Nasa ilalim ako ng shower ngayon, pilit kong tinatanggal sa memorya ko about sa napanaginipan ko kagabi. Hindi ko alam na babangungutin ako ng ganoon kalala, kasi okay pa naman ako these past few days—walang weird na nangyayari sa akin. I thought madali lang maka-move on sa lahat ng ginawa ni Vico sa akin, pero hindi naman pala. Akala ko lang pala ‘yon lahat. Dinadaya ko lang pala sarili ko na okay ako kahit ang totoo hindi pala. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-alala para sa sarili ko mamayang gabi. Natatakot ako na baka mapanaginipan ko ‘yon ulit. Ang worst pa ay tuluyan na nga niyang magawa ‘yon sa akin sa panaginip na siyang ayaw na ayaw ko ring mangyari. Baka ayoko ng lumabas pag mangyari ‘yon. Isusumpa ko talaga siya kung nagkataon.
While thinking about it over and over again ay mas lalo kong nararamdaman ‘yong takot, parang totoo talaga siya at hindi isang masamang panaginip ang nangyari. Ramdam ko rin ‘yong tulad ng pakiramdam na naramdaman ko noong nasa condo niya ako, pero malala lang. I am thankful na may gumising sa akin. Hindi ko lang maaninag kung sino pero nabobosesan ko siya. Naka-focus lang kasi talaga ako sa takot ko kaya hindi ko na masyado maaninagan kung sino ‘yon. Noong pilit akong hinahawakan ng taong gumising sa akin ay gumapang muli ang takot na aking nararamdaman. Parang mas lalong nadadagdagan ang takot na nararamdaman ko lalo na’t nagsusumiksik talaga ang mukha ni Vico sa aking isip. ‘Yong mukha niyang gusto na niya akong lapain ng buhay at gawing isang parausan lang niya hanggang sa may isang malamig na boses na nagsalita. I don’t know, pero parang automatic talaga na inangat ang tingin ko sa gawi niya at niyakap agad siya nang maaninag ko na gusto akong yakapin sa mga oras na ‘yon.
I felt safe na never kong naramdaman sa kahit sino aside sa family ko.
Ang huling narinig ko na lang sa kaniya bago ako tuluyang nakatulog muli after ko siyang yakapin nang mahigpit habang hinahagod niya ang aking likod ay ang salitang ‘I am here. You’re safe now.’ Automatic na talaga na nakatulog ako sa mga oras na ‘yon. Tuluyan na nga akong nakatulog ng walang inaalala na baka managinip na naman ako ng masama tungkol sa kamuntikang pag-ri-rape sa akin ni Vico.
Napalingon agad ako sa pinto ng shower nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok. Kumurap-kurap pa ako dahil masyado na pala akong natagalan sa banyo at masyadong nababad sa shower sa lalim ng aking iniisip.
“Miss Katheliya,” tawag nito sa akin. “Labas na po kayo. Kanina pa po kayo riyan sa loob. Kakain na po ng agahan,” sunod na sabi nito sa akin.
I know kung sino ang nasa loob ng kwarto na ginagamit ko ngayon na nasa labas ng banyo na naghihintay sa akin. She is Italy Arden, ang bunso sa Student Council Officers. Siya ang pangalawang taong nakilala ko nang mag-stay na ako rito. Even though bunso siya sa kanila ay isa siya sa responsable na babae dahil minsan sa bawat sinasabi niya ay pinag-iisipan talaga nito ng mabuti at sinasagawa.
“Susunod na ako, Italy,” sagot ko agad. “Banlaw muna ako.”
I sighed bago pinatay ang shower.
“Okay po, Miss Katheliya,” sabi nito bago ‘to umalis dahil narinig ko ang pagsara ng pinto nang patayin ko na ang shower.
Mabilis kong inabot ang robe at sinuot ‘yon. Tumapat pa ako sa malaking salamain na katabi lang ng shower. Halata talaga ang pamamaga ng aking mga mata dahil sa kakaiyak ko kagabi. Halata rin na stressed na stressed ako kahit first time lang akong binangungot kagabi. Mukhang unti-unting nag-si-sink in sa akin ang katotohanang kamuntikan na akong magahasa ng boyfriend ko na ex-boyfriend ko na ngayon.
Hindi kailanman kasi talaga sumagi sa isip ko na mangyayari ‘yon sa akin lalo na ang gagawa ay si Vico. He’s gentleman naman pero minsan napapansin ko rin ang pasimple niyang paghawak sa akin lalo na pagmagkatabi kami. Hindi naman ako manhid lalo na pag nakapatong ang palad niya sa hita ko minsan. Ramdam ko kasi ang mahinang pagpisil niya roon habang tinitignan ako na may ngiti sa kaniyang mga labi. He knows naman na hindi ako bibigay sa kung anong gusto niyang mangyari sa amin kasi simula pa lang kinlaro ko na lahat na I won’t give myself unless kung kasal na kami. Kaya ang ginagawa niya ay hahalikan na lang niya ako sa labi na may gigil. Hinahayaan ko na lang din kasi ginusto ko na mangyari ang ganoon sa buhay ko. Nagtagal din kami sa kadahilanang naghihintay lang ako kung kailan siya makikipagkalas at masyado ko siyang nabibigyan ng tsansa na baka magbago pa ang nararamdaman ko sa kaniya. Pero kahit anong gawin ko, wala talaga. Kahit anong gawin niya, wala rin siyang mapapala, kasi never niyang makukuha ang pihikan kong puso.
Mostly talaga sa past relationships ko ay sila talaga ang nakikipagkalas, kasi ayoko na ako ang gumagawa. Though I know sa sarili ko na hindi naman isa sa kanila ang magiging dahilan para masabi kong siya na nga. Wala pa, kahit kay Vico ay hindi ko nasabi ‘yon. I am just waiting lang talaga kung sino ang taong ‘yon. Alam ko rin naman kasi na masyadong ma-pride ang exes ko lalo na si Vico kaya never akong nagsalita o nagsabi patungkol sa break up. Consistent lang din ang pinapakita ko sa kaniya since day one kaya siguro nademonyohan ang loko, kasi masyado ring alaskador ang mga ka-bandmates niya para magawa ‘yon sa akin. But I am thinking na kung wala sigurong ginawa o sinabi ang bandmates niya ay baka hindi niya magagawa ‘yon.
Hays!
“You will be fine soon, Katheliya,” nasabi ko na lang sa aking sarili just to lighten up my mood bago ngumiti nang tipid sa aking sarili.
Agad akong lumabas ng banyo at pumunta sa walk-in closet ni Ping. Naka-divide na talaga ang mga gamit. Nasa right side ‘yong akin habang ‘yong kay Ping ay sa left side. Okay lang naman din kasi malaki naman din kasi ‘yong kwarto kaya expected na rin na malaki ‘yong walk in closet niya.
Kinuha ko agad ang long sleeve na black. Pinarisan ko ng navy blue na jeans at Sperry Boat shoes na kulay brown. Mabilisan ko na ring pinatuyo ang aking buhok na hanggang balikat ko lang ang haba. Nilugay ko lang din, kasi hindi ako mahilig taliin pagbagong ligo pa ako, sumasakit lang din ang aking ulo. Tatalian ko lang pag nakaramdam na ako ng asiwa o mainit na ang panahon. Nang makitang okay na ako ay agad akong lumabas para kunin ang phone ko para makababa na rin papuntang dining area.
Kakabubukas ko pa lang ng pinto nang mabungaran ko si Cole na kakatok na sana sa pinto ng kwarto ko ngayon. Buti na lang ay hindi natuloy, dahil paniguradong sa akin tatama ‘yon.
“Ow. I thought kailangan ko pang kumatok ng maraming beses bago ka lumabas sa kwarto mo, Miss Katheliya,” sabi niya nang makita ako sabay baba nang kamay niyang ready na sanang kumatok sa pinto para ipaalam na nasa labas siya ng aking kuwartong ginagamit.
Hindi ko tuloy maiwasan na mailing na lang.
“Sorry kung na-late ako ng gising,” sabi ko agad. “Pinaghintay ko ba kayo ng matagal?” tanong ko na rin.
Hindi ko lang talaga maiwasan na itanong ‘yon agad sa kaniya. Pinuntahan na rin kasi ako kanina ni Italy kaya nasa isip ko ay ako na lang ang hinihintay. Kaya nga narito rin ‘to para sunduin ako. If it is that the case, dapat nagmadali ako kanina at hindi na hinayaang magpalamon sa mga masasamang senaryo na tumatakbo sa aking isip.
“Hindi naman. Pare-parehas lang naman eh. Kakatapos lang din kasing mag-ayos nina Lery, Miss. Kakababa lang din nila. Dinaanan lang din kita kasi sabi ni Italy na patapos ka pa lang sa pagligo eh,” mahabang sagot nito kaya tumango ako agad.
Buti na lang talaga. Akala ko kasi ay oo eh.
“I thought ako lang hinihintay,” sabi ko na ikinatawa lang nito nang mahina.
“Sabado ngayon kaya hindi maaga gising namin kaya okay lang talaga, Miss. No worries naman din if ever na ma-late ka nga. Alam naman namin na you need rest,” ani niya sa akin na ikinangiti ko.
Akala ko ay may pasok sila lalo na’t college na sila. Mukhang hindi nila kinukuha ang subjects na may Sabado kaya free silang magpahinga sa week ends. Regalo na rin siguro ‘yon dahil sa pagiging officers nila.
“Good to know,” sabi ko.
Agad naman ‘tong tumango sa akin habang naglalakad na kami pababa sa hagdan papuntang dining area.
“Saan pala lakad mo?” biglang tanong nito nang tuluyan na kaming makababa at papunta na sa dining area.
Napansin niya siguro kung bakit mukhang pang-alis ang suot ko. Pero sa totoo lang ay wala akong balak na lumabas. Kaya pala panay tingin niya sa akin kanina pa simula noong naglalakad na kami pababa.
“Wala. Nagsuot lang ng ganito,” sagot ko agad. “I don’t know kasi kung ano sinusuot niyo pag walang pasok. Baka kasi awkward ang damit na susuotin ko. Besides, baka hindi rin pwede ‘yong susuotin ko if ever.”
Nagulat tuloy ako nang biglang napalabas sa dining area ang mga makakasama ko rito sa Hator House. Kunot noo silang napatingin sa kasama kong sobrang lakas kung makatawa hanggang ngayon na ikinabigla ko rin. Hindi ko nga rin alam kung bakit siya natawa, wala namang nakakatawa sa sinabi ko eh. Nagulat na nga rin ako nang ganoon na lang ang naging reaksyon niya sa sagot ko. Pasalamat pa nga siya ay naisip ko ang bagay na ‘yon. Baka magulat na lang siya na bumaba ako na naka-nighties na siyang nakasanayan ko minsan sa bahay at sa penthouse.
“Hoy!” sigaw naman ni Lery na nakalapit na sa amin.
Doon ko lang din napansin na pati ang iba ay nasa tabi lang ni Lery habang pinapakalma na ni Cole ang kaniyang sarili dahil sa kakatawa niya. Kitang-kita ko pa kung paano niya pahirin ang mga mata niyang naluluha na sa kakatawa niya kanina. Hindi ko talaga alam aling parte ng sinabi ko ang nakakatawa lalo na sa suot ko.
“Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka natawa nang malakas?” tanong nito sa katabi kong pinipilit na maka-recover sa kaniyang pagtawa.
“Oo nga naman, Island,” sabi naman ni Italy. “Ngayon ka lang talaga tumawang muli ng ganiyan eh.” Dugtong pa nito na ikinasang-ayon naman ng iba.
Hindi ko tuloy maiwasan mapatingin kay Cole sa mga sinabi ng mga kasama niya. Hindi ko alam anong dahilan bakit nasabi ‘yon ng mga kasama niya. Sa totoo lang, sa kanilang lahat si Cole talaga ‘yong ma-fi-feel ko na madali kong makasabayan kaya hindi ko aakalain na hindi siya ‘yong tipo ng tao na tumatawa ng ganoon.
“Mukhang okay talaga na napadpad dito si Miss Katheliya, kasi hindi puro ngiti lang ang binibigay mo. Tawa na talaga na malutong,” sabi naman ng isang babae may suot na salamin na hindi ko pa alam ang pangalan.
Kagabi kasi ay hindi na sila nagpakilala talaga sa akin. Ngitian lang ang ganap, kasi kakain na rin ng mga oras na ‘yon. After ay kaniya-kaniya na silang galaw para sa chores nila bago matulog.
“By the way, I am Poland,” sabi agad nito nang mapansin na hindi pa pala siya nagpapakilala sa akin ng maayos.
Visible siguro sa mukha ko kung sino siya kaya nagpakilala na siya. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin kay Italy at Cole nang malaman ko ang first name niya. So, isa pala siya sa sinasabi ni Cole na kabilang sa Map of Europe, ang mga representative by year ng Hatoria University.
Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin sa kaniyang mukha. She is beautiful too. I mean, lahat naman ng officers ay magaganda pero may kaniya-kaniya silang ganda. Sa pagsuot niya ng salamin ay nakadagdag sa appeal na meron din siya. Ang kilay nito ay hindi gaano kanipis, hindi rin kakapal. Sakto lang na babagay sa heart shape niyang mukha. Matangos din ang ilong niya at may mapupulang labi na makapal ang sa lower lip. Napansin ko rin ang kaniyang mga mata na bilugan at kulay itim ‘yon.
“Poland Riley.” Sabay ngiti niya.
Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya bago binaling ang tingin sa ibang hindi pa nagpapakilala sa akin ng maayos. Hindi rin kasi nagkaroon ng pagkakataon na magpakilala sila sa akin kahapon kaya hindi ko pa nalalaman kung sino-sino sila. Since nakilala ko na ang dalawa sa representatives ay hindi ko maiwasan na malaman anong pangalan ng iba pang kabilang sa tinatawag nilang Map of Europe.
“I am Morocco Blaine, a fourth-year representative. Sumunod kay Poland,” sabi naman ng isang babaeng chinita.
“Sweden Delaney, third-year representative,” ani naman ng isang babaeng may black beauty.
Sa way ng pagkakasabi niya ay parang pigil pa siya na huwag ilabas kung sino talaga siya. Mukha kasing tinatansa rin niya paano niya ako pakitunguhan. I can sense it, pero hindi na rin ako nagtanong pa kung bakit. Baka ma-awkward-an siya sa akin kung itatanong ko pa ang bagay na ‘yon sa kaniya.
“Belarus Cameron is the name, sumunod lang kay Eden.” Sabay salute nito.
Halatang may lahi siya dahil sa kulay ng kaniyang mga mata na kulay green, sa kulay rin nito at kutis. Hindi nakakasawang tignan talaga. Sa unang tingin mo pa lang sa mga mata niya parang mapapako pa ng ilang segundo ang tingin mo.
“Oh, kayo nga,” nasabi ko agad nang mapagtanto ko na sila ang apat na kasama ni Italy na ang pangalan ay nakuha sa bansang Europe.
Kumawala lang ang tawa sa kanilang apat. Nakita ko rin kung paano napapailing si Italy habang tumatawa rin. Hindi ko tuloy maiwasan makaramdam ng hiya kaya automatic na napakapit ako sa braso ni Cole. Napatingin tuloy siya sa akin sabay ngiti lang niya bilang nagpapahiwatig na okay lang ang lahat.
Nahihiya ako sa inaakto o sinasabi ko sa harap nila. Besides, silang lahat ay may magagandang lahi naman talaga. Para ngang mga model din ang datingan nila eh, like me. Napatingin tuloy ako kay Italy na bunso sa kanilang lahat. Halata naman din dahil baby face naman kasi talaga ‘to. Kaso nga lang ay mausisa rin ‘to masyado, mababakas ‘yon sa bilugan niyang mata.
Though, I know na mabilis ko lang silang mapalagayan ng loob—nasisiguro ako roon.
“Savannah Penn,” sabi agad ng isang babaeng katabi ni Poland.
“The great kuripot.” Singit naman agad ni Lery kaya agad umikot ang mata ni Savannah.
“Masinop ako, hindi kuripot.” Depensa nito sa kaniyang sarili. “Besides, hindi naman kasi ako katulad mo na masyadong maluho isama mo pa na binansagan kang ‘Lery: The Naughty Secretary’.” Sabay irap nito na ikinatawa lang ng isa.
Hindi ko alam na ganito pala silang dalawa sa isa’t isa. Noong unang kita ko sa kanila ay si Lery lang talaga ‘yong naunang napansin ko dahil sa pagiging pilya nito. Mukhang si Savannah naman ang laging taga saway kay Lery. Hindi na ako mabibigla kung lagi silang nag-aaway o nag-iiringan dahil sa pagkakaiba nilang dalawa. Pero kahit ganoon ay pansin ko rin naman na they care each other naman as family, silang lahat. May kakaibang closeness din kasi ang grupo nila.
“Okay lang naman din kaysa sa ‘yo, Miss Treasurer,” sabi pa ni Lery sabay smirk pa.
Hindi ko tuloy maiwasan na mailing na lang. But I am happy at the same time kasi hindi nila pinipigilan ang kanilang sarili na magpakatotoo sa harap ko. Oo, may iba’t iba silang pag-uugali at pinanggalingan but despite those differences nila ay na roon pa rin talaga at ramdam ko ‘yong connection nila sa isa’t isa. I can feel and see na kapatid na talaga turingan nila sa isa’t isa tapos na roon talaga ‘yong respeto and trust talaga, kahit hindi talaga maiwasan na mag-asaran ang mga ‘to.
I love their friendship, all in all.