Chapter 3

1268 Words
“Sinundan ako hanggang makarating ako sa hotel,” pagkukuwento ko kay Luther nang ako ay makapasok sa aking condo. Siniguro ko kaninang walang nakasunod sa akin bago ako magtungo sa elevator. Hindi naman kasi puwedeng sundan nila ako hanggang doon. Puwedeng-puwede ko silang takutin kung sakali. Akala ba nila magpapatalo ako sa kanila? No. Kaya kong pumatay kung gugustuhin ko pero iniiwasan ko pa sa ngayon dahil maaga pa para roon. Kung wala naman silang ginagawang masama habang sinusundan nila ako, ayos lang na hayaan sila. Nakakabahala man sa ibang tao pero sa akin ay sanay na ako sa ganitong buhay. Matagal na nila akong binabantayan dahil nga bukod sa maraming ikinuwento ang aking mga magulang at tinuruan ako sa pakikipaglaban, hindi na bago sa akin ang ganito. Napangisi na lamang ako habang pilit isinasara ang main door ng aking condo. Marami ring lock ito. Para talaga masiguro ko ang kaligtasan ko dahil kahit gaano pa kahigpit ang security ng hotel na ito, siguradong may mga makakalusot. Mas mabuti na ang maging makasiguro dahil hinding-hindi ko na sila hahayaang saktan oa nila ako. “So they are after you, huh?” mahinang bulong ni Luther. “It’s okay. Mas magandang kilalanin na nila kung sino ang balak nilang pabagsakin,” bulong ko at kaagad na itinagilid ang aking ulo dahil hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang kanilang presensya. Mabigat man iyon, hindi ako nagpahalatang naapektuhan ako. Mukha lang din naman akong walang lakas makipaglaban pero kung tutuusin ay kayang-kaya ko sila. Sadyang nagpadala lang ako sa takot ko noon dahil hindi ko rin inaasahan ang nangyari. Nagsisisi ako. Sobra. Kaya ngayon para maibsan ang pagsisising nararamdaman ko, susubukan kong hanapin ang gumawa nito sa aking kaibigan. “Gustong-gusto mo talagang napapalibutan ka ng gulo,” natatawang sambit ni Luther. Napailing ako dahil kung tutuusin, hindi ko naman talaga gusto ang bagay na ito. Ayaw ko. Wala naman akong balak makipag-away at sumama sa gulo. Sadyang hinahabol lang talaga ako ng gulo kahit na hindi naman ako gaanong magaling sa ganitong bagay. “Not really. Ako ang hinahabol. Magkaiba iyon,” sambit ko bago dumiretso sa kusina para makapagluto na. Wala talaga akong gana pero kailangan kong kumain para kahit papaano ay may lakas ako para patayin ang mga iyon. Hindi ko man gustong pumatay, kapag buhay ang kinuha nila, buhay rin dapat ang magiging kapalit. “Nagawa mo na ba ang utos ko?” pagtatanong ko sa kaniya habang naghuhugas ako ng kamay. “Yes. Nagpadala na ako ng mga security para kahit papaano at masigurong walang mangyayaring masama sa kanila,” paliwanag ni Luther. Tumango ako at pinunasan ang aking kamay gamit ang bimpo. “That's good. At least, hindi na ako mag-o-overthink sa mga ganiyang bagay. Marami na akong problema. Ayaw kong madagdagan pa.” Narinig ko siyang napahalakhak ngunit mahina lamang iyon. Kaya napaangat na ang aking kilay dahil wala namang nakakatawa sa aking sinabi. Totoo namang marami na akong problema at hindi talaga mauubos iyon. Sa sobrang yaman ba naman ng pamilya namin, talagang pag-iinitan kami nang kung sino. “Try to talk to him,” suhesyon niya. “Wala namang masama kung magpapatulong ka sa kanila.” Alam ko kung sino ang tinutukoy niya but I chose not to. Hindi naman puwedeng humingi na lang ako palagi ng tulong kahit kaya ko naman talaga. Hindi naman sa puwedeng ganito na lamang palagi. Alam kong maimpluwensya at malakas din ang pamilyang iyon sa mga koneksyon nila pero hindi pupuwede. “I can manage, Luther,” maikling sagot ko. “Hindi ko kailangan ang tulong nila.” “Alam mo kung gaano sila kalakas, Jenna. Mga Rivanov iyon. Magmula sa mga business na hawak nila—” “Don’t mention them, Luther,” mariing utos ko sa kaniya at napatigil na lamang sa paghalungkat ng mga gulay sa ref. Mabibigat na hininga ang aking pinakawalan dahil napipikon na talaga ako sa kaniyang sinasabi. Gets ko ang gusto niya pero hindi naman ibig sabihin no’n ay hindi ko na susubukin ang kakayahang mayroon ako. Para saan pa’t sinubukan kong aralin ang lahat tapos magpapatulong lang naman pala ako sa kanila? Lahat ng pagtulong nila ay may kapalit. Kaya ko naman silang bayaran pero hindi kami close masyado para humingi ako ng tulong sa kanila. Hindi kasi maintindihan ni Luther iyon. Oo mayaman ako pero hindi naman porket mayaman ako ay hindi ko na gagawin nang mag-isa ang mga planong gusto ko. “Hindi ko kailangan ng tulong nila kung alam ko sa sarili kong kaya ko naman,” paliwanag ko sa kaniya. Narinig ko siyang huminga nang malalim ngunit hindi ko na pinansin at minabuting kunin ang dalawang malalaking patatas. Magluluto na lang ako ng potato fries at iyon na lamang ang uulamin ko. Wala namang masama kung patatas na lang ang uulamin ko. Ito lang naman ang kaya kong lutuin dahil nga tinatamad naman ako at kaunti lang din naman ang kakainin ko. “Kailan mo sisimulan ang plano mo?” tanong sa akin ni Luther. Sinimulan ko namang balatan ang patatas nang seryoso. Wala pa akong plano kung kailan dahil sobrang hirap maghanap. Pero kung tatakutin ko ang mga sumusunod sa akin para sabihin kung sino ang pumatay sa kaibigan ko, pupuwede. Kaso dahil loyal ang mga iyon sa boss nila, impossibleng aamin sila sa akin. Hindi naman sila takot mamatay pero kung balak nilang sabihin sa akin, puwede ko pa silang buhayin. Bibigyan ko sila nang ilang minuto para tumakbo at iligtas ang sarili nila pero kung hindi nila nagawa bago ko sila habulin, pasensya na lang sila. “Wala pa akong plano maliban sa patayin ang taong gumawa no’n kay Celine, Luther,” paliwanag ko sa kaniya. “Bago ko kasi patayin, dapat hanapin muna pero hindi ko alam kung paano magsisimula maliban sa takutin ko ang mga sumusunod sa akin.” “Kung kaya nilang sabihin sa iyo kung sino ang tao sa likod nang lahat, bakit hindi?” Narinig kong may kumalabog sa kabilang linya at parang may nabasag yatang kung ano kaya siya natigilan sa pagsasalita. “Sinusundan ka,” saad ko. Narinig ko namang napamura siya sa aking sinabi. Pakiramdam ko tuloy ay balak niyang sundan ang taong sumusunod sa kaniya. “Sa sobrang dami kasi ng sideline mo, hindi mo napansin na puwede ka nilang sundan, Luther,” tinatamad na pahayag ko. Marami kasi talaga siyang sideline. Hindi nakukuntento sa business niya at kinakailangang mag-double identity pa. “Bored ako sa buhay, Jenna. Nakakasawang magbasa ng document at um-attend sa mga business meeting,” paliwanag niya sa akin. Napailing na lamang ako at kaagad ka hinugasan ang mga patatas na nahiwa ko na. Bakit ko ba kasi nakalimutang mas gusto niya ang thrill kaysa ang tahimik na buhay? Kung sabagay, lalaki. Kapag lalaki talaga, mahilig magbuwis ng buhay para lang maging exciting ang araw nila. Walang takot sa kung sino. Ilang beses na nga siyang nakasagupa ng gangster at mga mafia dahil sa ginagawa niya. Maliban sa gusto niya raw maging exciting ang buhay niya, matakaw lang talaga siya sa gulo maliban sa akin. Hindi ko tuloy alam kung siya ba ang dahilan kung bakit ginagamit nila ang mga kaibigan kong walang laban sa kanila. Ang daming posibilidad pero kung ganitong klaseng buhay ang palaging sasalubong sa akin, baka unti-unti na akong mawalan ng nararamdaman. Ayaw ko man ang ganoon pero paano kung ganoong buhay pala ang naghihintay sa akin? “I’ll cut my signal. Baka mamaya ay masundan nila ang signal mo. Parehas tayong mailalagay sa panganib,” paliwanag niya bago tumahimik ang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD