Chapter 5

1282 Words
Humithit ng sigarilyo si Luther habang nakatingin sa akin. Mabilis siyang nagpunta sa aking condo matapos niyang linisin ang mga kalat ko kanina. Hindi ko lang matanggap na nagawa niyang manigarilyo rito sa aking condo nang wala man lang pag-aalinlangan sa kaniyang mukha. “Thaddeus Ford Zendejas, huh?” pag-uulit niya sa aking sinabi. Tumango na lamang ako at kumuha nang isang slice ng pipino saka isinawsaw sa timpladong suka. Busy akong kumain ng pipino tapos biglang pupunta si Luther dito para lang manigarilyo. “Kilala mo ba iyon?” tangkang tanong ko sa kaniya saka siya sinulyapan. Umiling siya sa akin at bumuga ng usok saka niya kinuha ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa bago nagtipa ng kung ano roon. “Not sure pero try kong hanapan ng information,” paliwang niya sa akin habang ang kaniyang mga mata ay nakatingin lamang sa kaniyang cellphone. Umismid ako sa kaniyang pahayag at hindi na nagsalita pa dahil nakakapagtaka naman talaga ang mga nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung sinong Thaddeus iyon dahil ngayon ko lang narinig ang pangalan na binanggit ng lalaki. “Possible na nasa business world din siya pero kung pinapabantayan ka niya, ano ang kaniyang rason?” nagtatakang tanong niya sa akin. “Pamilyar sa akin ang apilyedo niya pero hindi ko alam kung saan ko narinig,” pagkukuwento ko sa kaniya. Narinig ko siyang napamura nang malutong. Kaya bigla akong napalingon sa kaniya at hindi ko naituloy ang aking pagsubo. Nakakunot ang kaniyang noo at bahagyang napalunok na para bang hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita. “Jenna, I think you need to stop digging deeper,” he warned me. “I can’t do that, Luther. Alam mong kailangan kong gawin ang lahat para maipaghiganti si Celine. They killed her and I let that happen,” mariing bulong ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa tinidor at mabilis na isinubo ang pipino. Bawat pagnguya ko, may halong panggigigil. Sumama rin ang timpla ng mukha ko sa tuwing naaalala ko ang sinapit ni Celine sa kamay nila. Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nilang kalokohan. Ang kapal ng mukha nilang pumatay ng taong walang kalaban-laban. Puwede naman kasi nila akong sugurin kung ako mismo ang target nila. Hindi iyong mangdadamay pa sila ng inosente para lamang pabagsakin ako. Hindi talaga sila marunong lumaban nang patas. Sobrang dumi nilang makipaglaro at ito ang pinakaayaw ko sa mga taong makitid ang utak. Anong klaseng utak ba ang mayroon sila? Munggo para hindi makapag-isip nang maayos? Hindi ako natutuwa sa ganitong bagay at mas lalong nakakagalit kahit na wala naman akong masyadong alam kung bakit nila iyon ginagawa. Kung dahil lamang ito sa kayamanan, puwede namang maglaban ang businesa namin at hindi iyong papatay sila ng tao. “No. Listen, Jenna!“ he shouted, trying to get my attention. Inis na lumingon ako sa kaniyang gawi at ngayon ay nakababa na ang kaniyang cellphone sa mismong harapan ko. Ngunit imbis na silipin kung ano ang tinitingnan niya kanina ay pinili ko lamang siyang titigan nang masama dahil naiinis ako sa kaniyang ginawa. “What the f**k, Luther? Why are you shouting?! Nasa harapan mo lang ako!” giit ko sa kaniya. Nakita kong humithit muli siya ng sigarilyo habang nakatingin sa akin nang mataman. Hinahabol niya ang kaniyang paghinga ngunit kitang-kita ko ang kaseryosohan sa kaniyang mga mata na para bang hindi naniniwala sa aking sinasabi. “He’s not just a simple guy who owned a bunch of business, Jenna,” paliwanag niya sa akin. Hindi naman ako umimik at mas lalo lamang akong nangangati sa kaniyang sinasabi. Pakiramdam ko ay may thrill lalo na at nag-iba na ang aura ni Luther. Pakiramdam ko ay may natuklasan siyang alam niyang ikakapahamak ko. Kaya sinusubukan niya akong pigilan ngunit hindi niya magagawa iyon. “Makinig ka sa akin, Jenna. I'm not trying to pull a joke here,” pagkukuha niya sa aking atensyon. Bumuga lamang ako ng hangin at tinusok muli ang isang slice ng pipino dahil nagugutom na ako. Kung gusto niyang sabihin sa akin kung sino ang taong balak kong pabagsakin, kanina pa sana ako nagsalita. “Member siya nang isang mafia organization,” pagsisiwalat niya sa kaniyang nalaman. “Inutusan ko kanina ang isa sa mga alagad ko para kumuha ng information at hindi naman niya ako binigo dahil pagkaraan pa lamang nang ilang minuto, nasabi na niya sa akin.” Mafia? Kaya pala malakas ang loob nilang patayin si Celine at galitin ako lalo dahil miyembro pala siya nang isang organization. Napangisi na lang ako at isinubo ang pipinong tinusok ko. Kaya pala ang dumi nilang makipaglaro sa akin ay dahil member pala iyon ng Mafia. “Let's stop this. Hindi na makakabuti kung susubukan pa nating pabagsakin ang taong iyon. He's powerful,” dagdag pa nito nang hindi man lang nabubulol. “Ang dami niyang successful na transactions. Kapag pumapatay rin sila, wala silang awa. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ka nila pinupuntirya kung gayon wala ka namang nakakasalamuha.” Bantay sarado kasi ako ni Luther. Ayos lang sa kaniya na siya mismo ang nasa panganib. Ngunit dahil gusto ko rin namang magkaroon ng thrill ang buhay ko lalo na ngayong hinahabol na pala ako ng mga Mafia, bakit pa ako titigil, hindi ba? Ito naman ang gusto nila. Gusto nila akong pabagsakin to the point na magmakaawa ako sa kanila mismo. Napailing na lamang ako at natatawang inilapag ang tinidor sa mangkok bago lumingon kay Luther na ngayon ay nanigas sa kaniyang kinatatayuan. “You think, I’ll let them win?” tanong ko sa kaniya. “Hinahabol na nila ako mismo, Luther. Kaya bakit pa ako tatakbo at titigil?” “It’s dangerous if y—” “Wala namang hindi delikado, Luther. Sa mundong kinagagalawan natin, depende na lang iyan kung paano natin kakalabanin,” pagpuputol ko sa kaniyang sasabihin. Nakita kong natigilan siya at hindi niya magawang hithitin ang kaniyang sigarilyo na bagong sindi lamang. Hindi pa nga niya iyon nakakalahati pero mukhang wala yata siyang lakas na hithitin iyon. “Hinahabol nila ako kahit wala akong ginagawang masama. Ni wala nga akong natatandaan na may nakasalamuha akong Mafia o hindi kaya ay natitigan sa mga mata dahil hindi naman ako mahilig tumingin sa mga mata ng kung sino,” paliwanag ko sa kaniya. Totoo naman kasing wala akong nakasalamuha. Kaya nakakapagtaka kung bakit hinahabol nila ako. Hindi ko alam kung ano talaga ang rason. Wala akong mahanap na posibleng maging rason para habulin nila ako at saktan. Kung usapang pera, mas marami na silang pera kaysa sa akin. Sa dami ng kanilang business, legal man o illegal, hindi ko maaabot ang kayamanang mayroon sila. Marami silang mga illegal na business. Puwedeng tungkol sa drugs, lamang loob, illegal na casino, nagbebenta ng mga babae o kung anu-ano pa. Wala naman akong illegal na business. Wala kaming ganoon. Kaya bakit ako ang naisipan nilang habulin kung ang mga hawak na business ko ay puro legal? “Hindi kaya gumagawa lang sila ng paraan para pabagsakin ka? Puwedeng sinabi lang nilang si Thaddeus—” “Hindi nagsisinungaling ang lalaking iyon, Luther,” saad ko at hindi na siya pinatapos pa. “Marumi talagang maglaro ang mga Mafia na kagaya nila. Wala kang aasahan sa mga tusong kagaya nila. Kung ako ang target nila, bakit hindi ako mismo ang pinatay nila at mas pinili pa nilang idamay ang kaibigan ko?” Doon natigilan si Luther sa aking naging tanong. Impossibleng wala siyang alam kung paano maglaro ng buhay ang mga Mafia. Kaya nang tanungin ko siya ng bagay na iyon, napaisip siya. “Hindi ako natatakot sa kung sino basta alam kong nasa tama ako, Luther.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD