Nicole's POV
Naglalakad ako ngayon may pakiramdam ako may sumusunod sa akin pero 'di ko na rin in-intindi. Pagkarating ko sa bahay as usual wala akong kasama ngayon. Mukhang wala na naman 'yong guardian ko.
Paakyat na sana ako sa hagdan ng may marinig ako na kumalabog sa may pintuan sa baba. Agad akong na alarma bago kinuha ang baril na nasa drawer. Dahan-dahan kong inikot 'yong door knob ng pinto at mabilis na binuksan ito.
Tumingin ako sa paligid wala namang tao. May isang bagay lang na iniwan. Isa itong banner at parang dugo pa ang ginamit na panulat dito.
'I know who you are.'
Yan 'yong nakasulat sa banner. Nag check muna ako ng paligid bago ako pumasok ulit sa loob.
Hawak ko ang banner at nilagay ito sa trash can bago sinunog. Death threats na bang matatawag 'to or sadyang hinuhuli lang ako ng naglagay nito dito.
Nandito ako ngayon sa likod ng bahay namin habang nakatingin sa sinusunog ko. Kanina pa rin ako may nararamdaman na parang may nakatingin sa akin.
Sa totoo lang tumataas na 'yong balahibo ko tapos mahangin pa dito sa likod ng bahay sa dami ng matataas na puno. Paano pala kong may multo dito 'di ba? Kasi nga mag-isa lang ako dito sa bahay.
'huhu mommy.'
Para naman akong tanga 'di ba? Yong ang tapang tapang ko pero takot sa multo.
Hinaplos haplos ko nalang 'yong braso ko na nanlalamig dahil nanlalamig talaga ako.
"Pssst."
'waah, ano yon?'
"Pssst" narinig ko ulit at tumingin sa paligid pero wala talaga akong makita na kong ano. Paano kong may duwende dito? Tapos gusto nya akong mapangasawa 'di ba?
Ayoko na nga dito sa likod kaya pumasok na ako sa loob ng bahay.
"Waaaah!!!" Napasigaw ako at napatuloy sa sobrang kaba ng may maramdaman kong may humawak sa braso ko.
"Waaahh!! Maawa ka sa akin ayokong makasal sayo!!!" Baka kasi yong duwende na 'to na gusto ako mapangasawa.
"Hoy nangyari sayo?" Napahinto ako sa kakasigaw ng tinignan ko kong sino yong nag salita. Nakakahiya yong guardian ko lang pala.
"Eh kanina ka pa ba? Ikaw ba 'yong nag psst, dyan sa labas kanina?" Nag poker face naman siya and he narrowed his eyes.
"Nope kararating ko lang, why?" Paano kong duwende talaga 'yon? Paano kong 'di ako tigilan? Nevermind na nga.
Napatingin ako sa guardian ko na naka face mask, bakit kaya? Tapos medyo manipis ang buhok nya ngayon. Makapal kasi yan nakaraan siguro nagpagupit siya.
"Guardian, please 'wag ka na aalis. Paano kong bigla na lang akong kidnappin ng duwende." Huhu, ayoko na talaga dito. Sa tagal ko ng nakatira dito ngayon pa lang nangyari 'to sa akin.
"Pinapagsabi mo?"
"Hindi ba yong mga duwende kapag nagpapakita gusto nila mapangasawa 'yong girl." Base lang naman 'to sa mga nababasa ko sa libro.
"Okay ka pa ba? Kahit duwende 'di ka papatulan." Tinignan nya pa ako ng nakakadiri na parang pinapa mukha sa akin na wala talaga sa aking papatol. Napakasama talaga ng lalaki na 'to.
"Bakit ka ba naka face mask? Anong meron? Tsaka bakit parang nag nipis ang buhok mo? Nagpagupit ka ba?" Hindi nya sinagot yong tanong ko at dumiritso higa sa couch.
Ako na ang nag insist na magluto ng kakainin namin ngayon. Halata kasing pagod siya. Hindi ko alam kong anong pinanggagawa nya sa buhay nya. Kahit naman kasi mag tanong ako 'di nya sasagutin.
After ko magluto naghanda na ako ng mga pagkain sa lamesa.Aba, naman pumunta na agad sa lamesa at kinain na ang niluto ko na fried fish at sinigang na isda rin.
Ngayon ko lang din napagtanto na halos wala akong alam sa buhay nya. Kong alamin ko kaya? For sure magagalit siya kapag nalaman nya, pero kasi halos ng lahat sa buhay ko alam nya.
****
SEVEN's POV
Nandito kami ngayon sa kalye tamaraw, ang astig ng pangalan 'no? Parang si Zyniel lang mukhang kalabaw. As usual mag kasama kami ngayon ni Zyniel and syempre ni Raine na rin.
Pumunta kami sa area kong saan may nakitang bangkay. Actually nag bihis pa kami para lang 'di kami mapagkamalang student.
"Si Mr. Javen Edrian Gonzales 'yong sinalvage?" Kilala pala ng ugok na 'to 'yong sinalvage?
"Kilala mo?" Hindi pa kasi na co-confirm kong sino talaga. Pero siya kilala nya agad.
"Naman malalaman ba ng gwapong nilalang na katulad ko kong hindi ko kilala! Tss gamitin mo nga yang isip mo minsan Seven!" Init din talaga kaagad ang ulo nitong isang 'to.
"Sino naman kaya ang may gawa nyan sa kan'ya?" Halos hindi na din kasi ma kilala ang itsura.
"Yeah 'yan dapat ang kailangan nating alamin." After sabihin yan ni Raine, umakbay sa kanya si Zyniel. Ang landi talaga kahit kailan.
"Yeah baby, don't worry I will find the suspect."
Palakas din talaga 'tong isa na 'to? Tinanggal naman ni Raine 'yong pagkakaakbay sa kanya ni Niel at binatukan siya.
"May isa pa nga pa lang sinalvage mas malala ang nangyari sa kanya. Halos hindi na siya makilala dahil sa asido na sinaboy sa mukha n'ya. Plus na nakahiwalay ang katawan nya sa ulo nya." Pag-iiba ko ng topic at pinakita sa kanila ang picture na nasa gallery ko.
"Sobra naman ang may gawa nyan. Hindi na 'ata tao may gawa nyan demonyo na." Kahit nga ako nabigla ng makita ko 'tong nasa picture.
****
Zachary's POV
I am wearing an airpods right now habang nakikinig ng music from my phone. Alright madaldal talaga ako kapag sa isip ko lang. Pero kapag napipikon ako or 'di ko nagugustuhan humahaba ang sinasabi ko. Ayaw magpapigil ng bibig ko kapag naiinis ako.
"Zk," medyo mahina lang naman ang volume nitong phone ko kaya naririnig ko kong may tumatawag sa akin. I'm here at rooftop as usual but who the hell are f*****g here? Ginala ko ang paningin ko sa buong rooftop pero wala naman akong nakita.
Tinanggal ko na 'yong earphone ko at pumikit saglit..
"Zach zach.." base on her voice I know who she is, but that name is so ugly..
"Kz, that's not funny." Pabulong nya kasing binanggit yong name na yon. Alam nya kasing ayaw kong natatawag sa ibang name except for Zk. Tinawanan nya naman ako bilang sagot. Kong hindi ko lang talaga kapatid 'to 'di ako mag a-aksaya ng panahon para kausapin 'to. She's my younger sister.
I narrowed my eyes and I death glare to her.
"Whats funny? Why are you f*****g laughing? Your so rackety, tss!" Pagkatapos kong sabihin yan sobrang saya nya tumatalon talon habang pumapalpak pa. Sobrang jolly naman nitong kapatid ko sabagay bata pa siya.
"Ayeeiih, napaka nice naman nun kuya. Kaya happy talaga akong asarin ka, eh napakahaba ng words na sinasabi mo." Ito lang talaga lagi nyang ginagawa sa akin kapag nagkakausap kami ang inisin ako.
"Get out!" nag pout naman siya sa akin at nag teary eyes pa na parang nagmamakaawa. Akala nya siguro maawa ako sa kanya kahit kapatid ko siya 'di ko papalampasin ang kakulitan nya. Pareho lang sila nong girl na nandito nakaraan.
Wait what's her name again? Nicole? Ugh nevermind.
"Hindi ka ba pupunta ng underground?" I don't know kong saan nakakuha 'to ng information ang kapatid ko about underground thing.
"No," para naman siyang bata na nagpapadyak padyak pagkatapos kong sabihin yan. Sa totoo lang gusto ko na siyang itapon palabas.
"Kz, do you have a crush?" bigla naman siyang namula nong tinanong ko 'yan.
"If you really have then don't be annoying okay? Baka ma turn off sayo yong crush mo." Naglakad na ako paalis dito sa rooftop para na rin maging tahimik na ulit ang buhay ko kaso lang..
Bigla naman kumapit sa leeg ko at nag piggy back itong kapatid ko. Muntik pa akong ma out of balance dahil sa pagka bigla. Ang liit-liit lang naman nitong kapatid ko pero napaka bigat.
"Kz itatapon kita sa bermuda triangle kapag hindi ka bumaba." pagbabanta ko sa kanya at mukhang napilitan naman siyang bumaba.
"Pumunta ka nalang kasi ng underground mamaya." hindi na ako nakinig pa sa pangungulit nya at iniwan na siya.
****
Shen's POV
Nandito kami ngayon sa HQ ng Devil Organization nagbibihis at nag-aayos maya-maya pupunta na rin kami sa underground.
Si Zk nakaupo lang sa isang tabi habang nakahawak sa labi niya as usual tahimik kailan ba 'yan nagdaldal?
"Zk bakit parang napapangiwi ka diyan? Siguro babae iniisip mo no?" tanong ni Alex kay Zk. Kahit kailan talaga 'tong si Alex puro babae ang nasa utak.
Pero pansin ko nga rin kanina pa napapangiwi si Zk at kanina pa 'yan nakahawak sa labi niya.
"It's nothing don't mind me." medyo nagulat naman kami doon syempre si Zk na 'yan minsanan lang 'yan kong magsalita.
Ganyan ka big deal sa amin kapag nag salita n'ya sa mga walang kwenta naming tanong minsan. Lalo pa si Alex 'yong nagtanong puro kalokohan lang alam nun sa buhay.
"Wooh malay mo naman kasi 'di ba makatulong ako." daldal talaga ni Alex may pinagmanahan ng kadaldalan na sana kay Zk nalang pinamana. Hindi kasi matino si Alex kaya mas mabuti nang kay Zk nalang na punta kadaldalan ni Alex. Hwag lang sana 'yong kalokohan.
"Na upper cut kasi si Zk kaya 'yan mukhang badtrip." oh, oo nga pala kaya pala kanina pa siya napapangiwi.
"Bakit ka ba na upper cut?" tanong ulit ni Alex na 'di naman sinagot ni Zk.
"May mouth sores si Zk, I guess." natatawang sabi ni Zyrone.
"Mas okay na yang may mouth sores atleast iisipin namin kaya ka tahimik dahil may singaw ka." sabi ko naman na ikinatawa namin except syempre kay Zk.
"Shut up, you all!" natawa naman kami dahil namumula na siya sa inis.
"Paano ba naman kasi kong saan may mouth sores don salita ng salita." napapailing pang sabi ni Ke.
"Good thing pala kapag may mouth sore nagsasalita si Zk. Dapat pala laging may singaw " sabi ko na halatang mas lalong ikinainis nya.
"Ewan ko sa inyo!" Bago padabog nyang isinara ang pinto. Kita nyo na aalis na lang magsasalita pa, eh dati rati 'di naman yan nagpa paalam or nagsasalita kong aalis.
****
Alex's POV
Yong feeling na napaka pogi ko at napaka angas pero kinabahan ako bigla. Nandito na kami ngayon sa loob ng underground at nasa gitna. Sana mapatawad ako ng gwapogi kong mukha dahil magagasgasan siya ngayon. Pero 'wag siya mag-alala dahil mag-iingat ako na 'wag siya magasgasan mahal skin care ngayon.
Marami na namang iiyak na babae kapag nagkasugat 'tong mukha ko. Kaya 'di ko hahayaang mangyari na magasgasan man lang 'tong napaka gwapogi kong mukha.
"Ang tagal naman dumating ng makakalaban natin sayang sa oras." pagrereklamo naman nitong si Zyrone na parang napilitan lang talaga na sumama dito. Pero sa totoo lang late na nga kami ng 30 minutes tapos kami pa rin pala maghihintay sa makakalaban. Naka face mask din pala kami para walang sino man ang ma kakilala sa amin.
Napatigil kaming lahat ng bigla nagka gulo. Hindi ko alam kong anong nangyayare basta nagkakagulo ang mga tao habang kami dito sa gitna naka steady lang. Pagkatapos ng kagulugan halos wala ng taong natira as in kami na lang na nandito sa gitna. Aalis na sana kami para alamin kong anong nangyari ng may lumapit sa aming isang lalake.
"So sorry to say po pero 'di na po matutuloy ang laban dahil sa nangyari ngayon."
"What happened?" pagtatanong ni Ke.
"Hindi ko din po alam bigla na lang po kasi talaga nagkagulo at nag takbuhan paalis." may nag sabotage kaya para 'di matuloy 'tong laban? Umalis na yong lalake pagkatapos sabihin sa amin na 'di na tuloy ang laban.
"Alam nyo kong anong napansin ko?" agad naman silang bumaling sa akin at hinihintay kong anong sasabihin ko.
"Sobrang galang nong lalakeng pumunta sa atin hehehe." halata sa reaction nila na mas lalo sila na badtrip sa sinabi ko.
"They tricked us para magsayang ng oras dito pero 'di talaga sila lalaban." kahit naka mask kami kita talaga reaction ni Ke 'yong inis.
Hindi muna kami umuwi at dumiritso kami sa school pero ngayon kami na kang ni Shen ang nandito. Nauna ng umuwi yong dalawa ang lala kasi ng anger issue ng dalawa kaya umuwi na.
11 pm na pala at nagpupuyat na naman 'tong poging si ako. Paano na lang kapag nagkaroon ako nito ng pimples sa pagpupuyat, hayys 'wag naman sana. Kahit isang pimples lang 'yan iniiyakan na yan ng mga babae ko.
"By the way Alex wala ka bang napapansin sa dalawa?" bigla naman nitong topic ni Shen na 'di ko naman alam kong sino tinutukoy.
"Sinong dalawa naman yan?"
"Kay Zk and Ke." aba'y matinde kay Zk and Ke pa talaga nag hinala.
"Ano naman papaghinalaan mo sa kanila?" pumunta ako sa may gilid dahil may salamin na nandito. Walang duda ang gwapo ko talaga kaya ang daming chicks ang naiinlove sa akin.
"Sa tingin ko kasi alam na nila kong sino 'yong girl na nag sabotage nakaraan pero 'di nila sinasabi kong sino." napaharap tuloy ako kay Shen ng sabihin nya yan. Talaga naman kasing lalake na 'to kong ano-ano ang sinasabi at pina pag-isip sa dalawa.
"Parang 'di naman, e." wala naman kasi talaga akong napapansin na ganon bukod sa napaka gwapo kong mukha.
"Ang bobo mo kasi kaya 'di mo nahahalata." aba masyado naman 'tong si Shen mang trashtalk. Sasagot pa sana ako sa kanya dahil ayoko namang mag patalo pero totoo naman tanging kapogian lang kasi ambag ko sa grupo.
Napahinto ako sa pag-aayos ng buhok ko ng may kumalabog sa labas at nagkatinginan kami ni Shen. Lumabas siya at na iwan ako. Hindi na ako lumabas dahil mas importante 'tong buhok ko. Mga ilang minuto din pumasok na rin siya.
"Oh, ano yon?" tanong ko kaagad sa kanya pag pasok nya pa lang.
"Pusa lang naman." napapailing pa siya habang sinasabi nya yan. Nangunot naman ang noo ko dahil kaka check ko lang naman kanina kasama pa mga babae ko non para talaga sure pero wala namang pusa. Bawat sulok nun chineck ko kanina tsaka napakataas namin nandito kami sa main building.
"Shen, okay ka lang ba talaga? Sure ka bang pusa? Paano makakapasok yon?"
"Hindi pero ikaw mukhang 'di ka okay." umay talaga kahit kailan 'tong si Shen may inggit 'ata 'to sa pagiging pogi ko kaya lagi ako napapansin. Pa salamat siya kalma ako ngayon kaya 'di ko na siya papatulan pa. Sayang lang naman sa laway makipag-away dito.
"Paano magkakaroon ng pusa 'di ba kaka check ko lang kanina nong pag-alis nila Ke and Zyrone. Sinama ko pa nga mga babae ko 'di ba? Tsaka pinagbabawal 'di ba 'yong hayop dito sa school." pagkatapos kong sabihin yan parang napa isip naman siya.
Sobrang laki kaya nitong school pero masyadong imposible na dito talaga sa main building mapunta 'yong pusa plus pa na nasa 4th floor kami.
"Yeah, ngayon ko lang naalala buti ginamit mo na utak mo. Check ko muna mga cctv." para naman 'tong tanga si Shen, siya nga 'tong mas bobo sa akin 'di man lang nya na isip 'yon. Lakas makapag trashtalk sa akin, eh ganon din naman siya.
Pagkatapos nyang ma check 'yong cctv dito lang din sa loob nitong room yong monitor for cctv. Malaki kasi 'tong room na 'to halos lahat nandito. Inaya nya naman ako lumabas na dahil malapit na rin mag midnight.
Pagbukas namin ng pinto agad na tumambad sa amin anh dugo ng pusa at patay na ito.
Nagkalat sa floor ang dugo nito. Sinong demonyong tao gagawa nito sa pusa? Dinamay pa pati pusa kawawa naman.
****