CHAPTER 23-PANGAMBA

1236 Words
YOHANN Pagkatapos kong ihatid si Martina at Manong Antonio sa bahay ay nanatili pa ako ng ilang minuto sa kanila para magkape. Hindi pa rin tumitigil si Manong Antonio sa pagkuwento ng tungkol kay Martina. Maski ang kabataan nito ay halos naikuwento na sa dami ng oras na nagkuwentuhan kami kanina. Nang sa tingin ko ay okay na si Manong Antonio ay nagpaalam na ako kay Martina na noon ay tahimik lang na nakikinig sa mga kuwento ng ama nito. Pumasok na si Manong Antonio sa kuwarto nito para magpahinga. Muling lumabas si Martina para ihatid ako sa labas ng bahay nila. I can see the sadness in her eyes, those deep eyes that no one can see how broken she is right now. Seeing her that way makes me feel useless. Wala man lang akong magawa para maibsan ang lungkot sa magaganda niyang mga mata. Lungkot na dulot ng pag-iisip niya sa kung gaano ang sakit kapag dumating ang araw na kinakatakutan niya sa buhay. “Salamat po ulit doc. Hindi ko po alam kung paano ako makakabawi sayo.” Pinamulsa ko ang isa kong kamay sa khaki pants na suot ko saka ko siya tinitigan ng seryoso. I tried not to smile when I saw her innocent and addictive face, but I failed. Napangiti ako ng makita ko ang hitsura nito na parang hiya-hiya at hindi makatingin ng direstso sa mga mata ko. “Tawagin mo lang ako sa pangalan ko, bawing-bawi ka na…Martina.” Agad itong nag-angat ng tingin sa akin ng dahil sa sinabi ko. “K-kasi doc…” “May utang ka sa akin na malaki hanggat hindi mo ako nakakasanayang tawagin sa pangalan ko, remember that.” May halo biro kong sabi. Napakamot pa ng ulo si Martina saka parang bata na hindi malaman ang sasabihin dahil kausap nito ang isang taong mas matanda dito. Hinintay ko ang sasabihin niya at sinadya ko pang ibaling ang ulo ko para makita ang maganda nitong mukha habang sinasabi ang pangalan ko. “Y-yohann…” I smiled when I heard her voice calling my name. “There you have it, nasabi mo rin sa wakas.” Nakakaloko kong biro sa kanya. Unti-unti ay sinalubong ko ang mga titig ni Martina. That stare that mesmerize my whole being. Gustong-gusto ko na nakatitig siya sa mga mata ko. I want to know her better. Na hindi lang si Warren ang may karapatang makilala ito at mahalin. “Salamat, Yohann.” Muli ay sabi ni Martina na lalong nagpaluwang ng ngiti sa mga labi ko. “You are always welcome. Nandito lang ako para sa inyong dalawa ni Manong Antonio.” Isang banayad na ngiti ang sinagot niya sa akin at bumaling ang ulo nito sa ibang parte ng kalsada na parang may tinatanong kung ano sa mga mata nito na hindi ko dapat makita. “Gabi na, baka may naghihintay na sa pag-uwi mo sa bahay.” Hindi ko inaasahan na sabi Martina. “Yeah, there is someone else waiting for me.” Sagot ko sa kanya. Ang tinutukoy ko ay si Albert na kanina pa nagtatanong kung anong oras ang uwi ko at uminom daw kami kahit sa bahay lang. Nakita kong napatango lang si Martina ng marinig niya ang sagot ko. Itinuro pa ng kamay nito ang pinto ng gate na senyales na pinapauwi na niya talaga ako. “See you and goodnight.” Nakahawak si Martina sa gate nila at parang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Hinintay pa niya akong makabaling at tuluyang makaalis bago ito pumasok sa loob ng bahay. **** “Bro, you know what?” Ibinaba ko ang bote ng alak na hawak ko ng magsalita muli si Albert. “Kung ang sasabihin mo lang sa akin ay gumamit ako ng iba’t-ibang dating app just to find a girl, thanks but no thanks.” Pinal kong sabi sa kanya. Pinilipit niya akong magkaroon ng girlfriend at ng hindi puro trabaho ang inaatupag ko. Unlike him, hindi ito nababakante. Mabilis itong maka move sa mga naging karelasyon nito na hindi ko kayang gawin. “Tsssk. Sino ba kasi ang hinihintay mo? Si Martina na naman?” Bro, ilang taon na ang lumipas. Baka hindi mo na siya makita. Sayang naman ang gandang lahi mo kung hindi ka magpaparami.” Nakakalokong biro nito. Inismiran ko siya at saka uminom ng beer sa bote. “I just found her.” Sa bigla ni Albert sa sinabi ko ay muntik pa itong masamid sa narinig nito sa akin. “Talaga?” “Yeah, kasama niya si Manong Antonio. He’s the one I been mentioning to you who helped me fifteen years ago.” Mangha ang nakita ko sa hitsura ni Albert at hindi ito agad nakapagsalita. “Okay…so ano ang nalaman mo? Is she still single?” umayos pa ito ng upo saka ako muling hinarap. “May suitor siya ngayon.” “Suitor? Or boyfriend?” inis ko siyang nilingon at saka nagsalita. “Alam mo naman siguro ang pagkakaiba ng suitor sa boyfriend, hindi ba? Baka nga magkaibigan lang silang dalawa.” Dugtong kong sabi sa kanya. I can’t imaging her, having a boyfriend now that I found her. “Paano mong nalaman na magkaibigan lang silang dalawa at wala talagang relasyon, did you ask her?” iniinis talaga ako ng isa na’to. Gusto ko na siyang bigwasan ng isa dahil hindi nito maramdaman na ayokong pag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng karelayon ni Martina, because I won’t allow that to happen. “Nararamdaman ko, at alam kong hindi magugustuhan ni Martina ang Warren na’yun.” “Ah okay, Warren pala ang pangalan niya…nice name.” kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Parang mas boto pa ito kay Warren kaysa sa akin para kay Martina. “Don’t get me wrong, Yohann. Fifteen years is fifteen years. Hindi natin alam kung talaga ang namamagitan sa dalawa na’yun sa tagal na hindi kayo nagkita ni Martina, right? “So, what’s your point?” Nagsisimula na akong mainis sa mga pinagsasabi nito at kulang na lang ay iwanan ko ito at matulog na. “My point is…do some move bro. Alam mo naman pa lang may umaaligid kay Martina ngayon tapos wala ka man lang ginagawa?” “Ofcourse, I do something. Masyado lang occupied ang isip ni Martina ngayon para maramdaman niya ang gusto kong mangyari sa aming dalawa.” “Exactly my point bro. Baka dahil hindi maramdaman ni Martina ang gustong mangyari sa inyong dalawa…yun si Warren kamu ang makagaanan niya ng loob dahil palagi silang magkasama habang may mga problema si Martina. I mean, baka tuluyang mahulog ang loob niya sa lalakeng iyon dahil palagi niya itong nasasandalan.” Saglit akong nag-isip dahil sa sinabi ni Albert. Baka nga may point ito at samantalahin ni Warren ang sitwasyon ni Martina para mapalapit dito. “Ano, natameme ka? Totoo ang sinabi ko hindi ba? Sa panahon ngayon, pabilisan na ang lahat at hindi na dapat pinapatagal pa.” hindi ko na napigilan ang sarili ko at inihagis ko ang isang unan kay Albert ng tumigil na ito sa kakasabi ng kung ano-ano kay Martina at Warren. Hindi ko alam kung tama bang sa bahay ko mismo ito pinataluy? Napailing ako ng ilang beses habang hawak ang baso ng alak na iniinuman ko. Posible nga kayang may namamagitan kay Warren at Martina na hindi ko nalalaman? Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD