango pa talaga ng kaniyang hininga na siyang unti-unting dahilan para gutso kong mawala sa aking ulirat at angkinin ang labi niya. She smells like a cool mint mixed with chocolate.   "What I crave the most is your enticing scent, which makes me feel alive," mahinang sabi niya at tuluyan pa akong nilapit sa kaniya lalo na dahilan para pati hangin ay mahiya na dumaan sa gitna naming dalawa.   Nagbangga na nga ang matangos naming ilong at gahibla-hibla na lang talaga ang layo ng mga labi namin sa isa’t isa.   "Y-You are insane," nasabi ko na lang.   "I'm willing to go insane if you are the cause."   Halos manlambot na ang tuhod ko sa mga pinagsasabi niya sa akin. Hindi ko alam kung banat ba ‘yon or what. ‘Yong feeling na cringe siya pero hindi. Iba talaga ang epekto pag galing sa kaniya.   Ilalapit na sana niya ang kaniyang labi sa aking labi nang bigla ko siyang naitulak palayo sa akin. Rinig ko kasi ang sigaw ni Lery na tinatawag na kami, kung bakit hindi pa kami sumusunod sa kanila? Buti na lang talaga baka kung ano pa ang mangyari kung nagkataon na hindi.    Jusko!   “Hoy! Bakit ang tagal niyong dalawa? Bakit, Miss Katheliya?” tanong nito nang makita kaming dalawa ni Lali.   Lali na ang itatawag ko sa kaniya pero Lur pa rin pag i-vo-voice out ko o tatawagin ko siya—nakahihiya kung second name eh. Baka sabihan nila akong feeling close or what. But I love calling her Lali. Parang mas sanay ang dila ko na bigkasin ‘yon kaysa sa Lur.   “Nag-usap lang,” sagot ko agad.   Ngunit, mapanuring tinignan lang ako ni Lery na hindi naniniwala sa sinabi ko. Kinabahan tuloy ako sa kung anong itatanong na naman niya. Nakaramdam din ako ng pagkailang dahil baka may nakita siya na dahilan para ganiyan siya sa akin.   “Hindi nga?” tanong nito kaya agad akong tumango.   Agad akong lumapit kay Lery at ramdam ko naman na sumunod si Lali sa amin.   “Talaga bang usap lang, Miss Katheliya?” bulong na tanong ni Lery sa akin nang makalapit ako ng tuluyan sa kaniya.   Hindi ko tuloy maiwasang pamuluhan ng pisngi nang maalala ko ang kamuntikan kong pagkasala.    Gosh! I am older than her! I think, five years or six years or worse seven years. Hindi ko naman alam kung ilang taon na siya kaya how would I know about it. Pero nakahihiya talaga ang inakto ko. Kamuntikan na talaga!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD