MARTINA
Inabot na rin kami ng gabi sa pag-uwi at nag take out pa si Dr. Yohann ng pagkain para kay tatay. Hindi na ako umapela ng gawin niya iyon at wala rin namang akong magagawa dahil ito ang may gusto. Hindi na rin ako nahiya dahil mukhang balewala naman dito ang halaga ng binayaran nitong bills sa kinain namin kanina kahit na ilang libo ang inilabas nito mula sa wallet.
Kung sa katulad ko ay panghihinayangang ko ang ganong kalaking pera na gagastusin lang para sa isang hapunan, sa katunayan nga ay triple na ata ng sahod ko sa tindahan ang binayaran niya kanina sa restaurant. Magtataka pa ba ako kung bakit ganoon ito kagalante?
Tahimik lang ako habang magkatabi kami sa loob ng kotse nito at pilit ko pa ring pinapagaan ang nararamdaman kong bigat sa dibdib ko sa pamamagitan ng pagtingin sa mga nagliliwanag na ilaw sa mga nagtataasang building na nadaraanan namin.
Maisip ko pa lang na may mangyayaring masama kay tatay ay pinanghihinaan na agad ako ng loob. Siya lang ang natitira kong lakas dito sa mundo, kaya paano ako magpapatuloy na mabuhay kapag nawala siya?
Hindi ko napansin na nakahinto na pala ang kotse ni Dr. Yohann sa tapat ng bahay namin ni tatay kaya nagulat pa ako ng magsalita ito.
“Martina…”
Bigla akong napalingon sa tabi ko kung saan ito nakaupo. Nakita ko na direstso itong nakatitig sa akin na para bang nagtatanong ito kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
“Po?” wala sa loob kong sagot sa kanya.
“I’m just here, you don’t have to worry. Tutulungan ko kayo ni Manong Antonio, I’ll do that.” Seryoso nitong sabi sa akin.
Parang sa isang iglap ay napawi ang bigat na nararamdaman ko ngayon ng marinig ko mula sa mga labi nito na handa itong tulungan kami na mag-ama.
Marami na itong naitulong sa amin pero hindi ito nagrereklamo oh naniningil man lang. Iyon ang isang pinagpapasalamat ko sa Diyos dahil kapag nagkataon ay hindi ko alam kung sa paanong paraan ko siya mababayaran sa lahat-lahat.
“Salamat po Doc…”
“Pwede naman siguro na Yohann na lang ang itawag mo sa akin kapag magkasama tayong dalawa? Hindi naman naglalayo ang mga edad natin, hindi ba?” bigla ay sabi nito sa akin na kinagulat ko na naman.
“Po? P-pero…”
“Please? Iyon na lang ang hihilingin ko sayo, Martina. Just call me Yohann whenever we see each other.” Nasa tono ng boses nito na hindi ito nagbibiro ng sabihin nito na ang itawag ko na lang sa kanya ay ‘Yohann’ sa tuwing magkasama kami.
Saglit akong natahimik at tinimbang ang mga sinabi niya. Iyon lang daw ang hihilingin niya sa akin, kaya dapat ay pagbigyan ko siya dahil maliit lang na pabor ang hinihiling nito kumpara sa dami ng naitulong niya sa aming mag ama.
“Hindi po ba kabastusan kung sa pangalan ko lang kayo tatawagin? Doctor po kayo at…”
“It’s fine.” Mabilis nitong sagot. Wala na nga akong nagawa at kusa ng gumalaw ang ulo ko para tumango.
“I want to hear your voice calling me by my name.” muli akong napabaling sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya. Parang ang dali lang naman ng pinapagawa niya sa akin pero hindi ko magawa?
Oh baka naman dahil naglalaban ang puso at isipan ko kung tama ba ang mga nangyayari sa aming dalawa ngayon?
Napalunok ako gamit ang sarili kong laway saka seryosong nagsalita.
“Y-yohann.” Kinakabahan kong bigkas sa pangalan niya. Nakita ko ang pagsingkit ng mga mat anito dahil sa pagngiti ng marinig nito ang pagtawag ko sa sarili nitong pangalan.
Para iyon lang ang ginawa ko pero para itong nakarinig ng isang magandang balita sa kung saan ay nagpasaya dito.
“Thank you, Martina. I love the way how you call my name, From now on,..call me Yohann especially when your father is around…even Warren.” Mas idiniin nito ang pagkakabanggit sa pangalan ni ‘Warren” na wala namang kamalay-malay na pinag-uusapan namin ngayon.
“Paano po kung magtaka sila na Yohann lang ang tawag ko sayo?” nakakunot ang noo ko ng tanungin ko sa kanya ang bagay na iyon.
Hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag sa kanila kung bakit sa dami ng taong pwede kong tawagin lang sa pangalan ay ang ang nag-iisa pang doctor ni tatay ang tatawagin ko ng ganoon?
“That’s okay, they would understand that we are in the same age bracket so it’s better to call ourselves just…in our first name.”
Hindi ko gustong sumagot pa at humindi sa hiling niya. Siguro ay dahil sa nahihiya ako sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na nagawa niya para sa aming mag-ama. Kung iyon lang naman ang hinihiling nito ay mas mabuting sundin ang gusto niya.
Nginitian ko siya ng banayad at saka ako tumango. Sunod kong nakita ang pag aliwalas din ng guwapo nitong mukha tanda na nagustuhan nito ang sinabi ko.
Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng kotse at kulang na lang ay ihatid niya pa ako sa loob mismo ng bahay pero sinabi ko na lang na baka gabihin pa ito sa daan na totoo naman.
Nangako akong magpapaalam kay Warren na hindi muna ako makakapasok bukas dahil kailangan kong samahan si tatay sa hospital ni Dr. Yohann.
Ipapasundo daw niya kami sa driver nito para hindi na kami mag commute at mahirapan na mag ama sa biyahe.
Nang mapakain ko na si tatay ay ang sarili ko naman ang inasikaso ko, naligo ako at nagpalit ng pantulog. Mas presko na ngayon ang pakiramdam ko. May nakapalupot bang tuwalya sa buhok ko na basa pa dahil sa tubig ng biglang tumunog ang cellphone ko sa higaan.
Nang tingnan ko ang nag text ay muntik pang mapatalon ang puso ko sa kaba ng makita ko kung kanino nanggaling ang text message sa cp ko.
Naalala kong hiningi pala ni Dr. Yohann ang number ko just in case na kailangan niya akong tawagan dahil sa kalagayan ni tatay kaya binigay ko sa kanya ang cellphone number ko at ngayon nga ay nag text ito.
Good night, Martina, I had a great day with you. See you tomorrow.
Iyon ang laman ng text nito sa akin na hindi naman mahirap intindihin ang nilalaman. Tinitigan kong mabuti ang mga salitang nakasulat sa cellphone ko ng mapagtanto ko na may kakaiba sa akin sa tuwing mararamdaman ko na malapit siya sa tabi ko.