Nicole's POV
Busy ako sa pagtitingin ng mga picture nila Ke, Zk, Alex, Shen and Zyrone dahil sa pinasa na files ni mommy sila ang dapat kong tutokan.
"Hindi ba mga school mate mo mga 'yan?" Nasa likuran ko si Geoff na umiinom pa ng coffee.
"Oo, hindi ko nga alam kong bakit kailangan ko silang bantayan." Kailangan ko rin makakuha ng information about them.
"May tanong ako." umupo siya sa tabi ko habang chill lang na umiinom ng kape n'ya. Hinihintay ko naman ang itatanong n'ya.
"Paano kong isang araw i-utos ng mommy mo na patayin silang lahat gagawin mo ba?" Napatigil ako sa tanong n'ya parang 'di ko kayang sagutin. Pero after ilang seconds agad din akong ngumiti at sinagot ang tanong n'ya.
"Oo naman lalo na kong deserve din nila. Bakit mo ba tinatanong?" Umiling lang siya sa akin at umalis na rin. Ano kayang trip non?
"Papasok na nga pala ako. Ikaw na lang bahala dito ah. Baka bigla ka naman mawala baka naman mag paalam ka rin. Para naman alam ko kong umalis ka na ba." Hindi na siya sumagot sa akin pa at nag dumiritso na rin ako lumabas nang bahay. Napaka walang modo talaga nitong guardian ko!
****
Kaylee's POV
Isang resort ang pupuntahan ko. Pumasok ako sa entrance nito at pinakita ang copy ng card na binigay sa akin through email.
"Cottage 4 po kayo." Itinuro naman sa akin nang isa sa mga staff kong saan banda 'yon. Medyo kinakabahan pa ako habang palapit sa cottage. Pero dahil pinasok ko 'to kaya dapat ready ako sa consequences.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Wala akong nakita na tao dito sa loob dahil expected ko meron magsasalubong sa akin. May nag contact kasi sa akin at may hint daw siya na ibibigay about sa nag sabotage sa party. May napansin akong nakapatong sa table dito at flash drive ito.
Kinuha ko ang phone ko at good thing flash drive siya na may type c sa kabilang side kaya fit for my phone. Video ito ng footage ng nangyari sa party at lahat ng kuha nito. Hindi ko alam kong paano siya nagkaroon nitong footage? Hindi ko pa naitatanong kay Ke kong may footage din ba sila nito or wala.
Lumabas ako para hanapin kong sino man siya. Kailangan ko siyang makausap.
"Miss! Nakita mo ba 'yong nag book dito?" Tawag ko sa isa sa mga staff dito.
"Lumabas na po siya mga 15 minutes ago."
"Saan siya pumunta?"
"Baka po nasa beach front pero hindi ko po alam. Don ko po kasi napansin na pumunta siya." Agad akong tumakbo sa itinuro ng staff baka sakaling maabutan ko pa siya.
Tsaka ko lang din na realize na hapon na pala dahil kitang kita dito ang sunset paglabas ko ng resort. Nasa harapan na kasi ako nang resort at beach front ito. Maraming taong nandito 'yong iba naglalaro nang volleyball.
Paano ko siya mahahanap?!
Naglakad pa ako sa kalayuan 'yong kakaunti na lang ang tao. Napahinto naman ako nang maramdaman ko na parang may sumusunod sa akin.
Lumingon ako sa likod ko at nagulat ako dahil sila 'yong tinakasan namin ni Blaze sa bar nakaraang gabi. Paano ba naman kasi napaka bastos nila.
"Hi Kie, nice to see you again." Nasa harapan ko na sila at sa mismong mukha ko pa talaga ibinuga n'ya 'yong usok nang sigarilyo na hinihithit n'ya.
Tinalikuran ko sila dahil wala naman akong balak kausapin sila sayang lang sa oras.
Naramdaman ko ang paghawak n'ya sa braso ko kaya naman nairita ako sa ginawa n'ya. Humarap ako sa kanya para suntukin siya sa mukha pero sa may ilong n'ya tumama ito. Napalakas din 'ata ang pag suntok ko dahil dumugo ito.
Tumakbo ako agad dahil for sure di sila papayag na makatakas ako.
"Habulin n'yo siya!" Rinig ko pa habang papalayo ako.
Sobrang layo ko na sa resort kanina at pagabi na rin. Ano ba naman 'tong gulo na pinasok ko? Wala na ring tao dito at naisipan kong magtago sa mga malalaking bato na nandito.
Hindi sana ako dito magtatago pero nakabakod pa ang isang bakanteng lot dito at masyado pang madamo. Nakakatakot din baka may ahas pa akong masalubong or maapakan dahil medyo madilim na rin ang paligid.
Narinig ko na silang papalapit dito sa pinapagtaguan ko.
"Nahanap n'yo na ba?"
"Baka hindi tumago 'yon dito. May mga ahas pala dito."
"Tara na nga! Makakaganti din tayo don." Nakahinga ako nang maluwag.
Pinalipas ko muna ang 5 minutes bago ako tumayo dito sa kinauupuan ko para sure na wala na talaga sila.
After 5 minutes tumayo na ako dahil nangalay na rin ako dito pero agad akong napahinto.
May ahas na papalapit sa kinakatatayuan ko. Sisigaw na sana ako dahil sa takot nang may tumakip sa bibig ko.
"Shhhh." Pinigilan ko ang sarili ko sa pag panic lalo na nang dumaan na sa harapan ko 'yong ahas. Ahas dagat ito at tsaka ko lang napansin na may ahas din pala na nasa tabi nang bato kanina. Para naman akong nanghina at lumamig buo kong katawan. Ba't naman napakadami nito dito? Tapos dito ko pa naisipan mag tago.
"Okay ka lang ba?"
"Hindi." Sagot ko kaagad sa kanya dahil nakakatakot naman talaga. Narinig ko pa ang mahina na pagtawa n'ya.
Teka sino ba 'to? Humarap ako sa kanya dahil nasa likod ko siya.
"Anong nakakatawa?" Hindi ko siya kilala at 'di ko din gaanong maaninag ang mukha n'ya dahil nga sa gabi na. Pero sure akong 'di siya kasama nang mga humahabol sa akin kanina.
"Wala tara. Ba't ba kasi nandito ka?" Naglakad na kami palayo sa pinagtaguan ko kanina.
"May humahabol sa akin kanina." Hindi ko na dapat sinasabi 'to sa kanya dahil 'di ko naman siya kilala. Pero parang comfortable ako sa kanya sabihin hindi ko rin alam kong bakit.
"Ah sila Jize ba humahabol sayo?"
"Paano mo alam?"
"Nandoon na kasi talaga ako kanina sa likod mo. Hindi mo lang napansin dahil busy ka maghanap ng tataguan."
"Yon naman pala eh, bat ka pa nagtatanong?" All this time nandoon pala talaga siya.
"Wala gusto ko lang malaman ang dahilan kong bakit ka nila hinahabol." Napailing na lang ako.
Kinuha ko ang phone ko na nasa pouch bag ko at chineck na rin kong nandoon pa ba ang flash drive ko. Pero wala.
"Ito ba hinahanap mo?" Agad kong kinuha ito sa kanya. "Nadampot ko kanina habang naghahanap ka nang pagtataguan. Hindi mo napansin na nasa harap mo lang pala ako."
"Thank you nga pala." Nag shrugged lang naman siya sa akin. Hindi ko pala natanong kong anong name n'ya.
"Kie." Napalingon ako kong sino ang tumawag sa akin and it's Zyrone. Anong ginagawa n'ya dito? Halatang hingal na hingal din siya. Sinusundan n'ya ba ako?
"Anong ginagawa mo dito?"
"Kanina pa kita hinahanap. Okay ka lang ba?" Tinignan n'ya pa ang braso ko kong may mga sugat ba ako.
"Ano ba okay lang ako." Teka na saan na 'yong kasama ko? Lumingon ako sa likod pero walang tao.
"Hindi mo ba nakita ang kasama ko Zyrone?"
"Nope, wala ka namang kasama nong lumapit ako."
"Ano?!" Gosh, hindi naman 'ata ako naghahalucinate 'di ba? Hindi naman 'ata ako baliw, sure akong may kasama ako kanina. Paano pala kong ghost 'yon?
"May kasama ako kanina dito before ka dumating. Sure ka ba talaga na wala kang na pansin na kasama ko?"
"Kie, wala akong na pansin. Tara na umuwi ka na." Hinawakan ni Zyrone ang kamay ko at sumabay na lang ako sa kanya habang naglalakad kami. Hindi pa rin kasi nag si-sink in sa isipan ko na wala akong kasama kanina. Nababaliw na ba ako?
*****
Third Person's POV
Habang papalayo si Kie and Zyrone ay pinapagmasdan n'ya ito.
"Tsk tsk tsk nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." Umupo sa tabi n'ya si Caila at mukhang na pansin n'ya ang tinitignan nito.
"Hayy naku talaga! Okay pa ba heart mo?" Tanong ni Caila sa kan'ya at ngumiti lang siya nang mapait.
"Anong laban ko don? Ex n'ya 'yon at nag e-exist siya sa buhay n'ya samantalang ako hindi n'ya kilala."
" Ano ba 'yan. Tara inom na lang natin 'yan Vinz. Ay teka naibigay mo ba sa kanya 'yong flash drive?" Tumango naman si Vinz.
"Balik na tayo sa camp, hinahanap ka ng bebelabs, Kayden mo don." Agad naman napailing si Vinz sa pinagsasabi ni Caila.
*****
Ke's POV
Nasa balcony ako ngayon nang bahay at nagrereview. Yeah, kahit na busy ako sa organizations ng family namin kailangan ko rin mag-aral.
Huminto naman ako sa pagbabasa nang papalapit sa akin si Kie. Nakauwi na pala siya.
"Dumating ka na pala." It's my twin sister na parang wala sa sarili n'ya. Umupo siya sa tabi ko at nilapag ang flash drive. Nagtaka man ako kong para saan 'to kinuha ko na lang at nilagay sa laptop ko.
Nag-iisa lang ang file na nandito sa flash drive in-open ko ito at naglalaman ito nang footage nang girl na nag sabotage sa party. Pero sa kahit anong anggulo hindi mo siya ma kikilala. Pero malaki na ang maitutulong nito sa paghahanap sa kanya.
"Saan mo 'to nakuha?" Wala kaming copy nito kaya nakakapagtaka na meron silang kuha. Lahat kasi ng cctv chineck namin ang cctv footage wala man lang siya nahagip. Kaya nakakapagtaka na meron sila o sadyang may nag delete ng original copy ng cctv kaya wala kaming copy nito.
"Sa paghahanap ko kasi nakapunta ako sa website. Parang site siya like parang dark web. Hindi ko rin alam kong paano ako nakapunta don and may nag email sa akin through that website. Gusto n'ya makipag meet up dahil may alam daw siya sa nangyari and kilala n'ya ako."
"And then?"
"Base on her email pinasa n'ya yong lugar para makipag meet up sa akin. And nong pumunta ako don wala siya and tanging flash drive lang."
"Kie, please 'wag ka na sumali pa dito. Alam mo namang delikado 'to lalo na ngayon na kilala ka pala n'ya."
"Fine! Pero 'wag naman sana si Zyrone 'yong ipabantay mo sa akin. Please lang kahit sino 'wag lang siya." After non padabog siyang umalis, umiling na lang ako. Hindi ko alam sa kambal ko kong bakit inis na inis siya kay Zyrone. Parang dati naman kasi hindi. Ano kayang nangyari sa dalawa?
*****