BATTLE 1 - CHAPTER 7

3371 Words
Zyniel's POV Senesermonan ako ngayon ni papa, sabagay kasalanan ko rin naman. Pero lagi naman talaga ganito set-up namin 'di pa talaga nasanay si papa, na pailing na lang ako. "May pasa ka na naman sa labi! Kailan ka ba talaga titino Niel?" Gusto ko rin naman talaga maging tahimik ang buhay ko kaso ewan ba, kong bakit ba naman kasi lagi akong hinahabol ng gulo. Hindi na siguro talaga magiging matino ang buhay ko. Pagkatapos ko kumain nag-ayos na ako dahil first day of school ko ngayon. Working student ako dahil kong hindi ako mag ta-trabaho hindi ako makakapag-aral. Nalugi kasi 'yong business dati na pinapagkakitaan ni papa. Base sa mga narinig ko may sumira daw kaya na bankrupt, pero wala naman na akong paki pa don. Atleast nakakain naman kami three times a day at 'di nagugutuman. "Pa alis na ako." Tumango lang naman siya sa akin kahit na alam kong problemadong problemado siya sa akin. Naglalakad lang ako papuntang school at dagdag gastos lang kong mamasahe pa ako, kayang kaya naman lakarin. May sasakyan naman si papa pero ginagamit n'ya 'yon sa trabaho. Ayoko rin magpahatid sa kan'ya, alam ko namang pagod din siya. Kasama din pala namin sa bahay si Golderry and Yna mga ampon sila ni papa. Kababata ko sila na aksidente 'yong parents nila nong mga bata pa kami. Hindi ko sila kasama ngayon dito sa university na papasukan ko dahil sa public school sila nag-aaral. Ako lang talaga nagpumilit dito pumasok kahit ayaw ni papa. Dito kasi siya nag-aaral dati kaya gusto ko din mag-aral dito. Mga 20 minutes din ang nilakad ko bago ako nakarating sa university. Pumasok ako sa napakalaking gate na may nakalagay pa sa taas nito ang Stravinsky University. Himinto ako sa loob at pumikit at nilanghap ang hangin. Sa wakas makakapasok na rin sa dream university ko. "Hoy ikaw!" Natigil ako at iminulat ko na ang mata ko sa sigaw na narinig ko. s**t! Bakit nandito 'to? Kahit kailan talaga sinusundan ako ng trouble. Bakit ba ako mahal na mahal nito? Hindi ko siya pinansin at tumakbo, bahala na 'to basta makalayo sa kanya. Hindi ko na alam kong saan na ako nakapunta dahil napakalaki ng university na 'to. Basta nasa likod ako ng mga building. Tumigil na ako ng mapansin kong wala na ring sumusunod sa akin. Mabuti nalang nalusutan ko 'yong babae na 'yon. Akalain mo 'yon dito din pala siya nag-aaral. Pero napaka bad shot talaga sa akin ng tadhana, napakarami namang student dito at malaki 'tong university sa lahat ng makikita siya pa talaga. Dinial ko number ni Seven. Bestfriend ko si Seven dito din siya nag-aaral, mabuti nalang talaga may kakilala ako dito. (Oh bakit?) Saan ka ba? (Nasa room na.) Dito 'ata ako sa likod ng college of engineering. (Paano ka napunta diyan?) Pumunta ka nalang! Bago in-end ko na ang tawag. "Ano ginagawa mo dito?" Nagulat ako kong sino ang nagtanong. Kilala konsiya pero hindi ko alam kong kilala n'ya ba ako pero mukhang hindi. Never naman kasi ako pina kilala ni mama sa kan'ya. Kay Vinz lang ako pinakilala ni mama hindi kay Zyrone. Kapatid ko siya sa ina mag bestfriend dati si papa and mama tapos 'di sinasadya may nangyari sa kanila. Binigay ako ni mama kay papa dahil pinili n'ya 'yong boyfriend n'ya ng time na 'yon. Yon 'yong papa ni Zyrone and Vinz after non 'di ko na alam pa ang nangyari. Hindi ko din sure kong sinabi ba ni mama kay Zyrone na may kuya siya. One year age gap lang naman tanda namin ni Zyrone. "Naliligaw lang ako new student kasi ako." Mukhang satisfied naman siya sa sagot ko kaya naman tumalikod na ako para lumakad. Kaso napahinto ako dahil sa may unahan nandoon 'yong babae, 'di n'ya pa ako napapansin dahil may kausap siya. Pero once na dumaan ako sa harap n'ya mapapansin n'ya talaga ako. Hindi ako pwedeng gumilid dumaan dahil sa ibang building na 'yon papunta. Isa lang ang naiisip kong paraan kaya tumakbo ako ng napakatulin. Pero dahil 'di nga tumingin sa harapan ko dahil baka mapansin ako ng naghahanap sa akin may nabanggaan naman akong babae. Grabe naman 'tong mga babae na 'to pahamak talaga sa buhay. "Zyniel?" Tinitigan ko siya ng husto pero wala akong maalala kong sino siya. Isa ba siya sa naging babae ko? Pero teka wala ako panahon ngayon mang babae. "Blaze hwag mo 'yan hahayaang umalis." Wala na akong nagawa nong tuluyang makalapit sa amin 'yong babae na humahabol sa akin. "Bakit Kie?" Sabi naman ng babae na si Blaze daw. Pero paano niya ako nakilala ni hindi ko nga siya kilala. Shit, iba na talaga pag habulin ng mga babae ang daming nagkakandarapa. Pero parang pamilyar siya sa akin pero wala naman akong kilala na Blaze ang name. Kie, pala 'yong name nong humahabol sa akin 'di ko kasi siya kilala. "Una na ako, ah." Tumakbo ako ulit ng matulin huminto lang ako ng madaanan ko si Seven na naka sandal pa sa pader. Bwesit na 'to, mukhang kanina pa 'ata ako pinapanood nito 'di man lang ako tinutulungan. Pumasok ako sa room namin na pawis na pawis kay aga-aga pawis agad ako. Kainis naman kasing babaeng 'yon kong makahabol naman sa akin wagas. Ganun na ba ako ka gwapo sa paningin n'ya. Tumabi ako kong saan banda nakaupo si Seven. "Mr. Ruxewell pinapatawag ka sa dean office," sabi ng guro namin. Ruxewell? s**t ako 'yon, ano na naman 'yong kasalanan ko? Hirap talaga pag trouble maker walang kawala. Tumayo ako at napansin kong tumingin sa akin mga classmate ko nakakahiya tuloy. Wala pa nga ako nakakapahinga sa pag takbo ko at ito ako ngayon naglalakad na naman. Pagdating ko nandoon 'yong babae na humahabol sa akin. Sabi ko na nga ba 'di na talaga ako makakatakas. "Mr. Ruxewell Zyniel Ethan right?" Kamukha n'ya 'tong si Kie. Hindi ko sure kong siya ba 'tong dean namin pero mukhang hindi naman. "Mom siya 'yong kumuha ng wrist watch ko." Pagsusumbong pa nitong si Kie, mukhang ma influential sila kasi napatawag agad ako. "Who's your father?" Napalunok ako, ayoko kasi madamay si papa sa mga kalokohan ko. "Is nathan right?" Paano n'ya nalaman? Tumango na lang ako dahil mukhang nakita siguro sa mga pinasa kong requirements. "Is he alright? Pakikamusta na lang ako sa kanya." Napangiwi naman ako dahil magkakilala pala si papa kaya lagot na naman ako nito kapag nalaman ni papa na may kalokohan na naman akong ginawa. "Kilala n'yo po si papa?" Tanong ko sa kan'ya ngumiti naman siya sa akin. "Yeah, but mga 15 years ago ko na rin siyang hindi nakikita college pa ako nong huli ko siyang nakita." Hindi kaya ex 'to ni papa? Mukhang 'di naman masyado lang ako assuming. Ang alam ko isang babae lang 'yong minahal ni papa. Paano 'di ko malalaman? Lahat 'ata ng picture non nasa room ni papa lagi n'ya tinitignan. "Ah ganon po ba. Sasabihin ko po sa kan'ya na kinakamusta n'yo po siya." "Mom 'yong wrist watch ko!" Bigla na naman sabat nitong babaeng humahabol sa akin. Ang ganda naman kasi ng wrist watch n'ya, eh. Kaya tuloy na isipan kong kunin. Pero pahirapan talaga bago ko nakuha nasuntok pa ako kaya nga may pasa pa ako sa mukha. Ibibinta ko kasi sana kailangan ko kasi ng pera para sa darating na birthday ni papa. Tapos tingin ko parang nasa 150 thousand itong wrist watch n'ya. Pwede kong ibinta ng 120,000 sa mga kakilala ko. Marami naman akong kakilala na mayaman na magkaka interest dito. Isa lang ang masasabi ko sobrang yaman nitong babae na 'to. Sanaol nalang sa kanila. "Ibigay mo nalang sa kan'ya Kie." Bigla naman ako natuwa sa sagot ng mommy ni Kie. Yes, mapapasa akin ka rin naman pala hindi ko na kailangan mag makaawa sa babaeng kinawatan ko. Ang panget naman ng term na kinawat. "But mom? No way! Naka connect diyan 'yong—" wala pa naman nakakasagot si Kie sumagot na yong mom niya. Kie pala name niya eh. "Then disconnect it." Basta ako nanahimik lang dito sa tabi at nakikinig sa kanila. Happy na ako dahil binigay lang sa akin. Kong alam ko lang na maraming kakilala si papa na mayayaman nanglimos na sana ako, joke! "P'wede kanang umalis Zyniel." Tumango lang ako at kasunod ko rin 'yong anak n'ya na halatang inis na inis ang mukha. "Kainis ka! Ang mahal ng bili ko n'yan sobrang limited edition lang yan tapos ibibigay lang sa'yo ni mommy!" Sabi niya sa akin nakita ko naman sa ID niya 'yong buong name niya. Kaylee Iza Stravinsky Smith. Stravinsky? Luh? Anak siya ng may-ari nito? Pero hindi ko sure kasi dalawa ang may-ari nito mag kapatid sila. Si Kenny John at Sky Chen 'ata ang may-ari. So, possible na anak nga siya ng isa sa mga may-ari kaya ganon na lang na napatawag ako agad. "Anak ka ng may-ari nito or hindi?" "What do you think?" Sarcastic ang pagkakasagot n'ya, edi sanaol na lang talaga sa kanya. "Para sa akin ampon ka lang 'di ka naman kasi kamukha ng mommy mo kanina. Sobrang layo din ng ugali n'yong dalawa." Pang-aasar ko sa kanya na mas lalo 'ata n'yang ikinainis. Napatalon ako ng sinipa n'ya ako sa below the belt. Potek na babae 'to! "Deserve mo 'yan!" Pero pota ang sakit talaga pag 'di lang ako nagkaanak kasalanan nang babae na 'to. Lumakad nalang ako pabalik ng room namin na medyo 'di pa maka recover. Sobrang sakit kasi talaga ng sipa n'ya. **** Shen's POV Hindi kami pumasok ni Alex ngayon dahil nasa on mission kami para bantayan si Kee March. Nag do-double ingat kami ngayon lalo na sa mga nangyari nakaraan. Nasa kabilang gilid kami ni Alex at 'yong bahay ni Kee March nasa kabilang gilid din ng kalsada. Kong baga nasa harapan kami ng bahay niya kabilaan nga lang. Maraming mga security guard sa bahay niya. May nagbigay kasi sa amin ng info na isusunod daw itong si Kee March. Kasali siya sa organization namin kaya kailangan lang namin sila i-protect. Hindi ko nga pala nasasabi sa inyo walang nakakaalam na kasali kami sa organization. Never kasi namin pinakita ang mga mukha namin kapag nasa meeting kaming lahat. Napatayo kami kaagad ni Alex ng marinig naming nagkaputukan sa loob pumasok kami kaagad sa loob ng van. Nasa gilid ng van 'yong switch para mag open ang Technology Screen ng van nasa front seat kaming dalawa ni Alex. Kaya pag pindot ko ng switch naging screen 'yong kanang salamin ng van at makikita na doon kong anong nangyayari sa loob. May access kasi kami sa loob ng bahay ni Kee March kaya nakikita namin. Lumabas naman si Alex at nag mask siya 'yong attire niya naka all black dala niya 'yong baril na gagamitin niya. Ako naman nakatutok lang sa monitor nilagay ko na rin yong earpiece ko nakikita ko sa monitor kong nasaan si Alex. Napatingin ako sa labas ng van kong saan kami kanina nakatayo ni Alex. Tinted 'tong salamin ng van kaya hindi mapapansin na may tao sa loob at hindi to kayang tablan ng bala ng baril. New invented 'to ng organization. Napatingin ako sa lalaking naka pamulsa at kala mo sumisipol siya at pinapanood 'yong mga nangyayari sa bahay. Akala mo nanonood lang siya ng movie. Hindi ko rin siya mamukhaan kong sino dahil naka sun glasses siya ito. Mukhang 'di ko rin talaga kasi siya kilala. "Hoy Shen!" Sigaw sa akin ni Alex rinig ko mula sa earpiece. s**t, hindi ako nakapag focus doon dahil sa lalaki na 'yon! "Damn it Alex nakaalis na yata siya!" Tumingin ulit ako doon sa lalaki na nasa labas. "f**k!" Sabi ni Alex sa kabilang linya. May hawak hawak na remote control 'yong lalaki na tinitignan ko kanina. s**t parang alam ko na 'yong mangyayari! "Alex, umalis ka na d'yan! Sasabog ang bahay ni Kee Marrch!" Nakita ko sa monitor na tumakbo na palabas si Alex at tamang tama pagkalabas niya ng bahay 'yon rin ang pagsabog buti nalang talaga nakaalis na siya kaagad. Buti nalang din medyo sa malayo 'to naka park yong van kaya hindi kami nadamay. Pero sobrang lakas ng impact ng pag sabog. Tumingin ulit ako sa labas wala na 'yong lalaki. Hindi kaya siya rin 'yong nag sabotage nakaraan or baka kasamahan siya nito. Siguro nga, dahil base don sa video na nakuha ni Kie babae ang nag sabotage nakaraan sa party. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Alex ng makapasok na siya ng van. May mga kunting galos and gasgas siya dahil siguro sa impact ng pagsabog. Pagtapos ko hatid kay Alex dumiritso ako sa bahay. Naabutan ko si Blaze na bihis na bihis mukhang may lakad na naman. Ganyan 'yong gawa n'ya araw-araw. Buti pa siya pa chill chill lang samantalang ako sobrang busy. Si daddy naman nasa couch habang nagbabasa ng mga documents. Didiritso na sana ako taas para makapahinga kaso tinawag ako ni daddy. "Shen," agad akong lumapit kay daddy. "Why dad?" Ano naman kayang kailangan ni dad? "May battle of the gang bukas ng gabi pinapasabi 'nong sumpreme na lumaban daw kayo." What the f**k? Seriously? Busy kami ngayon sa organization tapos may lalaban sa amin? Magsasayang lang kami ng oras kong ganon. Hindi naman ganon ka importante 'yong gangster world sa arena compare dito sa organization. "Dad hindi p'wede masiyado kaming maraming ginagawa." Tsaka nakakapagod kayang pagsabayin 'yong organization at ang gang. Ilang years na rin kasi kaming 'di active sa gangster world. "Nasabi ko na na aattend kayo." Napa buntong hininga na lang ako. Hindi nga pala namin naranasan maging normal na bata, never kami nakapag laro sa playground dahil pinapagbawal 'yon. Pinapagalitan kami kapag umaalis kami ng bahay lalo na kapag tumatakas kami nila Ke. Gusto kasi namin makalaro 'yong ibang mga bata dati na mga kapitbahay namin pero pinaparusahan kami. "Sige titignan ko kong papayag sila Ke." Pero mukhang 'di papayag sila Ke na lumaban pa don lalo na sobrang laki ng problema sa organization. "Akong bahala kakausapin ko si Kinzou." Nanghihina akong tumango kay daddy. **** Nicole's POV Papunta ako ngayong cafeteria pero napansin ko lang na pinagtitinginan ako at pinagtatawanan. Seriously, ako ba talaga tinatawanan nila? Hindi naman kasi ako naka nerd look ngayon dahil nag contact lense ako. Siguro nanibago sila sa kagandahang taglay ko. First time kasi nila makakita ng dyosa na ganito ka ganda. Hindi ko nalang pinansin 'yong mga papansin na tawa nang tawa na parang wala ng bukas. Bahala sila mabaliw sa kagandahan ko. Nabuhos 'yong binili kong pagkain na nakalagay sa tray dahil may walang hiyang bumunggo sa akin. Minsan nakakapagod na rin kayang maging mabait? Lalo na kong araw-araw ganito ang dadatnan ko hayy. Napakadumi na tuloy ng damit ko dito kasi nabuhos 'yong ibang binili ko na food. "Eww, so gross." Sabi pa nitong babae na nakabangga sa akin. Kong ihampas ko kaya 'to sa kanya 'yong tray na dala ko. Pero syempre nagpipigil ako lalo na maraming mga mata ang nakamasid sa akin. Inayos ko nalang 'yong nabuhos na mga binili ko ng biglang may humila ng buhok ko. s**t naman 'to gusto niya ba akong kalbuhin? Magsabi lang siya uunahan ko siya. Pero syempre kalma lang Nicole kaya mo pa naman. Hanggat kaya ko magtitimpi ako 'wag lang sana lumabas 'yong totoong ugali ko. Hindi nila gugustuhin na makita ang totoong ako. "Look guys, an ugly creature. Naisipan mo pa talaga mag contact lense para lang 'di ka makapag eyeglass. Gusto ko lang sabihin sa'yo kahit anong gawin mo pangit ka!" Sobrang kapal naman ng babae na 'to, siya nga 'tong mukhang tursilyo sa haba ng nguso n'ya. Tsaka ano bang tawag sa isda na grabe 'yong pula ng labi ang pula kasinng labi n'ya. Hindi n'ya ba na papanansinna ang tulis ng nguso dagdag n'ya pa ang pulang lipstick n'ya. Napa angal naman ako ng ibinuhos n'ya sa buhok ko ang fish sauce. Hindi ko na 'ata matatagalan 'yong ganitong set-up. Nag kuyom ang kamao dahil handa na talaga akong suntukin 'yong bwesit na babae na 'to. Susuntukin ko na sana talaga kaso napansin kong tumahimik 'yong mga student dito. Kaya naman pala tumahimik dahil dumating si Blaze. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako or mas lalong mabwebwesit. "Oh? What are you doing here ugly nerd? You're not welcome here and who the hell who did that to you?! Hindi ba sinabi ko ako lang ang may karapatang mang bully sa kanya?!" Aalis na sana ako dahil baka 'di ko na mapigilan ang sarili ko. Naramdaman ko 'yong sakit ng anit sa buhok ko may humihila na pala dito. Bumitaw din siya agad dahil basa nga ng fish sauce 'yong buhok ko. "Ang ayoko sa lahat ay 'yong tinatalikuran ako!" Sabay sampal sa akin napa gasp naman 'yong mga student syempre ganda ba naman ng pinapanood nilang movie. Hindi naman masakit 'yong sampal niya, e. May pagka manhid kasi ako minsan kaya hindi ko maramdaman. Mas masakit pa naman dito 'yong mga naranasan ko dati. "Blaze!" Halata 'yong banta sa boses nito, kilala ko ang dumating kuya ni Blaze. "Shen, why?" Hinila naman siya 'nong Shen na 'yon palabas ng cafeteria at ako naman patakbong lumabas. Parang bago ko lang nga naramdaman 'yong sakit ng pag sampal sa akin ni Blaze. Ang sakit din pala ng sampal n'ya kasi literal kanina na parang wala akong naramdaman. Nang makalayo na ako sa school napaupo ako at napa iyak. Naiinis ako sa sarili ko kasi bakit ako naiiyak? Dapat 'di ako naiiyak! Ganito siguro talaga 'yong feeling na walang kakampi at walang masasandalan. Kahit kailan talaga napakahina mo Nicole nakakainis. Hindi ko alam kong kanino ako nagmana ng kahinaan. Napatingala ako nang mapansin kong may nakatayo sa harapan ko. "May sugat ka sa labi." Pinunasan niya naman 'yong labi ko at binigay sa akin 'yong panyo. Umalis siya kaagad after n'yang gawin 'yon. Hindi agad ako naka recover sa nangyari at naka tulala lang habang naglalakad siya paalis. First time pa lang 'tong nangyari sa akin at 'di ko in-expect na galing pa sa kan'ya. "Nicole." Napalingon naman ako sa lalaking tumatawag sa akin si Ke pala. "Okay kalang ba?" Halata sa boses n'ya 'yong pag-aalala. "Ahm oo." Ngumiti ako sa kan'ya ng pilit pero napangiwi din ako dahil humapdi ito. So, may sugat nga taga ako sa labi masyado nga sigurong masakit ang pag sampal sa akin ni Blaze. "Mabuti naman, sorry nga pala." Bakit ba 'to nag so-sorry, e 'di n'ya naman kasalanan. "Ikaw ba may kasalanan, bakit ka nag so-sorry?" "Kasi wala akong magawa. Hindi kasi talaga sumusunod si Blaze kahit anong sabihin ko sa kanya. Feeling ko napakawalang kwenta kong ssg president dito. Hindi ko mapanatili yong peace." "Hindi mo naman kasalanan nature n'ya na siguro talaga 'yon." "Basta next time kapag inaway ka pa or binully ni Blaze sabihin mo lang sa akin. Pinagsabihan na rin siya ng kuya n'ya. Sorry pala kong nararanasan mo 'to dito sa school namin." Bakit naman sobrang napakabait nitong si Ke. Sobrang baliktad don sa mga info na binibigay sa akin ni mommy. Pero sabagay pareho lang kaming dalawa dahil nagpapanggap lang din ako. "Ayos lang kasalanan ko naman 'di kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko. Tsaka kasalanan ko talaga kasi pinapabayaan ko lang siyang gawin 'yon." "Wala kang kasalanan. Basta di namin tinotolerate ang ganong pag-uugali dito sa university. Kaso nga lang dahil pinsan namin siya at kapatid siya ni Shen sobrang hirap n'ya pasunurin. Sana maintindihan mo 'yon pero sana next time lumaban ka na. Goodluck." Marami pa siyang sinabi na 'di ko na ma isa-isa pa. Pero salamat sa kanya atleast kahit pa paano gumaan ang pakiramdam ko. Napatingin naman ako sa panyo ko na may mantsa pa ng dugo. Ang bango ng panyo, ganito pala 'yong amoy niya. Yay, ano ba 'tong pinapagsabi ko? Ibabalik ko pa ba 'to sa kanya? Ibalik ko na lang siguro sa kanya kapag nalabhan ko na. Ang sarap kasi amuyin ng panyo sa sobrang bango. Napansin ko ring may naka ukit sa panyo na japanese word. Pero 'di ko ito maintindihan dahil wala naman akong alam about japanese. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD