Ke's POV
Nasa mission naman kami ngayon dahil na kidnap ang ang anak, asawa at kapatid ni Draven Morales. We need to protect them dahil kasama sila sa organization and they need our help.
Sunod-sunod na ang nagiging problema ng organization simula ng nangyari sa party. Wala pa rin kaming nagiging clue kong sino ang nasa likod nitong lahat. Kong anong kasalanan namin?
Talagang iniisa-isa kami pangatlo na si Draven sana naman ngayon maligtas na siya. Si Zk ang naka assign ngayon para i ligtas siya. Siguro naman maililigtas sila ni Zk. May tiwala ako sa kan'ya na magagawa n'ya 'yon.
Base sa nakuha naming info hindi 'yong babaeng nag sabotage nakaraan ang may gawa nito, pero instinct ko magkakasama lang sila.
Nandito ako ngayon sa D-jail ito ang kulungan ng Devil Organization kong saan ang mga traitor ay magbabayad.
"Ano bang ginawa ko? Wala naman akong ginawa sa inyong masama kaya palayain muna ako."
"A f*****g traitor Mr. William." Napayuko naman siya sa sinabi ko. Akala n'ya ba 'di namin malalaman na isa siyang traydor sa organization.
Kaya na leak halos lahat ng information namin dahil sa kan'ya. Siguro kilala na rin kami ng iba kong sino kami.
"Patawarin mo ako Sonic Hunter. I'll promise gagawin ko ang lahat 'wag mo lang akong pahirapan ng ganito." Napangisi naman ako sa sinabi n'ya at umiling sa kanya. Sonic Hunter is my codename. No one knows our real name in organization.
"Hindi ako tumatanggap ng second chance!" Tumingin ako sa isa sa mga tauhan dito.
"Kayo ng bahala sa kanya." Lumabas na ako ng D-jail huli ko na lamang narinig ang sigaw n'ya.
****
Shen's POV
Tapos na pala 'yong mission ni Zk buti naman at nailigtas niya si Draven kong ganon. Nag-iimbistiga parin kami kay Tenebrific Shaitan.
Bakit kaya si Zk at Ke parang hindi na nila pinoproblema si Tenebrific Shaitan Diva kilala na kaya nila?
Instinct ko kasi nagsasabi eh na sa tingin ko alam na nila kong sino si Tenebrific Shaitan. Oh sadyang 'di lang nila pinoproblema talaga muna.
"Paano nga pala si Tenebrific Shaitan?" Nag shrugged lang naman si Zk at he c****d his head.
Si Ke naman parang nag-iisip.
"Hayaan niyo na siya ako nang bahala sa kanya." - Ke
Anong hayaan? Dalawa 'yong napatay ni Dark Demon nakasapi ng organization. Ganon na lang 'yon? Pinapagloko ba nila kami? Kong nagtataka kayo kong bakit Dark Demon. Ang ibig sabihin naman kasi ng Tenebrific ay Dark malalim lang siya na English at other terms rin ng Demon ay Shaitan.
"Bakit hahayaan?" - Zyrone
"Ako ng bahala." - Zk
Then lumabas na siya ng HQ. May hinala talaga ako na kilala na nila kong sino si tenebrific Shaitan pero sa sunod ko nalang itatanong. Ipapagpatuloy ko pa rin ang pag-iimbistiga sa kanya kong sino siya. Kong ayaw nilang sabihin ako nang gagawa nang paraan para malaman kong sino siya. That tenebrific shaitan yong babae na nag sabotage ng party.
"Ke nasabi na ba sa'yo ni tito Kinz na may laban sa Underground bukas?"
"Yeah. - Ke
"So ano lalaban ba tayo?" - Lex
"Yeah except kay Zk," - Ke
Sabi na eh wala talaga 'yan si Zk ayaw n'ya sa mga ganyan.
Tumango nalang kaming tatlo pero ako hindi desidido na lumaban sa underground. Sino naman kaya 'yong kakalabanin namin diba? Hayy... Tsaka halos lahat ng nasa underground takot sa amin.
****
Zyniel Point Of View
As usual ang pogi ko talaga kahit saang anggulo ng mukha ko tingnan. Buong katawan ko nga yata ang pogi ko na at ang hot pa san ka pa.
"Hoy tama na 'yang day dreaming mo!" Panira talaga 'to kahit kailan 'yong lalaki na 'to? Nakakasira ng kagwapuhan ko. Pero never naman mag fa-fade ang kapogian ko.
"Problema mo ba?"
Nag pout pa talaga ang luko. Ako bay ginagago nito? Nasasayang ang aking kagwapuhan dahil sa kanyang ka artihan na p-pout pout pang nalalaman. Pahalik ko siya sa daga eh.
"May gagawin pala tayo." - Seven
Ohw gagawin pala aba handa sa lahat ng bagay ang kagwapuhan ko. Mapa chicks pa 'yan o ano?
"About what?" Hindi ko nga pala na sasabi na ang gwapong si ako ay secret agent at detective.
'Yan ang trabaho ko malaki naman ang kita sa isang month nakaka 30,000 pero kulang pa rin dahil 100,000 ang tuition fee at kalahati palang ang nababayaran ko. Gusto ko na nga sanang ibinta ang wrist watch ni Iza kaya lang.. Parang nag-aalangan ako kong bakit? Hindi ko rin alam. Sayang naman kasi 'di ba?
"May sinalvage eh kailangan nating puntahan now para maimbistigahan." - Seven abay? Malay mo gwapo pala 'yong na salvage wew edi nabawasan na naman ang gwapo sa mundo. Mawala ng lahat huwag lang ang pinakagwapong katulad ko. Kapag nawala ako mawawala ng 95% na gwapo sa mundo.
"Oh sige now na ba? P'wede bang isama si Raine?" Wooh? Si Raine my baby love one. Inlove na inlove 'yon sa kagwapuhang taglay ko.
"Dunno malay mo." - Seven
Kailangan kasama siya para naman mainlove siya sa kagwapuhan na taglay ko. Minsan lang makakita ng ganitong kagwapo sa tanang buhay niyo at walang iba kundi ako na 'yon.
"Takas nalang ako maya baby Seven ko." Sabay wink ko sa kanya at ang tanga naman kinilig na parang bakla. Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigan ganito.
"Talaga fafa Niel nice 'yan sabay tayo ah." Ngumiti naman ako sakan'ya.
"Oo baby Seven, I'll wait for you no matter what happen. Love na love kita."
Naalala ko tuloy kapag nasa bahay si tito Math ganitong ganito 'yong nangyayaring scence kay papa at tito Math. May pa fafa Nate pa si tito Mathew habang si papa naman oo naman baby Math. Eww pati ako nakikigaya rin sa gwapo kong 'to? Baka pati si Seven ma inlove sa akin.
~~~~~
Nicole's POV
Nag o-overtime ako ngayon sa pagbabasa pagkatapos ko kasing mag review may pinasang files si mommy. About 'to sa devil organization, I don't know nga kong paano nalaman ni mommy ang information about them. Nakalagay kasi dito na member sila Ke, Zk, Alex, Shen and Zyrone. Basta marami pa hindi ko na knows ang iba. Hindi ko akalain na sa age nilang 'to kasali na sila sa ganitong organization. Sabi ni mommy they are bad guys kaya nga daw Devil-Organization name ng Organization nila. Pero nag do-doubt din ako minsan kasi base naman dito sa nakalap kong info iba ang nakalagay. They help the people. Lalo na yong mga na agrabyado ng mga mayayamang business owner at iba pa. Isa din ang organization nila sa tumutulong kong paano ma sabotage ang mga sindikato. Tapos may foundation din sila na naghehelp sa mga homeless people. So, ano 'tong nakalap ko lahat fake?
Hindi ko tuloy alam kong saan yong tama dito ito bang kay mommy or itong nakalap kong mismong information. Pero syempre kay mommy pa rin ako maniniwala dahil ina ko siya. Sa information kasi ni mommy they are monster like kabaliktaran nitong information na nakuha ko.
"Lalim ng iniisip mo, ah." bigla nga palang sumulpot itong si Geoff.
"May itatanong nga pala ako sa'yo." kumuha siya sa fridge ko ng chocolate bago umupo sa couch. Hayy naku talaga, inuubos na naman nito ang mga binili kong pagkain.
"Grabe ka talaga ikaw nalang kumakain ng mga foods ko dito."
"Marami ka naman pera." sagot nya naman na nginunguya na yong chocolate.
"By the way itatanong ko pala kong paano mo na kilala si mommy?" hindi siya agad sumagot at parang nag-isip pa ng sasabihin nya.
"I don't know, gumising na lang akong kasama ko siya hahaha." hindi ko alam kong seryoso ba siya sa sagot nya na yan. Gusto ko tuloy siya sapakin pero sinamaan ko na lang siya ng tingin na napansin nya naman.
"Luh, hindi ka ba naniniwala? It's true nagising na lang ako na kasama ko na siya at wala akong maalala." nakakapagtaka naman.
"Paanong wala kang maalala?"
"I really don't know, sabi ng mommy mo na aksidente kami kaya wala kaming maalala." kami? So, hindi lang siya nag-iisa nong time na yon.
"May kasama ka pa?"
"Yah, marami kami pero yong iba di ko na alam kong na saan. Hwag kana magtatanong ayoko na maalala pa." yan huli nyang sinabi at tinapon yong balat ng chocolate. Nanahimik na rin ako at siya naman umalis na. Hindi ko alam kong saan siya pupunta kasi never naman siya nagsabi sa akin.