Martina Bumuhos ang malakas na ulan. Ang kalsada ay halos hindi na maaninag dahil sa agos ng tubig. Nakatingin ako sa labas ng bintana ng kotse ni Yohann habang pinapanuod ang mga taong tumatakbo sa ulan huwag lang gabihin sa pag-uwi. “Ang lakas ng ulan.” Walang ano-ano ay sabi ni Yohann sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya at napatango. “Oo, biglang bumuhos ang ulan.” “Kaunting traffic na lang makakauwi na rin tayo.” Muli akong tumango sa kanya at ngumiti. Gusto ko ang ganitong pakiramdam na banayad ang lahat. Maging ang panahon ay nakikiayon sa nararamdaman ko sa kasalukuyan. Malamig, maulan at ang tanging masarap na gawin ay magpahinga kasama ang taong nagpapasaya sayo. Nagpatuloy ang pagbiyahe namin hanggang sa makarating kami sa bahay. Ang unang naging problema namin ay kung

