“So, what brings you here?” tangkang tanong ko sa kaniya nang makapasok siya sa aking office. Nakasuot siya ngayon ng puting damit ngunit hapit na naman sa katawan niya. Kitang-kita rin ang paggalaw ng kaniyang biceps sa tuwing magsasara lamang siya ng pinto. Ang kaniyng buhok? Magulo. Mukhang hindi nagsusuklay at hinahayaan lang na magulo ang kaniyang buhok ng hangin. Nakasuot din siya ng itim na Martin boots at black wide leg pants. Pansin kong hindi siya madalas magsuot ng fitted pants pero mas bagay naman sa kaniya ang maluluwag na pants. Nagtama ang mga mata namin pero umangat ang gilid ng kaniyang labi na para bang natutuwa sa kaniyang nakikita. Napabalik lamang ako sa reyalidad nang marinig kong mag-lock ang pintuan. Shit! “We will continue our business, Jenna,” bulong niya a

