MARTINA
Nang ihinto ni Dr. Yohann ang kotse nito kung saan kami nakasakay na dalawa ngayon ay saglit ko siyang sinulyapan ng palihim.
Inayus nito ang handbreak ng kotse nito saka nagtanggal ng seat belt. Ako man ay alangang sumunod sa ginagawa niya. Tahimik ito at hindi ko makapa ang totoong dahilan nito kung bakit kailangan pa kaming magpunta sa ganitong klaseng lugar kung ang pag-uusapan namin ay tungkol sa kalagayan ni tatay.
“Let’s go?” untag niya sa akin, mukhang nahuli pa niya akong nakatitig dito kaya bahagya akong napalunok ng sarili kong laway para maibsan ang bumundol na kaba sa dibdib ko.
“S-sige po doc.” Tangi ko na lang na nasabi.
Nauna itong lumabas ng pinto ng kotse at sakto naman na pagbukas ko ay siya namang pagtapat nito dito.
Tinulungan pa niya akong buksan ang pinto ng kotse at iluwang ito para makalabas ako ng maayus. Pag katapak ng paa ko sa sementadong sahig ng isang mamahaling restaurant na pinagdalhan niya sa akin ay inalalayan niya ako muli gamit ang isa nitong kamay.
Hinawakan niya ako sa siko habang ang isa kong kamay ay parehong nakahawak sa pouch na dala ko kung saan nakalagay ang cellphone at kaunti kong pera.
“Salamat po doc.” Hindi ko alam kung paano siya titingnan sa mga mata kaya nag-alangan pati ang boses ko ng sabihin ko ang bagay na iyon sa kanya. Nagulat na lang ako ng makita ko siyang pasimpleng nakangiti pagkatapos.
“You’re so cute while saying those words.” Para akong namulang kamatis ng maintindihan ko ang sinabi niya. Hindi ko rin alam ang dapat na maging reaksyon kung dapat ba akong magpasalamat muli sa kanya o ngumiti na lang ng pasimple para hindi nito maramdaman ang kakaibang saya sa puso ko.
“Let’s go?” ulit niyang yaya sa akin ng hindi na ako sumagot pa sa huli nitong napuna sa akin. Napatango na lang ako sa kanya at sabay kaming naglakad papunta sa loob ng restaurant.
Nasa b****a pa lang kami ng restaurant ay sinalubong na kami ng isang lalakeng staff sa restaurant at magiliw na tinanong.
“Good afternoon Mr. Revas.” Magalang na sabi nito kay Dr. Yohann saka nilipat ang tingin sa akin. Nagkatitigan kami ng lalakeng staff at hindi agad ito nakapagbawi ng tingin mula sa akin kaya pareho pa kaming nagulat ng tumikhim sa gilid namin si Dr. Yohann.
“I reserved a table of two for us.” Bigla ay nag-iba ang tono ng boses ni Dr. Yohann ng sabihin iyon sa harap ng staff at pakiwari ko ay medyo kinabahan ito at nag ‘sorry’ pa ito pagdaka.
“This way please, Mr. Revas.” Mayamaya ay sabi nito at simula noon ay hindi na ito nag abala pang tumingin sa akin kahit isang beses.
Naunang lumakad si Dr. Yohann at nakasunod lang ako sa kanya. Nang huminto ito sa isang table na may dalawang upuan ay saka ako tumigil ng paglalakad at hinayaan itong maunang maupo.
Ang buong akala ko ay uupo na siya at ako na lang ang bahala sa sarili ko na maghila ng sariling silya ko pero nagkamali na naman ako. Ito pa mismo ang nag usog ng upuan para makaupo ako ng maayus kaya nahihiya akong sumunod sa gusto niya.
Nang makaupo na kami pareho ay nagsimula na naman ang hindi regular na pagtibok ng puso ko. Ang bilis na parang may nag-uuhang tambol sa loob nito. Hindi ko pa naranasan ang ganitong pakiramdam sa tanang buhay ko habang kaharap ko ang isang lalake. Hindi ko maipaliwanag kung bakit kailangan ko itong maramdaman sa tuwing malapit siya sa akin.
Iyong pakiramdam na parang hindi ko siya kayang tingnan ng diretso sa mga mata dahil malulusaw ako, manghihina at sa huli ay hindi kayanin ng puso ko at himatayin na ako ng bigla sa harap niya.
“What you want to eat?” Nakangiti na nitong tanong sa akin, medyo bumalik na ang normal na tono ng boses nito hindi katulad ng kaharap namin ang staff kanina.
“Kahit ano na lang po sir…” nahihiya kong sagot sa kanya. Bukod sa wala akong alam sa mga pagkaing sini-serve sa restaurant na ito ay wala naman akong lakas ng loob na maging choosy pa sa pagkain at wala akong ibabayad kapag nagkataon na hindi niya ako ipagbabayad sa mahal ba naman ng mga pagkain dito.
“Walang pagkain na kahit ano dito, Martina. You have to choose or else… I will order you the same as mine?” bigla akong nag-angat ng tingin sa sinabi niya at doon ko nabungaran ang guwapong mukha nito na nakatunghay sa akin.
Nakapatong ang dalawa nitong braso sa mesa kaya bahagyang naipon ang mga muscle nito sa braso at bigla ay mas lalo siyang naging guwapo sa paningin ko. Nakangiti siya sa akin at nakita ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin. Dahil sa pagkakangiti nito ay na emphasize ang maganda at malamlam nitong mga mata, isama pa ang matangos na ilong na mas lalong nagpaangat sa kaguwapuhan nito.
“S-sige po doc…kung ano na lang po ang oorderin nyo ay iyon na lang din sa akin.”
Nakita ko ang paninitig ng mga mata niya sa akin ng sabihin ko na kung ano na lang din ang oorderin nito ay ganun na lang din ang sa akin. May masama ba akong sinabi tungkol sa bagay na iyon? Base sa nakikita ko sa kanya ngayon ay hindi inis o galit ang namumutawi sa guwapo nitong mukha kung hindi saya.
Tinitigan niya ako ng mas mariin na para bang pinapabasa nito sa akin kung ano man ang nasa isipan at puso nito. Nabulabog lang ang ganoon naming tinginan ng bigla ay dumating sa likuran ko ang lalakeng may dalang isang bote ng wine.
Inilapag nito ang bote ng wine sa mesa ng maingat saka ito nagpaalam na umalis.
“Two order please.” Narinig ko na lang na sabi ni Dr. Yohann sa waitress.
Namayani ang katahimikan sa mesa naming dalawa kaya hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Ako ba dapat ang kumausap sa kanya? Pero siya ang may sasabihin sa akin tungkol kay tatay, hindi ba?
Nagkunwari akong parang nangati ang lalamunan at nagpanggap na matapang sa harap nito kahit ang totoo ay ang lakas ng kaba ng puso ko ng mga sandaling iyon.
“U-ummm, doc…”
Inasahan ko ang pagbaling ng paningin nito sa akin ng magsimula akong magsalita. Hindi ito nagsalita kaya nagdesisyon akong ipagpatuloy ang sasabihin ko.
“Ano po ang tungkol sa kalagayan ni tatay? Ang sabi nyo po ay may sasabihin kayo sa akin tungkol sa kalusugan nya?”
“Let’s eat first then I will tell you everything.” Maotoridad nitong sabi. Hindi ko mapigilan na kastiguhin ang sarili ko dahil sa tuwing maririnig ko pa lang ang boses nito ay nahihipotismo ako at tuluyan akong napapasunod sa kanya.
Imbis na mangulit ako sa kung ano ang sasabihin nito tungkol kay tatay ay tinitigan ko na lang siya na ngayon ay ekspertong binubuksan ang bote ng wine na nasa gitna ng mesa namin. Ilang sandali pa ay sinalinan nito ng wine ang baso ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong iniinom ang alak na iyon.
Ito ang unang beses na makainom ako ng ganoong klaseng alak pero hindi ko pinahalata kay Dr. Yohann ang bagay na iyon. Habang iniinom nito ang alak na nasa sarili nitong baso ay nahuli ko siyang nakatitig sa mukha ko.
Pinamulahan ako ng mukha dahil dun at hindi ako masanay-sanay sa mga titig niya. Sakto namang kauubos lang ng alak na nasa baso ko ng dumating ang mga order naming pagkain.
Nang magsimula kaming kumain ay hindi ko rin mapigilan ang gumanti ng titig sa kanya. Pakiramdam ko ay hindi ganoon kadaling maabot ang isang katulad nito na tao.
Mayaman ito, matalino at paniguradong lahat ng bagay na naisin nito ay nakukuha kaya hindi ko maiwasang matakot. Hindi katulad ni Warren na pupuwede kong kausapin ng pangkaraniwan sa paraan o mas tamang sabihin na casual.
Hindi ko kasi makita ang sarili ko na sa ganoong paraang kami mag-uusap, dahil dun ay tuluyan ng naumid ang dila ko sa pagsasalita. Hinintay ko siyang matapos na kumain at umaasang sasabihin na niya ang tungkol sa kalagayan ni tatay.
“Nabusog ka ba?” wala sa loob ko na narinig mula sa kanya.
“A-ah, opo doc. Masarap po ang mga pagkain, salamat po.”
Napatango ito matapos marinig ang sagot ko. Ibinaba nito ang tissue na pinunas nito sa mga labi saka isinandal ang likod sa upuang kinauupuan nito.
“I’m afraid na hindi mo magustuhan ang sasabihin ko tungkol kay Manong Antonio.” Pasimula nito.
Kulang na lang ay mamutla ang kulay ng mukha ko dahil sa simula pa lang ng pananalita nito.
“A-ano pong ibig mong sabihin doc?” kinakabahan kong tanong sa kanya.
“Base sa huling results ng mga test ni Manong Antonio ay... I suggest na mag undergo ulit siya ng panibagong mga test para ma treat agad ang sakit niya at hindi ito lalong lumala.”
“G-ganoon na po ba kaseryoso ang kalagayan niya?”
“Yes. Hindi lang simpleng paninikip ng dibdib ang nararanasan niya kung hindi chronic heart failure.”
Nanghina ang mga tuhod ko at parang nawalan ako ng lakas bigla sa nirinig ko. Hindi ko gustong maramdaman ang ganitong pakiramdam na parang nababalutan ako ng lungkot at takot dahil sa katotohanang nalaman ko.
“Gagawin ko ang lahat para matulungan si Manong Antonio, ang kailangan lang ay makioperate kayo na mag-ama para na rin maging maayos ang kalagayan niya.”
Muli akong napatitig sa mukha ni Dr. Yohann at napatango. Iyon lang ang kaya kong gawin ng mga oras na iyon at hindi ko kayang magmatapang dahil alam kong siya lang ang maaaring tumulong sa aming mag-ama sa ngayon.
“You don’t have to worry Martina. I will help you. Wala kang dapat na isipin sa mga gastusin, ako ang bahala. Pumunta kayo ni Manong Antonio sa hospital bukas para masimulan ang mga test sa kanya.”
Muli akong tumango sa kany at nagpasalamat. “Hindi ko po alam kung kanino ako hihingi ng tulong kung hindi kayo nagkita ulit ni tatay.” Patatapat ko sa kanya.
Alam kong nakatitig siya sa akin habang nakayuko ang ulo ko dahil sa hindi ko mapigilang pagpatak ng mga luha sa mata ko. Kusa itong bumalong sa mga mata ko ng maramdaman ko ang bigat sa dibdib ko.
“You don’t have to cry, Martina.” Mahina nitong sabi sa akin na nakatulong para kahit paano ay kumalma ang nararamdaman kong takot sa dibdib.
Pinunasan ko ang mga luhang naglandas pisngi ko at saka banayad na ngumiti sa harap nito. At ganoon na lang ang gulat ko ng maramdaman ko ang paglapat ng kamay nito sa ibabaw ng isa kong kamay na nakapatong sa mesa.
Nagtagpo ang mga mata namin at doon ko muling napagtanto ang kakaibang pakiramdam na dulot ng simpleng paghawak nito sa kamay ko. Huminto ang paggalaw ng paligid at parang kaming dalawa lamang ang tanging nasa lugar na iyon. Isang tagpo na hindi ko na gusto pang matapos.