“’Yan si Ellery Finley, ang pasaway sa grupo,” ani naman ni Cole sabay turo sa kung sino ‘yon na ikinanguso na lang ni Lery nang marinig nito ang sinabi ng isa sa akin. “Si Sullivan Nola na tinatawag naming Sulli, ang auditor namin.” Dugtong nito.
Mabilis lang akong tumango habang ngumingiti pabalik sa mga pinakilala ni Cole at tinuro kung sino sa kanila.
“Wait, nasaan ang president niyo?” tanong ko agad nang mapansin na kulang sila.
I know from the start naman na si Cole ang vice president at hindi siya ang president dahil may binanggit naman siyang pangalan ng president nila last time. But still, hindi ko pa rin siya nakilala o nakita man lang.
Naisip ko tuloy na baka hindi siya nag-si-stay rito sa Hator kaya wala siya ngayon dito. If ever na ganoon man ay sayang. Gusto ko pa naman silang makilala lahat. That would be better lalo na at sooner or later ay needed ko ring kausapin ang presidente nila.
“Dumating siya noong kalagitnaan ng gabi ngunit, umalis din nang maaga dahil may gagawin pa raw siya,” sagot naman agad ni Savannah sa akin.
Kaya naman pala wala siya rito. Super busy niya sigurong tao na siyang naiintindihan ko naman. May susunod pa naman kaya nasisiguro ako na makikilala ko rin kung sino man siya.
“Pero babalik naman ‘yon. Ma-mi-meet mo rin siya,” sabi naman ni Sulli kaya tumango ako.
Agad naman nagyaya si Cole na kumain na dahil masyadong napahaba na ang usapan namin ngayong umaga. Tumalima naman kaming lahat kasi saktong sa mga oras na ‘yon ay nakaramdam na rin kami ng gutom.
“Ang lalim naman ata ng buntong hininga mo, Miss Katheliya?”
Napalingon tuloy ako agad sa taong nagsalita sa likuran ko. Nakita ko si Cole na nakangiting nakatingin sa akin.
“Naisip ko bigla ang family ko.” Pag-amin ko sa kaniya.
Agad kong binalik ang aking tingin sa mga bulaklak na nasa aking harapan. Nasa likod lang ako ng Hator House kung saan makikita ang swimming pool at garden. Napadpad ako rito after kong magising ng alas tres. Hinahanap ko kasi ang mga kasama ko rito sa bahay, kaso wala sila hanggang sa nakita ko ‘to. Hindi ko kasi masyadong nalibot ang bahay. Ayoko ring lumabas habang wala pang go signal galing kina Cole. Alam ko rin naman na automatic na ako na ang papalit for the mean time kay Ping habang narito pa ako at nagpapalamig pa sa mga nangyayaring issue sa labas.
Ayoko ring makuyog ng mga estudyante once makita nila ako na pagala-gala rito. Kaya nakuntento na ako rito sa Hator na paikot-ikot. Nakahinga pa ako ng maluwag nang makita ko na may swimming pool at garden. Hindi na masyadong boring ang araw ko at pag-stay rito. At least, may isang lugar na alam kong pwede ko rin pagtambayan para magpahangin minsan.
"However, I believe there is a deeper reason for your deep thought," sabi nito.
Hindi ko tuloy maiwasan na malungkot lalo. Sanay kasi ako na every time may occasion ay buo talaga ang angkan ng Florenz lalo na at pag-birthday ng isa sa amin. Today is November 21, which is my birthday. So sad lang, kasi bawal kong i-celebrate ang birthday ko kasama sila because of the issues na kumakalat na ngayon sa kahit saan. Bawal din na pumunta sila rito baka may maghinala at makasunod pa sa kanila.
Hindi ko pa rin talaga matanggap na dahil sa isang pangyayari ay magbabago ng ganito ang buhay ko. Ayokong masanay na ganito kaya minsan naiisip ko rin kung kailan nga ba magiging okay ang lahat. Gusto ko ring maging okay at pipilitin kong maging okay while I am still here.
"Nothing," sabi ko na lang.
Ayoko namang sabihin na birthday ko baka kasi magtanong pa siya kung ilang taon na ako. Though it is not a secret naman sa lahat kung ilang taon na ako. Hindi rin naman ako nahihiya na malaman ng ilang o karamihan kung ilang taon na ba ako. I just don’t like lang na tinatanong ang edad ko. Masyado ko kasing na-fi-feel na parang wala na akong chance na mahanap ang taong matagal ko ng hinahanap na maging parte ng buhay ko ngayon at hanggang sa aking pagtanda. The more na naaalala ko kung ilang taon na nga ako ay parang lumiliit ang tsansa na mahanap ko nga siya. Baka if ever man na dumating man ay huli na masyado for me.
"Oo nga pala, aalis kaming lahat at baka alas na rin ng gabi na kami makabalik," bigla niyang sabi after a few minutes of silence between us.
Tumango lang ako habang nakatingin pa rin sa mga bulaklak. Ayoko lang din kasing humarap sa kaniya para tignan lang siya. Masyado pa naman akong transparent minsan kaya iniiwasan ko na baka mabasa niya ako. Baka makita niya na malungkot ako ngayon na supposed to be ay hindi kasi nga birthday ko nga. I think, mag-isa na lang akong i-ce-celebrate ang aking birthday ngayong taon. Ito na ang pinakaunang malungkot na birthday ko at ayaw kong masundan pa ‘yonsa hinaharap.
"Isla!" rinig kong tawag ni Savannah kay Cole.
Mabilis kaming napalingon sa kung saan siya ngayon. Nakatayo lang si Savannah sa pinto papasok rito sa labas ng Hator kung saan makikita ang swimming pool at garden. Kitang-kita ko rin kung gaano siya nag-ayos sa lakad nila ngayon.
“Aalis na raw tayo sabi ni Lery. Para hindi na raw tayo maipit sa traffic mamaya,” sabi pa niya nang makitang hinihintay namin kung ano ang susunod niyang sasabihin.
Mabilis namang tumango si Cole sa sinabi ni Savannah. Tinapik lang niya ang aking kaliwang balikat bilang pagsabi na aalis na siya. Tumango lang din naman ako bago siya tuluyang tumakbo papalapit kay Savannah.
"May gusto kang ipabili, Miss Katheliya?" tanong ni Savannah sa akin.
Napakurap pa ang aking mga mata sa biglaan niyang tanong sa akin. I didn’t expect na tatanungin niya ako kung anong ipapabili ko. Isang malaking bagay ‘yon for me.
“Pwede bang pabili ng mango cake,” alanganing sabi ko. “Naki-crave lang ako.” Sabay ngiti ko pa sa kaniya para hindi magmukhang gloomy ang mood ko ngayong araw.
Pero ang totoo, ‘yon talaga lagi ang cake na hinahanda sa akin ng family namin pag-birthday ko. Mahilig kasi talaga ako sa mango, kaya simula noong magdala si Tito Ichi nang cake na mango flavor ay naging favorite ko na rin hanggang ngayon. Panata na rin siguro niya na ‘yon lagi ang bibilhin niya pag-birthday ko, kaso ngayon masa-stop muna ‘yon dahil sa nangyari sa akin. Wala rin kasi akong phone na hawak ngayon, kasi hawak na ni Gold ‘yon. Wala na rin akong balita sa kanila kahit kahapon lang ‘yong huling usap namin. Naisip ko pa naman na pwedeng through calls na lang, pero mabuti na rin na kinuha sa akin. Mas lalo akong malulungkot if babatiin nila ako through calls o makausap man lang sila sa face time.
“Sige,” sabi nito bago sila tuluyang umalis.
Napabuntong hininga na lang ulit ako at sabay naglakad sa isang duyan na malapit lang sa wall ng Hator House. Nasa ilalim ‘yon ng malaking puno. Naisipan kong doon na muna magpahinga. Baka kasi matagalan ang mga ‘to.
Agad kong naidilat ang aking mga mata nang maramdaman kong may kakaiba sa aking paligid. Nagitla pa ako nang makita ko ang mukha ni Vico. Akala ko totoo na, buti na lang hindi. Kamuntikan pa akong mahulog sa duyan na aking kinahihigaan. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang malalim na nag-iisip sa kung anong mangyayari sa akin dito. At kung anong madadatnan ko paglabas ko rito. Daig ko pa ang pumasok sa PBB House sa nangyari.
Pipikit na sana muli ako nang biglang kumalam ang aking sikmura. Doon ko lang din napansin na gabi na pala, masaydong napahaba rin ang aking tulog sa duyan. Wala ring ilaw rito sa labas, kasi mukhang hindi pa rin dumadating ang aking mga kasama rito sa Hator.
Mabilis akong bumaba sa duyan at agad pumasok sa bahay. Need kong hanapin ang switch para mailawan ang buong bahay para iwas disgrasya rin. Ngunit, napagitla na lang ako nang bigla na lang umilaw ang buong bahay bago ko pa magawa. Napasigaw pa ako at napahawak sa aking dibdib nang biglang narinig ko ang malakas na putok at sigaw sa kung saan.
"Happy birthday, Miss Katheliya!" sabay na sigaw na bati ng mga boses na pamilyar sa akin.
Automatic akong napatingin sa isang direksyon sa kung na saan sila. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng tuwa, at the same time ay maluha. I didn’t expect na gagawin nila ang ganitong bagay, knowing na kabago-bago ko pa lang silang nakilala.
“Thank you,” nasabi ko na lang nang makalapit sila sa akin ng tuluyan.
Agad napako ang aking tingin sa hawak na cake ni Cole. Nakaramdam ako ng excitement kasi pumapasok sa isip ko ay ang mango cake na laging binibili ni Tito Ichi sa akin pag-birthday ko. Kahit 'yon man lang ang makuha ko ngayon sa birthday ko ay masaya na ako.
"Happy birthday," sabi ni Cole. "Make a wish."
Mabilis akong napatingin sa cake nang makita ko ‘to nang malapitan. Nakaramdam ako ng dismaya nang makitang hindi kapareho ng cake na binibili ni Tito Ichi sa akin. But still, mango cake pa rin siya. Hindi lang siya mukhang special talaga.
"Mango cake from Red Ribbon," sabi agad nito nang makita ang aking expression.
Ngumiti pa rin ako sa kaniya at sa kanila, kasi kahit papaano ay nag-effort sila na gawin ‘to sa birthday ko kahit hindi ko naman sinasabi sa kanila. Pero sabagay, baka nalaman nila dahil nga sa sikat akong modelo. Baka may nag-tag sa akin regarding sa birthday ko na usually naman nangyayari talaga.
“Pikit ka na po, Miss Katheliya,” nakangiting sabi ni Sweden sa akin kaya tumango ako.
Mabilis akong napapikit dahil sa sinabi ni Sweden. Biglang pumapasok sa isip ko lahat ng palpak na relationship ko lalo na ang kay Vico. Hindi ko alam bakit ‘yon agad ang naisip ko sa lahat-lahat na pwedeng isipin sa mga oras na ‘to. Pero pumikit na lang ako nang mariin para magpasalamat sa Diyos.
"Thank you for everything, Father God, sa lahat ng biyayang pinagkaloob mo sa akin. Also, I thank you for protecting me from harm," sabi ko sa aking isip sabay buntong hininga ko.
Humiling na rin muli ako this time.
"But I wish, for the last time before my thirtieth birthday, to feel the love for which I have longed for a long time. The kind of love that will replenish my empty love tank. Para naman umusad ang love life ko at magkaroon ng destinasyon, which is to grow old with me and have a family too."
‘Yon talaga biglang pumasok sa isip ko habang iniisip kung ano ba ang wish ko ngayong birthday ko na naman. Gusto ko kasi talaga na bago matapos ang birthday ko ngayon ay mahanap ko rin sooner ang matagal ko na ring inaasam talaga. I hope Father God will guide me. I-guide niya ako sa tamang tao na siyang hanap ko noon pa man.
“Ngunit, darating pa kaya?” tanong ko sa aking sarili.
Kasabay ng pagdilat ng aking mga mata ay siya ring pagsigaw ni Lery sa pangalan ng isang taong gusto kong makilala kaninang umaga.
“President Lur!” sigaw nito. "Good to see na narito ka ngayon," sabi pa ni Lery.
Imbes na sa candle mag-focus ang aking tingin para mahipan ‘to ay sa taong bagong dating napako ‘yon. Parang wala sa sariling nahipan ko ang kandila nang makita ko kung sino ang President Lur na tinawag ni Lery.
Napaayos pa ako nang tayo nang mapako ang malamig na tingin niya sa akin.
“I guess, I am not late,” sabi niya gamit ang kaniyang malamig na boses.
"Happy birthday," bati niya sa akin sabay lahad ng dala niyang box na ngayon ko lang din napansin.
Hindi ko tuloy maiwasan na magulat nang makita ko ang laman ng box na dala-dala niya.
"Mango cake with almond," sabi ko.
Katulad ng laging binibigay ni Tito Ichi sa akin.
“H-How?” hindi makapaniwalang tanong ko habang hindi maiwasan na manayo lahat ng balahibo ko sa katawan.
Ramdam ko rin ang pagbabadya ng aking mga luha nang mapatingin akong muli sa kaniya. Na-touch talaga ako sa totoo lang.
"Happy birthday," 'yon lang naging sagot niya.
Hindi ko tuloy maiwasan na sugurin siya ng yakap nang maibigay ko agad kay Lery ang cake na hawak niya para hindi mahulog.
“Thank you so much,” sabi ko habang lumuluha na.
Hindi ko lang talaga maiwasan na maluha, kasi I am so touched. Ramdam ko rin na parang kasama ko ang family ko dahil sa cake na dala niya.
“You are welcome,” sabi niya habang hinahagod niya nang mahina ang aking likod.
Hindi ko tuloy maiwasan na maiyak lalo.
“Nice to see you again,” bulong pa nito na siyang dahilan para mayakap ko siya nang mahigpit at umurong ang iilang luhang gustong kumawala rin sa aking mga mata.
Umakyat na rin ang hiya sa mukha ko nang maalala ko kung saan ko siya unang nakita na nakalimutan ko ng ilang minuto dahil sa cake na dala niya.
President Lur and the girl I saw at the bar ay iisa. Ang babaeng nakakita ng wet kong crotchless lace thong na dahil lang din naman sa kaniya.
Tang!na talaga! What a small world!