Kinagat ko ang aking ibabang labi nang makarating ako sa hotel. Nawala ang lalaking naka-connect sa signal ko kanina ngunit hanggang ngayon ay nababahala ako. How did he managed to enter my signal without any sweat? Mahirap i-hack ang signal ng earpiece pero siya ay nagawa niya kaagad nang walang kahirap-hirap. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon lalo na at wala namang nakakaalam ng IP address ng earpiece namin. Mabilis kong tinanggal ang aking earpiece at kaagad na sinira ito nang walang pag-aalinlangan. Hihingi na lang ako ng sa mga kasama ko mamaya kung may extra earpiece pa sila. Hindi kasi pupuwede ang ganoon. Puwedeng pasukin na naman niya ang earpiece ko nang walang kahirap-hirap kung sakali. Habang tumatagal, natatakot akong kalabanin siya dahil hindi ko siya masyado

