bc

Love or Lies?

book_age18+
526
FOLLOW
5.2K
READ
revenge
HE
curse
mafia
serious
mystery
war
surrender
addiction
like
intro-logo
Blurb

Mafia Series: Los Charlines Miñanco Organization Series #5

“Huwag kang lalapit!” sigaw ko sa kaniya nang makita kong humakbang siya nang isang beses.

Kumalabog ang puso ko lalo na nang nasundan na naman iyon nang isa pa. Kaya mas lalong nanginig ang aking mga kamay habang tinititigan ang lalaking nasa harapan ko.

“Stop! Don’t you dare!” babala kong muli ngunit hindi na naman siya nakinig sa akin. Kaya napalunok ako nang ilang beses ngunit hindi siya nakinig sa akin at ipinagpatuloy lamang ang pagpalapit.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at mabilis na kinalabit ang gatilyo bago tuluyang bitawan ang baril na iyon.

Sigurado akong tumama iyon sa kaniya. Pero bakit kumikirot ang puso ko? Bakit naiiyak ako?

Ah, mahal ko na pala.

chap-preview
Free preview
Love or Lies?
Disclaimer: This is a work of fiction. Any names, characters, events, businesses, songs, places, and ideas are the product of the author's imagination. Any resemblance to an actual person, living, dead, or events is purely coincidental. I don't own the photo used on the book cover. It was generated by AI and I just added text according to my taste. All Rights Reserved ⓒ Love or Lies? Los Charlines Miñanco Organization Series #5 Jenna Michelle Levine Umigting ang aking panga habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Sinubukan ko siyang tutukan ng baril pero ngumisi lamang siya sa akin. “Pull the trigger, Jenna,” mariing utos niya sa akin. “Shut the f**k up! Huwag na huwag mo akong utusan!” sigaw ko sa kaniya. Tumalim ang aking mga mata habang tinititigan niya ako. Kumirot ang puso ko nang mapansing walang kahit anong emosyon sa kaniyang mga mata. I know, kasalanan ko naman ang lahat but I had no choice. Kailangan kong gawin iyon dahil hindi ko matanggap ang ginawa nila sa kaibigan ko noon. They killed her. Basta na lang pinatay nang walang kalaban-laban. Kaya nandito ako ngayon sa harapan niya para patayin siya dahil sila naman ang may kagagawan ng lahat. Dahil sa kanila, nawala ang kaibigan ko. Kaya sisingilin ko sila sa ginawa nila sa akin at bibigyan ko ng hustisya ang aking kaibigan. Para kahit papaano ay maibsan ang lungkot at pagsisisi sa aking puso dahil wala akong nagawa noon. She sacrificed herself para lamang sa akin ngunit hindi naman iyon sapat para gawin nila ang bagay na iyon sa kaniya. “Mga wala kayong puso,” mariing bulong ko. “Hinding-hindi ko kayo mapapatawad.” Mas lalo akong nainis nang sumagi sa isipan ko kung paano siya ngumiti sa akin noon. Kung paano niya ako alagaan. Lahat ba iyon ay kasinungalingan lamang dahil possibleng alam niya kung ano ang pakay ko sa kanila? Napangisi na lamang ako at mas lalong hinawakan nang mahigpit ang aking baril. Nag-aapoy ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniya. Kitang-kita ko naman na walang emosyon sa kaniyang mga mata habang siya ay nakatitig sa akin. Para bang bored na bored siya? Pero wala akong pakialam. Ang plano ko lamang ay patayin silang lahat kahit pa kapalit nito ang buhay ko. “Pull the trigger, Jenna,” pag-uulit niya. Ngunit kahit naman ano ang gawin ko, hindi ko kayang kalabitin ang gatilyo. Para kasing may pumipigil sa akin at hindi ko matukoy kung ano iyon at kung bakit. Sumama lalo ang timpla ng aking mukha habang sinusubukan kong labanan ang kung anong puwersa na iyon. Gusto ko na siyang patayin, eh! Nandito na ako kaya bakit hindi ko magawa? Ano ang nangyayari? “Huwag kang lalapit!” sigaw ko sa kaniya nang makita kong humakbang siya nang isang beses. Kumalabog ang puso ko lalo na nang nasundan na naman iyon nang isa pa. Kaya mas lalong nanginig ang aking mga kamay habang tinititigan ang lalaking nasa harapan ko. “Stop! Don’t you dare!” babala kong muli ngunit hindi na naman siya nakinig sa akin. Kaya napalunok ako nang ilang beses ngunit hindi siya nakinig sa akin at ipinagpatuloy lamang ang pagpalapit. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at mabilis na kinalabit ang gatilyo bago tuluyang bitawan ang baril na iyon. Sigurado akong tumama iyon sa kaniya. Pero bakit kumikirot ang puso ko? Bakit naiiyak ako? Ah, mahal ko na pala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook