Chapter 6

1249 Words
Pinaglaruan ko ang stiletto dagger sa aking kamay habang nakatitig sa information na ibinigay sa akin ni Luther. Ramdam ko ang masamang tingin niya na hanggang ngayon ay halatang labag pa rin sa kalooban niya ang aking ginagawa. Hindi maitatago iyon sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin lalo na ang kaniyang masamang aura. Ngunit hindi naman ako takot sa kaniya dahil kahit naman ano ang kaniyang gawin, hindi niya ako mapipigilan. We’re friends. Nakilala ko siya noon noong nagpa-practice akong mag-shooting years ago. Hindi naman sana ako pupunta sa isang lugar para mag-shooting kung hindi lang ako inaya nina Celine noon. Since alam nilang marunong akong humawak ng baril dahil nga sa marami kaming business, sinamahan ko siya para raw maturuan ko siya. Silang dalawa ni Nicole noon ay nag-aral mag-shooting ngunit maaga silang umuwi matapos nang ilang shot dahil natatakot daw sila sa putol ng baril. Doon ko naman nakilala si Luther dahil parehas kaming nababalot nang kakaibang aura. Sa paraan din ng kaniyang paghawak ng baril, kahit hindi niya tingnan ang kaniyang target, nagagawa niyang itama ang bala nang walang kahirap-hirap. Nagkaroon kami nang kaunting pag-uusap hanggang sa nasundan at naging magkaibigan na kami. Doon ko lang napag-alaman na business partners din pala ng mga magulang niya ang magulang ko. Kaya mabilis talaga kaming naging close hanggang sa halos sabay na rin kaming lumaki at mas pinagbutihan namin ang skills namin. Mas marami siyang alam sa mga illegal na gawain ng Mafia habang ako? Kaunti lamang dahil wala naman akong interest sa buhay na mayroon sila. Kapag inalam ko kasi, mas manganganib ang buhay ko pero hindi ko naman inaasahan na mangyayari ang ganitong bagay. Na ang pumatay sa kaibigan ko ay isang miyembero ng Mafia. Name: Thaddeus Ford Zendejas Age: 29 years old Iyan lamang ang binasa ko at mabilis na tiningnan ang mukha ni Thaddeus. Wala akong pakialam sa iba niyang information dahil ang tanging mas importante sa akin ay ang kaniyang mukha. “Jenna, hindi na ako natutuwa sa nangyayari. Kapag ipinagpatuloy mo ito, hindi mo alam ang gulong pinasok mo—” “Sila ba, Luther? Inalam ba nila?” tanong ko sa kaniya at tinapunan siya nang nakakamatay na tingin. Nanggigigil na ako sa nangyayari. Gustuhin ko man siyang patahimikin, hindi ko magawa dahil patuloy siya sa pagsasalita. Kaya ko namang lumaban pero kahit alam kong kaya ko, mas magaling pa rin sila dahil sa dami ng kanilang mga pinatay na tao, inosente man o masama, mas bihasa talaga sila. Ngunit hindi naman ako nagpapatalo. Kung kaya nilang pumatay, kakayanin ko ring pumatay ng mga kagaya nilang kriminal. “Kahit Mafia pa ito, wala akong pakialam. Buhay nga ang kinuha, Luther. Ano ang gagawin ko? Hahayaan na lang sila?” tanong ko sa kaniya. Umigting ang kaniyang panga at hindi man lang nagsalita sa aking sinabi. Kitang-kita ko kung paano siya magpigil ng inis. Ngunit imbis na magsalita ay pinili niyang manahimik habang pinapakinggan ako. “They slaughtered my friend, Luther! Sana isipin mo man lang na kaya ako nagagalit ay dahil pinatay nila ang kaibigan ko. Puwede namang ako na lang pero bakit nangdamay sila ng inosente?” nanggigigil na tanong ko sa kaniya. Alam kong nag-aalala lang siya dahil hindi naman maiiwasan iyon. Alam kong nagagalit siya sa mga nangyayari dahil sobrang tigas din ng aking ulo. Ngunit tingin ba niya ay mapipigilan niya ako sa aking gusto? Kahit patayin nila ako, basta lang maipaghiganti ko ang buhay na kinuha nila sa akin, ayos lang. “Hindi ako natatakot kahit marami siyang pinatay na tao, Luther,” bulong ko at muling ibinalik ang aking mga mata sa mukhang dapat kong paslangin. 'Hinding-hindi ako magpapatalo sa iyo, Thaddeus.' Nang makabalik ako sa lugar na kung saan ibinuburol si Celine, natagpuan ko si Nicole na nakatingin sa malayo. Babalik sana ako kahapon dito matapos kong makipag-usap kay Luther ngunit may nga kinakailangan akong asikasuhin sa company namin dahil hindi rin naman makaalis sina Mommy at Daddy rito dahil gusto nilang makiramay. Magkaibigan din kasi ang mga magulang namin at syempre, may mga business din talaga silang lahat at shareholders din ang mga magulang ko roon. Alam kong nasasaktan siya sa nangyari pero nagagawa niyang itago ang lahat sa pamamagitan ng kaniyang matamis na ngiti. Naramdaman niya ang aking presensya. Kaya napalingon siya sa aking gawi at ngumiti nang matamis. “Bakit hindi ka nakarating kahapon?” tanong niya sa akin. Gusto kong sabihin sa kaniya na balak kong bumalik sana pero dahil gumugulo sa aking isipan si Thaddeus at ang paghabol ng mga alagad niya, hindi ko na nagawang bumalik pa. Maa pinili ko na lamang asikasuhin ang business namin dahil wala namang mag-aasikaso kung hindi ako. “May emergency meeting lang sa company,” bulong ko at ngumiti sa kaniya nang malungkot. “Sorry.” “Kumakain ka pa rin ba?” tangkang tanong niya sa akin. Tumango naman ako at hindi nagsinungaling sa kaniya dahil totoo naman talagang kumakain ako. Sadyang may mga oras lang talagang wala akong gana sa tuwing naaalala ko si Celine. Sobrang sakit isipin kasi na namatay siya dahil lamang hindi ko siya nailigtas. Talagang hinayaan ko pa talaga siya at sinunod ang kaniyang kagustuhan na umalis sa lugar na iyon. “Alam mong ayaw na ayaw ni Celine na nalilipasan ka ng gutom. Baka sinasabi mo lang ito sa akin dahil ayaw mong mapagalitan ka,” paninigurado ni Nicole ngunit nginisihan ko lamang siya at napailing na lamang. “Hindi naman ako nagsisinungaling,” bumuga ako ng hangin at tinitigan ang langit na ngayon ay punong-puno na ng ulap. Mukhang uulan yata dahil medyo madilim din talaga ang mga ulap na bumabalot sa langit. “Kumakain naman talaga ako pero hindi kanin. Hangga’t may laman ang tiyan, okay na sa akin iyon,” paliwanag ko sa kaniya. “Kapag kasi pinilit kong kumain, baka masuka lang ako.” Hindi naman nagsalita si Nicole sa aking sinabi at mas piniling sulyapan na lamang siya. Unti-unti namang lumitaw ang kalungkutan sa kaniyang mga mata na ngayon ko lamang nakita. Sa ilang araw na burol ni Celine, walang ibang ginawa si Nicole kung hindi itago ang sakit na kaniyang nararamdaman. Kaya ngayong unti-untinna niyang ipinapakita ang kaniyang emosyon, kumirot ang aking dibdib. Ginagawa niya kasi ang kaniyang makakaya para lamang itago lahat ang kaniyang nararamdaman. Ngunit ngayong nakikita ko na ang kaniyang itinatagong emosyon, parang nagsisi akong makita ito. “Ang sakit pa rin talaga kahit anong pilit kong itago, Jenna,” naiiyak na pag-amin niya sa akin. Inilihis ko naman ang aking mga mata at piniling titigan na lamang ang aking sasakyan na nasa malayo. Naririnig ko siyang humihikbi nang mahina pero kalaunan ay unti-unti nang lumalakas. Kung nasasaktan siya sa nangyayari, mas nasasaktan ako dahil kitang-kita ko noon kung paano siya saktan ng mga gagong iyon. Kung sana pinilit kong lumaban, sana hindi nangyayari ang bagay na ito. Ramdam ko noon na hindi lang ang mga lalaking pumaslang sa kaniya ang mga tao roon dahil ramdam ko ang mga matang nasa malayo. Akala ko noon ay naguguluhan lang ako pero hindi dahil sa lugar na iyon, puro kalaban ang nandoon. Pare-parehas sila ng aura at hindi ko matukoy kung sino ba talaga ang taong nasa likod noon ng mga gulong iyon. “Sana makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Celine, Jenna. Ayaw kong ibaon sa limot na walang awa siyang pinatay nang kung sinong tao,” humahagulgol na bulong niya na nagpaigting ng aking panga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD