MARTINA
Malalakas na busina ng mga sasakyan, mainit na panahon at mga ingay na nagmumula sa iba't-ibang bibig ng mga tao ang naririnig ko mula sa bintana ng jeep na sinasakyan ko. Papunta ako ngayon sa Balintawak para pumasok sa trabaho ko.
Simula ng atakihin si Tatay sa puso ay hindi ko na siya hinayaang pang magtrabaho, dahil doon ay napilitan na rin akong huminto sa pag-aaral. Nasa first year college na ako noon ng huli akong tumungtong sa paaralan.
Ayaw akong payagan na huminto ni Tatay sa pag-aaral pero sa huli ay naisip niya rin na hindi kami mabubuhay kung hindi ako magtratrabaho kaya simula noon ay naging sanay na rin ang katawan ko sa ganitong sitwasyon.
"Ma-ma...para na po sa tabi." Narinig kong sabi ng isang lalake kaya napakapit ako sa bakal na hawakan ng jeep ng mabilis na huminto ang driver ng jeep para ibaba ang isa nitong pasahero. Hinawakan kong mabuti ang dala kong lunch box para protektahan na mahulog ito. Araw-araw akong nagbabaon ng pagkain para makatipid at kasama ang isang tubig sa thumbler.
Muli akong sumilip sa bintana para tingnan ang lugar na kinaroroonan ko. Masyado nang maraming nangayari sa buhay ko sa nakalipas na labing limang taon. Mahirap, masalimuot...pero parte na ata ng buhay ng tao ang maging malungkot at sa huli ay nasa iyo na kung magpapaapekto ka sa mga kalungkutan hanggang sa lamunin ka na ng tuluyan at maging mesirable.
Sa kaso ko ay mas pinili kong maging matatag, malayo sa sinasabi nilang pagsuko. Kinailangan kong gawin iyon para sa nag-iisang taong importante sa buhay ko. Si Tatay...siya lang ang tanging dahilan ko kung bakit ako nagpapatuloy na lumaban sa buhay. Kahit ang pagkakaroon ng sariling pamilya ay nawala na sa aking isip at ang tanging mahalaga na lang sa akin ay ang mabuhay kami ni Tatay sa araw-araw.
Isang hangin na tumama sa aking pisngi ang nagpabalik sa kasalukuyan kong isip. Malapit na ako sa mismong lugar na babaan ko kaya inayos ko na ang mga dala kong gamit para anumang sandali ay makapara na ako at makababa ng jeep.
Magsasalita na sana ako ng biglang may isang boses ng lalake ang muling nagsalita at pumara.
"Boss, sa tabi lang." Tiningnan ko siya at may sikretong ngiti akong nakita sa mga mata niya na ngayon ay nakatunghay din sa akin.
Hindi agad ako nakakilos dahil sa kakaibang tingin niya sa akin. Ito man ay hindi rin kumilos para bumaba na parang may hinihintay ito na kung sino bago ito tuluyang bumaba ng jeep.
"Ano ba, bababa ba kayo o hindi?" Iritadong tanong ng jeep driver. Doon ako nakabawi ng tingin at sabay baba sa jeep. At nagulat pa ako ng maramdaman kong may nakasunod sa likuran ko hanggang sa tuluyan na akong makababa.
Nang lingunin ko para tingnan kung sino ang taong nasa likod ko ay muli akong nagulat. Siya ang lalakeng pumara kanina na hindi agad bumaba kaya napagalitan tuloy kami ng manong truper ng jeep.
Muli kong nakita ang pagngiti niya dahilan kung bakit bahagyang sumilay ang isang biloy sa pisngi nito na nagpaguwapo dito.
Ano bang problema ng isang to? Nangingitngit kong tanong sa sarili ko. Pasimple ko siyang inirapan saka ako muling nagsimulang maglakad. Bahala siya sa buhay niya kung sino man siyang rehodes siya. Inis pa ring niyang kausap sa sarili.
Hindi na ako tumawid pa sa kabilang kalsada dahil sa mismong binabaan ng jeep ay nandoon na ang tindahan na pinapasukan ko bilang cashier.
Ako na ang nagbubukas at nagsasara ng mismong tindahan na pinagkatiwala sa akin ng aking amo.Mayamaya pa darating ang amo ko oh baka nga hindi pa ito dumating kapag may importante itong lakad.
Ibinaba ko saglit sa isang tabi ang lunch box na dala ko at thumbler. Kinapa ko sa loob ng bag ang susi ng padlock at ng akma ko ng itataas ang bakal na pinto ay biglang may dalawang kamay ang tumulong sa akin para maitaas ang mismong pinto kaya naging magaan ang pag-angat ko nito.
Nagulat ako kaya bigla kong nilingon ang taong tumulong sa akin kaya nanglaki ang mga mata ko ng makita ko muli ang lalakeng nakasabay ko sa jeep kanina.
Ano naman ba ang problema ng isang ito? Pati dito sa trabaho ay sumunod pa talaga ito sa akin? Napalingong ako sa paligid
bahagya kong ibinaba ang tshirt na suot ko na nagulo dahil sa pagkakataas ko ng bakal na pinto bago siya muling nitingnan.
"Ikaw na naman? Hindi ba ikaw yung lalakeng nakasabay ko kanina sa jeep? Ano bang kailangan mo at hanggang dito ay sunod ka pa rin ng sunod sa akin?" Mataray ko nang tanong sa kanya, saka ko dinampot ang mga gamit ko na nakababa sa plant box sa gilid ng tindahan.
Hindi ito agad sumagot at sa halip ay nginitian naman niya ako na nagpasibol lalo ng inis sa dibdib ko.
"Aba't talaga namang...!"
"Hindi ako stalker mis, huwag kang mag-aalala." Narinig kong sagot niya sa tanong ko. Malaki ang boses niya na malumanay ang dating. Muli ko siyang inirapan pagdaka at inayos ko ang mga bitbit kong gamit.
"Hindi ka pala stalker eh bakit sunod ka ng sunod sa akin?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Tinulungan lang kita buksan ang pinto nitong tindahan,may problema ba dun?" kalmado pa rin nitong sagot sa akin. Napaka presko nito sa totoo lang at parang wala itong kabalak-balak na umalis. Talaga atang nang-iinis siya ah.
"Hindi ko sinabi sayong tulungan mo akong magbukas ng pinto nitong tindahan, okay."
"Okay...kaya lang ay inutusan kasi ako ni Tiyang Cora na tulungan ko raw na magbukas ang tindera ng tindahan niya. Sasabihin ko na lang siguro na tinarayan mo ako at hindi man lang pinapasok sa loob ng tindahan niya. Sige." Paalam nito sa akin na kinagulat ko naman. Kilala niya si Madam Cora?
"Ah, sandali...sandali." Pigil ko sa isa nitong braso."Kilala mo si Madam Cora?" Paniniguro ko sa kanya. Tinitigan muna nito ang kamay kong nakahawak sa braso nito, para naman akong napaso dahil doon kaya dali-dali kong tinanggal ang kamay kong nakahawak ss braso nito.
Pinamulsa nito ang isang kamay sa suot nitong pantalon saka siya nakakaloko namang tumingin sa akin."Oo, tita ko siya..." Nanlaki ang mga mata ko pagkarinig ko sa sinabi niya at kulang na lang ay magmakaawa ang mga mata ko sa lalakeng ito dahil baka magkamali ito at isumbong ako kay Madam Cora. Kailangan ko naman ng trabaho dahil sa kalagayan namin ngayon.
"T-tita mo siya?" Ulit ko sa sinabi niya at bahagya pa akong nahiya dahil sa mga pinagsasabi ko sa kanya kanina.
"Oo, kung hindi ka naman galit ay tita ko siya." Pang-aasar naman nito. Kailangan kong pigilan ang sarili ko...kalma ka lang Martina., kalma lang.
"Ganoon ba...p-asensiya ka na sa mga nasabi ko kanina sayo." Napaismid ito pagkatapos kong sabihin iyon at pigil na pigil naman ang inis ko dahil kailangan kong makasundo ang taong ito kung ayaw kong mawalan ng trabaho. Ilang segundo lang ang lumipas ay biglang tumunog ang cellphone ko sa bag at agad ko itong kinuha na hindi winawaglit ang tingin ko sa lakakeng nagpakilalang pamankin ng amo ko.
"Hello Tin..."
"Po...Madam Cora?" Kinabahan ako bigla.
"Nandyan na ba ang pamankin kong si Warren? Pinapunta ko siya d’yan para matulungan ka at ilang araw akong hindi makakapunta sa tindahan. Uuwi muna kasi ako ng Bacolod at may sakit ang anak ko dun." Napangiwi ako sabay tingin sa lalakeng hambog na nasa harapan ko ngayon ng masiguro ko na nagsasabi nga ito ng totoo.
"Opo Madam, nandito na po siya."
"Mabuti naman, oh siya ikaw muna ang bahala sa tindahan natin ah. Pasama ka na lang din kay Warren sa bangko kung ayaw mong iuwi ang pera at delikado din naman ang panahon ngayon, deposit mo na lang sa atm ko." Bilin nito sa akin. Wala namang problema kung mag-isa lang ako sa tindahan buong lingo at sanay naman akong mag-isa, hindi na sana pinapunta pa ni Madam Cora ang hambog niyang pamankin na ito.
"Oh ano, naniniwala ka na?" Nakakalokong tanong nito sa akin. Hambog talaga!
"Oo." simple kong sagot saka ako nagsimulang pumasok sa loob ng tindahan. Nakita ko naman na sumunod siya sa akin na pasipol-sipol pa.
"Nga pala, hindi pa ako nakakapagpakilala sayo." Mayamaya ay sabi nito sa akin, napalingon naman ako sa kanya ng wala sa oras.
"Kilala na kita, Warren ang pangalan mo sabi ni Madam Cora." Napangiti naman ito ng nakakaloko at saka ito dumukwang sa salaming lamesa kung saan nakapatong ang machine na ginagamit sa pagbabayad ng mga customer.
Napalayo ako ng kaunti sa mesang iyon at parang kaunti na lang ay magkakalapit na ang mukha nito sa harapan ko kaya napangiwi naman ako.
"Sayang naman, nauna na pala akong ipakilala ni Tita Cora sayo." Saglit pa itong napalabi na parang hinayang na hinayang talaga na hindi ito nakapagpakilala sa akin.Tukmol talaga. "Ano nga pala ang pangalan mo?" Hindi nito nakalimutang tanungin sa akin. At wala na nga akong nagawa kung hindi sabihin ang pangalan ko sa kanya kahit labag sa loob ko.
"Martina..."
Napatango-tango pa ito habang nakangiti sa akin, tiningnan niya ako muli sa mata na parang may binabasa ang iniisip ko na hindi ko alam.
"Ang ganda naman ng pangalan mo." Puri niya sa pangalan ko na ikinangiwi ko naman. Sana naman ay bumalik agad si Madam Cora at ng makalayas na ang pamankin niyang ito, kastress ah.