Medyo nahuli si Maricon ng dating sa nasabing tagpuan nila ni Gilbert. Kanina pa siya kinakabahan. Malayo pa siya sa table na kinauukupaan ng naghihintay na katagpo ay nakita na niya ang malawak na pagkakangiti nito ng masulyapan ang kanyang pagdating. Kagaya ng muli nilang pagkikita, gusto niya itong takbuhin at yumakap ng mahigpit dito, dahil sa ilang linggo nilang hindi pagkikita, pakiramdam niya ay bumalik ang limang taong nakalipas sa huli nilang pagkikita. Pero alam niyang mali ang kanyang nararamdaman at kailangan niyang huwag kunsintihin ito. Nagtaka siya dahil tila walang ibang tao sa loob ng restaurant tanging sa labas lang ng pasilyo mayroong mga mangilan-ngilang kumakain. “Hi! Pina-reserve mo ba ang buong restaurant?” Dudang tanong nito kay Gilbert. Ngiti lamang ang isinagot

