CHAPTER 6- UMUSBONG NA PAG-ASA

2413 Words
YOHANN Ang sabi nila, gaano mo man planuhin ang buhay mo, mangyayari at mangyayari pa rin ang inilaan sayo ng kapalaran at Diyos sayo. Katulad ng nangyari sa akin, labing limang taon na ang nakalipas. Hindi ko inakala na maiiba ang aking tadhana dahil sa isang pangyayaring hindi ko makakalimutan. Ibinaba ko ang hawak kong baso ng alak sa isang round table na nasa gilid ng rillings ng balcony. Kasalukuyan akong nakatanaw sa malawak na lupain ng mga Ortega sa Laguna. Biglang bumalik ang mga ala-ala ko fifteen years ago. "Hijo..." Napalingon ako sa isang babae na isa sa mga tauhan ng DSWD. Hindi ako agad nakasagot at nanatili akong tahimik habang tinitingnan ko ang tuluyang pagsasarado ng nitso ni Tiyo Andres. "Kailangan ka munang sumama sa amin ngayon dahil minor de edad ka pa." Doon na ako napatingin muli sa kanila. Ano ang magyayari kapag sumama ako sa kanila? Umiling ako sa kanya at nagsalita."Kaya ko pong mag-isa. Magtratrabaho na lang po ako para mabuhay." "Yohann, naiintindihan ka namin. Pero maniwala ka, mas makakabuti sayo kung sasama ka sa amin. Hahanap kami ng institution na puwedeng tumulong sayo para makapagpatuloy kang mapag-aral at kapag nasa tama ka nag edad...saka ka namin hahayaan na mamuhay mag-isa. Yun sigurado na kaya munang tumayo sa sarili mong mga paa." Paliwanag niya sa akin. Para akong nagkaroon ng maliit na pag-asa dahil sa sinabi niya. Maari akong makapag-aral kung sasama ako sa kanila, na pinakapangarap ko dati pa. Kaya pagkatapos ilibing ni Tiyo ay sinamahan niya ako na kuhanin ang ilang pirasong damit na naiwan ko sa maliit na barong-barong ni Tiyo Andres. Pagkatapos akong isinama ng mga tauhan ng DSWD ay hinanapan nila ako ng isang foundation kung saan maaari akong manatili hanggang sa dumating ako tamang edad na maaari na akong makapagtrabaho para mabuhay. Habang nasa Hope Foundation ako ay nagkaroon ako ng mga kaibigan at dahil sa kanila ay panandalian kong nakalimutan ang mga malulungkot na nangyari sa buhay ko sa mga nakalipas ng buwan. Isa na naging kaibigan ko ay si Albert. Katulad ko ay wala na rin siyang mga magulang. Pero iba ang gusto nyang mangyari sa buhay kapag maaari na siyang makalabas sa foundation na kumupkop sa amin. Gusto niyang makapagtrabaho sa ibang bansa. Naniniwala siyang iyon na lang ang pag-asa nito para mabago ang takbo ng buhay nito. Samantalang ako ay buo ang loob ko na makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo at iyon ang pangarap ko maging ng mga magulang ko para sa akin. Bago sila namatay ay nangako ako sa tabi nila na mag-aaral akong mabuti, magtatapos at makakahanap ng isang desenteng trabaho na mag-aahon din sa amin sa hirap. "Ang lakas ng fighting spirit mo boy. Talagang mag-aaral ka ng kolehiyo? Hindi ba malayo sa katotohanan ang gusto mong mangyari Yohann?" Natatawang tanong sa akin ni Albert ng magkatabi kaming nagmimiryenda sa canteen. "Hindi ko alam kung paano, pero gagawa ako ng paraan para makapag-aral ako. Hindi ako susuko hangga't hindi nangyayari ang bagay na iyon." "Tsssk, oh sige bahala ka na nga. Basta kung sino ang yumaman sa ating dalawa balang araw ay huwag sanang makakalimot ah." Paalala nito sa akin na ikinangiti ko naman. "Oo naman. Ikaw? Ano ang balak mo kapag nakalabas ka na dito foundation sa susunod na buwan?" Curious kong tanong sa kanya. "Maghahanap ako agad ng trabaho, kahit maliit lang ang kita basta mabuhay lang ako at paunti-unti...kukuha ako ng mga papel na kailangan ko para makaalis ako ng bansa katulad ng passport." Terminado nitong sagot sa akin."Pagkatapos ay magtatanong-tanong ako sa POEA kung paano ako makakapag-apply ng trabaho sa ibang bansa kahit na un salary deduction ang gawin para sa placement fee ko basta makapagtrabaho ako sa ibang bansa." Tiningnan ko siya mula sa kinauupuan niya. Katulad ko ay ganoon din kadeterminado si Albert na abutin ang mga pangarap nito sa buhay. Iba talaga ang nagagawa ng hirap ng buhay at ang realidad na kahit saan ka man na anggulo tumingin, ang mahirap ay mananatiling mahirap hanggat hindi ikaw mismo ang magpasyang tumahak sa ibang direksyon ng buhay mo. Direksyon kung saan maiiba ang tingin ng tao sayo mula sa kinasadlakan mong hirap. Hindi madali ang mangarap lalo na at mag-isa ka lang sa buhay. Sa kaso namin ni Albert, ang mangarap ay ang siyang nanatirang paraan na lang para magpatuloy kaming mabuhay sa mundo kung saan ay pilit kaming hinahatak pababa hanggang sa wala na kaming magawa kung hindi ang lumuhod sa lupa. "Sabagay, mainam ang mga plano mo na'yan. Kapag nasa ibang bansa ka na ay huwag kang makakalimot." "Aba oo naman, ikaw ang una kong hahanapin kapag nakauwi na ako ng Pilipinas. Iinom tayo, mamamasyal at syempre hahanap ng mga magagandang babae." Sabay tawa pa ni Albert ng malakas. "Ikaw talaga, puro ka kalokohan." Reklamo ko. "Basta, ang usapan natin...pareho tayong magtatagumpay sa buhay. At pagdating ng panahon, magkikita kita ulit tayo." Paniniguro ni Albert na parang siguradong-sigurado na ang aming magandang kapalaran. "Halika na nga sa loob, baka hinahanap na tayo nila Ate Grace sa loob." At mula sa upuan ng canteen ay sabay kaming pumasok sa hallway ng foundation para puntahan ang mismong receiving area ng lugar. Doon daw kami magtitipon-tipon lahat dahil may darating na mahalagang bisita ang foundation. Ang mga ito raw ang regular na nagbibigay ng tulong para manatiling nag ooperate ang foundation. Kasama namin ang ibang kabataan at karamihan ay ang maliliit na bata na naghihintay sa mga taong darating. Kami na ata ni Albert ang isa sa pinaka may edad na nasa ilalim ng kanilang patnubay. "Yohann, nasabi ba sayo ni Ms. Grace kung sino ang darating na mga importanteng tao ngayon?" Curious na tanong ni Albert sa akin ng hindi na nito matiis. "Hindi ko rin alam kung ano ang pangalan ng mga tao na iyon. Pero ang sabi lang ni Ms. Grace ay mayaman daw ang mag-asawang iyon at talagaang regular na nagpupunta dito ang mag-asawa para mag donate sa foundation." "Ahhh, sobrang yaman siguro nila hano? Biruin mo, ang laki na siguro ng perang naidonate ng mga iyon dito sa foundation." "Baka nga, ang mahalaga ay may natatanggap na tulong ang foundation para sa mga katulad natin." "Tama ka." At sabay pa kaming napatingin sa pintuan ng receiving area ng may mga pumasok na tao. Isang babae ang unang pumasok na may kasabay na isang lalake na halos magkamukha lang ang kanilang edad. Mga nasa kuwarenta na siguro ang mga ito. Halatang mayaman at mapuputi at makikinis ang mga balat nito. Huli na ng napansin ko na may kasama rin pa lang dalagita ang dalawang taong unang pumasok. Hindi nagkakaiba ang aming edad. Nasa high school na rin siguro ito katulad ko kung hindi lang ako nahinto ng pag-aaral. Agad na tumayo sila Ms. Grace na siyang nangangasiwa ng foundation. Sumunod ang mga iba nitong kasamahan na halatang masaya sa mga taong nakitang dumating. "Magandang umaga po Mr. and Mrs. Ortega." Narinig naming bati ni Mrs.Grace sa mga bagong bisitang dumating. "Masaya kaming mag-asawa na makabalik dito sa foundation.By the way, kasama nga pala namin si Bridgette, ang nag-iisa naming anak." Napatingin ang lahat sa sinasabing anak ng mag-asawang Ortega at dito ko napagmasdan ang mukha nito. Manipis ang katawan nito at halatang maganda ang balat nitong maputi. Singkit ang mga mata at mayroon itong maamong mukha. Sunod kong napansin ang pagngiti nito sa mga nakapaligid dito. "Napakaganda po ng anak ninyo Mr. and Mrs. Ortega." May paghangang sabi ni Ms. Grace sa mag-asawa." "Yohann, tingnan mo un anak nila Mr. Ortaga." "Tapos?" "Anong tapos? Para kasing wala man lang nahawig sa kanila, pansinin mo." Bulong sa akin ni Albert. "Tsssk. Ikaw talaga. At napansin mo pa yun?" Natatawa kong sabi sa kanya. "Talaga naman ih." "Mga anak, halika kayo at lumapit kayo ng bahagya dito sa table gusto raw kayong makita nila Mr. at Mrs. Ortaga." Sunod naming narinig na utos ni Ms. Grace. Sa tulong ng mga kapwa nito voluntere workers ay inilapit ng mga ito ang mga maliliit na bata sa table, malapit sa pamilya Ortega. Pati kaming malalaki ay sumunod ng lumapit sa kanila. Nang sa wakas ay nasa harapan na nila kami ay ipinakilala kami isa-isa sa mga ito. "What is your namen again?" tanong sa akin ni Mrs. Ortega na ikinagulat ko. Hindi naman kasi nito itinanong ang mga pangalan uli ng mga kasamahan ko ng mga oras na iyon maliban sa akin. "A-ako po si Yohann Acosta." Matipid kong sagot sa kanya. Napansin ko rin na may binubulong ang kasama nitong anak na si Bridgette na nasa kabilang panig lamang nito. Tumango lang si Mrs. Ortega pagkatapos. "Ilang taon ka na ba hijo?" sunod nitong tanong sa akin. "Labing anim na taong gulang na po ako." "Ganoon ba, pagkatapos ng event na inihanda nila Ms.Grace ay puwede ka ba naming magkausap na mag-asawa?" Napatingin sa akin ang ilang nga mata ng sabihin iyon ni Mrs. Ortega. Pati si Albert ay manghang napatingin din sa akin. Lahat ay inaabangan ang isasagot ko. Wala naman akong magagawa kung hindi ang sumang-ayon sa pakiusap ng mga ito. Lalo na at sa mga ito nakasalalay ang panggastos ng foundation na ilang lingo na rin na kumukupkop sa amin. "Sige po..," tanging naisagot ko na lang sa kanya. At nakita ko ang pagngiti nito dahil sa sinabi ko. Mahigit isang oras ang itinagal ng event na inihanda ng mga socia workers para sa pamilya ng Ortega. Naghanda ng mga sayaw at kanta ang ilan naming mga kasamahan na mga kabataan. Pagkatapos ay nagpalaro rin sila Ms. Grace at sa huli ay nagpasalamat ang mga tao sa foundation sa kabutihang ginagawa ng mag-asawang Ortega sa mga kabataang tumutuloy sa foundation. "Yohann, kami na d’yan. Puntahan muna sila Mrs. Ortega sa office ni Ms. Grace at hinihintay ka na nila dun." Sabi ng isa sa nga social worker ng abala kami ni Albert sa pagligpit ng mga upuang ginamit sa program. Nagkatinginan kami ni Albert pagkatapos nitong sabihin sa akin ang bagay na iyon. "Sige na Yohann, kami na bahala dito." Segunda ni Albert sa akin. Tinapik pa nito ang balikat ko. Pinagpag ko muna ang aking dalawang kamay upang kahit papaano ay matanggal ang alikabok na kumapit sa balat ko dahil sa paglilinis. Sunod kong pinagpagan ang suot kong kupasang asul na tshirt at maong pants na halos mag-abot na ang pilas sa gawing tuhod at alak-alakan ko. Tinahak ko ang sinasabing office ni Ms. Grace kung saan nandoon sila Mrs. Ortega. Nagkata rin ako kung bakit kailangan nila akong kausapan. Puwede naman na sabihin ng mga ito kanina sa harap ko habang kausap nila ako. Nang nasa tapat na mismo ako ng opisina ni Ms.Grace ay saglit kong tinitigan ang kulay pulang barnis na kulay nito. Nag-alanganan pa ako kung tamang kausapin ko ang katulad ng mga itong tao na mayaman at makapangyarihan. Sa huli ay nagpasya akong kumatok ng tatlong beses sa pinto saka uli ako umurong pabalik sa kinaroonan ko kanina bago ako nagdesisyong kumatok sa pinto. Ilang segundo lang ay nagbukas na ang pinto. Isang nakangiting Ms. Grace ang bumungad sa akin. "Pasok ka Yohann." Anyaya sa akin nito. Nahihiya man ay pumasok na rin ako sa loob ng opisina ni Ms. Grace. Medyo nahiya pa nga ako at naka aircon ang opisina ni Ms.Grace, baka kasi maamoy ang pawis ko sa katawan. "Upo ka Yohann."Sunod na sabi ni Ms.Grace sa akin at itinuro pa nito ang isang bakanteng upuan sa gawing kaliwa ng opisina nito. Nandoon na rin nakaupo ang mag-asawang Ortega kasama ang anak nitong si Bridgette. "Hijo, kumusta ka na? Salamat nga pala at pinaunlakan mo kami ng asawa ko." Nakangiting bati uli sa akin ni Mrs. Ortega. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ako sasagot sa mga tanong niya lalo na at nag-aalinlangan ako sa aking katayuan sa buhay. Parang ang liit lang kasi ng tingin ko sa aking sarili at ang kausapin ng isang mayaman at maimpluwensiyang tao ay nakakapanghina naman talaga ng kalooban. "M-mabuti naman po ang kalagayan ko dito. Magandang araw po pala." "Huwag ka ng matakot o kabahan hijo." Si Mr. Ortega ang sunod na nagsalita."Sa katunayan ay gusto ka sana naming makausap para sabihin na handa ka naming tulungan." Hindi ko agad nakuha ang sinabi ni Mr. Ortega kaya nilingon ko so Ms. Grace sandali. "Yohann, nasabi kasi sa amin nila Mr. at Mrs. Ortega na gusto ka nilang kupkupin at pag-aralin." Paliwanag niya sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Ms. Grace. "Tama hijo ang sinabi ni Ms. Grace. Kaya sana ay pag-isipan mong mabuti ang inaalok namin sayo na mag-asawa. Nalaman kasi namin na gusto mong makatapos ng pag-aaral kaya nandito kami para tulungan ka." Magiliw pa ring sabi ni Mrs. Ortega sa akin. Napatingin din ako sa nag-iisang anak ng mga ito pagkatapos kong marinig ang magandang alok sa akin ng mga magulang nito. At hindi ko inaasahan na isang nakangiting Brigitte ang makikita ko. Parang ang saya nito habang titig sa akin ng mga oras na iyon. "Mr. and Mrs. Ortega. Hayaan nyo muna po sana na makausap namin si Yohann. Baka po naguguluhan lang siya ngayon, pero maniwala kayo na papayag po siya sa alok ninyong pagkakataon na makapagtapos ng pag-aaral." Salo sa akin ni Ms. Grace ng hindi ako agad nakasagot sa sabi ng mag-asawang Ortega. Hanggang sa umalis ang mga ito ay hindi pa rin ako nakasagot sa iminumungkahi nito sa akin na pagpapaaral sa akin hanggang sa makatapos ako. Naiwan kaming dalawa ni Ms. Grace sa opisina nito. "Yohann, hindi sa pinapanghimasukan namin ang buhay mo ah. Pero sa tingin ko, mas makakabuti sayo na tanggapin mo na lang ang alok nila Mr. at Mrs. Ortega. Isipin mo, makakapag-aral ka na katulad ng pinapangarap mo at magkakaroon ka pa ng isang tahanan na may buong pamilya. Hindi ka magsisisi sa pagsang-ayon sa sinabi nila Mr. Ortega sayo dahil mababait sila." Pinaliwanag din ni Ms. Grace sa akin na hindi ako aampunin nila Mr. Ortega kung iyon ang kinakabahala ko. Basta pag-aaralin daw nila ako at sa mismong bahay ng mga ito ako tutuloy habang nag-aaral ako. At dahil sa paliwanag sa akin ni Ms. Grace at sa kagustuhan ko na makapag-aral ay pumayag na ako sa gusto ng mga ito. Mag-aaral akong mabuti, magkakatapos ng kolehiyo at magkakaroon ng magandang kinabukasan katulad ng pinangako ko sa aking mga magulang bago namatay ang mga ito dahil sa hirap ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD