HALOS lumabas na ang lamang-loob ni Alta habang nakayukyok sa toilet bowl at sumusuka. Hindi na niya kinakaya ang tindi ng sakit na nararamdaman matapos kumain ng chocolate at cake. Na-warning-an na siya na may allergic reaction siya doon at maari siyang magkaroon ng matinding hyperacidity. Akala niya kapag uminom siya ng synthetic blood ay okay na siya at mawawala na ang sakit. Hindi rin pala dahil parang nire-reject ng katawan niya ang synthetic blood. Latang-lata na siya pero parang di pa rin siya matatapos sa pagsuka. Nahihiya na siyang humingi ng tulong sa mag-asawang Enricus at Jermaine. Naging bisita na nga siya sa bahay ng mga ito, naging alagain pa siya. Narinig na nag-away pa ang mag-asawa dahil sa kanya. Sensitive pa mandin ang mga buntis. May nag-angat ng buhok sa ibabaw ng

