Jenna Michelle Levine’s Point of View
“Celine!” sigaw ko nang lagyan na naman niya ng icing ang aking mukha.
Alam naman niyang ayaw kong nalalagyan ng icing ang mukha ko pero patuloy pa rin siya sa paglalagay.
Ang lagkit kasi! To the point na napipikon ako. Ang hirap pa namang tanggalin ng icing lalo na kung ganito?
Huminga na lamang ako nang malalim at walang ibang ginawa kung hindi hayaan si Celine sa kaniyang kagustuhan.
Birthday niya ngayon pero ako ang nilalagyan niya ng icing sa mukha. Kung hindi ko lang kaibigan ito, kanina ko pa ibinalibag.
Kumagat na lamang ako sa shanghai at inirapan ang kaibigan ko na ngayon ay tumatawa nang sobra.
Akala mo naman ay nakakatuwa talaga ang pinaggagagawa niya pero sa katunayan ay hindi ako natutuwa.
“Masyado ka kasing seryoso sa buhay. Kapag aayain kang gumala, ayaw mo pero kapag aayain ka naman namin magpunta sa shooting range, papayag ka,” natatawang wika ni Celine sa akin.
Umupo na siya sa bakanteng upuan sa aking harapan at medyo kumalma na siya sa kaniyang pagtawa kanina.
Pulang-pula rin ang kaniyang mukha at pasimple pang pinunasan ang kaniyang luha sa mga mata.
“Alam mo, mag-enjoy ka kasi minsan. Wala namang masamang mag-enjoy,” dagdag pa nila pero ipinilig ko lamang ang ulo ko at uminom na lamang ng juice.
“Wala sa vocabulary ko ang mag-enjoy lalo na kung may biglang magtangka ng buhay natin,” sagot ko sa kaniya.
Napasimangot naman si Celine sa aking sinabi at pinili na lamang ibahin ang usapan.
Akala ko dati ay walang mangyayaring masama sa amin pero nagkakamali ako. Masyado kasi akong naging kampante.
Kaya ngayon, nahihirapan ako. Nasasaktan ako lalo na kapag naaalala ko ang pangungulit sa akin ni Celine, ang kaibigan ko.
“Jenna,” tawag sa akin ng Nicole pero umiling lamang ako habang tinitingnan ang magandang mukha ng kaibigan ko.
Para lamang siyang natutulog sa kabaong. Ang mukha niya ay walang pinagkaiba pero kapag naaalala ko ang mukha niya para lamang iligtas ako sa lahat, nakokonsensya ako.
“Celine,” umiiyak na bulong ko habang hinahaplos ang salamin ng kaniyang kabaong.
Tinitigan ko ang maganda niyang mukha ngunit kahit anong pagtitig ko sa maamo at maganda niyang mukha, sumasagi talaga sa isip ko ang umiiyak na mukha niya.
“Why?” nasasaktang bulong ko. “Alam mo namang kaya kong lumaban pero bakit isinakripisyo mo ang sarili mo? Para saan?”
Bigla kong hinampas ang kabaong ni Celine at umaasang gigising siya ngunit kahit anong pagkalampag ko, hindi nangyayari.
Naramdaman ko na lamang na may humawak sa aking magkabilaang siko para ilayo sa kabaong ng kaibigan ko na mas lalong nagpasikip ng puso ko.
“Calm down, Jenna,” bulong niya sa akin.
Ngunit hindi ako nakinig. Mas lalo akong napahagulgol dahil sa sobrang sakit ng sinapit ng aking kaibigan at hindi ko siya kayang tingnan na nakahiga lamang sa kabaong.
Kung tutuusin ay kaya ko namang bugbugin ang taong pumigil sa akin pero nanghihina ako sa mga nangyayari.
Parang gugustuhin ko na lamang gumising sa bangungot na ito. Gusto kong umasang panaginip lamang at natutulog ako pero impossible.
Ramdam ko kasi ang sakit. Ramdam ko kung paano kumirot ang puso ko to the point na naiiyak na ako.
Gusto kong pilitin ang sarili ko na kaya kong gumising pero paano ako gigising kung lahat naman ng nakikita at nararamdaman ko ay totoo?
“I’ll kill them,” matigas na bulong ko. “I’ll hunt them and slay them all.”
“Jenna,” pagtawag ng isang pamilyar na boses pero umiling lamang ako.
Naramdaman ko na lamang ang mahigpit na yakap sa akin at ang pamilyar na pabango. Kung hindi ako nagkakamali, si Mommy ito.
Hinalikan pa niya ang ulo ko na mas lalong nagpahagulgol sa akin.
Alam kong nag-aalala na ang mga magulang ko pero hindi nila ako masisisi lalo na ngayon na hindi ko matangga ang pagkawala ng aking kaibigan dahil sa mga hayop na gumawa nito sa kaniya.
We didn’t do anything. Sigurado ako roon pero bakit naman pinatay nang walang kalaban-laban ang kaibigan ko?
Bakit? Hindi ko matanggap. Kaya ko naman silang labanan pero bakit may nagtulak sa aking lumayo?
Bakit sinunod ko ang sinabi ni Celine na tumakbo na at huwag na siyang isipin?
Ang gulo! Naguguluhan ako to the point na hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon.
Kaya ko silang pabangsakin pero paano ako magsisimula roon kung hindi ko naman alam kung sinong nga tao iyon?
Kaya kong kumuha ng alagad para hanapin kung sino ang taong may kagagawan sa pagkamatay ni Celine.
Gusto kong maghiganti. Gusto ko siyang ipaghiganti pero paano? Paano ko gagawin kung ngayon pa lang ay nanghihina’t wala na akong lakas?
Tulala ako sa labas nang bigyan ako ni Nicole ng pagkain. Pinili kong lumabas muna dahil hindi ako makahinga sa loob.
Pakiramdam ko ay sinasakal ako at hindi ko rin magawang tumahan. Kanina ko pa kasi sinusubukang pigilan ang aking pag-iyak pero hindi talaga matigil-tigil.
“Kain ka muna,” bulong ni Nicole sa akin. “Kanina ka pa walang kain.”
Hindi naman ako umimik ay minabuting yakapin muna ang aking katawan dahil biglang umihip ang malamig na hangin.
“Jenna,” pagod na tawag ni Nicole sa aking pangalan. “Magagalit si Celine kapag hindi ka kumain. Wala pang laman ang tiyan mo. Wala ka bang balak? Tingin mo ba ay matutuwa si Celine sa ginagawa mo?”
“Huwag mo akong konsensyahin, Nicole!” malakas na sigaw ko para patigilin siya sa pagsasalita. “Wala akong gana. Kahit gusto kong kumain wala akong gana.”
Mabilis ko siyang nilingon at umigting ang aking panga lalo na nang makita kong nakakunot din ang kaniyang noo na para bang hindi nagugustuhan ang sinasabi ko.
“Paano ako makakakain kung palaging sumasagi sa isipan ko kung paano ako ipagtabuyan ni Celine noon para lang makaalis sa lugar na iyon kahit na marami na siyang tama?” umiiyak at nasasaktan kong tanong sa kaniya.
Nanginig ang kaniyang labi at inilihis ang kaniyang mga mata sa naging tanong ko sa kaniya.
Alam kong lahat sila nasasaktan at nangungulila sa pagkawal ni Celine pero paano naman akong nakakita at huling nakasama niya noong araw na iyon?
“Kung alam mo lang na sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, mukha ni Celine ang nakikita ko, Nicole,” nahihirapan kong sambit.
Kung paano siya umiyak noon. Naaalala ko pa rin. Parang hindi na nga maalis sa isipan ko iyon dahil paulit-ulit sa isipan ko ang nangyari.
Pakiramdam ko, hahabulin ako nang hahabulin ng alaala na iyon.
“Kaya ko namang lumaban pero hindi ko alam kung bakit may nagtulak sa akin para sundin ang sinabi ni Celine.” Napasinghap ako at kaagad na pinunasan ang mga luhang tumulo sa aking mga mata.
Sinubukan kong tanggalin lahat ng luha pero patuloy lamang sila sa paghulog na para bang hindi na nauubos ang mga ito.
Narinig ko ang pigil na paghagulgol niya at mas lalong sinaksak ang puso ko roon.
Lahat naman kami ay nasasaktan sa nangyayari. Alam kong mahihirapan kaming lahat, lalo na ang mga magulang ni Celine.
Pakiramdam ko rin kasi ay kasalanan ko. Ako ang huling kasama niya. Kaya posibleng sinisisi rin nila ako sa pagkawala ng aking kaibigan.
“Hahanapin ko ang gumawa nito kay Celine,” deklara ko.
Lumingon sa akin si Nicole na nanlalaki ang kaniyang mga mata habang umiiling. Ngunit buo na ang aking desisyon.
“Buhay ang kinuha nila sa atin kaya buhay rin ang magiging kapalit.”