Nicole's POV
Lalapit pa lang sana ako kay Mr. Alajar para sana ma i-check ko ang pinapakuha ni mommy. Pero nakaramdam ako na parang may nakatutok sa likod na bahagi ng ulo ko. Unti-unti akong humarap at isang baril ang bumungad sa harapan ko.
Tumingin ako sa lalaking may hawak nito. Siya yong lalaki na nakatitig sa akin kanina.
"One bad move and you're dead." Ngayon ko lang narinig ang boses n'ya pero sobrang nakakapanghina ng tuhod.
Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas dito. Hindi pa ako pwedeng mahuli at 'di pa ako pwedeng mamatay!
Unti-unti n'ya ng tatanggalin ang mask ko agad kong sinipa ang binti n'ya. Nabitawan n'ya ang baril kaya agad akong nakatakbo palayo. Pero bago pa man ako tuluyang makalayo natamaan n'ya ako sa kanang braso ko. Daplis lang naman 'yon pero naramdaman ko ang kirot habang tumatakbo ako.
Naghanap ako nang dapat ko na daanan naisip kong doon na lang ulit sa dinaanan ko kanina. Baka wala na rin doon 'yong mga nag ma-make-out.
Bumaba ako nang second floor at halos ng mga nandito ay mga wala na ring malay.
Malapit na ako makarating sa inakyatan ko kanina kaso napahinto ako nang may tao ding nakatayo at nakatutok sa akin ang baril. Napalunok at 'di ko alam kong paano ko na 'to tatakasan?
"Where do you think you're going?" Familiar sa akin ang boses n'ya pero 'di ko maalala kong kanino ko narinig. Hindi ko rin maaninag ang mukha n'ya dahil naka face mask siya dahil na rin siguro sa amoy kanina kaya naka face mask siya. Tanging ako lang 'di effective sa amoy na 'yon uminom kasi ako nang gamot para di maging effective sa akin ang amoy.
Unti-unti n'ya nang pinipindot ang gatilyo ng baril at halos marinig ko na rin ang kabog ng dibdib ko. Totoo ba 'to? Katapusan ko na talaga?
Nakarinig kami ng putok ng baril mula sa baba at bigla siyang di naka focus dahil don. Agad akong umikot sa harapan n'ya para makatalon sa terrace at pinindot ang button ng wrist watch ko. Nag visible ang rope na ginamit ko kanina at agad akong kumapit don pababa.
Tumakbo ako kaagad para makalayo pero may mga nakapalibot na mga tauhan nila sa akin.
"Hwag mo nang tangkain pang tumakas." Kitang kita sa liwanag ng buwan ang color blue na mga mata n'ya. Siya ba si Ke? Pero impossible hindi ko maramdaman sa kanya si Ke. Habang tumititig ako sa kanya ng matagal parang na hi-hipnotize ako kaya nag-iwas ako ng tingin.
Sobrang dami na ring nakatutok sa paligid ko na baril at alam kong kunting kamali ko lang mamamatay na ako.
"Remove your damn mask!" Utos n'ya sa akin natatabunan pa rin kasi ang mga mata ko. Napapikit ako mukhang katapusan ko na talaga. Tatanggapin ko nalang na hanggang dito nalang talaga ako.
Tatanggalin ko na sana ang mask na tumatabon sa mga mata ko ng may bomba na sumabog sa tapat namin. Tatakbo na sana ako palayo ng hawakan ako nitong lalaking blue eyes.
"Let her go!" Maraming tumama na bala sa may paahan n'ya at agad n'ya akong nabitawan at may humila sa akin sa likod. Siya 'ata ang nag ligtas sa akin at alam ko na kong sino 'yon. Akala ko talaga 'di na ako makakatakas.
Agad kaming nakalabas ng hotel na hindi man lang nahuhuli. Pinindot ko ang isa na namang button dito sa wrist watch ko at agad na tumakbo ang big bike ko palapit sa akin.
Nakasakay na ako sa big bike habang nasa kabila naman si Geoff na naka sports car. Kitang kita ko pa pag smirk n'ya sa akin at pag taas ng kilay napangiti nalang din ako.
Pagdating namin sa bahay dumaan kami ulit pababa sa basement dahil dito nakalagay 'yong mga gamit namin and car. Hinubad ko na rin ang dress ko at naka sando and shorts nalang ako.
Lumabas na ako sa basement at dumiritso sa sala at umupo. Nandito na din si Geoff na chill lang at kumakain pa ng chips.
"Buti ka pa chill lang samantalang ako parang sasabog na sa kaba ang dibdib ko kanina. Akala ko mamatay na ako!" Tinawanan n'ya naman ako.
"Pasalamat ka on time ang guardian mo." Napairap naman ako on time ba yong muntik na akong mamatay sa tagal n'ya!
Si Geoff nga pala 'yong kasama ko dito minsan. Yes, minsan dahil palagi siyang wala at magpapakita lang kapag trip n'ya. Isa siya sa mga tauhan ni mommy na pinadala sa akin.
Ang sabi n'ya pa noong una siya pumunta dito guardian ko daw siya. Gosh may guardian bang 'di mo mahagilap kong na saan kapag kailangan mo.
"Saan ka ba kasi nagsusuot napakaboring kaya kapag mag-isa lang dito." Sabi ko sa kanya na nagpapa awa effect. Tinapon n'ya naman sa akin ang unan na nasa inuupuan n'ya.
"Hwag ka nga mag ganyan nakakadiri!" Matagal na kaming mag kasama dito parang 5 years na rin. Bigla lang siya dito sumulpot sa bahay ko at ang tanging gawa n'ya lang ay ang ubusin ang mga pagkain ko na pinamili.
Pero may maganda naman kasi kapag nandito siya ang nagluluto. Lahat ng mga naka stock sa fridge ko niluluto n'ya 'yon nga lang mag s-stay lang siya dito just one day or two days lang. Hindi pa talaga magpapaalam bigla bigla na lang nawawala.
"Paglutuan mo na lang ako please." Tinignan n'ya naman ako na parang nandidiri pero tumayo din siya at dumiritso sa kusina. Sabi ko na nga ba 'di ako matitiis nito. Sa wakas makakain rin ako ng lutong ulam talaga. Kapag nandito kasi ako kong 'di ako sa fast food kumakain lulutuin ko naman ay instant.
Kinuha ko ang phone ko at tumingin sa news. Nasa news na pala ang nangyari kanina. Habang naghihintay ako sa niluluto ng guardian ko kuno. Kinuha ko ang first aid kit at nilinisan ang sugat ko. Mabuti na lang talaga daplis lang ang nangyari ang hirap kaya magtanggal ng bala.
After 30 minutes tinawag na ako ni Geoff siguro luto na ang niluto n'yang ulam. Pumunta na ako sa dining area at makakain na rin.
"Wow!" Malayo palang ako amoy na amoy ko na excited akong tumakbo at umupo sa harapan ng lamesa.
"Hoy! Dahan-dahan ka sa pagkain mo mainit pa yan." Nagluto kasi siya ng beef steak and chicken curry. Meron din siyang ginawang dessert. Mukhang 'tong beef steak na marinate n'ya na before n'ya pa ako puntahan don kanina. Kaya siguro n'ya nalaman na nasa mission ako. Usually kasi lagi siya dumadaan sa basement makikita n'ya doon na wala ang big bike na ginagamit ko kapag nasa mission ako.
"Pwede ka na talaga mag asawa baka naman pakilala mo na ako sa girl friend mo." Pang-asar ko na tanging pag iling lang n'ya ang sagot.
Actually mas matanda ako sa kanya pero bakit ba mas matured pa siya sa akin minsan. Minsan lang naman. Tsaka kahit lalaki siya grabe siya lahat naglilinis dito sa bahay. Siguro dahil boring siya. Goods na rin pamalit sa mga inuubos n'yang grocery stock ko dito sa bahay. Basta pag nandito siya yong 2 weeks ko na stock ng pagkain minsan for 2 days lang sa kanya. Ganon siya katakaw kumain.
*****
Kaylee Iza's POV
Nasa room ako ni Ke at binabantayan siya dahil hanggang ngayon 'di pa rin siya nagkakamalay. Two days na simula ng nangyari ang incident na 'yon pero walang clue kong sino ang may gawa.
Hinihintay kong magising ang kambal ko dahil sabi ng tumingin sa kanyang doctor ay magigising na rin siya ngayong araw. Nagkataon pang wala sila mommy and daddy ngayon nasa europe sila at makakarating sila mamaya pang gabi.
"Kie." Mabuti naman ang gising na 'tong kambal mo.
"Mabuti naman at nagising ka na. May dinala akong pagkain kumain kana for sure gutom ka." Inalalayan ko siyang tumayo at inabot ang pagkain.
"Oh ano titignan mo nalang 'yang pagkain mo? Baka gusto mo subuan pa kita. Dream on 'di mangyayari yon my dear twin kaya kumain ka na dyan! Hindi naman yan nabale yong kamay mo or what nawalan ka lang ng malay."
"Bakit parang napakaingay mo ngayon Kie? Nag-alala ka sa akin ano?"
"In your dreams! Kumain ka na nga lang d'yan." Kinuha ko ang laptop ko na nasa desk ng room n'ya at pinagpatuloy ang inaasikaso ko kanina before siya nagising.
"Anong ginagawa mo?" Lumingon ako sa kan'ya at nag poker face.
"Paki mo ba?!"
"Kie, what do you think you're doing?! Nahihibang ka na ba?!" Sigaw n'ya sa akin. Tumigil ako sa ginagawa ko at humarap sa kanya.
"Please lang Ke kaya ko na ang sarili ko 'wag mo na ako pakialaman sa mga gusto kong gawin." Sagot ko sa kanya habang naka bored look.
"Kie hindi kita pinapakialaman nag-aalala lang ako. Alam mo naman ang nangyari sa akin 'di ba? Paano ka nalang kong pati 'yan papasukin mo rin! Alam mong delikado."
"Alam kong ginagawa ko Ke, gusto ko lang makatulong and first of all 'di sila sa akin maghihinala dahil hindi nila ako kilala at 'di ako kasali sa organization n'yo. Ano sa tingin mo? Tutunganga nalang ako dito kahit na ganyan na ang nangyari sa'yo?"
"Okay fine do whatever you want."
"Ginagawa ko 'to bilang twin sister mo kaya 'wag ka na umangal." Nag i-investigate kasi ako about sa nangyari. Hindi 'to biro dahil ito ang unang nag failed ang kambal ko never sila pumalpak sa mga ganito. Kaya mas lalo akong naging interested kong sino ang nasa behind nitong lahat.
May isa na akong nakalap na information pero hindi ko alam kong ito na ang magtuturo sa culprit. Pero malay ba natin kaya i-grab ko na lang.
****
Zyrone's POV
Nasa head quarters kami nang organization at kasama ko ngayon si Shen. Ano pa nga ba lagi talaga kami mag kasama ni Shen dahil si Alex napaka busy sa mga babae n'ya.
Tinignan ko ang message na galing kay Ke. Gising na pala siya hindi man lang namin siya na bisita. After kasi ng nangyari kinailangan namin mag investigate agad dahil first time 'tong nangyari.
"Papakiusap ko lang sana paki bantayan bawat kilos ng kambal ko. Paano kasi napakatigas ng ulo nag i-investigate din siya about sa nangyari. Ayoko sana madamay siya pero wala akong magawa."
Yan ang laman nang message n'ya nag reply lang ako ng copy sa kanya.
"Shen, may favor nga pala ako sa'yo." Kinuha ko ang tracking chip na nasa phone ko and tracking device. Para malaman ko kong na saan si Kie and sino ang makakausap n'ya sa phone n'ya.
"Ano yon?" Mas madaling mailalagay ni Shen 'to kay Kie dahil mas close sila. Alam ko kasing iniiwasan ako ni Kie kaya for sure 'di rin ako makakalapit sa kanya.
"Pwede bang ilagay mo 'to sa phone ni Kie." Kinuha n'ya agad at hindi na siya nag tanong kong bakit kailangan ko lagyan ng tracking device phone ni Kie. Napatingin ako sa oras ng phone ko at midnight na pala.
"Shen, di ka pa ba uuwi?" Umiling naman siya sa akin parang dito na siya magpapalipas ng gabi sa HQ. "Mauna n ako sa'yo." Tumango lang siya sa akin.
****
Dumating ako sa bahay na 'di man lang nakabukas ang mga ilaw. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni mommy naabutan ko siyang nakatulala sa bintana habang nakatingin sa buwan.
"Mom," kita ko ang pagpunas ng luha n'ya. Wala kasi ngayon si daddy dahil may inasikaso at kapag wala si daddy walang umaalalay kay mommy kapag nalulungkot siya.
"Dumating ka na pala." Tinabihan ko siya at tumingin din sa kalangitan. Napakaliwanag ng kalangitan ngayon dahil fullmoon.
"Naalala ko lang ang kapatid mo kong buhay pa ba siya, kong maayos ba ang kalagayan n'ya?" Nagkaroon kasi nang sunog 7 years ago at hindi namin nakita si Vinz kasama n'ya si Caila na 'di na kita. Hindi namin alam kong buhay pa ba siya or hindi dahil 'di nakita ang corpse n'ya or baka dahil nasunog na talaga.
"Mom you need to sleep it's already midnight."
"Kasalanan ko 'tong lahat nak. Kong hindi ko sana pinabayaan ang kapatid mo siguro nandito pa rin siya hanggang ngayon." Ganito palagi si mommy kapag nag-iisa siya lagi n'yang naalala si Vinz and sinisisi ang sarili.
Nang mapakalma ko na si mommy inihiga ko na siya sa kama n'ya.
Kong pwede lang maibalik ang panahon hindi ko hahayaang mawala ang kapatid ko.
Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga para sana matulog pero nag vibrate ang phone ko. Galing 'to sa email address ko may nag email sa akin.
From: Blank (Literal na blank siya walang name.)
Message:
Wait for me brother..
Agad akong napabangon sa message na 'to. Nag type ako ng reply pero ayaw mag send kahit anong gawin ko. Bakit ganito?
Pinasa ko ang email kay Zk ang email na 'to dahil baka matulungan n'ya ako. Siya lang kasi ang alam ko na gising pa sa ngayon hindi rin pwede kay Shen dahil baka 'di n'ya rin alam kong anong meron sa email na 'to bat ayaw mag send.
Nag reply si Zk after 15 minutes.
From: Zk
Maybe he blocked you or that email didn't exist at all.
Yan ang sagot ni Zk hindi ko alam kong matutuwa ba ako or what. Naisip ko lang kasi si Vinz baka siya pero kong sino man 'tong nanloloko sa akin humanda siya kong sino man.
Hindi tuloy ako makatulog ng maayos nang dahil doon. Gusto ko sana humingi nang help kong paano i-track 'tong email na ginamit n'ya pero mukhang makakadagdag lang ako sa gawain nila. Ako na lang siguro ang gagawa.
*****