Martina Tahimik akong nakamasid sa labas ng bintana ng kotse ni Yohann kung saan kami nakasakay ngayon. Aaminin kong bigla akong nanibago sa takbo ng buhay ko sa isang idlap. Mula sa pagkamatay ni tatay, ang pag-amin namin ni Yohann sa totoo naming nararamdaman sa isa’t-isa hanggang sa may nangyari na sa aming dalawa at ngayon ay ang nalalapit naming kasal. Ang bilis ng mga pangyayari sa aming dalawa na maski ako ay hindi ko namalayan ang mga bagay na akala ko ay imposibleng mangyari sa mga buhay namin. “Sweetheart…” bigla akong napatingin sa gawi ni Yohann ng walang ano-ano ay kuhanin niya ang atensyon ko. Saglit lang niya akong tinitigan at ibinalik nito muli ang paningin sa kalsada kung saan patuloy itong nagmamaneho. “May problem aba?” nag-aalalang tanong niya sa akin na hindi na

