CHAPTER 6 – Make me yours!

2809 Words
Nagtuloy sa bahay ni Don Guillermo ang dalaga pagkagaling kay Gilbert.               “It’s a surprise that you’re here visiting me without calling you Connie,” maluwang ang pagkakangiti ng Don habang palapit siya kay Maricon na naghihintay sa sala.  "I told you that my driver will pick you for gown fitting. Why came so early?" Dugtong pa at tangkang hahalik ang Don sa kanya ng iwasan niya ito. Pilit na itinago ng Don ang kanyang pagkapahiya at dismaya.               “About last night, I am worried about you, and keep on calling you, but you rejected all my calls, I am thinking that you really mad at me,” wika nito.               Hindi parin kumibo ang dalaga.               “Please sit down. Make yourself comfortable, this will be your home soon eventually.”               “I won’t stay long Don Guillermo,”seryosong sabi ng dalaga na nanatili pa ring hindi umuupo.               “I told you just call me Guiller, you’ll be my wife soon,” naupo na ang Don ng hindi tuminag si Maricon sa pagkakatayo.               “I have the check here, a blank check actually,” inabot niya sa Don ang cheke.               Kumunot ang noo ng matandang mestiso habang tinatanggap ang cheke.  “What is this check for?”               “Payment for my obligations,” may pagmamalaking sagot ni Maricon.               “Instead of marrying me? Is that what you are trying to imply?” Unti-unting rumerehistro sa mukha ng  Don ang galit.               “Yes. I’m buying my freedom?” Walang kurap na sagot ng dalaga at ikinagulat niya ang ginawang pagpunit ng Don sa hawak niyang cheke.               “I don’t know where you got this damn check! But I tell you, I am not selling you! I don’t want money, because I have a lot of it, but it is you that I want! And I need! I’d already invested for you,” galit at madiing sabi ng Don.               Pakiramdam ni Maricon ay muling gumuho ang kanyang mundo, daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig ng mga sandaling iyon, kahit anong pigil ng kanyang emosyon ay pilit na naglaglagan ang kanyang mga luha. “Our wedding will push through as it was scheduled!” Matigas na sabi ng Don.  “Nobody is allowed to interfere!” Madiin nitong muling sabi. Nagkuyom ng kamao si Maricon, galit na galit siya sa response ng matanda sa effort niyang humanap ng paraan upang makabayad siya dito, subalit walang silbi pala ang lahat. “I already told you that I did what I’ve done just to have you, and knowing that I already have what I want, I will never! .....never allow anybody to meddle with it! And even you, cannot do something about it! You already bonded with me Maricon! So don’t think of any reasons to get out of it, you’re just wasting your effort in trying to do so!” Madidiin ang bawat salitang binibitiwan ng Don at may kalakip na galit. Walang nasabi si Maricon sa halip ay muling walang paalam na tinalikuran si Don Guillermo.  Pumara siya ng taxi, wala siyang alam na pupuntahan at tatakbuhan kung hindi ang bahay ni Gilbert. Malalaki ang hakbang nitong pumasok sa loob ng bahay pagkabukas ni Martha sa pintuan, tumuloy siya sa kuwarto ni Gilbert, doon kasi siya nakakita ng alak, kanina pa sa taxi niya pinipigilan ang nagpupuyos niyang damdamin, panay ang punas ng mga luha niya upang hindi masyadong mapansin ng taxi driver ang kanyang pag-iyak, gusto niyang lunurin ang sarili sa alak ng oras na iyon.  Alam niyang wala pa si Gilbert at Lito.  Nakarinig siya ng katok sa pinto ng kuwarto.  “Miss Connie, are you okay?” Sinundan pala siya ng tigalinis at nag-aalalang tinanong.               “Yeah, I’m fine, I just want to be alone, please,” umiiyak niyang sagot.                “Just ask me if you need help. I am just at the kitchen.” “Thank you,” may kasabay pang hikbi ang kanyang salita. Hindi na nangulit ang tagalinis.               Sunod-sunod ang tungga niya sa matapang na alak, matapos maubos ay kumuha pa ito sa estante at muling tumungga.               “Ang akala ko maaayos ko na ang lahat kapag nagkaroon ako ng pambayad, ngayon pala hindi pa, wala na talaga akong pag-asang makatakas sa kamay ng matandang iyon,” hagulgol na sabi niya saka pa simigok dahil nalasing na ito sa alak na kanyang iniinom.  Ang sama-sama ng loob niya ng mga sandaling iyon. Walang tigil ang kanyang pag-iyak habang panay ang salin niya ng alak sa baso sa tuwing mauubos ang laman nito, tila tubig kung tunggain niya ang laman ng sinalinang baso, hindi niya ininda ang pait ng lasa dahil pakiramdam niya ay mas mapait ang dulot ng kanyang nararanasan ngayon. Nakailang beses ding kumatok at maya-maya ay binabalikan siya ni Martha upang kamustahin siya pero hindi niya ito pinansin. Samantala, tulad ng dati, gabi na naman umuwi si Gilbert.  Agad siyang sinalubong ng tagalinis at nagsabing kanina pa ito nag-aalala kay Maricon.               Nag-aalalang agad tinungo ni Gilbert ang kanyang silid, halos takbuhin nito ang hagdanan papanhik.               Nadatnan niyang halos nakahandusay na sa sahig ang dalaga at umiiyak parin, patuloy ang pag-inom nito ng alak.  Isang bote ng alak ang wala ng laman at halos maubus na rin ang pangalawa.  Madali niyang inagaw dito ang hawak na baso at bote.  Ikinagulat ito ni Maricon, at nang mapagsino ang gumawa niyon ay muli itong humagulgol.               “I am hopeless,” halos magkabulol-bulol itong nagsalita sa pagitan ng kalasingan at hagulgol.               “What are you doing?! Why are you doing this to yourself?!” Galit na wika ni Gilbert, pero marami ang kanyang pag-aalala.               “Ang kapal ng mukha niya, nakakasuklam siya!” Muling sabi nito sa pagitan ng matinding pag-iyak.               “I don’t know what are you talking about, and who caused you to be so frantic like this, but I think you need to rest first so that your emotions will not eat up yourself,”  inalalayan niya ang  dalaga upang makatayo mula sa sahig at maiupo sa kama.               “Hindi ko na alam ang gagawin ko, tulungan mo ako, nakikiusap ako sa iyo,” pinagdaop ng  dalaga ang mga palad sa batok ni Gilbert hindi ito bumibitiw kahit pilit na tinatanggal ng huli ang mga kamay nito ng maiupo na si Maricon sa gilid ng kama, dahil kung hindi gagawin iyon ng binata ay matutumba at masusubsob siya kay Maricon.               “Ayokong ibigay sa kanya ang kumpletong tagumpay Gilbert, tulungan mo ako,” lasing na wika nito kasabay ng matinding pagpupuyos ng damdamin.               “I will, but you need to compose yourself first and let’s talk about it.”               “I can’t, I am so desperate,” muling wika nito na halos mamaos na sa kakaiyak.  “A…angkinin mo ako!  Papayag ako. Kung hindi ko siya matatakasan gusto kong pagsisihan niya ang lahat,” pagsusumamo ni Maricon sa pagitan pa rin ng matinding iyak at kalituhan dulot ng pagtanggi ng Don sa inabot niyang cheke.               Nagitla si Gilbert sa alok ng dalaga. Tinitigan niya ito. Tinatantiya ang sinseridad nito sa kanyang sinabi.  Hindi siya nakaiwas ng si Maricon na mismo ang sumiil ng halik sa kanya.  Dahil sa ginawa ni Maricon ay sandaling natigilan si Gilbert at maya-maya ay pilit na inilayo ang dalaga sa kanya subalit kapit tuko ito na lalo pang hinigpitan ang yapos upang hindi makaiwas sa mga halik nito.  Lalaki siya at hindi mapigil ang sariling hindi madarang at gantihan ng halik ang dalaga.               Naging mapusok ang kanilang halikan. Hanggang sa tuluyan silang nabuwal sa kama. Kusang nagtanggal ng damit niya si Maricon habang ramdam niyang bumibigay na si Gilbert sa kanyang alok, kailangan niyang samantalahin ang pagkakataon.  Lasing man siya pero sa kalahati ng kanyang katinuan alam niya ang kanyang ginagawa at desisyon, iyon ang kanyang inaakalang tamang gawin upang makapaghiganti kay Don Guillermo.               Kinabukasan, nagising si Maricon ng tamaan ng sinag ng araw na pumasok sa likod ng mga kortinang hinawi ni Gilbert.               Nanibago siya sa lugar na bumungad sa kanyang mga mata.  Wala siya sa kanyang tinutuluyang hotel. Bigla siyang napabalikwas ng mapansing  nakabalot lamang ng kumot ang kanyang katawan at tanging pang-ibabang under wear lamang ang kanyang suot.                Bigla niyang nasapo ang kanyang ulo, sobrang sakit iyon. Pinakiramdaman ang buong sarili, ulo lamang niya talaga ang masakit bukod sa bahagyang p*******t ng katawan.  Marahil ay dahil ito sa kanyang paglalasing.  Pero may malaking tanong sa kanyang isip.  Si Gilbert. Hinanap ng mga mata niya si Gilbert.               Kanina pa nakatingin si Gilbert sa kanya, na noon ay nakaupo sa isang coach na nakapantulog pa, white shirt and a pajama.               “Gilbert!?” Alanganing sambit nito ng magtama ang mga mata nila ng binata.               “Don’t worry, nothing happens, I didn’t take advantage of your hopeless emotions last night.”               Nanlumo ang dalaga, hindi niya maipaliwanag kung bakit.  Humugot siya ng isang sobrang lalim na buntong hininga.               “It’s fine if you did, I had offered myself to you anyway,” may lungkot na wika ni Maricon saka niyakap ang mga tuhod at ipinatong ang baba sa mga ito.               “If you’re okay now, I will listen, go ahead, what happened yesterday?” Seryosong tanong ni Gilbert matapos siyang sulyapan.               Nagsimulang mamuo na naman ang mga luha sa mata ng dalaga. Pakiramdam niya ay magang-maga na ang kanyang mga mata sa kakaiyak simula kahapon. “Pinunit niya ang cheke, hindi daw niya ako ipinagbibili, hindi daw pera ang gusto niya, kundi ako mismo!” Tuluyan nang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.               Tumayo si Gilbert, humarap sa bintana at tiim bagang na itinuon ang tingin sa labas ng bintana.               “Bakit hindi mo itinuloy? Iyon lang ang tanging paraan upang kahit papaano ay masaktan ko siya. Ayokong mapasakanya ako ng buong buo at gusto kong pagsisihan niya ang pagpapakasal sa akin,” nagpupuyos pa rin ang emosyong wika ni Maricon, hilam na ng luha ang mga mata.               Hindi kumibo si Gilbert, nanatili ito sa kanyang kinatatayuan.  Ilang sandali pa ay bahagyang napaigtad ito ng mula sa kanyang likuran, payakap siyang nilapitan ni Maricon na tanging makapal na kumot lamang ang balot sa sarili.               “Tulungan mo ako Gilbert, natatakot ako sa kanya. Ayokong makasal sa kanya. Pero wala akong magagawa. Ayaw niyang tanggapin ang bayad ko! Gilbert ipinipilit ko ang sarili ko sa iyo ngayon at hindi ako lasing, maayos ang takbo ng isip ko at buo ang desisyon ko, huwag kang mag-alala, wala kang magiging pananagutan sa akin, just make me yours please, just once, iyon lang ang tanging paraan na alam kong makasasakit sa kanya. I really, really hate him!” Umiiyak paring pakiusap ni Maricon habang subsob ang mukha sa likurang ng binata.               Pumikit nang mariin si Gilbert at huminga ng malalim saka humarap sa umiiyak na dalaga. Hawak ang magkabilang balikat ni Maricon.  “Look, you are so distressed, you’re not even thinking of the consequences you're dealing with. What your discerning is not the best way to solve your problem. You’re simply setting yourself into the worst, instead,”  kalmadong wika ni Gilbert.               “Hindi mo kasi ako naiintindihan,” umiiyak na sabi ni Maricon. “Buong akala ko magiging maayos na ang lahat kapag may pambayad na ako sa kanya, pero nung makita kong walang halaga sa kanya ang inabot kong cheke at pinunit niya ito, pakiramdam ko ay muling gumuho ang mundo ko,” lalong lumakas ang paghagulgol ni Maricon at yumakap kay Gilbert at umiyak ng umiyak sa dibdib nito.               “Maricon, enough, why don’t you compose yourself.  What you’re doing now is not helping you,” pagpapatahan ni Gilbert sa dalaga habang alanganing hinahagod-hagod ang lantad na likod nito.               “Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko, the hopeless feelings, yung alam mong everything is settling down, pero hindi mo expect na what you’re doing pala is just wasting time.  Ang hirap, parang nakakasakal, parang ang hirap huminga,” bahagyang kumawala ito kay Gilbert at humarap habang patuloy sa pag-iyak.               “Fix yourself,” buntong hiningang sinabi ni Gilbert na may pagkamaotoridad. “The makeup artist is waiting for you downstairs.  Remember, it’s our wedding day today. I don’t want to see my bride is in a mess on our wedding day. I’ll just see you at the church,”  pagkasabing iyon ng binata ay lumabas na ito ng kuwarto.               Natigilan si Maricon, halos nakalimutan na niya, ngayon nga pala ang araw ng kasal nila ni Gilbert.               Naguluhan siya bigla.  Kulang na lang ay patayin niya sa iyak, sama ng loob at nilunod ng alak sa kalasingan ang sarili dahil lamang sa pakiramdam niyang naglahong bigla ang pag-asa upang matakasan ang pagpapakasal kay Don Guillermo.  Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang pisngi. Kung matutuloy parin ang kasal nila ni Gilbert, wala na tiyak magagawa pa si Don Guillermo.               Nakadama siya ng malaking pasasalamat kay Gilbert, lagi na lamang ito ang sumasalo sa kanya simula ng makilala niya ito. Kung kasama lamang niya ito ngayon ay nayakap na niya ito ng mahigpit at nahalikan upang maipadama ang sinserong pasasalamat niya dito.               Tila nagising siya sa malalim na pag-iisip nang kumatok si Martha sa silid na kinaroronan niya.               “Miss Connie, everybody’s waiting for you to make you ready for your wedding.”               “I’m sorry, I’ll have to fix myself and attend to them in less than an hour,” saka siya nagmadaling naligo at nakawhite bathrobe ng lumabas ng kuwarto ni Gilbert. Nadatnan niya ang dalawang babae at isang gay na naghihintay sa kanya sa sala, ganun din ang apat na lalaking may dalang mga gamit na video at pang-professional na camera, upang kuhaan ang dokumentasyon ng kanilang kasal.               Hindi na niya nakita si Gilbert sa bahay hanggang matapos siyang ayusan at makapagprepare ng kanilang pag-alis patungong simbahan.  Sa simbahan na sila nagkita ni Gilbert, habang naglalakad siya patungong altar nakita niyang nakatayo na doon si Gilbert hinihintay ang paglapit niya. Seryoso ang mukha ng kanyang magiging kabiyak, nakatitig lamang ito sa kanya.                Pakiramdam tuloy ni Maricon ngayong palapit siya kay Gilbert ay hiyang –hiya siya dahil sa ginawa niya kagabi at kaninang umaga. Napakatanga niya, masyado siyang nilamon ng matinding pag-aalala dahil sa enkuwentro nila ni Don Guillermo, maging ang mga pagpapatahan sa kanya ni Gilbert ay hindi niya pinakinggan, masyado siyang naging emosyonal. Inabot ni Gilbert ang kanyang kamay ng magkalapit na sila at inalalayan patungo sa naghihintay na pari.                Nagsimula ang seremonyas. Lahat ng entourage at sponsors ay wala siyang kakilala, tanging si Lito at Gilbert lamang ang kanyang kilala sa mga taong nasa pagdiriwang.  Matapos silang magpalitan ng Yes I do at magsuotan ng kanilang wedding ring ay inanunsiyo na ng pari ang you may now kiss the bride.  Medyo nailang siya ng gawaran siya ng halik ni Gilbert sa labi, kahit pa kagabi lang ay ginawa narin nila iyon ng mas malalim, mas matagal at mas mapusok.  Nangunguna at mas malakas ang palakpak ni Lito bago at matapos ang groom and bride’s first official kiss.  Feeling awkward naman si Maricon sa nangyayari.               Matapos ang mahigit isang oras, natapos din ang seremonyas ng kanilang kasal.  Ilang malalapit na kaibigan lamang ni Gilbert ang pinadalo nito sa reception maging sa simbahan kanina. Sadyang madalian at simple lamang ang ginanap na kasalan.               Sa reception, panay ang congratulations sa kanila ng mga nagsidalo.               “You know, you are very secretive when it comes to your love life,” puna ng isa sa malapit na kaibigan ni Gilbert habang kakuwentuhan niya ito ng lapitan nila ni Maricon sa kanilang table at ipakilala ang huli sa grupo ng mga businessmen.               “Yeah, I agree, he just sent me an invitation yesterday,” sang- ayon naman ng isa pa.               “Why the rush? Is your wife pregnant or what?” Biro pa ng isa na may kasamang kuryosidad.               “And to think we never knew and nobody told us that you were dating,” nakangiting komento rin ng isa pa.               “Well, getting married is like a business, when you feel that you found the prospect, you have to grab and never let it go,” nakangiting sagot naman ni Gilbert sa mga komento ng mga kausap.  Nakikingiti lamang naman si Maricon na nakatayo sa tabi ni Gilbert na nakahawak sa kanyang baywang.               “You got it right!” Halos sabay na sang-ayon ng ilan sa mga nagkomento sa sagot sa kanila ni Gilbert saka sabay-sabay na pinagdikit ang mga wine glass na hawak ng nag-alok ang isa ng toast.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD