“Hi, Ma? How have you been?” “Gilbert iho!” Nasorpresang wika ni Becky na noon ay nasa hardin, masayang sinalubong ang bagong dating na anak. “What a surprise! Hindi ka nagpasabing darating ka,” dugtong pa nito habang magkaakbay silang pumasok sa loob ng bahay, nadatnan nila doon ang kanyang amain, si Dante. Bumati at nag-akapan. “It’s a surprise! What brings you home? Mukha atang wala kang pinagkakabisihan ngayon?” Masayang komento ng amain. “Tito Dante, you know, you were right, a businessman sometimes needs to be relaxed.” “Ngayon ko lang ata narinig sa iyo ang ganyang bagay. May dahilan ba ang pag-uwi mo?” Nakangiting tanong ni Dante sa kanya. “Hay naku, kahit ano pa ang dahilan niya, ang maganda ay heto siya at naalala tayo,” nakangiting sabi ng kanyang mama. “Actually, It’s my

