Ipinilig ko ang aking ulo habang tinitingnan ang mga document na nasa aking desk. Kababalik ko lang galing sa ibang bansa para maghanap nang magandang location para sa ipapatayo kong business na clothing line pero mukhang kumakaway na naman ang mga document sa aking mesa. “Pasuyo naman,” lumingon ako sa aking secretary na ngayon ay nasa aking tabi, “tanggalin niyo sana ang mga document at itago muna. Pagod ako. Wala ako sa mood para makipagtuos sa mga document na nakakalat sa desk ko.” Nakita kong lumunok siya ng kaniyang laway at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniyang hawak na gadget. Doon kasi siya nagsusulat ng schedule ko. Siya ang secretary ko rito sa company namin habang ang isa ko namang secretary ay sa overseas siya naka-focus. Hindi kasi kakayanin ng secretary kong ito ku

