BATTLE 1 - CHAPTER 10

1399 Words
Ke's POV Nasa classroom ko na ako ngayon at antok na antok pa talaga ako. Madami din akong inasikaso kagabi at 4 hours lang tulog ko. Ang hirap maging student tapos sasabay pa yong problema sa organization. "May transferee raw," it's Zyrone magkatabi lang kaming dalawa. Hindi kami mag classmate ni Zyrone pero sa subject na 'to mag k-klase kami kaya mag kasama kaming dalawa. "Not interested." sagot ko lang sa kanya na ikina shrugged nya lang naman. Dumating na yong teacher namin after ilang minutes at may kasama siyang student. Hindi pa 'to pumapasok sa loob ng classroom namin. "Come in," tawag sa kanya ni Sir. Hindi ko pa nakikita ang mukha nya dahil kinuha ko yong notebook and ballpen ko sa bag. Magpapa quiz kasi si Sir after nito for sure. "Introduce yourself Miss, Montgomery." Humarap na ako sa board ng nakuha ko na ang dapat kong kunin. Napansin kong nakatingin sa akin yong transferee na girl at napangunot ang noo ko dahil pamilyar siya sa akin. "Hi, everyone I'm Caila Mae." parang nag echo yong boses nya sa pandinig ko. Hindi ko rin maialis ang mata ko sa maamo nyang mukha. Masyadong imposible 'tong iniisip ko. "Okay ka lang ba, dude?" inalog ako ni Zyrone at tsaka ko lang na ialis ang tingin ko sa kanya. "Hindi ba siya familiar sayo?" tanong ko kay Zyrone na ikinailing naman nya. "Dude, bukod sa same name lang sila ni Caila Mae hindi ibig sabihin nun na iisang tao na sila." tama naman siya. Pero yong mukha nya 6 years ago parang ganon pa rin. Nag matured lang at nag dalaga. Imposible naman pati sa mukha magkahawig sila, same na nga pati ba naman sa mukha. Umupo siya sa left side ko dahil bakante ang upuan na nandito at si Zyrone naman nasa right side ko. Hindi ko namalayan na nakatitig na naman pala ako sa kanya kahit katabi ko lang siya. "May dumi ba ako sa mukha?" tanong nya sa akin habang naka smile. Para akong na tatanga ngayon. "W-wala naman," putsa bakit ako nauutal? "Akala ko meron kasi kanina ka pa nakatitig sa akin. May problem ba?" agad akong umiling sa kanya. Sa buong klase 'di ako naka pag focus at iniwasan ko talagang tumingin sa left side ko. Hindi ko nga rin alam kong tama ba mga na i-sagot ko sa quiz kanina. Yong ni review ko kagabi parang walang nangyare dahil 'di man lang ako naka pag focus kanina. Lalo na sa next subject dahil wala na si Zyrone wala na akong makakausap pa. "Paano naging Montgomery yong last name mo?" biglang na itanong ko sa kanya. Alam ko pang tanga yong tanong kasi sa daming pwedeng itanong yon pa talaga? "Are you okay? Of course dahil yan ang last name ng father ko." "Ah, sorry familiar ka kasi." sabi ko na lang. Pero familiar talaga siya kahawig na kahawig nya yong Caila Mae na kilala ko. "Madami na ding nagsabi sa akin na familiar ako sa kanila. Siguro masyado lang 'tong maganda mukha ko kaya madami kamukha hahahaha." napatitig na lang ako habang tumatawa siya. "Oy baka seryosohin mo, ah. Pero hindi ka familiar sa akin." Yan ang huli nyang sinabi at kinuha nya yong bag nya para lumabas dahil nag bell na for break time. Gusto kong mawala yong doubt dito sa isipan ko kaya aalamin ko kong sino talaga siya. ***** Zyniel's POV Nasa likod ako ngayon ng building ng mga junior high. Good thing walang makakakita sa akin, mag c-cutting class kasi ako for last subject. Ang boring naman kasi talaga ng teacher namin don tsaka kailangan ko magawa yong part time job ko. Kailangan ko ng malaking pera. Hindi pa rin tapos yong pag i-investigate namin sa natagpuang bangkay. Sabi sa akin ni tito hayaan nalang daw namin ang mga police ang mag investigate. Pero parang may something kasi kaya gusto ko talaga tumulong. Nakaakyat na ako sa taas ng pader at tatalon na sana ako sa kabilang side ng may sumigaw sa akin kaya na pa hinto ako. "Bawal yang ginagawa mo, Mister!" napatingin ako sa babaeng sumigaw at kong minamalas ka nga naman. It's kaylee, malas talaga 'tong babae na 'to kapag nakikita ko. Tinawag nya yong dalawang student na naglalakad, 'di ako nakapag focus kaya na out of balance ako. Nalalaglag ako pabalik dito sa loob ng school. "Yan napapala ng mga matitigas ang ulo," sabi naman nitong babaeng to. Napansin kong palapit na sa amin yong dalawang student na tinawag nya. Hindi ako pwede matawag sa guidance office dahil for sure papagalitan na naman ako ni papa. Napatingin ako kay Kaylee ngayon at isa lang naiisip ko. Bahala na siya magalit sa akin. Hinila ko si Kaylee, sinandal sa pader at hinalikan. "Pre, nakakahiya naman maka istorbo dito." sabi ng isang student na lumapit sa amin at agad silang lumayo. Akala ko talaga 'di to effective dahil baka mas lalo lumala ang situation at isumbong pa rin kami. Mabuti nalang 'di ganon ang naging kalabasan. Tinulak ako ni Kaylee nang makalayo na ang dalawang student. "Yuck, you're p*****t!" halata sa reaction nya na diring-diri siya at parang nasusuka pa. Grabe naman 'tong babaeng 'to nakaka hurt sa reaction. "Next time kasi 'wag mo na pakialaman ang buhay ko, manahimik ka nalang! Sa sunod hindi lang yan gagawain ko," sabi ko sa kanya na ikinasama naman ng tingin nya. "Bakit ano pa bang gagawain mo sa sunod?" ngumisi ako sa kanya at lumapit na agad nya namang ikina atras. "I will make your day bright, don't worry I will make sure that you will never forget that day," napatulala naman siya sa sinabi ko at parang 'di pa nag si-sink-in sa utak nya. Umakyat na ako ulit sa pader at bago pa man ako tuluyang naka talon sa kabilang side narinig ko pa ang huli nyang sinabi. "Yuck, that's so gross!" natawa na lang ako sa reaction nya. Binibiro ko lang naman siya nakakainis kasi lagi nalang pahamak sa buhay ko. ***** Nicole's POV Nakasakay ako ngayon sa bigbike ko at pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Kanina ko pa yon nararamdaman pero binalewala ko lang. Kaya huminto ako sa isang tabi sa madilim na part at hinawakan ang baril na nasa jacket ko. Tama nga ako ng hinala may sumusunod talaga sa akin. Tumigil din siya at nagpa linga linga at mukhang hinahanap ako. Hindi nya ako napapansin dahil naka all black ako kahit ang big bike na gamit ko. Plus dumagdag pa ang puno na tumatabon sa akin na mas lalong nagpadilim ng paligid. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang nakatalikod siya. "Sinusundan mo ba ako?" hindi siya nakagalaw sa tanong ko. "Sino ka?" tanong nya. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harap nya at nakatutok pa rin ang baril ko sa kanya. "Ikaw?" gulat siya ng makita ako. Kitang-kita na kasi ang mukha ko sa pwesto na 'to at wala akong tabon sa mukha. "Hmm, kilala mo ako?" hindi ko siya kilala kaya nakakapagtaka na kilala nya ako. Kaya mas lalo ko tuloy kailangan na patayin siya dahil kilala nya ako. "Oo, nakikita kita sa Stravinsky University." kaya pala kilala nya ako dahil famous talaga ako don dahil ako lagi trip ni Blaze. Nawala ako sa focus dahil sa pag-iisip ko at 'di ko nabantayan ang sumunod nyang ginawa. Hinampas nya ang kamay ko kaya tumilapon ang baril na hawak ko. Ilalabas nya rin sana ang baril na hawak nya pero mabilis kong nasipa ang kamay at tuhod nya dahilan para matumba siya. Inapakan ko ang dibdib nya at kinuha ang spin na nasa bulsa ng jacket ko sa left side. "Hindi ko akalain na ikaw pala yong nasa video." nangunot ang noo ko dahil 'di ko alam kong anong tinutukoy nya na video. Pero wala na akong paki pa don at inumpisahan ko sugatan ang mukha nya at napangiwi naman siya sa sakit. "You know mukha lang akong mabait pero this is the real me." sabi ko sa kanya. Tumayo ako at kinuha ang baril ko na tumilapon at siya naman nag-uumpisang tumayo. Pero bago pa man siya makatayo binaril ko na siya ng tatlong beses. Lumapit ako sa kanya at cheneck ang pulse nya. Patay na siya, iniwan ko siyang ganon lang ang itsura. Kailangan ko siyang patayin dahil makakasira lang siya ng mga plano ko dahil alam nya kong sino ako. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD