Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko. Mabilis kong nilingon kung saan iyon nanggaling ngunit nagulat ako nang nakarinig ako ng parang may mga bumagsak. Imbis na hanapin kung saan nanggaling ang putok ng baril, minabuti kong tingnan ang mga dapat na kalaban ko at hindi inaasahan na lahat sila ay nakahiga na sa kalsada. Napaawang ang aking labi sa nangyari dahil buong akala ko ay ako mismo ang papatay sa kanila pero bakit ganito na lamang ang nangyari? Bakit nakahandusay na sila sa sahig? Bigla ko na lamang naramdaman ang presensyang kinatatakutan ko kanina dahil nagsimula itong gumalaw. Mabilis kong hinanda ang aking sarili ngunit bago pa man ako makagalaw ay may naramdaman akong bisig na pumulupot sa aking bewang at mabilis na isinandal ang aking likuran sa aking sasakyan. Nah

