MARTINA Hindi ko alam kung paano ako titingin ng diretso sa mga mata ni Warren na hindi ako nakakaramdam ng guilt sa puso ko. Pakiramdam ko ay nagkasala ako sa kanya sa hindi ko pagasasabi ng totoong nararamdaman ko kay Yohann sa simula pa lang. Wala akong intesyon na saktan siya sa pagpunta namin ni Yohann na magkasama sa grocery store kung saan kami unang nagkakilala at naging magkaibigan. Mahirap na magpanggap na okay lang ang lahat pagkatapos ng mga pinagdaanan naming dalawa bilang magkaibigan. Hindi ko mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses siyang naging mabuti sa akin maging kay tatay. Kaya ngayon na nasa harap ko si Warren ay hindi ko maiawasang usigin ng kunsensiya ko. “Kailan pa kayo nagkaroon ng relasyon na dalawa?” siya na mismo ang bumasag ng katahimikan sa pagitan na

