MARTINA Parang may tambol na nasa loob ng puso ko dahil sa lakas ng t***k nito. Hindi ko nagawang kumurap kahit isang beses man lang ng malapat ang mga labi ni Yohann. Kitang-kita ko ang guwapo nitong mukha na ngayon ay halos ikaduling na ng mga mata ko dahil titig na titig ako sa kanya. Bago ang pakiramdam na ito sa akin dahil ito ang unang beses na mahalikan ako ng isang lalake. Pinaghalong takot at kilig ang naramdaman ko sa pangyayaring ito. Hindi ko ito inasahan na mangyayari sa pagitan naming dalawa ni Yohann. Ramdam ko ang lambot ng mga niya habang banayad itong nakadikit sa mga labi ko. Parang takot niyang sakupin ang mga labi ko at ang tanging nais niya ay maramdaman ang pag-iisa ng mga labi namin ng mga oras na iyon. Hindi nagtagal ay nakita kong dumilat ang mga mapupungay n

