Nicole's POV
Nandito ako ngayon sa bahay at nakatingin sa panyo na naka clip dahil katatapos ko lang labhan. Bakit kaya biglang bumait sa akin si Zk? Siya kasi yong nagbigay nitong panyo sa akin na napaka imposible naman. Siguro baka naawa lang talaga siya sa akin. Tsaka bakit ko ba siya iniisip?
Napatingin ako sa phone ko ng nag ring ito, si mommy ang caller. Agad ko itong sinagot.
"Yes, mom?"
"Kill Jerome Diaz now," parang 'di agad nag sink-in sa isip ko ang tinuran ni mommy. Parang napakadali lang ng lahat para kay mommy kong pwede lang na siya na lang kaya utusan ko, hayys.
"I already sent where he is right now." agad nyang ibinaba ang tawag after nyan. Napa okay na lang ako ng wala sa sarili.
Tinignan ko ang details na pinasa ni mommy. Businessman ito at halatang mayaman rin. Wala ng iba pang details dito bukod sa picture nito, age at kong nasaan ito ngayon. Nag search ako sa google about him isa siya sa mga nag do-donate ng charity para sa mga bata. Pero bakit gusto ipapatay ni mommy?
Feeling ko din may hindi magandang mangyayare or may nangyare. Kaya ganon na lang yong tawag agad sa akin ni mommy na ipapatay tong taong 'to.
Pumunta na ako sa room ko at binuksan ang secret room para kunin ang mga gagamitin ko. Agad akong sumakay sa big bike ko pagkatapos kong maayos lahat.
--------ooooo------
Nandito na ako ngayon sa loob mismo ng office ni Jerome. Mabilis lang akong naka pasok dahil 'di naman ganon kahigpit ang security nya.
"Who are you?" tanong nya.
"Ang papatay sayo," sagot ko bago nag grinned.
"Inutusan ka ba ni Steph?" that's my mom name, 'di ko akalain na kilala nya si mommy.
"That's none of your business," sagot ko.
"Ikaw ba ang anak nya or ikaw ang kinuha nya?" agad na nangunot ang noo ko sa pinapagsabi nya. Hindi ko alam kong anong purpose nya kong bakit nya ako tinatanong ng ganito. Siguro dahil para 'di ko siya patayin?
"Mr, wala akong panahon para makipag-usap pa sayo!" mukhang dinidistract nya lang naman ako.
"Ikaw rin hindi mo malalaman ang totoong pagkatao mo kong papatayin mo ako," naguluhan ako bigla sa mga sinabi nya. Parang may part sa akin na gusto kong malaman ang totoo, wala kasi talaga akong alam sa buhay ni mommy. Lumaki na 'di siya kasama at parang 'di anak ang turing nya sa akin.
"Kong ano mang totoo hindi ako maniniwala," yan lang ang sinagot ko dahil ayoko magpadala sa emotion ko.
"Hindi ka totoong anak ni Steph, kaya gusto nya akong ipapatay dahil alam ko ang totoo." parang tumigil yong mundo ko ng marinig ko yan.
"Hindi yan totoo, maniniwala lang ako kapag si mommy na ang nagsabi. Bawiin mo yan!" Binaril ko ang kaliwa nyang paa sa galit na nararamdaman ko ngayon.
"Hindi kita niloloko ginamit ka lang nya para maka gante sa totoo mong magulang. Nandoon ako nong gabing pinagpalit nya kayo ng totoo nyang anak." May kinuha siya sa bulsa nya at flashdrive ito.
"Patayin mo man ako ngayon wala na akong pagsisihan pa dahil nasabi ko na rin ang totoo. Gabi-gabi akong pinapatay ng konsensya ko dahil sa lihim na 'to. Akala ko kakayanin kong ilihim yan pero 'di ko akalain na ipapatay mismo ako ng inaakala mong ina mo." Pinipigilan kong wag maiyak sa mga narinig ko, binaril ko ang kanang paa nya at umalis na. Hindi ko siya tinuluyan knowing na 'di naman siya masama. Lalo na ngayon na alam ko ang totoo, so all this time lahat ng mga sinasabi sa akin ni mommy ay 'di totoo.
*****
Umuwi ako sa bahay at kinuha agad ang laptop ko para mailagay ang flash drive. May laman itong video, video kong saan nag-uusap si mommy at itong si Jerome.
"Mukhang napapalapit ka na sa anak-anakan mo?" tanong ni Jerome kay mommy.
"Anong napapalapit na pinapagsabi mo? Ang magulang nya ang pinaka kinamumuhian ko. Kaya ako umalis ng pinas para 'di siya makasama dahil sa tuwing nakikita ko siya, gusto ko siyang patayin. Mabuti nga at may pakinabang siya."
Yan ang laman ng video at meron pa ditong file na naglalaman ng dna test ko na 'di man lang nag match kay mommy. Naramdaman ko ang mainit na likido na dumampi sa mukha ko. Umiiyak na pala ako, napaka tanga ko kasi naniwala ako kay mommy. Lahat pala ng mga ginawa ko wala lang yon sa kanya, naging masama akong tao ng dahil sa kanya. Ginamit nya lang ako, buong buhay ko sinusunod ko sila dahil gusto ko ng attention nila. Kaya pala kahit anong gawin ko 'di pa rin sapat dahil 'di naman nila ako anak. Nasagot ng lahat ng mga tanong ko sa isip kong bakit..
Pinunasan ko ang luha ko at lumabas ng kwarto. Napahinto ako ng makita ko si mommy na nasa sala at parang hinihintay ako. Nang makita nya ako agad nya akong niyakap at hinalikan na parang mis na mis nya ako. Kahit alam ko naman na napipilitan lang siya. Hindi ko alam kong anong magiging reaction ko sa kanya lalo na alam ko na ang totoo.
"Magbihis kana, isasama kita sa paris." Ano na naman kayang balak nya? Bakit bigla siyang bumait sa akin? Kong 'di ko lang alam ang totoo siguro pinaka the best tong nangyare sa buhay ko.
"Why should I?" cold na sagot ko na mukhang ikinagulat nya.
"What happened? May problema ba? Tell me." Yong reaction nya para talagang nag-aalala sa akin.
"Hwag ka na magpanggap na nag-aalala ka sa akin kasi ang totoo wala ka naman talagang pake sa akin."
"Ano bang nangyayare sa'yo? What do you mean by that? Anak kita kaya natural lang na mag-alala ako." mapait akong natawa sa pinagsasabi ni mommy. Sobra pa lang best actress 'tong mommy ko, kong 'di ko lang talaga alam for sure nabilog nya na naman ang ulo ko at magiging sunod-sunuran na naman sa kanya.
"Hindi mo na ako maloloko pa, alam ko na ang totoo. Kaya tigilan mo na ang pagpapanggap mo, alam ko naman na ayaw mo sa akin. Please lang 'wag mo na akong pahirapan pa kasi mas nasasaktan lang ako sa ginagawa mo." Bumuhos na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan sobrang bigat ng dibdib ko ngayon. Parang 'di ako makahinga sa sakit na nararamdaman ko.
"I don't know what you're talking about," yan ang sagot nya. Hindi pa rin talaga siya umaamin.
"Hindi mo 'di ba ako totoong anak kaya tama na yang pag d-drama mo at pagsisinungaling. Pwede ka ng manalo na best actress nyan. I know you don't even cared for me so, stop saying that you're worrying kasi the truth napipilitan ka lang naman hindi ba? Since from the start alam ko naman na hindi mo ako mahal na iba ang turing mo sa akin, pero naging bulag ako kasi 'di ako naniwala sa instinct ko na baka 'di naman totoo. Naging bulag ako kasi uhaw ako sa pagmamahal mo. Bakit kailangan gawin nyo to sa akin?" Pagkatapos kong sabihin yan nagbago ang facial expression nya at tumaas ang kilay.
"So, ngayong alam mo naman din lahat 'di na rin ako mahihirapan na magpanggap. Pero sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin sa Paris!" Agad nya akong hinawakan sa braso at hinila papasok sa room ko.
"Magligpit ka na ng mga gamit mo, ako pa rin ang ina mo dito kaya susundin mo ako!"
"Who are my real parents?" Gusto kong malaman kong sino sila or kamusta ba sila? Kong okay lang ba sila kahit wala ako?
"Hindi mo na sila kailangan pang makilala masaya na sila without you! Hindi ka nga rin nila hinanap eh, kahit na nawala ka. Ganon ka walang pakialam ang parents mo sayo. Kaya nga kahit ganitong age kana hawak pa rin kita kasi never ka hinanap ng parents mo!" nakuyom ko ang kamao ko sa mga narinig ko.
"Ano hindi ka ba naniniwala? Sige, depende naman yan sayo kong ayaw mo maniwala." Kinuha ko ang baril na nasa drawer ko at tinutok kay mommy.
"Don't you ever follow me anymore or I will kill you!" agad naman siyang natawa sa sinabi ko.
"Really, I know you can't do that. That's impossible." Sa totoo lang 'di ko rin talaga siya kayang patayin, siya na yong tinuring kong ina ng ilang years kaya 'di ko magagawa yon. Pero kailangan kong makalaya, kailangan kong malaman ang totoo. Kailangan kong malaman kong sino ang totoong parents ko.
Kinasa ko ang baril at pinaputukan si mommy sa gilid ng paahan nya. Sinadya kong 'di siya matamaan, ginawa ko lang yon para malingat siya. Tumakbo ako kaagad paalis sa bahay ang tanging dala ko lang itong baril ko at ang flash drived na nasa bulsa ng pantalon ko.
Hindi pa man ako nakakalayo ng mapansin kong may humahabol sa akin. Yong mga tauhan ni mommy ang humahabol sa akin at pinapaputukan pa talaga ako ng bala. Balak na 'ata nila akong patayin pero alam kong 'di ako kayang ipapatay ni mommy. Alam kong may kailangan pa siya sa akin pero 'di ko alam kong ano yon.
Napahinto ako ng may ducati na huminto sa harapan ko. Hindi ko siya na kilala dahil naka helmet. Palapit na ng palapit sa tapat ko ang humahabol sa akin.
"Sakay," nataranta ako kaya agad akong umangkas sa kanya kahit na 'di ko naman siya kilala. Napakapit ako sa kanya ng pinatakbo nya na ito.
Sanay naman ako na mabilis ang patakbo dahil mabilis din naman ako mag patakbo ng big bike ko. Pero napapakapit ako sa kanya sa bilis nito dahil feeling ko malalaglag ako dito sa likuran, plus wala pa ako helmet. Sobrang napakalakas pa ng hangin para na tuloy ako lilipad dito.
*******
Tumigil kami sa napakalaking bahay. Bumaba na ako at para namang nanigas 'tong buhok ko. Resulta 'to ng lakas ng hangin kanina, eh. Napanganga ako ng tinanggal na ng lalakeng nag ligtas sa akin ang helmet nya.
"Zk?" tumingin lang siya sa akin na parang 'di ako nag e-exist sa mundo. Shuta, talagang lalakeng 'to, kong 'di lang talaga siya ang nag ligtas sa akin baka sinabunutan ko na siya.
Bago bumakas ang napakalaking gate na nasa harapan namin may pinindot na code si Zk sa lock nito. Tumambad sa amin ang sobrang ganda na bahay, as in ang ganda color pa lang napaka elegante na. Walang wala yong bahay namin na more on white lang naman ang color.
"Who are they?" hindi ko alam kong sinong kinakausap nito kasi kami lang naman nandito sa labas.
"Sino?" para naman kasi tong tanga si Zk 'di inaayos ang tanong. Baka talaga multo kausap nito, hindi ako.
"Mga humahabol sayo," sagot nya at naglakad na papasok sa loob.
"Why would I tell you mister? Close ba tayo?" mukha na ba tayong suplada sa sagot ko? Bihira lang naman tayo mag suplada kaya okay na yan.
"Alright," yan lang sagot nya. Bwesit na 'to, akala ko ba naman interested na siya sa buhay ko pero 'di pa rin pala.
Sumunod na lang ako sa kanya papasok sa loob kahit 'di nya sinabi. Kasi saan naman ako pupunta? Yong guardian ko 'di naman nagpaparamdam at 'di ko din sure kong sa akin ba siya kakampi or kay mommy. For sure naman kay mommy dahil inutusan lang naman siya ni mommy na bantayan ako. Sa ngayon self ko lang ang kakampi ko.
Pagpasok ko sa loob sa dining area agad ako napunta, syempre sinundan ko lang naman si Zk. Pinaghanda siya nong mga maids nya at ako naka tingin lang sa kanya. Hindi ko alam yong food na inihanda sa kanya pero mukha naman masarap. Habang tumitingin ako sa kanya ginugutom tuloy ako. Bakit naman kasi ganito ugali nitong si Zk 'di man lang ako inaya kumain? Hindi ba kapag may bisita inaaya kumain? Ibang klase 'tong si Zk, pinabayaan ba naman ako nanonood sa kanya habang kumakain. Saan ba nagmana 'to at 'di man lang naging gentleman?
Napansin nya 'ata na naka tingin lang ako sa kanya at parang asong naglalaway dito. s**t, muntik na talaga tumulo ang laway ko.
"Do you want to eat?"
"Sige lang busog pa naman ako," sagot ko dahil akala ko pipilitin nya ako. Hindi ba kapag nagsasabi ka ng ganyan pinipilit ka talaga at in-ask pa ulit? Kailangan ko mo na mag pabebe no, mamaya sabihin nito patay gutom ako.
"Okay," pagkatapos non, iniligpit nya na yong pinagkainan nya at nilagay sa kitchen. Luh, tapos na pala siya kumain? Ganon-ganon na lang pala yon, 'di nya na ba talaga tatanungin ulit? Kasi mag 'oo' na talaga ako kapag tinanong nya pa ako.
Ang tanga-tanga mo Nicole dapat talaga 'di na lang talaga ako nagpabebe kanina. Isa lang natutunan ko ngayong araw 'wag balakin na tanggihan si Zk kasi 'di kana talaga nya pipilitin.
"Hey, follow me." sumunod naman ako sa kanya, umakyat kami sa second floor. Kong saan-saan na kami nakarating paano ba naman kasi napakalaki nitong bahay nito, mala mansion na. Huminto kami sa isang pinto dito sa pinaka dulo.
"This is your room," itinapon nya sa akin ang susi at nasalo ko naman ito. Napaka un-gentleman talaga!
"Teka, 'di naman ako dito matutulog dito." Wala naman talaga akong balak magpalipas ng gabi dito pero 'di ko din alam kong saan ako pupunta.
"Okay, wala namang pumipigil sayo." Iniwan nya akong nakatunganga. Shuta, talagang lalake na 'to, napaka red flag! Malas magiging girlfriend nya!
Naisip ko rin na baka 'di ako safe sa labas dahil pinaghahanap ako ni mommy. Kaya mas mabuti sigurong mag stay na lang ako dito.
****
Ke's POV
Nasa bahay ako ngayon nila Zk, matagal na rin kasi akong 'di nakakapunta sa bahay nila. Nasa terrace kami ngayong dalawa ni Zk. Iniisip ko pa rin talaga 'yong babaeng ka name ni Caila Mae, halos 'di ako naka tulog ng maayos dahil don. Mabuti nalang saturday ngayon at walang pasok.
"What you're thinking, man?" it's Zk. Kong inaakala ng lahat na 'di na kami close ni Zk, that's not true. Sinadya talaga namin na 'di mag pansinan after the accident. Only our parents know this, yong mga pinsan ko even my sister 'di nila alam 'to.
"Wala dahil lang 'to sa babae," sagot ko sa kanya habang natatawa. Yong reaction nya naman napangiwi.
"Oh," yan lang tangi nyang sagot. Never ko pang nakita si Zk na nagka interest sa isang babae. Sobrang himala din kong may magkakagusto sa kanya or may magugustuhan siya. Walang tumatagal sa ugali ni Zk, ako lang 'ata hahaha.
"By the way about the girl, yong sa videos." pag-iiba ko ng topic.
"What about her?" alam kong kilala na ni Zk kong sino yong nag sabotage sa party. Hindi ko siya tinatanong kong sino yon dahil may tiwala naman ako sa kanya. We never betray each other, bata palang kami mag kasama na kami. Para na kaming mag kapatid sa lalim ng pinagsamahan naming dalawa.
"Kilala kita Zk, alam kong alam mo na kong sino siya. Anong dahilan kong bakit pinoprotektahan mo pa 'ata siya?" alam kong may malalim na dahilan kong bakit 'di nya man lang ni re-reveal sa amin kong sino siya.
"I know, you know that I have a valid reason," marahan lamang akong tumango sa kanya. Kilala nya din talaga ako.
"What's the reason?" gusto kong malaman para kapag nag tanong sila Shen may matino din akong maisasagot.
"Maybe soon you will find out," marahan lang akong tumango. Makakapaghintay naman ako. Umalis na rin ako pagkatapos naming mag-usap ni Zk.
Hindi muna ako umuwi agad sa bahay dumiretso ako sa bahay nila Alex. Good thing wala dito sila tita and tito. Nandito din ngayon si Zyrone and Shen.
In-open ko rin yong account namin, this account is private, para siyang dark web. Pag-open ko pa lang may nag pop-up na at we invited again in underground arena.
"Lex, patawag nga si Shen and Zyrone." Nasa baba kasi yong dalawa naghahanda ng dinner namin. Wala kasing maid dito sila Alex kaya no choice kami magluluto or gagawa ng sarili naming pagkain. Si Shen lang naman ang maayos ang lasa pag nagluluto ng pagkain at si Zyrone naman naghehelp lang sa kanya sa pag chop ng gulay or karne. Ito kasing si Alex lumaki na walang katulong pero 'di naman marunong magluto, ang bobo 'di ba? Nasanay daw siya na si mommy Greyn nya yong nagluluto, tapos sarap na sarap pa siya kapag kumakain ng niluluto ni tita. Samantalang ako gusto kong isuka 'di ko kasi maintindihan ang lasa 'di ko nga rin alam kong paano natagalan yon ni Alex and tito Xander, eh.
"Anong problema?" Ilang minuto lang din umakyat na dito si Zyrone and Shen at may dala na sila ng tray ng food.
"We have to fight this night in the battle underground again."
"What? Baka sayangin na naman ng kalaban natin yong oras." napa imbestigahan ko na rin yong nangyare nakaraan. There's a bomb daw kaya 'di natuloy pero 'di naman pala totoo kasi wala namang pagsabog na naganap.
"For me okay lang, 'di naman ako ganon ka busy, only school stuff lang pinagkaka busyhan ko." sabi ni Shen habang sumusubo na ng pagkain.
Tinignan naman ni Zyrone yong nasa screen na invitation na nag-aaya lumaban sa amin.
"Sila ulit?" agad ako tumango.
"Sana naman this time sumipot na sila kasi kong hindi ako hu-huntinh sa kanila." ani ni Zyrone na mukhang 'di maganda ang mood.
Pagkatapos naming mapag-usapan yan at nag agree na rin naman silang lahat. Kumuha na rin ako ng pagkain dahil ginugutom na ako.
*****
Nicole's POV
Nasa loob na ako ng kwarto na binigay ni Zk kanina. At itong tiyan ko walang tigil sa kakatunog dahil sa gutom na nga. Nakakainis kasi 'di ko naman kasi alam na 'di pala 'to marunong mamilit si Zk. Lesson learned na talaga 'to sa akin, next time kapag nag-aya siya 'di na ako tatanggi pa.
Tumingin ako sa whole clock na na dito sa kwarto, mabuti nga may whole clock eh atleast alam ko kong anong oras na. Yon nga ala una na ng madaling araw ngayon at 'di pa rin ako mapakali kasi gutom na gutom ako. Huling kumain ako ng agahan lang 'di na ako naka pag lunch 'di rin nakapag dinner. Bumangon ako at pumunta sa balcon nitong kwarto ko.
Napanganga ako sa nakita ko napakaganda kasi ng paligid. As in napakadaming mga lights basta ang liwanang akala mo christmas na yong paligid ng bahay nila pero 'di naman. Tapos yong swimming pool nila nakakadagdag din sa ganda. Ang ganda kasi ng ilaw nito and yong mga halaman may maliliit na lights din.
Napatingin ako sa left side ko at may nakita akong prutas na na nandoon. Bayabas ata at mangga, okay lang ba kumain ng ganitong oras? Para naman ako nitong buntis at natakam ako sa nakita, paano ba naman kasi gutom na talaga ako.
Bumaba ako sa balcony gamit yong bed sheet nila Zk and yong kumot ko din syempre. Mabuti na lang magaan lang ako at 'di napunit. Inuna kong kinuha yong bayabas dahil mababa lang naman mga bunga nya at yong mangga medyo mataas.
Matapos kong kumain ng tatlong bayabas na manibal, mabuti nga manibal na eh, 'di ako nahirapan kumain. Umakyat na ako sa mangga at pinili ko yong medyo mahihinog na rin. Hindi man lang nagsabi si Zk na may ganito pala sa kanila, edi sana nanghingi na lang ako kanina. Pero sabagay 'di pala kami close ni Zk.
Tumambay muna ako sa taas ng puno ng mangga dahil nakakapagod din kaya. Parang gusto ko na nga dito na lang matulog sa puno ng mangga dahil nakakatamad na umakyat sa taas. Kaya lang yong babagsakan ko itong swimming pool nila. Ang laki kasi ng swimming pool nila may pambata and pang matanda I think. Tapos itong babagsakan ko pambata lang may kapatid ba si Zk na bata? Bat may pambata na swimming pool sila or baka 'di marunong lumangoy si Zk? Natawa naman ako sa pinagsasabi ko.
"Hey, who the heck are you?" agad akong napalikwas nong narinig kong may sumigaw sa akin. Na out of balance tuloy ako at diritso sa swimming pool ang bagsak ko.
Sobrang napakamig ng tubig kaya agad sana akong aahon pero may naramdaman akong kakaiba. Agad akong bumalik sa ilalim ng tubig kahit na napakababaw lang naman nito. Parang hanggang hips ko nga lang yong tubig, eh. Nakakatakot na tuloy umahon sa tubig, Zk na saan ka na ba? Help me!
"Bicth, tell me who the f**k are you?!" napaangat na ako sa tubig dahil 'di ko na talaga kaya lalo na parang nanginginig na rin ako sa lamig. Bumungad sa akin yong babaeng napaka ganda, plus napaka kinis nya as in, pero halatang suplada siya.
"Are you a spy or what?" napalunok naman ako sa tanong nya, napaka cold kasi nito at yong tuno ng salita nya parang nagbabanta.
"H-hindi po," first time ko lang mautal ng ganito. Literal na natakot ako sa kanya, sinasabi kasi ng instinct ko na mag-ingat sa kanya. Halata din naman na mapanganib siya.
"Mom, what the heck you doing?" it's Zk parang kagigising nya lang gulo pa yong buhok nya pero ang pogi nya sa paningin ko. Shuta! Pinapagsabi ko? Pero 'di ako makapaniwala na siya yong mommy ni Zk kasi 'di halatang may anak na siya para lang siyang mga nasa late 20's.
"Do you know her? Who is she?" grabe yong tuno talaga ng pananalita nya nakakatakot. Mas lalo tuloy ako dito nilalamig sa tubig.
"I forgot what her name, pero ako nagdala sa kanya dito." Ouch, pain, pighati, sarap murahin ni Zk, ganon ganon na lang yon? Talagang kinalimutan ang name ko? Pero nagpakilala ba ako sa kanya? Parang hindi nga rin.
"Pwede na po ba akong umahon? Nilalamig na po kasi talaga ako." sumulyap lang sa akin saglit yong mommy ni Zk.
"Okay, lets go inside." sabi nito at naglakad na paalis. Umahon naman ako sa pool at lamig na lamig na talaga.
"Are you insane? Kong nagugutom ka pwede ka naman magsabi." Binigay nya naman sa akin yong bath towel 'di ko na pansin kanina na may dala na pala siya nito. Wow, mabuti naman at naging gentleman na siya ngayon. Kahit pa paano pala may natira pa rin na pagka gentleman sa kanya.
"Sorry naman nag crave lang talaga ako sa mangga and bayabas." dahilan ko na lang kahit yong totoo nahiya talaga ako magsabi na gutom ako.
Pagkapasok ko sa loob nasa sala yong mommy nya and yong daddy nya. Daddy nya nga siguro kasi kamukha nya rin pero mukha lang silang mag kapatid ni Zk. Grabe naman mga lahi nila napapaka gaganda.
"What's your name by the way?" tanong sa akin ng mommy ni Zk.
"Nicole po," sagot ko.
"So, sorry kanina 'di ko kasi alam na may dinala palang babae dito si Zk. First time kasi at never talaga siya nagdala ng bisita dito."
"You don't need to say that, mom." natawa naman yong mommy ni Zk sa kanya.
"Kunan mo na lang si Nicole ng damit ko na nasa closet mukhang nilalamig na siya Zk." utos nito kay Zk. Para namang ayaw sundin ni Zk pero napilitan din siya maglakad paalis.
"Hey," tawag nya sa akin at mukhang pinapasunod ako.
"Here," inabot nya sa akin yong damit na kinuha nya. Tapos binuksan nya yong isang pintuan na nandito at mukhang bathroom ito.
"Pagkatapos mong maligo punta ka nalang sa dining may pagkain don." yan huli nyang sinabi at umalis na. Wow, 'di naman din pala ganon ka cold si Zk. Like ibang-iba siya kapag nakasama mo siya ng personal. Siguro masyado lang talaga akong judgemental.