Chapter 1
Puno ng tensiyon ang halos lahat ng dumadalo sa pulong na iyon ng mga rojo. Halos naririnig ni Kristian ang tunog ng panginginig ng mga basong may lamang blood wine na isine-serve sa naturang pulong. Kahit ang bowtie ay kusang humihigpit sa pagkakapulupot sa leeg niya. This was not good.
Humigit-kumulang dalawang daan dumalo sa pulong ng gabing iyon sa malawak na bakuran ng Valle Luna de la Roja o Valley of the Red Moon. Sa paningin ng marami ay isa lamang iyong exclusive club sa paanan ng Mount Makiling. Ngunit isa iyong kanlungan para sa mga rojo o mabubuting sanguis at ang mga kapanalig nilang tao.
Isa si Kristian sa mga sanguis na naroon na namumuhay at nakikisalamuha bilang tao gaya ng ginagawa ng mga magulang niya at ng mga ninuno niya bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas.
Puro puno ang paligid nila dahil nasa gitna ang Valle ng protected rainforest. Daang-taon na ang edad ng mga puno doon at kaedad na ng ilan sa mga bampira. Kaya naman laging presko ang hangin doon at nagsisilbing proteksyon nila kapag mainit ang panahon at sikat ng araw.
Subalit nakadagdag sa tensiyon ang lamig ng hangin gayundin ang kakaibang liwanag ng kabilugan ng buwan sa gabing iyon. Tumingala si Kristian sa buwan kung saan nanggaling ang iba sa mga ninuno niya - dahil sila ang mga anak ng mga diwata ng buwan o mga mayari.
Contrary to some of the popular beliefs, vampires were not spawned by devil. Lalong hindi rin nagkaroon ng bampira dahil sa genetic mutation matapos makagat ng paniki. The vampire’s origin actually started from a fairy tale. Ang kaibahan lang, di sila gawa-gawang kwento lang kundi nabubuhay sila sa realidad.
Ayon sa isang lumang kwento ay bumababa ang mga mayari sa mundo tuwing kabilugan ng buwan para maligo at mamasyal. They also attracted mortals and make love with them. Ang mga nagdadalang-taong diwata ay nananatili sa mundo hanggang manganak ang mga ito at saka babalik sa buwan. Ang anak ng mga ito sa mortal na tao ay nagiging sanguis na nabubuhay sa pag-inom ng dugo. Namana nila iyon sa mga mayari.
Sanguinare ang tawag sa mga bampira na anak ng diwata ng buwan o tennyo at mortal na tao. Ang mga ito ang pinakamalalakas na mga bampira at siyang pinuno ng rojo. They crave for blood. They feed on human blood. Kailangan daw iyon para magawa nilang maka-adapt sa buhay sa mundo.
Tahimik ang pamumuhay nila sa Valle. Sa loob ng ilang daang taon, nagagawa nilang makisalamuha nang normal sa mga ordinaryong tao. Subalit may mga sanguis na ang turing sa mga ordinaryong tao ay pagkain lamang. Source of their life blood. Umbra ang tawag sa mga ito. Hindi iyon sinang-ayunan ng mga rojo.
Kaya naman naganap ang malaking digmaan mahigit isandaang taon na ang nakakaraan sa pagitan ng mga umbra at rojo. Sanguis laban sa sanguis. Maraming nagbuwis ng buhay para lang tiyakin na mapoprotektahan ang mga tao.
Nanalo ang mga rojo at namuhay sila sa tahimik sa loob ng mahigit isandaang taon. Hanggang mahigit anim na buwan na ang nakakaraan, lumabas ang isang libro ng isang fiction romance writer na si Jermaine Locsin kung saan naibulgar nito ang pagkakakilanlan ng isa sa mga rojo na si Enricus. Isa pala itong kresme na nakakakita ng hinaharap. Sa pagsulpot nito sa mundo, nalaman din nila na may mga umbra pa rin at sumasalakay na sa inosenteng mga tao. Muntik nang mapatay ng mga ito si Jermaine kung ‘di lang nasagip ni Enricus.
Bukod doon, nabago ang Aklat ng mga Hula nang idineklara nang opisyal na kresme si Jermaine. Nabura ang mga lumang hula at napalitan ng bagong mga luha. Sa kasamaang-palad, isinumpa pala ng sinaunang kresme ang mga aklat ng hula. Hindi nila alam kung tama ang hula sa hawak nila. Nasa kanila nga si Jermaine na isang kresme subalit ‘di nito alam kung fiction lang ang sinusulat nito o totoo. Alam niyang ‘di madali ang sitwasyon dahil kahit na totoo ang hula nito, maraming tumutol at kumokontra na parang ginusto nito ang kalalabasan ng hula.
Ngayong nagbabanta na ang pagsalakay ng mga umbra. Nangangapa sila sa dilim dahil wala silang alam sa mga ito. Ang pag-asa na lang nakikita nila ay hanapin ang babaeng anak ng sanguinare na may tatak ng araw sa batok. Ang ipapanganak ng babaeng iyon ang magiging pinakamalakas na sanguis at siyang magdidikta kung sino ang mananalo sa nagbabantang labanan ng mga rojo at umbra.
“Ikinalulungkot naming ipaalam sa lahat na hanggang ngayon ay hindi pa rin natin natatagpuan ang de Angelis na nasa propesiya,” malungkot na wika ni Aleaja Conquistar, isa sa tatlong pinuno ng consejo ng mga rojo at nag-iisang babae.
Dalawang daang taon na ang edad nito subalit mukhang ‘di ito tumanda. May light brown itong buhok na nagmimistulang ginto kapag tinatamaan ng liwanag ng buwan at ginto rin ang mga mata nito. “Hindi pa rin natin natatagpuan ang mezzo na ipinanganak sa pinakamaigsing araw sa mundo na magdadala ng anak na lalaki na hindi maaring masaktan ng kahit sino o kahit na anong kapangyarihan.”
Umugong ang bulung-bulungan. Bukod sa sanguinare ay may iba pang uri ng sanguis. Ang mga mezzo sanguinare ay ang mga sanguis na nalahian ng tao. Ang mezzo sanguinare uno ay ang resulta ang anak ng ng isang sanguinare sa mezzo sanguinare. Mezzo sanguinare dos ng pakikipagniig ng isang sanguinare at tao. Mezzo sanguinare tres ay ang anak ng dalawang mezzo sanguinare. Mezzo sanguinare cuatro ay anak ng isang mezzo sanguinare sa isang tao. Habang ang mezzo sanguinare cinco ay anak ng mezzo sanguinare sa isang esclavo o tao na nakagat ng bampira. Ang ina niya ay isang mezzo sanguinare habang ang ama naman niya ay isang esclavo o taong nakagat ng bampira. Ang mga esclavo ang sinasabing pinakamahinang uri ng bampira. They were not sanguis by blood.
Isang mezzo sanguinare ang hinahanap na ipinanganak sa solstice. Ang anak nito ang pinakamalakas na sanggol na may kakayahang magprotekta sa mga bampira na kakampihan nito. At sa kanyang ika-dalawampu't isang kaarawan, biglang magpupula ang kalangitan, bilang hudyat na buhay na sa dugo niya ang pagiging isang sanguinare.
Sa kasamaang palad, napakaraming babaeng pinatulan ni Romeo noong nabubuhay pa ito. He couldn’t call those relationships. Notorious ito lalo na sa mga ordinaryong kababaihan na walang malay. Naglaho na nang tuluyan si Romeo nang lumubog ang sinasakyan nitong yate habang nasa Carribean.
Hindi na nila magagawang I-trace kung sino ang mga kababaihang nakasalamuha nito. Hindi na nila malalaman kung sino ang ina ng anak nito. Sa dinami-dami ng magiging itinakda, bakit ito pa?
Humalukipkip si Kristian. “Ano pong nakalagay sa isinulat ng kresme tungkol dito? Bakit wala siya dito para magpaliwanag sa atin?” Binalingan niya si Enricus na nakatayo di kalayuan sa kanya.
Nadiskubre ang kakayahan nito ilang buwan na ang nakakaraan nang bigla na lang dumugin si Enricus ng mga mambabasa ng babae at tinanong kung totoo itong bampira. Ginawa palang bida ni Jermaine ang kaibigan niya sa nobelang isinulat nito bilang isang bampira. It was supposed to be a figment of her imagination. Pero detalyado nitong nailahad ang tungkol sa pinagmulan ng mga bampira na gaya nila pati na rin ang impormasyon tungkol sa Valle. Nagawa rin nitong hulaan ang tungkol sa ibang impormasyon tungkol sa iba pang rojo. Kung paanong may allergy sila sa pagkain ng mga tao, ang mga sekretong aklat at nitong huli ay ang hula tungkol sa itinakdang mezzo.
Ayon sa sinaunang hula ay isang babaeng mezzo mula sa malalakas na may dugong de Angelis ang magkakaanak ng isang lalaki. Ang batang lalaking ito ay di masasaktan ng sinuman at magbibigay ng proteksiyon sa grupong kinabibilangan nito. Sa edad nitong dalawampu’t isa ay magsisimula na rin nitong makita ang mga tanda ng tadhana nito. Sa pagiging ganap nitong bampira ay isang bahaghari sa kadiliman ng gabi ang lalabas.
Ang mga de Angelis ay pinamumunuan ng sanguinare na si Kristoff de Angelis na nagmula sa mga bampirang namuhay pa mula sa panahon ng Imperyo ng Roma. Ang anak ng kapatid nitong si Romeo ng katuparan ng propesiya. Nagkaroon ito ng anak na babae sa isang tao. Sa kasamaang palad ay sugo pala mula sa kalaban nilang bampira na mga Umbra ang naturang babae. Ang mga Umbra ay mga bampirang pumapatay ng mga tao sa pamamagitan ng pag-ubos sa dugo ng mga ito. Isang malakas na esclavo ang pinuno ng mga ito. Kung para sa kanilang rojo ay dapat protektahan ang mga tao, para sa mga ito ay pagkain lamang ang mga tao.
Lumunok si Enricus. “Sa huli kong nabasa sa notes niya, pakawala ng umbra ang ina ng itinakda. At ipinanganak siya sa winter solstice. Ipinanganak siya sa panahon na (cite an event na same ng pangyayari).”
“That was twenty years ago. Ilang buwan na lang at twenty-one years old na siya, ang ibig sabihin?”
Sa winter solstice ng taong iyon magaganap ang katuparan ng naturang hula dahil sa tantiya nila ay iyon ang kaaarawan ng anak ni Romeo. Kundi nila mababawi ang itinakdang de Angelis mula sa mga Umbra, tiyak na magiging mapanganib sa mga tulad niyang bampira na namumuhay ng tahimik at sa mga tao. Hindi nila maaring hayaang mangyari iyon.
“Kung tutuusin mahihina lang ang mga esclavo na iyan. Bakit hindi pa sila mahuli?” angal ng mezzo na si Carmello na mula sa grupo nila Aleaja.
“Ginagawa namin ang lahat ng magagawa namin,” sabi ni Kristoff. “Pero katulad natin, nag-i-improve din ang kakayahan ng mga Umbra. Kaya na nilang itago ang kanilang mga sarili.” Malakas ang pang-amoy nilang mga sanguis. Kaya nilang amuyin ang mga sanguis gaya nila. Subalit para protektahan ang kanilang mga sarili ay nakapag-develop sila ng langis na kapag ipinahid ay mag-aamoy tao sila. Mukhang iyon din ang ginawa ng mga Umbra. “Ilang kuta na nila ang nakubkob natin pero hindi pa rin natin natatagpuan ang anak ni Romeo. Maaring malakas din ang itinakdang mezzo at pinoprotektahan sila. Di natin alam kung ano ang kakayahan niya.”
“Mukhang kailangan yata nating magdagdag ng pwersa,” sabi ni Kristian at tumayo. “Hindi ko pa alam kung ano ang pwede kong maitulong pero gusto kong mag-volunteer na mahanap ang itinakdang mezzo.”
Mga sentinel ang naatasan na maghanap sa mga ito - kalahating sanguis at kalahating lobo. They were the one who were good in tracking and retrieving. Nasa ilalim ang mga ito ng pamumuno ng mga de Angelis. Habang siya naman ay mula sa mga angkan ng mga Majarlika na pinamumunuan ng pinakamalakas na sanguinare na si Pinunong Kaptan Majarlika. Negosyo at pulitika ang forte ng angkan nila.
Naramdaman ni Kristian ang pagkahawak sa braso niya ng katabi niya. It was Atrisha. Isa itong esclavo. Kapatid ito ng namayapa niyang matalik na kaibigan na si Arturo. Pinatay ng mga bampira ang magulang ng mga ito para sa dugo at kapangyarihan. Dapat ay papatayin na rin ang magkapatid pero sinagip ng mga rojo. Sampung taon lang siya noon. Nang dumating sa tamang edad, pinili ng magkapatid na maging esclavo upang makapagsilbi sa mga rojo.
Bakas ang lungkot at pag-aalala sa mga mata ni Atrisha na umiling. “Huwag, Kristian. Baka mapahamak ka lang. Delikado ang misyon na iyan. Hindi madaling kalaban ang mga Umbra.”
“Sila ang dapat na matakot sa atin. Mas makapangyarihan tayo sa kanila,” puno ng kompiyansa niyang sagot.
“Baka matulad ka kay Kuya Arturo…” anitong parang maiiyak. “Baka mawala ka rin sa akin.”
Namatay si Arturo nang minsang mapalaban sa mga Umbra. Sinubukan nitong sagipin ang ilang teenager na babae na kinidnap ng mga kalanang bampira para lamang sa dugo ng mga ito. He was outnumbered. At ulila na nang tuluyan si Atrisha kaya nauunawaan niya ang takot nito.
Umiling si Kristian. “I can’t just sit here and do nothing. Kailan pa tayo aaksiyon? Kapag inuubos na nila ang mga tao at pinapatay? Wala na ring matitira sa atin oras na ipanganak ang batang iyon. Gusto mo bang mangyari iyon?”
Oo, hindi siya kabilang sa mga matataas na uri ng mezzo sanguinare. Kahit pa matagumpay siya sa larangan ng negosyo sa mundo ng mga tao, hindi pa rin ganoon kalaki ang kontribusyon niya sa mga rojo sa palagay niya. Gusto niyang makuha ang respeto ng mga kasamahan kahit pa sabihing di naman mababa ang trato ng mga ito sa kanya. At ang paraan para magawa iyon ay makatulong siya na pigilin ang masamang balak ng mga Umbra at matiyak na sa kanila papabor ang propesiya.
“Tama si Kristian. Kailangan natin ng mas maraming pwersa,” sabi ni Nicodemos na anak ni Pinunong Kaptan. “I am also volunteering.”
“Despite your busy schedule, Attorney?” nakangisi niyang tanong.
“Gusto ko rin namang iligtas ang mundo. Di pwedeng ikaw lang ang may eksena,” anito sa mayabang na tono. Halos magkapatid na ang turingan ng namayapa niyang ama at ng ama nitong si Pinunong Kaptan pero lagi silang nagpapasikatan a dalawa. They were not really enemies. Paraan lang nila iyon para i-push ang isa’t isa. But he could say that he was one of the most annoying sanguis he had ever met. Malakas kasi itong mang-asar.
Nag-volunteer na rin ang iba pa na tumulong na ikinasaya naman ng ama-amahan niyang si Pinunong Kaptan. “Obligasyon ng lahat ng mga rojo na pangalagaan ang isa’t isa. Our survival depends on this. Let’s prepare for the worst.”
Matapos ang meeting ay kanya-kanya nang kulumpunan ang mga miyembro. Itinakda na rin ang pagpupulong sa mga volunteers para mapag-aralan ang nakalap na impormasyon ng mga Umbra. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin sapat ang impormasyong nakuha nila para malaman kung sino ang anak ni Romeo de Angelis na itinatago ng mga Umbra.
“Kristian, that was brave,” puri sa kanya ni Aleaja nang lapitan siya. Aakalain ng marami na nasa mid-twenties lang ito. Isang batang fashion designer. But she was almost two hundred years old. Ipinanganak ito nang panahong sakop ng Kastila ang Pilipinas. Some joked that she was the oldest virgin on Earth.
“Thank you, Senyora Aleaja,” pasasalamat niya. “Isang malaking karangalan kung may maitutulong po ako.”
“Senyora Aleaja, ang ganda-ganda po ng suot ninyo,” excited na wika ni Atrisha na hindi umaalis sa tabi niya. “Mukha kayong lumulutang sa gown ninyo.”
Tumawa si Aleaja at hinaplos ng palad ang celestial blue flowing gown nito. Sa bawat pagaspas ng hangin ay mukha itong inililipad niyon. “Oh! Napansin mo pala. Akala ko wala nang makakapansin sa gown ko after that horrible news. I have to look good despite the predicament. We should all look good. We are sanguis, not zombies.”
Women. Kahit na sa gitna ng nagbabantang trahedya ay iniisip pa rin ang itsura ng mga ito. He remembered her mother’s words. Kung mamamatay lang din naman daw ito, gugustuhin pa rin nitong maging maganda sa paningin ng iba. Pero kahit isa pang sanguinare ay alam niyang inaalala pa rin nito ang kapakanan ng nakararami. Malaki ang responsibilidad nila lalo na’t walang ideya ang mga tao kung anong trahedya ang nakatakdang maganap.
“Kailan ba kayo ikakasal na dalawa?” pabirong tanong nito sa kanila ni Atrisha. “Alam ko na tensiyado tayong lahat sa paghahanap sa itinakda pero kulang isang taon pa naman ang winter solstice.”
Nagpapalit-palit ang tingin ni Aleaja sa kanila. Hindi siya basta-basta nakikipag-date sa ibang babae. He was too busy working. Kung may mga okasyon, si Atrisha ang lagi niyang ka-date. Kung gugustuhin niyang magpakasal sa isang babae ay si Atrisha iyon. She was gentle, fragile, hindi demanding at alam nito kung kailan kailangan ito at hindi. Iyon din ang paraan niya para alagaan ito. Responsibilidad niya ito mula nang mamatay ang kapatid nitong si Arturo sa isang matinding labanan dahil sa pagsagip sa kanya. At alam niyang umaasa si Atrisha. Aalukin niya ito ng kasal subalit hindi pa ngayon. Wala pa siyang maipapangako dito ngayong
“Hindi sila makakasal,” biglang singit ni Jermaine sa usapan. Ito ang kresme na nakakaalam ng nakaraan at hinaharap.