Chapter 4

1263 Words
Mabilis kong kinabig ang manibela at kaagad na binilisan ang takbo ng aking sasakyan. Kanina pa sila habol nang habol sa akin. Kaya hindi ko magawang makapunta sa burol ng kaibigan ko. Balak ko lang naman sanang bumisita pero dahil nga nandito sila at ginugulo ang aking buhay, hindi ko alam kung tama pa bang pumunta ako roon at bisitahin ang kaibigan ko. Ilang araw na lang kasi ay ililibing na siya at hindi ko naman alam kung maiintindihan ba ni Celine kung bakit hindi ako makakapunta. Kaya imbis na magtungo pa sa lugar na iyon ay mabilis kong iniliko ang aking manibela para ilayo sila sa lugar na iyon. Tinipon ko muna ang lahat ng mga sumusunod sa akin at ang mga nagbabantay sa mismong venue kung nasaan ibinuburol si Celine. Narinig kong may pumasok sa signal ko at kung hindi ako nagkakamali ay si Luther na naman ito. “Need help?” tanong niya sa akin. Napaismid na lamang ako at seryosong nagmamaneho ng aking sasakyan. Masyadong mabilis ang takbo ng aking sasakyan. Kaya kinakailangan kong magseryoso at dapat nakatutok lamang ang aking mga mata sa harapan. “No. I can manage,” bulong ko at ngumisi nang mapansin kong sampung sasakyan na pala ang sumusunod sa akin. “Akala ko pa naman tatantanan ka na ng mga iyan,” wika ni Luther sa kabilang linya. Kung hindi ako puwedeng magkamali, pinapanood nila ako ngayon at baka nasa paligid ko lang sila. Hindi naman kasi malabo iyon lalo na sa paraan ng kaniyang pagsasalita. Puwede ring pinapanood nila ako mismo sa screen dahil sinubukan nila akong i-locate gamit ang aking earpiece. Wala naman kasing impossible kapag mga kagaya namin. Paano na lang kapag iyong mga Mafia, Agent or Assassin? Mas malala pa sila kung tutuusin at lahat ng mga impossible, possible sa kanila. Kinuha ko ang aking lollipop sa aking bulsa at mabilis na tinanggal ang balat nito gamit ang aking ngipin. Nang pakiramdam kong wala ng sagabal, mabilis kong isinubo iyon at basta na lamang ibinulsa ang wrapper ng lollipop. “Saan mo sila ipupunta? Malapit na kayong makarating sa Tagaytay,” wika ni Luther sa kabilang linya. Napangisi na lamang ako at itinagilid ang aking ulo dahil doon naman talaga ang aking balak. Wala rin kasing masyadong tao ngayon doon dahil madaling araw na. Paniguradong natutulog ang lahat. Hindi na ako nagsalita pa lalo na nang malapit na ako sa part na medyo wala ng tao at hindi na nadadaanan nang maraming tao. Huminto ako roon at kaagad na kinuha ang aking baril na nasa drawer lamang ng aking dashboard. Paglabas ko, hindi ko napansin na pinapalibutan na nila akong lahat. Masyado naman nila akong minaliit sa lagay na ito. Akala yata nila ay hindi ko sila kaya lahat. Kaya ito ang mas gusto ko. Iyong walang akong pinoprotekhan maliban sa aking sarili. Malaking pagkakamali talagang idinamay nila rito si Celine at walang away pinatay dahil lamang sa alam nilang siya ang aking kaibigan. Kaya ngayon pinapabantayan ko rin si Nicole lalo na ang mga magulang nina Nicole at Celine dahil baka mamaya ay sila rin ang kanilang isunod. “Bakit kayo nandito?” tanong ko sa kanilang lahat at kaagad na ibinalik sa aking bibig ang lollipop. Kinagat ko naman ang lollipop nang makaramdam ako nang pagkapikon dahil ni isa sa kanila ay walang sumagot. Dapat talaga ay hindi na ako nag-e-expect sa mga ganitong bagay dahil impossible naman talagang sagutin nila ang tanong ko. Ako kasi ang binabantayan nila dahil utos iyon ng boss nila at impossibleng sasagutin nila ang tanong ko. Kaya naman nang matanggal na ang candy sa mismong stick ng lollipop ay mabilis kong tinanggal tinanggal iyon sa aking bibig at saka ko inilabas ang aking baril na nasa bulsa ko lamang. May mga bala na iyon. Kaya naman agaran king kinasa kaagad at pinagbabaril ang mga tarantadong sunod nang sunod sa akin pero kapag tinanong naman ay wala naman silang isinasagot. Napangisi na lamang ako hanggang sa mabilis silang naubos. Narinig ko pa ang singhapan nilang lahat dahil halatang hindi nila inaasahan ang aking ginawang pagbabaril. Ngunit syempre, imbis na ubusin silang lahat ay nag-iwan ako nang isa para kahit papaano ay may kausapin ako. “Magpapadala na lang ako ng mga maglilinis ng kalat mo,” narinig kong bulong ni Luther. Hindi na ako nagsalita at itinutok na lamang ang baril sa ulo ng lalaking iniwan kong buhay. “Sino ang nagpadala sa iyo rito para sundan ako?” tanong ko sa kaniya. Nakita kong napalunok siya ng kaniyang laway habang nakangisi sa akin. Wala silang kahit anong baril. Ngunit base sa kanilang kilos ay parang may ibubuga sila. Hindi ko nga lang sigurado kung gangster ba ang mga ito o mga mababang rank ng mafia. “Why would I answer your question?“ matapang na tanong niya sa akin. Napangisi na lamang ako dahil kahit gaano katapang ang lalaking ito, alam kong nanginginig na siya sa takot. Ikaw ba naman ay tutukan ng baril tapos babae pa ang kalaban nila? Tingin ba nila sa akin mahina para lamang katakutan sila? No. Sawang-sawa na akong maging simpleng tao. Sinubukan ko namang itago ang identity kong ito pero sinusubok ako masyado ng tadhana at talagang nagpadala pa nang maraming magbabantay sa akin. Hindi rin ako pamilyar sa mga taong ito. Kaya impossibleng mga alagad namin ito. Kitang-kita rin ang madilim na aura nila na panigurang hindi naman ganito ang kanilang aura kung mga alagad ko sila. Kilalang-kilala ko kasi ang mga alagad namin magmula sa aura pa lang. Ngunit sila, halatang mabigat at hindi lang basta-basta ang nagpadala sa kanila. “Who the f**k you are?” malutong na tanong ko sa kaniya. “Balak mo bang itago na lang? Kasi hahayaan naman kitang mabuhay basta sabihin mo lang kung sino ang boss mo.” Natawa naman ang lalaking nasa aking harapan ngunit bigla kong narinig ang pagnginig ng kaniyang boses. Tumikhim siya nang tumigil siya sa pagtawa ngunit ramdam ko pa rin ang masamang titig niya sa akin na tiyak ay hinding-hindi ko papalampasin kung hindi lang siya nagmamatigas sa akin ngayon. “Bigyan mo muna ako ng rason para sagutin ko ang katanungan mo,” sigang tanong niya sa akin. Umigting ang aking panga at mas hinawakan nang mahigpit ang handle ng baril. Kahit gustong-gusto ko ng kalabitin ang gatilyo, hindi ko magawa dahil gusto kong marinig muna ang kaniyang sagot. Kung bibigyan nya lang ako ng sagot na gusto kong marinig, baka kanina ko pa siya pinakawalan pero syempre hahabulin ko pa rin siya dahil hindi naman talaga ako nagpapabaya. Kung pinakawalan ko siya, possibleng bumalik siya at magtawag pa ng kaniyang mga kasama. Puwede rin kasing ipaghiganti niya ang lalaking mga pinaslang kong kasamahan niya at hindi naman impossibleng mangyari ang bagay na iyon. “I just wanted to talk to him. Hindi naman puwedeng palampasin ko ang nangyari sa kaibigan kong pinatay niyo,” mariing sagot ko sa kaniya. Wala naman talaga akong balak sagutin sana ang kaniyang katanungan pero bakit hindi ko kaya bilugin ang utak niya? Para kahit papaano ay aakalain niyang papakawalan ko siya at bibigyan nang pangalawang buhay. Ngumisi naman ako sa aking isipan ngunit bigla akong natigilan nang biglang magseryoso ang kaniyang mukha. “Thaddeus Ford Zendejas,” maikli ngunit malaman niyang sagot. Tumalikod siya sa akin at akmang sasakay na sa kaniyang sasakyan nang mabilis kong kalibitin ang gatilyo. Bigla siyang natumba. Kaya mabilis kong ibinaba ang hawak kong baril dahil paniguradong hindi na iyon humihinga. Eksakto kasi iyon sa kaniyang ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD