Akala ko, noong gabing iyon ay mag-uusap kami but it turns out na pagtatalo pala and it kinda hurts me. Kinagat ko nang mariin ang aking ibabang labi lalo na nang maalala ko kung paano ko kalabitin ang gatilyo. Labag talaga sa kalooban ko ang bagay na iyon pero ang nakapagpa-trigger talaga sa akin ay kung paano patayin si Celine noon at kung paano ko nalaman na si Thaddeus ang may gawa. Binitawan ko ang document na hawak ko at tinakpan ang aking mukha nang maramdaman kong tumulo na naman ang luhang pinipigilan ko. Mahigit isang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang alaalang iyon sa akin. Habang umiiyak ako, narinig ko rin ang boses ni Thaddeus noon bago ako mawalan ng malay. He admitted that he loves me pero matapos iyon ay wala na akong narinig pa dahil nagd

