Nabungaran ni Maricon ang masayang pagkukuwento ni Lito kay Gilbert sa loob ng opisina nito. Hindi siya napansin ng dalawa habang abala sa mga gawain at pagsusuri ng iba’t ibang dokumento sa kanilang kaniya – kaniyang lamesa kasabay ng pagkukwento ni Lito at pakikinig naman ni Gilbert.
“Kung nakita mo lang talaga boss ang mukha niya, galit na galit na nilukot ang kopya ng marriage contract na ibigay ko sa kanya, wala siyang nagawa kung hindi tanggapin ang cheke, at sabi pa, he will hire an investigator to prove the marriage contract is fake, and he will then get back what belongs to him by hook or by crook,” kuwento ni Lito sa pagitan ng mga tawa.
Tahimik lang na nakikinig at ngingiti-ngiti si Gilbert bakas sa mukha nito ang tagumpay.
Napatingin sila sa may pintuan ng marinig ang ring ng isang cellphone. Galing ito sa cellphone ni Maricon.
“He - - hello,” nag-aalangan sagot nito.
“You deceived me!” Galit ang boses ng Don sa kabilang linya. “But it will not ends here, I will find a way to prove it myself that you’re just playing a foul play! And I will make it sure that you’ll be mine in the end!” Dugtong nito saka na pinutol ang linya.
Napasandal si Maricon sa pinto, nanlambot ang mga tuhod nito. Napalapit si Lito sa kanya upang alalayan siya.
Nakaramdam siya ng takot. Hindi siya sanay sa banta ng kung sino. Pinipilit niyang kalmantehin ang sarili. Ayon sa kanyang narinig na kuwento ni Lito kay Gilbert, malamang ay alam na niya kung bakit galit na galit siyang tinawagan ni Don Guillermo.
“Sino ba ang tumawag sa iyo at nagkakaganyan ka?” Takang tanong ni Lito nang maiupo si Maricon.
“Si Don Guillermo. May banta ang kanyang salita. Galit na galit ang kanyang tinig,” pinapakalma parin niya ang kanyang boses pero pinangingiliran siya ng luha sa mata.
“He is only furious because he can’t accept the fact of what he’d just learned. He has nothing to do with it anyway,” kalmadong komento ni Gilbert.
“Don’t worry, inayos na ni boss ang lahat. At tinanggap na ni Don Guillermo ang cheke kanina.”
Tumingin si Maricon kay Gilbert.
“It doesn’t make any sense if you keep yourself worrying,” wika ni Gilbert at muling itinuon sa laptop nito ang pansin.
“By the way Tolits, deliver all the needed requirements to Mrs. Walter, especially the copy of the marriage contract. I need an ASAP result,” utos ni Gilbert kay Lito.
“Yes boss, I will,” sabay ng umalis si Lito upang sumunod na sa utos ni Gilbert bitbit ang inihandang mga papeles.
Tumayo na sa pagkakaupo si Maricon. “I’m leaving out this office, baka nakakaistorbo ako sa iyo.”
Ni hindi man tinapunan ng tingin ni Gilbert ang umalis na asawa patuloy ang tipa at browse sa kanyang laptop.
Mag-isang tinungo ni Maricon ang Central Park kung saan sila unang nagkita ni Gilbert. Ngayon niya nakita ang ganda nito, dati kasi ay puno siya ng pag-aalala. Ngayon kahit paano ay unti-unti nang nawawala ang pressured sa kanya.
“Darating ang araw maaasikaso ko na ang aking pribadong buhay nang may katahimikan. I hope for that very soon,” naibulong niya sa sarili. “Pero sa ngayon, kailangan ko munang maasikaso at mapanindigan ang pinasok kong kasunduan upang matapos ito kaagad,” muling naisa-isip.
Nagtungo ito sa isang bahagi ng parke, sa harap ng Bethseda Fountain at doon ay maya-maya siyang naghahagis ng maliit na bato sa tubig.
May pag-aalala parin ito sa tuwing maiisip ang tawag kanina ni Don Guilermo. Ngunit pinilit parin niyang paniwalaan ang sinabi ni Gilbert na galit lamang ang matanda kaya niya nasasabi ang ganoong bagay.
“Matatapos din ang lahat, at unti-unting magkakaroon ng solusyon,” muling naisip. Tiningnan niya ang kanyang suot na wrist watch, magtatatlong oras na pala siyang nandoon sa park. Nalibang siya sa kakapanood ng mga batang naglalaro at pamilyang masayang nagpapalipas ng oras.
“Why are you here?” Hindi niya napansing nakalapit na pala sa kanya si Gilbert at naupo sa bato na sadyang nakapabilog sa fountain upang upuan ng mga namamasyal. Tulad ng dati ay bigla na lamang itong sumusulpot sa tabi niya.
“Pasensiya na, hindi na ako nakapagpaalam, na-boring kasi ako kaya naisipan kong lumabas at mamasyal muna, pero bakit andito ka rin?” Tanong niya kay Gilbert saka ito naupo rin.
“From now on, don’t go out without me. At least until the honeymoon period,” tumingin sa kanya si Gilbert pagkasabi niyon.
“Why? May problema ba?” pagtatakang tanong ni Maricon.
Inakbayan siya ni Gilbert at kinabig palapit sa kanya.
“Hey, are you teasing me again?” Kunot-noong tanong ni Maricon na tangkang lalayo kay Gilbert. Medyo nailang siya sa ginawa nito at kunot-noong tinapunan ng nagtatanong na tingin.
“We’re newlyweds. If we want to prove to them that our contract is for real and not just on a paper, we shouldn’t go anywhere without each other, at least for a month. There are many eyes that would be checking on us.”
Napabuntong-hininga si Maricon sa sinabi ni Gilbert. “Oo nga naman, tama nga naman siya. Again, ako nanaman ang assuming. Tsk,” sa isip nito.
“Simply take a glance over your left side. The guy with a dark blue leather jacket with a DSLR camera hanging on his neck is a hired photographer.”
Nakita nga niya ang isang lalaking may dalang camera na sa unang tingin ay magagandang view lamang ang tila pinipicturan nito.
“I assume they already validated the copy of our marriage contract. I just don’t know if it is on the part of Don Guillermo or Mrs. Walter, But I know they will do both,” patuloy ni Gilbert.
“Matalino siya, dahil alam niya ang mga dapat gawin sa lahat ng pagkakataon,” naisip muli ni Maricon.
Inalok ni Gilbert ang kanyang kamay sa kanya upang hawakan nito. Hindi naman siya nagdalawang isip na ihawak ang kamay sa kamay ni Gilbert, medyo naiilang nga lang siya.
Magkahawak sila ng kamay na naglakad-lakad, maya-maya ay inaakbayan siya ni Gilbert. Sumakay lamang ito sa gusto ni Gilbert, sa bandang huli ay nasanay narin siya sa kunwaring pagsu-sweet-sweet-an nito sa kanya. Nilibot nila ng magkasama ang kabuuan ng Central Park, tulad ng Urban Oasis kung saan minasdan nila ang mga namamangka, Nanood sila ng mga batang nakasakay sa Carousel Hourses Ride. Nagawi sila sa Strawberry Field kung saan may ilang mga mag-partner na namamasyal na gustong makapagsolo dahil bihira lang ang nagagawi doon dahil nasa bandang dulo ng parke, hawak kamay din silang dumako sa Museum Miles na ikinalibang naman ni Maricon ang pagtingin sa mga paintings na nakasabit sa wall, isinama din siya ni Gilbert sa Vallery Park at doon ay sumakay ng yate patungong Statue of Liberty. Panandaliang nakalimutan ni Maricon ang lahat ng mga bagay na nagpapagulo sa kanyang isipan, lalo niyang na enjoy ang ganda ng New York City, madalas tuloy ay nakakalimutan niyang kunwari lang ang pagiging close at sweet nila ni Gilbert, nake-carried away kasi siya sa magandang view na kanyang nakikita. Nagpapicture pa sila sa Brookline Bridge upang magkaroon sila ng souvenir at ang huli ay tumungo sila sa Time Square upang mamasyal sa mga nakapaligid na Malls sa siyudad at doon na kumain sa isang maganda at mamahaling restaurant. Muli ay nahuli ng mga mata ni Maricon ang kaninang itinuro ni Gilbert na photographer. Hinalikan siya sa buhok ni Gilbert at hinapit sa bewang habang magkaakbay silang naglalakad-lakad sa mall. Alam niyang nakita iyon ni Gilbert kaya niya iyon ginawa.
“Did you enjoy?” Nakangiting tanong sa kanya ni Gilbert, sakay na sila ng sasakyang pabalik ng bahay. Ginabi narin sila sa pamamasyal.
“Enjoy what? The show a.k.a pretending to be sweet or the view?” Naisip ni Maricon na isagot pero hindi niya ginawa. “Yeah, I enjoyed but tired,” nakangiti niyang sagot alam naman din niya ang tinutukoy ni Gilbert, siya lang naman ang lumalawak ang imahinasyon sa mga bagay-bagay.
“Boss, si Mrs. Walter maghapon na daw siyang naghihintay ng tawag mo,” salubong ni Lito pagdating nila. Saka tumingin kay Maricon. “Hi Connie, kamusta ang buhay may asawa? Masaya ba ang date ninyo ni Boss? May himig panunukso ang tono ni Lito.
Nginitian lamang siya ni Maricon. Kinuha naman ni Gilbert ang telepono at may tinawagan.
“Mrs. Walter, it’s me Gilbert…….. Yeah, I didn’t have my mobile phone with me because I’m with my wife the whole day and I intended to leave it. . . . . well, I’m sorry to keep you waiting……. Yeah, . . . . of course newlywed and enjoying each moment together.. . . . . .Thank you….. . . . .nope, we don’t have an out of the country honeymoon………Actually, I just have re-scheduled all my appointments even only for this week to have more time with my wife, but if you’re requesting us to come, I’m glad to give way.. . . . Of course, by all means, see you tomorrow. Bye,” nasa mukha ni Gilbert ang ngiti.
“We will go to Mrs. Walter’s house tomorrow and she wants to meet you,” ang tingin niya ay kay Maricon. Alanganin ang tango ni Maricon.
“E, boss, tumawag kanina ang kakilala ko sa civil registry, may nagverify daw ng copy of marriage contract ninyo,” balita ni Lito.
“I am expecting that,” si Gilbert.
Hindi na nagtagal pa sa home office si Maricon, sa halip ay tumuloy na ito sa kanyang kuwarto upang makapagpahinga masyado kasi siyang napagod sa pamamasyal nila. Pero kahit pagod nakakaramdam siya ng excitement sa tuwing babalikan ang mga eksena nila ni Gilbert.
“Hmn, walang ibang kahulugan iyon,” pagbibigay katuwiran nito.
Binasa niya ang isang makapal na librong nakalagay sa shelf na naroon. Nakakailang pahina pa lamang siya ay sumakit na ang mga mata sa kakabasa, hindi parin siya dalawin ng antok at nakaramdam rin ito ng gutom, minabuti niyang magpunta sa kusina. Ngunit bago ito nakapunta ng kusina ay naisipan niyang sumilip muna sa opisina ni Gilbert, napansin kasi niyang naka-awang ng kaunti ang pinto at bukas pa ang ilaw. Nagtungo na siya sa kusina at nagtimpla ng dalawang baso ng gatas at sandwhiches. Tumuloy siya sa opisina.
“I have you a glass of milk and sandwich.”
“Oh well, thanks,” nakangiting tingin sa kanya ni Gilbert.
“Mukhang busy ka at ganitong oras na ay nagtatrabaho ka pa rin.”
Sumulyap sa wall clock si Gilbert. “Oh, it’s 1 o’clock in the morning,” gulat nitong sabi.
Inabot ni Maricon ang baso ng gatas sa kanya.
“Milk?” Nangiting wika ni Gilbert sabay pa ang bahagyang taas ng isang kilay ng abutin iyon.
“Yeah, hindi kaba umiinom niyan?”
“Well, this is the first time that somebody offers me a glass of milk since I live here in New York, ever since, I prefer wine, juice or water.”
“Oh, well, kung hindi mo gusto it’s okay, I will just have it then.”
“No, no, it’s okay, I am just not used to it.”
“Baka lang kasi hindi ka makatulog kaya andito kapa, kaya I prepared you a glass of milk.”
“No, I’m just trying to finish the contract which Lito ought to bring to Mr. Dale, one of my colleague, tomorrow. Anyway, why you’re still awake? I thought you were tired?”
“Nagutom ako kaya naisipan kong magpunta sa kusina.”
Tumango-tango lamang si Gilbert habang patuloy na tumitipa sa kanyang laptop.
“Ganyan kaba talaga magtrabaho? You’re spending too much time working? Kasi when my father still alive, although sometimes, he is busy with some business acquaintances, still he has some time for us.”
Hindi kumibo si Gilbert patuloy ang pagtipa sa laptop.
“Iyan ba ang secret mo why you are successful? To devote all your time in dealing with different business matters? Dapat pala ganyan ang ginawa ng Daddy ko para hindi nangyari sa aming negosyo ang ganito. Nakamatayan niyang hindi naisalba ang negosyo at ngayon nagmumuntikan kong hindi ma-save,” may hatid na lungkot ang salita ni Maricon.
Hindi parin siya tinapunan ng tingin ni Gilbert, nakikinig lamang ito kay Maricon habang ipinagpapatuloy ang ginagawa.
“Perhaps your right ng sabihin mo sa akin na sa tuwing nakakakita ka ng malungkot at umiiiyak na tao, tiyak malaking bahagi ng dahilan ay pera. Palagay ko pera lang talaga ang malaking problema ng mundo. Dahil kung marami lang pera ang Daddy ko kahit na pumalya pa siya sa pagpapatakbo ng negosyo namin, tiyak hindi siya magkakautang hanggang sa maitama ang pamamalakad,” patuloy ni Maricon.
Isinara na ni Gibert ang kanyang laptop at tumingin na lang sa nagkukuwentong si Maricon.
“Gusto kong isiping nasa iyo na ang lahat ng bagay, nakakaingit ka,” patuloy ni Maricon.
Nangiti lamang si Gilbert sa kanya.
“Masaya at kontento kana ba sa buhay mo?” tanong ni Maricon.
Napatingin sa kanya si Gilbert na tila nag-isip sa kanyang tinanong. Maya-maya bahagya lamang itong ngumiti kasabay tumayo buhat sa prenteng pagkaka-upo sa kanyang swivel chair. “It’s already time, we still have an appointment with Mrs. Walter tomorrow,” wika nito, imbis na sagutin si Maricon.
Sabay na silang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Nasa magkabilaang gilid sila ng hagdanan marahan ang mga hakbang na para bang may prusisyon.
“Hindi kaba nagsasawa sa araw-araw na ginagawa mo?” Tanong ni Maricon.
“Why did you ask?”
“Wala lang, kasi very routinary ang trabaho mo.”
Ngumiti si Gilbert ng bahagya.
“May time ka pa ba sa sarili mo? Tingin ko kasi wala eh.”
“Well, I’m enjoying my work anyway. And this is my life.”
“Without noticing the years passing by?”
“What do you mean? I am still young.”
“Wala ka bang plano to settle down? I mean, mag-asawa.”
“I just did!” Kunot noong sagot ni Gilbert na para bang pinipigilan ang mangiti.
Ngumiti si Maricon “No, what I mean is the real marriage.”
“As a matter of fact, we had a real and registered marriage,” may tono ng pagtantiya ang wika ni Gilbert.
“I know you know what I mean,” medyo pagtataray ni Maricon ng makahalatang medyo pinipilosopo siya ng kausap. Ngiti lamang ang itinugon sa kanya ni Gilbert.
Magkokomento pa sana si Maricon ng sa muli niyang paghakbang ay natalisod siya dahilan upang ma-out of balance.
“Ayyyyy!” Pasigaw niyang sabi.
Mabilis siyang nasapo ni Gilbert at nagmuntikan silang malaglag ng hagdan. Na-awkward bigla si Maricon sa pagkakasapo sa kanya ni Gilbert lalo na ng pareho silang tila frozen ng ilang sandali habang walang kurap na napatitig sila sa isa’t-isa habang nasa alanganing puwesto.
“Are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Gilbert ng makitang napakurap si Maricon.
“Yeah, thank you,” kinakabahang sabi ni Maricon at palayong kumawala sa pagkakahulog niya sa mga bisig ni Gilbert.
Subalit ng muli nitong ihakbang ang kanyang mga paa ay tila naipitan siya ng isang maliit na ugat kaya muli siyang napahawak sa railing ng hagdanan.
“Ouch!”
Muli siyang inalalayan ni Gilbert. “I think you’re not good,” wika nito at walang pasabing binuhat agad si Maricon na ikinagulat ng huli.
“Don’t move and just relax, if you do so, we might fall down together.”
Naiilang man, hindi na lang kumibo si Maricon at umakbay na lang sa balikat ni Gilbert. Marahan siyang inilapag sa kama.
“Thank you again, pasensya na,” nahihiyang sabi ni Maricon.
Walang kibong kinuha ni Gilbert ang nasaktang paa ni Maricon at marahang hinilot.
“Ouch!”
“It’s okay, it’s just sprained a bit. Better get rest and don’t move it, it might get swollen.”
Patuloy nitong minasahe at maya-maya ay inalalayan si Maricon na mahiga.
“Thank you ah. Sweet ka naman pala,” medyo nahihiyang biro ni Maricon.
“Don’t misinterpret it, I just don’t like any hassle attending to Mrs. Walter’s invitation,” saka na ito humakbang patungong pinto.
Kumunot ang noo ni Maricon. “Hmn….. suplado nito, lagi nalang business ang nasa isip,” bahagyang sabi ni Maricon.
Narinig ito ni Gilbert pero idinaan na lamang nito sa iling bago tuluyang lumabas ng kuwarto.