CHAPTER 22- BILIN

1996 Words
YOHANN It’s been one hour and twenty minutes since I talked with Albert. First time nitong makauwi sa Pilipinas matapos itong magtrabaho sa ibang bansa at sa kabutihang palad ay nakapagtayo ito ng mga restaurant sa ibang bansa. He has all the eagerness to change his life, that’s why it’s not impossible to see him in that kind of success. Napatingin ako sa suot kong wristwatch. I promised him that I would fetch him in the airport no matter what. At nagsisi pa ako dahil sa pinangako kong iyon. Today, magkikita kami ni Martina para sa monthly check-up ni Tatay Antonio. “Where is he?” inis kong tanong sa sarili. Baka nasa hospital na sila Martina, and I should accompany them. Nang lingunin ko ang arrival area ng airport ay doon ko nakita si Albert na malaki na ang pinag-iba physically from the last time we saw each other in London. Nagkita kami sa bansang iyon ng hindi inaasahan at dahil doon ay nalaman ko ang magandang kapalaran na nakuha niya ng umalis ito ng Pilipinas. Lahat ng trabaho ay ginawa nito para lang magkapera at makapag-aral kahit papaano. Iyon ang naging foundation nito kaya ito nakahanap ng magandang trabaho hanggang sa makapagtayo ito ng isang branch ng restaurant sa London. “Bro…” yumakap ito sa akin habang maluwang ang pagkakangjti sa labi. Tinanggal pa nito ang shades na suot at saka ako muling kinausap. “Muntik na akong umalis dito sa airport sa sobrang tagal mo.” Reklamo ko. Narinig ko ang manipis nitong pagtawa. “I know bro, nagkaroon lang ng emergency landing ang sinasakyan kong eroplano kaya medyo nalate ako ng dating.” “Tsssk!” tangi kong sagot sa kanya. Saka kami parehong napangiti. Sa mismong bahay ko siya pinatuloy para magpahinga. Maghahanap daw ito ng sariling bahay habang nandito sa bansa kaya hindi raw dapat ako mag-alala sa privacy ko habang nandito ito sa bansa. “I just need to do something, feel at home. There are some foods inside the fridge, you know what to do.” Binaba ko ang baso ng tubig sa lababo at saka ito nilingon. “Why such in a hurry?” takang tanong nito sa akin. “I’ll explain later.” Iyon lang at muli kong kinuha ang susi ng kotse ko para pumunta ng hospital. Tinawagan ko si Martina at maghihintay daw ito sa hospital kasama si Manong Antonio. “Doc…” agad na bati sa akin ni Martina pagkapasok ko sa office. Pinanlitian ko siya ng mga mata at hindi nito natandaan ang usapan namin na dalawa. She should call me instead in my first name, the same as what I usually do when I call her name. Napayuko si Martina dahil sa ginawa kong tingin sa kanya. Si Manong Antonio ay nagtatakang tiningnan kami ng salitan ni Martina na dalawa. “Kumusta po kayo, Tatay Antonio?” I chose to change my mood when I talked to him. Tumayo ako para tapatan ito ng stethoscope sa likod at dibdib nito. Mahina man ang boses ay nalinaw ko pa rin naintindihan ang sinabi nito. “Ayus naman po ako doc, medyo may nararamdaman lang akong kakaiba sa katawan nitong nakaraang araw pero okay naman ang pakiramdam ko.” sunod nitong tiningnan si Martina na tahimik lang na nakikinig sa tabi namin. “Ano naman po ang kakaiba ninyong nararamdaman lately, Tay Antonio?” sunod kong tanong sa kanya. “Madali akong mapagod kahit na wala naman akong ginagawa sa bahay. Minsan ay pakiramdam ko ay nasusuka ako.” Malungkot na sabi ni Tatay Antonio. Ilang lang ang mga sinabi niya na sintomas na may sakit siya sa puso na hindi maaaring ma detect kung kailan ito aatake. Nakita ko ang paglungkot ng magandang mukha ni Martina ng marinig nito mula sa labi ng ama ang mga ilang nararamdaman nito sa katawan. Tinanggal ko ang stethoscope sa tenga ko saka marahang umupo sa swivel chair. Ayokong pangunahan ang mga bagay lalo sa kalusugan ni Tatay Antonio. I’m just only human who has limitation. Kaya kong gamutin ang isang tao, pero ang magdikta kung gaano lamang ang ihahaba ng buhay ng isang pasyente ay hindi ko maaaring sakupin. “Tutulungan ko po kayong magpalab test ngayon Tay’ Antonio, in that way ay malalaman natin kung may idadagdag pa tayo sa mga gamot na iniinom ninyo or babawasan na natin ang dosage. Okay po ba yun sa inyo?” magalang kong tanong sa kanya. Kahit na mahirap para sa akin na makitang nasasaktan si Martina dahil sa kalagayan ng ama nito ay hindi ako dapat magpakita ng lungkot. They should feel the hope they need at this time, kaya alam kong dapat kong ipakita na magiging maayus ang lahat hanggang lumalaban si Tatay Antonio. Habang kinukuhanan ng laboratory test si Tatay Antonio ay magkatabi kami ni Martina sa waiting area ng hospital ko. May mga nurses and even doctors na napapatingin sa amin na dalawa habang magkatabi sa upuan. I just nodded to them, and they secretly smiled. Nang lingunin ko si Martina sa tabi ko ay tahimik lang ito habang hawak ng isa nitong kamay na parang may malalim na iniisip. I can’t help but to hold those white and tiny hands. Gusto kong maramdaman niya na nandito lang ako sa tabi niya at handa akong gawin ang lahat para tulungan ito. Biglang napatingin si Martina ng maramdaman at makita nito ang pagpatong na kamay ko sa mismong mga kamay nito. Ang mga mata nito ay nagtatanong at para bang hindi makapaniwala sa ginawa ko. “Don’t think too much, Martina. We’ll do everything para matulungan si Tatay Antonio.” Doon biglang bumuhos ang mga luha nito sa mga mata. I know how it feels leaving your parents. Buti siya ay nakasama niya ng matagal si Tatay Antonio, hindi ko katulad na bata pa lang ay wala ng parehong mga magulang. Mahirap na mawalan ng mga magulang lalo at sila lang ang lakas mo. Pero sa katulad ni Martina na mauulit muli ang sakit na mawalan ng isang magulang ay doble ang sakit. Walang paalam na kinabig ko ang katawan ni Martina paalit sa dibdib ko. Hindi ito nagtanong kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon, sa halip ay nagpatuloy ito sa paghikbi. I hate to see her crying…just like now. Pero kung pagbabalawan ko siyang ilabas ang nararamdaman niya ay baka isipin nito na hindi ko siya naiintindihan, ang pinagdadaanan niya. Pagkatapos na magpalab test si Tatay Antonio ay niyaya ko silang kumain na mag-ama sa labas. Noong una ay ayaw pang pumayag ni Martina pero ng si Tatay Antonio ang nagsabi na gusto nitong kumain ay wala na itong nagawa. Sa unahan pinaupo ni Tatay Antonio si Martina, katabi ko. Masaya itong naupo sa backseat ng kotse habang nakatingin sa aming dalawa. Alangan naman napapatingin si Martina sa ama dahil ginagawa nitong pagtitig sa amin ni Tatay Antonio habang magkatabi sa unahan ng kotse. Sa isang Filipino Classic Restaurant napiling kumain ni Tatay Antonio. Mga lutong bahay ang mga nagustuhan nitong orderin. Hindi na kami umorder pa ng iba ni Martina at marami na daw inorder si Tatay Antonio na sakto para sa aming tatlo. Masaya kaming kumain na tatlo at kahit hirap sa pagkain ay pinilit ni Tatay Antonio na makipagkuwentuhan sa amin ni Martina. “Yohann…” Pareho kaming napatingin ni Martina ng tawagin ako ni Tatay Antonio. Ito ang unang beses na tawagin niya ako sa pangalan. Dati ay puro doctor ang tawag niya sa akin na hindi ko naman mapigilan. Nakangiti akong napatingin sa kanya. Ibinaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor para makinig sa sasabihin nito. “Po? May sasabihin po kayo Tatay Antonio?” “Gusto ko lang sanang magpasalamat sa'yo hijo at hindi mo kami pinababayaan na mag-ama simula ng magkita tayong dalawa muli.” “Hindi nyo po kailangan na magpasalamat Tatay Antonio, alam nyo po na gagawin ko lahat ng makakaya ko para tulungan kayo ni Martina.” “Napakasuwerte ng mapapangasawa mo hijo, dahil sa mabait kana, ay guwapo pa.” sunod nitong banat na sabi na lalong kinatahimik ni Martina habang ako ay nakangiti ng maluwang. “May mairereto po ba kayo Tatay Antonio? Para naman mapakasalan ko agad.” Balik kong biro sa kanya. Ito naman ang lumuwang ang pagkakangiti dahil sa sinabi ko. “Kung ako ang masusunod ay itong anak kong si Martina ang irereto ko sayo kung sakaling wala ka pang nobya hijo. Hindi ka mapapahiya dito sa anak kong ito.” Sabay tingin sa anak nitong si Martina na napaawang ang mga labi matapos nitong marinig ang sinabi ni Tatay Antonio. “Tatay…” awat nito sa ama pero huli na ang lahat dahil nasabi na nito ang gusto nitong sabihin. Sunod namin narinig ang tawa ni Tatay Antonio na halatang hindi naapektuhan sa saway ng anak nito. “Ikaw naman Martina, may masama ba sa sinabi ko?” “Huwag na po kayong magbiro ng ganon tay, nakakahiya kay Doc. Yohann.” Mahinang saway pa rin ni Martina sa ama nito pero narinig ko pa rin. “It’s okay Martina. Hindi ba ang sabi ko sayo ay Yohann na lang ang itawag mo sa akin? Just like Tatay Antonio a while ago. Tinawag niya rin ako sa pangalan ko.” paalala ko sa kanya. “Oh, tingnan mo anak? Si Yohann na mismo ang nagsasabi sayo na huwag kayong masyadong maging pormal na dalawa lalo kapag kayo lang dalawa ang magkausap, hindi ba hijo?” Napatango ako sa sinabi ni Tatay Antonio at nagkindatan pa kaming dalawa para ipakitang magkasundo kami sa gusto nitong mangyari. “Kaya ikaw Martina, huwag mong aawayin tong si Yohann at wala siyang ginawa kung hindi kabutihan sa ating dalawa.” “Opo tay…hindi ko naman po inaaway si Do---“. saglit itong napahinto saka tumingin sa gawi ko. “…Yohann.” Maluwang ang tawa ni Tatay Antonio dahil sa naging reaksyon ni Martina. Namumula ang makikinis nitong pisngi at mapupula nitong mga labi. Hindi ito makatingin ng diretso sa puwesto ko na parang hiyang-hiya. Saglit na katimikan ang namutawi sa mesa naming tatlo matapos naming kainin ang dessert na ice cream na inorder din ni Tatay Antonio. Napatingin na lang kami ni Martina sa gawi nito ng magsalita. “Kung sakaling mawala ako sa mundo, ang dinadalangin ko lang sa Diyos ay makatagpo ng isang mabuti at mapagmahal na asawa ang nag-iisa kong anak na si Martina.” Malungkot na sabi ni Tatay Antonio na kinagulat ko. “Tay!” sunod kong narinig na sabi ni Martina sa ama. Hindi naman ito sumigaw pero ang boses ay parang takot na ayaw ng madugdugan pa kung ano man ang sasabihin ni Tatay Antonio. Hilaw na ngiti ang sinukli ni Tatay Antonio na kinalungkot ng mukha ni Martina. “Hindi ka mawawala, tayo pa ring dalawa ang magsasama tay.” Matapang na sabi ni Martina na kinaawang ng mga labi ko. “Anak, mas mainam kung makakahanap ka ng lalakeng makakasama mo habangbuhay…hanggang sa pagtanda mo. Iiwan at iiwan din kita pagdating ng panahon, hindi ba Yohann?” Nawalan ako ng sasabihin ng bigla ay sa akin tumingin si Tatay Antonio. “O-opoo, Tatay Antonio.” “Kaya sana, ikaw na ang bahala sa anak ko. Kung hindi ko man maabutan ang panahon na makita ko ang magiging kabiyak ng anak ko sa buhay…ikaw na lang ang kumilatis sa taong mapipili ni Martina, puwede ba’yun?” may halong biro persoyong tanong muli ni Tatay Antonio sa akin. Nilingon ko saglit si Martina na ngayon ay namumula na ang mga mata. Gusto ko siyang aluin at yakapin. Isipin ko pa lang na ako ang kikilatis sa lalakeng sinasabi ni Tatay Antonio na magugustuhan ni Martina na maging asawa ay nagpupuyos na ang dibdib ko. Isang simpleng tango ang ginawa kong sagot sa huling sabi ni Tatay Antonio at hindi na kami nag-usap pang muli tungkol sa bagay na’yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD