Chapter 2

1282 Words
“Buhay ang kinuha nila sa atin kaya buhay rin ang magiging kapalit,” mariing bulong ko. Narinig ko siyang napasinghap ngunit wala talaga kong balak tumigil dahil gusto kong hanapin kung sino ang pumatay kay Celine. “Jenna, hindi maganda iyan. Alam ko namang kaya mong hanapin ang taong iyon pero paano kung maimpluwensiyang tao ang pumatay? Hindi malabong mangyari iyon lalo pa at magagaling silang humawak ng baril, Jenna!” pigil sa akin ni Nicole. Napangisi na lamang ako sa aking narinig dahil kung maimpluwensiyang tao siya, puwede namang maglaban kami. Baril sa baril, kamao sa kamao. Hindi naman mahirap iyon. Kasi kaya ko namang lumaban. Hindi naman ako natuto sa paghawak ng baril para lang gawin itong pang-display. I can f*****g kill whoever I wanted. What’s the use of my skills if I wouldn’t even use it? Sa mundong ito, marami akong puwedeng makaaway. Ngunit sa mundong ito, kayang-kaya kong makipaglaban kung iyon lang din naman ang kanilang kagustuhan. As far as I recall, I don’t have any opponents. Wala naman kasi talaga akong kaaway dahil wala naman akong nakakasagupa sa kung saan. Kaya rin naman ako natutong humawak ng mga armas at matutong makipaglaban ay dahil mayaman kami. Oo, kaya kong lumaban at protektahan ang sarili ko pero hindi naman ako expert sa mga ganoong bagay dahil tinuruan ako para sa self-defense at hindi para pumatay ng tao. Hindi ko gagamitin iyon sa pagpatay ng mga taong inosente dahil wala iyon sa plano ko. Kasi bakit naman ako papatay ng mga inosente gamit ang martial arts kung wala naman silang ginagawa sa aking masama? Ngumisi na lamang ako at mabilis na naglakad palayo sa lugar na iyon. Malamig na hangin din ang yumakap sa aking katawan kasabay ng aking pagpunas ng mga luhang natuyo sa aking pisngi. Uuwi muna ako. I need a cold shower lalo na ngayon na sumasakit ang ulo ko sa sobrang inis. Wala naman akong balak umalis sana pero dahil sa sama ng loob na aking nararamdaman, pakiramdam ko ay kailangan ko munang magpahinga at huminga nang maayos. Pagkasakay na pagkasakay ko ng aking sasakyan ay mabilis kong binuhay ang makina at kaagad na pinaharurot iyon. May dala na rin akong mga armas sa aking katawan. Ultimo sa loob ng aking dashboard ay may nga nakatagong dagger, mga baril. Hindi ko kasi alam kung kailan dadating ang gulo. Kaya ngayon ay kailangan kong bitbitin ito palagi dahil hindi sa lahat ng oras ay puwede akong matulungan ng martial arts. Dagdag na kasi ang mga baril sa aking self-defense. Baka kasi mamaya na nagmamaneho ako may sumusunod sa akin nang hindi ko nalalaman. Umigting ang aking panga nang makita ko sa side-view mirror may sumusunod sa akin. Kasing bilis ko lamang ang sasakyan na iyon. Kaya mabilis kong pinindot ang suot kong earpiece para buksan ang aking signal. “Luther,” tawag ko sa kaniyang pangalan. Hindi ko alam kung nasaan siya pero paniguradong nasa sideline na naman siya kahit na hindi naman na dapat kailangan. Sobrang yaman na niya pero nagagawa pa niyang mag-sideline sa kung saan-saan. May sarili rin naman siyang company pero nagagawa niyang maghanap ng ibang trabaho dahil nabo-bored daw siya. “Yes?” narinig kong tanong niya sa kabilang linya. Mahina lang ang boses niya dahil sensitive ang mic namin. Kapag sumigaw na kami, literal na mabibingi ang nakasuot ng earpiece. Kahit kasi bumulong lamang kami ay maririnig na. Ultimo nga paglunok ng laway ay sobrang linaw na sa earpiece. “Where are you?” mariing tanong ko. “They’re following me.” “What the f**k? Hindi mo ba naramdaman ang presensya nila?” gulantang na tanong niya sa akin. Iyon ang problema ko. Hindi ko naramdaman ang presensya nila sa paligid. Kaya ngayong sinusundan nila ako, possibleng binabantayan na nila ako kanina nang nasa burol pa lamang ako ni Celine. “No. I need your help to tighten the security,” pakiusap ko sa kaniya. “I don't know who their target was.” “If your friend got slain, but still following you, then you might be their prey,” he uttered softly. I gritted my teeth when I understood his claim. That might be the purpose. I smirked and tilted my head while peeking at the mirror a few times without forfeiting my focus on the road. “That’s not possible, Luther,” I replied. “Kung ayaw nilang tumigil, maghabulan muna kami.” “That’s right. Baka hanggang bantay lang muna sila sa iyo pero still you need to take care,” he reminded me. “Don't wordy about me. Kaya ko ito. Ang problema ko lang ay baka naghahanal sila ng tiyempo para saktan sina Mommy roon sa burol ni Celine,” pag-amin ko sa kaniya. Wala namang masamang umamin kung natatakot ako para sa kanila kahit na alam ko namang kayang lumaban nina Momny at Daddy. May mga kasama kasi silang hindi marunong makipaglaban at iyon ang mga kaibigan ko saka ang mga magulang nila. Hindi sila lumaki sa buhay na mayroon kami. May mga business din naman sila pero hindi kalaki kagaya sa amin. Ang business kasi namin ay sobrang lawak talaga. Kaya hindi malabong mamatain kami ng lahat para lamang pabagsakin. Nakakatakot man ang ganoon, wala akong nagawa dahil magmula pa noong bata ako, tinuruan talaga nila akong makipaglaban para lamang ipagtanggol ang aking sarili. Ang mali ko lamang ay naging duwag ako kung kailan na sinasaktan na ang kaibigan ko. Lumaki naman akong sanay sa pakikipaglaban pero bakit hinayaan ko lamang? Bakit hindi ko nagawang ipagtanggol ang kaibigan ko para kahit papaano ay hindi ako nagsisisi? “It’s not your fault, Jenna,” he whispered, trying to comfort me. I let out a soft chuckle. Kung hindi ko man kasalanan, bakit nakakaramdam ako ng pagsisisi ngayon? Nagtangis ang aking baga at mabilis na pinatay ang aking signal. Binilisan ko ang pagtakbo ng aking sasakyan para hindi na nila ako mahabol pa. Alam kong possibleng habulin ako ng mga police dahil sa bilis ng aking pagpapatakbo pero wala na akong pakialam. Nagdidilim na ang aking mga mata at kailangan ko ng iligaw ang mga kutong lupa na iyon bago pa ako makapatay ng tao. Bumilis ang kabog ng aking puso habang ako ay nakahawak nang mahigpit sa manibela. Pakiramdam ko ay nanginginig ang aking kalamnan dahil sa galit at lungkot na nararamdaman ko. Kung bakit ba naman kasi nila ako tina-target kahit na wala naman silang mapapala sa akin? Wala naman akong ginagawang masama. Hindi rin ako nagpunta ng underworld o kung saan na puwede nilang gawing meeting place para sa kanilang mga illegal transaction. Wala rin naman akong background sa illegal activities dahil hindi naman namin gawian ang bagay na iyon. Kaya ngayon ay napipikon ako kung sinong kalaban ba ang mga ito? Hindi ko kasi matukoy kung tungkol na ba ito sa business o dahil may nakasalamuha lamang akong mafia noon? Fuck them! Kung puwede ko lang sanang pasabugin ang bungo ng mga sumusunod sa akin kanina, puwedeng-puwede. Kaso hindi ko naman puwedeng gawin iyon lalo na kung sinusundan lang nila ako para kumuha ng impormasyon. Humugot ako nang malalim na hininga at mabilis na nagtungo sa hotel na kung saan nandoon ang aking condo. Ipinarada ko ang aking sasakyan sa parking lot at kinuha ang aking susi ng sasakyan bago lumabas. Ngunit kahit kalalabas ko pa lamang ng aking sasakyan, pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin sa malayo. Twenty meters to be exact at nakatago siya sa puno. Kahit pa gaano siya kalayo, ramdam ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin at ang kaniyang aurang medyo mabigat. Ngumisi na lamang ako at dumiretso papasok ng hotel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD