CHAPTER 7 – My Hero

1472 Words
Matapos sa reception ay tumuloy na sila sa bahay.  Tumuloy sa home office sina Lito at Gilbert tulad ng dati, inaayos nila ang ilang dokumentong kailangan para sa iba’t-ibang transaksiyon ni Gilbert.               “By the way Tolits, tomorrow, rush the registered copy of our marriage contract and produce more copies.” Si Gilbert, noon ay nakaupo sa swivel chair at isa-isang tinitingnan ang ilang dokumentong inabot sa kanya ni Lito.                “Yes boss.”               “Once you had the contract, go directly to that man’s house with a check and immediately report to me his feedbacks.”               “Okay Boss.”               Nang matapos sila ni Lito sa mga gawain at nakapagpaalam na si Lito sa kanya, tinungo niya ang pintong katabi ng kanya kuwarto, ito kasi ang binilin niya kay Martha na tutuluyan ni Maricon.  Nakatatlong katok saka siya pumasok, nadatnan niyang mula sa beranda ng kuwartong inokupa nito, tinatanaw ni Maricon ang maliliwanag na ilaw sa siyudad. Palibhasa’y malalim ang iniisip ni Maricon kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ni Gilbert.               “Same old problem I guess,” pabuntong hiningang sabi ni Gilbert at nakitanaw ito sa tinatanaw ni Maricon. “You aren’t fine?” Dugtong pa. Tinapunan siya ng tingin ni Maricon at pabuntung hiningang ibinalik ang tingin sa dati. “Ayoko sanang isiping hindi pa tapos ang lahat matapos ang ginawa nating pagpapakasal. Pakiramdam ko ay mas lalo akong natakot ngayon sa maaaring mangyari,” wika nito.               “You are already married, and being afraid of hooking up with that old monster won’t happen ever.”               “Alam ko, pero baka sa galit niya ay tuluyan ng mawala ang negosyo ng aming pamilya. If that happened, I will never forgive myself.  Perhaps the effects of all these things are just only saving myself, but not the company.”               “Ever since I’ve got engaged in any business deal, I see to it that I gave a fair and square benefit.  Since we started it out, I don’t want to end it unsolved.  I make it sure that the favor is on our side.”               “What if not,” nag-aalalang tanong ni Maricon saka bumaling kay Gilbert.               “I hope you stop the angst and just trust me,” nakangiting paniniyak ni Gilbert.               Kahit papaano ay naglubag ang loob ni Maricon at pinilit na panghawakan ang mga salita ni Gilbert.               Alanganin niyang ipinatong ang kamay sa kamay ni Gilbert na nakahawak sa bakal ng railings, tumingin sa kanya si Gilbert.               “Thank you for being there kahit na ibang tao ako pinagmamalasakitan mo ako, kahit pa sabihin mong may pakinabang ka rin sa ginagawa mong tulong sakin, iba parin ang nagagawa mo.  Kahit papano ay  napaglulubag mo ang kalooban ko at nawawala ang pagka-hopeless ko.  At the same time nabibigyan mo ng  katwiran ang lahat ng nangyayari. Thanks for being my hero,” sinserong wika ni Maricon.               Tinapik-tapik ni Gilbert ng isang kamay niya ang nakahawak na kamay ni Maricon saka ngumiti.               “You know what, you’re just looking for life as serious as it is. And it seems everything is a burden to you.  You are always worrying for nothing.”               Humugot ng buntong hininga si Maricon at muling tumingin sa malayo.               “Gusto ko sanang piliting hindi ko seryosohin ang lahat ng nangyayari sa akin pero hindi ko magawa. Perhaps, wala kasi akong alam na susuporta sa akin dahil wala na akong pamilyang masasandalan.”               “Then, if you want to be strong, learn how to fight alone.  And in case you need help, since I have started it out, just ask me and I’ll be there. In fact, we're now a family because I am now your husband,” nakangiting wika ni Gilbert.               Ngumiti si Maricon kay Gilbert. “By the way, about last night,” naalala nito.               Nakatingin lang si Gilbert sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya.               Muling nakaramdam ng pagkapahiya si Maricon ng sumagi sa isip niya ang nangyari. “I’m sorry,” wika nito. Puzzled siya sa ngiti ni Gilbert. Hindi niya mabasa ang expression nito.               “It was just a kiss don’t worry,” tila may pagpipigil ang mga ngiti sa labi ni Gilbert.               “Ye…. yeah, it’s just a kiss,” pangungumbinsi ni Maricon sa sarili habang sinasabi iyon.  Saka nakaramdam ng pagkailang.               Sumandal sa railing si Gilbert at nagcross arms. “A sweet kiss actually. It tastes wine,” saka pa bumaling ng tingin kay Maricon saka ito ngumiti ng makahulugan.               Nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi si Maricon sa sinabi ni Gilbert na lalong ikinapahiya niya dahilan upang wala sa loob na makagat ang pang-ilalim na labi.  “Malamang lasang alak, kasi nakainom ako,” dumaan sa kanyang isipan.               “Hey, stop doing that,” saway ni Gilbert habang nakatingin pa rin sa namumulang kausap.               Nag-angat ng tingin si Maricon at kunot noong bumaling kay Gilbert. “Stop what?”               “Biting your lips, it’s sending a naughty gesture. Remember, it should be our first night as a couple, do not tease me, for I can’t help myself to entertain your motives,” seryosong wika ni Gilbert, na lalo namang ikinapahiya ni Maricon.               “Are you serious? I thought we had talked about it,” kinakabahang wika ni Maricon.               “Talked what?”               “A…akala ko ba sa papel lang tayo kasal? Hey? What do you mean? Teka…… teka, umayos ka Mr. Servantes,” tila nagpanic na wikang babala nito.               “Why acting so strange? Last night you just had offered yourself to me. You even begged me to take it,” kunot noong wika ni Gilbert.  “I just didn’t react to it because I want to do and take it legally.  I thought we’re ready for it,” dugtong pa nang tila naghahamon.               “Ha?!” Tila naguluhan si Maricon sa mga sinasabi ni Gilbert.  “Hey, you are the one acting strangely. You even mentioned that we will not consummate our marriage,” nagpapanic parin siya, hindi niya mabasa kung seryoso o nagbibiro lang si Gilbert sa mga sinasabi nito.               Marahang lumapit sa kanya si Gilbert, gustong-gusto ni Maricon na humakbang paurong subalit ayaw sumunod ng kanyang mga paa sa utos ng kanyang isip.  Tila lalo siyang nanigas ng haplusin ni Gilbert ang kanyang mukha at titigan siya.  Napapigil siya ng hininga sabay napapikit. Hinintay na lamang niya ang gagawin ni Gilbert kung sakali.               “Hey, I was only kidding.”               Narinig nito ang boses ni Gilbert na tila malayo sa kanya.  Nagmulat siya ng dahan –dahan at ng makita niya si Gilbert nakahawak sa handrail at nakatanaw sa labas at tinitingnan ang mga ilaw sa malayo, tila nakadama ng pagkapahiya si Maricon.  Naguluhan siya, ang alam niya ay hindi niya gusto ang akala niyang gagawin ni Gilbert, pero bakit noong bawiin nito ang akalang balak ay nalungkot at nanghinayang ang bahagi ng kanyang puso. Umasa ba siya? Pero bakit?               Tinapunan siya ng tingin ni Gilbert. “See, your mood has changed,” nakangiting wika nito.               “Pinakaba mo naman ako,” saka pa niya inirapan ang kausap.               “I won’t do that. Unless you offer it again,” saka ngumiti ng nakakaloko.               “Sabagay, kagabi nga inumpisahan ko na, hindi mo pa itinuloy. Bading siguro ito,” mahinang sabi sa sarili ni Maricon.               “Hey, are you mad because I teased you? Or because I didn’t pursue what you think I’m intending to do?” Muling biro ni Gilbert ng hindi kumibo si Maricon.               “Hmn! ewan ko sayo,” pagsusungit na wika ni Maricon saka niya ito inirapan.               May sasabihin sana si Gilbert subalit nagring ang cellular phone nito at sumenyas na sasagutin ang tawag.               “Marunong ka palang mag joke ah,” sa isip ni Maricon habang naka tingin kay Gilbert na may kausap sa phone nito na as usual, it’s business.  Napapangiti siya ng bahagya habang lihim niyang pinagmamasdan ang kabuuan ni Gilbert at ang mga gestures nito.  Kung paano ito makipag-usap, makatindig at manamit.  “Napakasuwerte naman ng babaeng mamahalin niya, hindi ko akalaing bibigyan niya ako ng pansin at tutulungan, siguro maraming maiinggit sa aking kababaihan dahil sa inaakala nilang ako ang masuwerteng babaeng nagmamay-ari na sa kanya,” naisip pa ni Maricon habang patuloy na pinagsasawa ang mga mata sa kagandahang lalaki ng ngayon ay asawa na niya- - - - kahit sa papel lang.               Napailing na lamang siya sa mga naisip, tama si Gilbert, naiba nga ang mood niya sa ginawa nitong panggu-good time sa kanya kanina at nagawa pa niyang magpantasya sa asawa sa kabila ng mga iniisip na  pag-aalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD