ALBERT
I’m still here in Yohann’s exclusive house. Exclusive dahil halos wala naman atang pumupunta sa kahit sinong kakilala nito para puntahan ito. No wonder kung bakit hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin ito sa nakaraan nila ni Martina.
He’s been mentioning her name since we became friends at nagkahiwalay eventually. I’ve been in other countries for more than ten years. Ngayon ay naisipan kong bumalik just to have my vacation kahit wala naman akong pamilyang uuwian.
Nagulat ako ng biglang mag tumunog ang doorbell sa labas ng malaking bahay ni Yohann. Wala naman itong katulong maraming maliban sa isang tagaluto at isang taga linis ng bahay, umalis pa ang mga ito para mag grocery so sa tingin ko ako na lang talaga ang magbubukas ng pinto, walang iba.
When I opened the door, I was stunned when I saw her. It was Bridgitte who was waiting outside the door. Matagal ko na siyang kakilala but not to the point that we became friends.
Minsan lang namin siyang pinag-usapan ni Yohann, and he just clarified to me that there’s nothing between them. Nagulat na lang ako isang araw at sinabi nitong sinubukan nito na makipag relasyon kay Bridgitte but unfortunately it wasn’t worked out. Since then, wala na akong narinig na kuwento mula kay Yohann tungkol kay Bridgritte until this day that I saw her again.
“Where is Yohann?” bungad na tanong nito sa akin.
“Ummmm, wala siya dito ngayon.” Saka ako lumingon sa loob ng malaking bahay ni Yohann. Kilala na rin ako ni Bridgitte dahil minsan nitong sinundan si Yohann sa ibang bansa ng magkita kami kaya nalaman nito na magkaibigan kaming dalawa.
“When was the last time he went in this house?” dugtong na tanong nito sa akin kaya medyo napahaba ang pag-uusap namin sa tabi ng pinto. Gusto ko sana siyang anyayahan sa loob ng bahay ni Yohann pero baka mabigo lang ako na mapapayag siya.
“Kagabi, dito siya natulog.” Sagot ko sa kanya.
“Aalis na ako, pupuntahan ko na lang siya sa hospital.” Nakairap nitong baling sa akin. Napangiti ako ng makita ko ang ganun nitong gesture.
Kahit na mukhang mataray ang mukha ni Bridgitte ay bakas dito ang ganda na hindi kayang mahalin ni Yohann.
“Okay, sasabihin ko na lang na nagpunta ka dito sa bahay niya just in case na hindi kayo mag-abot sa hospital.” Tumango lang ito at maarte itong naglakad palayo sa akin. Napa awang na lang ang mga labi ko ng mapansin ko kung gaano ito ka seksi sa suot nitong hapit na cotton dress na hanggang tuhod ang haba. Napailing na lang ako dahil sa kakaibang tumakbo sa isipan ko ng mga sandaling iyon.
MARTINA
Maaga akong nagising para ipagluto ng umagahan si tatay. Hindi ako muna papasok sa trabaho ngayon araw dahil hindi makakapunta ang nurse na tumitingin dito. Nabanggit ito ni Yohann sa akin kagabi ng kumain kami ng tatlo sa isang mamahaling restaurant.
Nahiya pa ako ng ito mismo ang magbayad ng lahat ng kinain namin kagabi. Nag-aabot ako ng share namin ni tatay pero hindi nito tinanggap.
Pagkaluto ko ng umagahan ay kinatok ko na ang pinto ng kuwarto ni tatay. Nagtaka pa ako at tanghali na ito nagising ngayon araw. Dati rati ay maaga itong bumabangong sa umaga para magwalis at magdilig ng mga halaman sa labas namin. Pagkatapos nitong kumain ng umagahan ay mamahinga ito at saka maliligo at manunuod ng t.v na paboritong gawin pampalipas ng oras.
“Tay, bangon na po kayo…kain na tayo ng umagahan.” Mahina kong tawag sa kanya sa labas ng pinto ng kuwarto nito pero alam kong narinig nito sa loob kung sakaling gising na ito.
Nakailang beses ko siyang tinawag pero wala akong narinig na kahit anong palatandaan na gising na ito. Kinabahan ako na parang binudol ang dibdib ko ng sobrang lakas.
Nang pihitin ko ang doorknob ng pinto ng kuwarto nito ay bumungad sa akin ang katawan ni tatay na nakahiga sa kama nito. Para itong natutulog ng mahimbing pero may nag-udyok sa akin na lapitan ito at yugyugin.
“Tay! Gising na po kayo, kakain na po tayo.” Hawak ko ang dalawa nitong balikat pero hindi man lang ito gumalaw sa ilang beses kong pagyugyog dito. Napaatras ang mga paa ko palayo sa katawan ni tatay na wala ng buhay at napatakip ako ng bibig. Ang iyak na hindi ko mapigilan ay kusang lumabas sa bibig ko, kasunod nito ang mga luhang kusang kumawala sa mga mata ko pagkatapos. Nanginginig ang katawan ko pero kailangan kong maging matatag sa mga oras na iyon.
Muli kong niyakap si tatay at humikbi ng malakas. Wala akong kalam-alam na kagabi pala ang huling araw na makikita kong buhay si tatay. Marami itong sinabi na kung ano-ano tungkol sa kamatayan nito pero hindi ko pinansin dahil gusto ko siyang mabuhay ng matagal. Pero ngayon…
“Martina…” napalingon ako sa pinto ng may isang boses ang nagmula doon. Hilam ng mga luha ang mga mata ko ng lingunin ko ang taong iyon at laking gulat ko ng mapagtanto ko kung sino ang lalakeng iyon.
“Y-yohann…” sambit ko sa pangalan niya. Patakbo itong lumapit sa amin ni tatay. Agad nitong pinulsuhan si tatay sa leeg at ng magawa ito ay malungkot itong humarap muli sa akin.
“W-wala na siya Martina.” At muli ay tumakas ang mga luhang kanina ko pa hinahayaang maglandas sa mga mata ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Bahagyang lumayo si Yohann sa kinaroonan namin ni tatay at may tinawagan ito sa cellphone. Para naman akong bingi na hindi makarinig sa kung anoman ang sinasabi nito sa kausap. Ang laman lang ng isip at puso ko ngayon ay ang taong nagbigay ng pagmamahal sa akin mula sa pagkabata ko na ngayon ay isa ng malamig na bangkay.
Mula sa pagkakatitig ko kay tatay sa kama ay naramdaman ko ang paglapat ng isang kamay ni Yohann sa balikat ko. Nilingon ko siya pero naabutan kong nakatitig din ito kay tatay.
“Traydor ang sakit ni Manong Antonio at kahit ang mga doctor ay hindi masasabi kung kailan ito susumpong, Martina.” Nilingon niya ako at sa pagkakataong ito ay nagsalubong ang mga mata namin. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya at hindi ko inaasahan na pupunasan nito ang mga luha sa pisngi ko. Masuyo nitong tinuyo ang mga luha at diretso ang matang nakatitig sa akin. Ang pagkakalapit namin ngayon ay nagdulot ng gulo at pagkalito sa puso ko.
“Everything will be alright, Martina. I’m just here, hindi kita iiwan.” Napatitig ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya at muli ay malungkot kong tinitigan si tatay na wala ng buhay ngayon.