"Teka...teka," awat ko kay Warren ng binuhat nito ang mga bottled water na dapat ilagay sa malaking cooler para lumamig.
"Ano?" Magkasalungat ang mga kilay ko ng lingunin si Martina. Kanina pa ako nabibingi sa kakadaldal niya, kulang na lang ay maging announcer ito sa radyo sa dami ng paalala nito sa akin habang inaayos ko ang mga paninda sa grocery store ni Tita Cora.
"Dahan-dahan naman kasi sa pagbubuhat at baka mabagsak ang mga yan at sumabog ang laman. Hindi naman kasi ikaw ang mapapagalitan kapag tumapon ang mga laman nyan."Nakanguso kong sintemyento sa kanya ng padaskol-daskol lang nitong buhatin ang isang malaking box na may lamang mga bottle water.
"Kaya ko, okay? Basta huwag ka lang maingay d’yan at magagawa ko ng tahimik ang mga trabaho dito." Sungit! Inis kong sabi sa sarili ko. Kung hindi lang talaga ito pamankin ng mismong amo ko...malaman na nabatukan ko siya kanina pa. Napa presko...mayabang, hays.
Wala pang tanghali ay nagawa na nga ni Warren na maiayos ang mga bagay sa grocery, salamat at malaki nitong katawan at mabilis nitong nabuhat ang mga mabibigat na mga paninda.
"Kain na tayo..." yaya ko sa kanya. Binuksan ko ang lunch box na dala ko at inilagay iyon sa table para makakain na kami ng tanghalin, pagkakasyahin na lang siguro namin ang dala kong pagkain. Hindi naman ito lumabas para bumili ng pagkain, napagod rin siguro sa mga ginawa nito hanggang tanghali. Hindi ito umimik ng yayain ko siyang kumain. Hinayaan ko na lang siya, tutal hindi naman ako ang magugutom, kung hindi siya. Busy din ito kaka cellphone.
Tumayo ako para kunin ang tubig sa thumbler na nilagay ko sa malaking freezer ng biglang pumasok ang isang delivery rider ng isang fast food chain sa loob ng grocery.
"Delivery po para kay Warren Santos." Nakita kong tumayo ang mokong sa kinauupuan nito at dinukot ang wallet sa likod ng bulsa ng pantalon nito.
"Magkano?" tanong nito sa delivery rider.
"Bale three hundred fifty pesos po sir." At nagbigay ng five hundred peso bill si Warren sa driver, at iniabot dito ang sukli pagkatapos.
Nakabalik na ako sa upuan ko ng idusog niya sa gawi ko ang isang order ng kanin at isang piraso ng chicken joy.
"Oh, idagdag mo na'to sa pagkain mo at bukas ikaw naman manglibre ng lunch natin...okay?" biro ko kay Martina, titingnan ko kung ano ang magiging reaksyon niya.
"Ha? Anong libre?" Naguluhan ako bigla sa sinabi niya, para namang ang laki ng sahod ko bilang cashier at talagang nagpalibre pa ito sa akin. Nakita kong tumawa siya ng palihim pagkatapos kong sabihin iyon.
"Tsssk!" ang mga babae talaga 'oo' patola. "Never mind, kainin mo na lang yan." utos ko sa kanya.
Napreskuhan naman ako ss ugali ng lalakeng ito, para talaga siyang my saltik kung umasta. Kainis!
Lumipas ang maghapon at puro inisan na lang ang nangyari sa amin, lalo na sa tuwing walang bumibili...hindi ko na lang siya minsan pinapansin at nakaka stress na ang mga pinagsasabi niya.
"Good afternoon po sir..." bati ko sa lalakeng costumer na kapapasok lang sa grocery store. Di kotse pa ito kaya halatang may kaya kaya medyo nailang pa akong batiin ito pero yun kasi ng pangkaraniwan kong ginagawa kapag may pumapasok na costumer at bibili.
Napatingin ito sa akin saglit at saka ngumiti, pagkatapos ay kumuha ng mga beer in can na nasa sampung piraso at saka inilagay sa counter.
"Miss... can I have your number?"
Napalingon ako sa kinaroroonan ni Martina at ng bagong dating na lalake, maliwanag kong narinig ang sinabi nito na hinihingi nito ang number ng dalaga kaya sinandya kong tingnan kung ano ang gagawin ni Martina, ibibigay kaya nito ang number or hindi?
"Sorry sir...hindi ko po binibigay ang number ko sa kahit sino at mawawalan po ako ng gagamiting sim card." Gusto kong sumambulat ng tawa sa sinabi ni Martina sa lalake na napangiwi pagkatapos. Malakas din ang tama ng isa na'to ah.
"Whatever..." narinig kong sagot ng lalake kay Martina at saka padabog na kinuha ang supot na kinalalagyan ng binili nitong mga alak.
Pinagmasdan ko ang lalake hanggang sa makasakay ito ng kotse ay masama ang tingin kay Martina.
"Ayos ka rin ah. Magaling ka rin pa lang mambara ng mga epal..." Nakangising sabi ni Warren sa akin pagkatapos kong supalpalin ng biro ang lalakeng katatapos pa lang na bumili sa store.
"Ano?" Kunwari ay hindi naintindihan ni Martina ang sinabi ko kaya napaismid ako ss harap niya." Tsssk!"
"Yun kakong lalake kanina, napaalis mo ng hindi oras."
"Ah yun ba...hayaan mo siya. Sa tagal ko ng nagtitinda dito ay hindi na nila ako maloloko." Sagot ko kay Warren na kinagulat nito.
"You mean...madalas na may mga gagong lalake na bumibili dito?" Napatango si Martina sa tanong ko, kakaiba talaga ang babaeng ito.
"Oo nuh...mga pang isang daan siguro ang lalakeng bumili kanina. Mahahalata mo naman na mga nagtritrip lang ang mga iyon."
"Paano ang ginagawa mo kapag mag-isa ka lang tapos ay may mga gagong lalake na katulad niya ang na e-encounter mo?"
"Wala, may cctv kako na nakastalled dito sa loob ng store...konektado sa bahay ng may-ari kaya kako malamang sa ngayon ay tumawag na ng mga pulis ang amo ko at papunta na dito un...sabay sibad na sila nun kapag narinig ang sinabi ko."
Natatawa ako sa sense og humor ni Martina, para itong may anak at asawa na sa paraan ng pag-iisip nito. Wait, hindi ko natanong kung may sarili na nga pala itong pamilya.
"I see...yun pala ang panakot mo sa kanina."
"Oo, at saka un iba pag-inirapan ko na alam na nila ang ibig sabihin nun. Umaalis na sila pagkatapos nilang bumili." Dagdag ko kay Warren. Totoo naman kasi na kapag nagpadala ako sa mga litanya ng mga lalakeng araw-araw na bumibili sa store ay baka dati pa ako nakapag-asawa. Pero hindi...mas matibay ang pagmamahal ko sa tatay ko na dapat ko siyang alagaan at buhayin kaysa ang makipag relasyon sa mga lalakeng wala lang magawa sa buhay kung hindi ang pagtripan ang katulad ko na mahirap lang.
"If you don't mind...may asawa ka na ba? Oh anak..." matapang kong tanong kay Martina. Hindi kasi ako mapapakali kung hindi ko malalaman mismo sa kanya, hindi ko naman matatanong si Tita Cora at aasarin lang ako nun pagkatapos.
Napatitig ako saglit kay Warren, sinisiguro ko kung nag tritrip naman ba ito oh papaano. Nang masiguro kong seryoso siya sa tanong niya ay saka lang ako ng salita.
"Boyfriend nga wala ako, asawa at anak pa kaya?"
"Totoo wala ka kahit boyfriend?" Paniniguro ko sa sinabi niya.
"Oo nga kulit, at busy ako sa pag-aalaga kay tatay kaya wala akong time sa mga relasyon na yan."
"Unbelievable ka talaga." Hindi makapaniwalang sagot ni Warren sa akin.
"Bakit naman? May masama ba sa sinabi ko? Iritadong tanong niya sa akin ng sinabi kong napaka unbelievable ng kagaya niyang babae na hindi man lang naiisip ang makipagboyfriend man lang sa kahit sinong lalake.
"Wala..." sagot ko sa kanya, mas nagiging cute si Martina sa tuwing naiinis ito sa mga tanong at sinasabi ko. Ngayon lang ako nakakilala ng katulad niyang babae.
"Tsssk!" Inirapan ko si Warren dahil nagsisimula na naman itong mang-inis at totoo...kung ilang kutsara ata ng dugo sa katawan ko ang nawala sa maghapong kasama ko siya. At may bukas pa ha...